Chapter 10

1450 Words
Wade Nakatulog talaga ako? Napaka-imposible sa akin ito. Ilang taon na ang lumipas mula nang maranasan kong matulog nang hindi umiinom ng pampatulog na tsaa, ni hindi ko na nga maalala. "Umupo ka na at inumin ito bago pa lumamig."wika niya. Tinapunan ko siya ng tingin bago ako umupo. Tinitignan kong mabuti ang tasa ng tsaa. Well, I guess, it's the usual tea. "Wala 'yang lason, safe iyan na inumin mo."wika niya. "I didn't say anything."sagot ko. "Kaya nga, nakakapanibago na hindi ka masalita ngayon." Umangat ang mga mata ko sa kanya. "Kung ikaw ang nasa lagay ko at pumunta ka dito para uminom ng tsaa pero ang bumungad sa iyo dalawang babaeng lasing, iyong isa nagbabanta tapos iyung isa umiiyak na kumakanta. Sa tingin mo may lakas pa akong magsalita lalo na't maghahating-gabi na." Tumikhim siya, "Sorry at salamat."saad niya. Kumunot ang noo ko, "And you mean?" Nakita kong nagtitimpi siya kaya tumaas ang isang kilay ko. Pansin ko sa babaeng ito, humihingi ng patawad at nagpapasalamat pero labas sa ilong. "Sorry sa kaguluhan dito at salamat sa pagtulong mo sa aking asikasuhin ang kaibigan ko."wika niya rin. Hindi ako umimik at bumalik na ang atensyon ko sa tsaa. Dinampot ko na ito at inamoy, mukhang ito nga dahil may parehong halimuyak sa ginagawang tsaa ni professor. Humakbang na siya paalis sa tabi ng mesa, binaba ko naman ulit ang tasa at muli akong nagsalita. "Umupo ka muna at may pag-uusapan tayo."wika ko. "Sorry na nga, hindi na kami iinom dito."baling niya. "Hindi iyan ang pag-uusapan natin."sabi ko naman. Nagtataka naman na siyang tumingin sa akin. "Upo."pag-uulit ko. Tumalima naman siya at umupo sa kabilang panig ng mesa. "Magkakaroon tayo ng kontrata sa paggawa mo ng tsaa ko gabi-gabi."pagsisimula ko. "Kontrata? Para san?"kunot-noo niyang tanong. "Para masigurado ko na gabi-gabi mo nga akong gagawan ng tsaa."sagot ko. Deretso naman niya akong tinignan. "Gabi ka ng gabi. Hindi mo kailangang problemahin iyan, nangako ako kay professor. Gagawin ko ang pinapagawa niya sa akin." Tumango ako sa sinagot niya pero winika ko rin, "Professor trusts you, but I don't. Malay ko ba kung bigla ka na lang aayaw at hindi na magpapakita rito." "Nakakawala talaga ng kalasingan ang pakikipag-usap sa iyo."saad niya. Bago pa ako makapag-bigay ng reaksyon, pinatong niya ang pareho niyang kamay sa mesa. "Mr. Fabro, naging estudyante ka ni professor, kilala mo siya, hindi siya iyong taong pumipili na lang ng kung sino-sino." Tinuro niya ang kanyang sarili, "Ako ang inatasan niya dahil may kumpiyansa siyang gagawin ko talaga ito." Muli akong tumango, "Sa ngayon, nasasabi mo iyan pero sa mga susunod na araw, hindi natin sigurado."saad ko. Kumunot ang noo niya. "Hindi mo alam ang pwedeng mangyari, posibleng magbago pa ang isip mo."pangangatwiran ko pa. Because I know in our ever-changing society, we don't know what will be the people's next thing to do. And that's the use of a contract to me, to make people still stay responsible for what they ought to do whatever circumstances come. "Kung talagang susundin mo ang inatas sa iyo ni professor, walang problema sa iyo na magkaroon tayo ng kontrata-" "O sige na-sige na, para matapos na 'to." "That's good, nakaka-intindi ka. Wala tayong magiging problema kung ganyan ka." Sumasama ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. "And even though we did not yet sign a contract, I'm telling you now that it's forbidden for you to say to anyone that you are serving my tea and most especially my condition." Tiyak naman na sinabi sa kanya ni professor ang kondisyon ko. Lalo na't nakakasiguro siyang kailangan ko ang tsaa. "Oo na po, mahal na hari." "At bawal din na gamitin mo sa akin ang po, bata pa ako."saad ko. Umirap siya, "Bawal din na irapan mo ako-" "Ang daming bawal naman sa iyo!" Tumayo ako at tinakpan ang bibig niya. "Magigising ang kaibigan mo."sita ko sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang kamay ko, "Inumin mo na iyang tsaa mo at umuwi ka na."nanggigigil niyang sabi tsaka siya tumayo at umalis sa harapan ko. Napa-iling na lang naman ako at umupo ulit. Ilang sandali lang ang lumipas, napatigil ako sa pag-inom ko sa tsaa ko nang marinig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo ni professor. She's taking a shower in the middle of the night even though I'm here? Dumaan sa utak ko ang imahe ng kanyang legs, mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Ayoko ng isipan dahil naaalala ko ang paghihirap ko nang gabing iyon. Tumikhim ako, at umayos ako ng upo. It doesn't bother me, anyway. Pinagpagtuloy ko pag-inom ko ng tsaa- Naibaba ko ang tasa at napahawak ako sa taenga ko, ang lakas sa pandinig ko ang tunog na nanggagaling sa bathroom. Linagok ko ang malamig kong tsaa at tumayo na ako. Dali-dali kong tinungo ang pintuan at lumabas mula dito pero napatigil din ako at lumingon. Bumalik ako sa loob, hindi ko na rinig ang tubig nang daanan ko ang banyo para magtungo sa likod ng clinic. Tsinek ko ang gate nang makita ko itong nakabukas, sinara ko na ito at kinandado ito. Tsaka ako bumalik sa loob at inilock ang pinto. Padaan na ako sa banyo nang lumabas siya. "Ay magnanakaw!" Nagitla ako sa malakas na tono ng kanyang boses. Bumaling naman ako sa kanya, awtomatikong tumaas-baba ang mga mata ko, may tuwalyang nakapulupot sa kanyang buhok at nakasuot lang siya ng roba na lampas hita. Mabilis kong itinaas ang mga mata ko. "Magnanakaw na naman. Mukha ba akong magnanakaw."inis kong sabi sa kanya. "Eh bakit ka kase sumusulpot. Saan ka ba nagpunta?"naiinis din niyang tanong. "Sa likod, isinara ko ang gate."galit kong sabi at linagpasan ko na siya. Pero napahinto ulit ako at napabuga. "Make sure to lock the front door."wika ko nang hindi siya linilingon tsaka ako tuluyang lumabas. Deretso akong naligo nang makarating ako sa condo ko. Nang itapat ko ang sarili ko sa shower, dumaan sa utak ko ang imahe naman niya ngayong nakasuot lang ng roba. "That woman is crazy. Alam niyang may lalake, paligo-ligo siya." Saglit akong natigil at nag-isip. "Wade nga naman, normal lang sa tao na maligo pagkatapos ng mahabang araw. See, naliligo ka rin ngayon." Napatango ako,"And besides, ano naman kung maligo siya na meron ako. Malamang, wala lang sa kanya iyon." Napahinto ulit ako. Wala lang sa kanya iyon? As in walang epekto ang presensya ko? Ginulo ko ang buhok ko at tinuloy ko ang paliligo ko. Ang akala ko'y matatapos na ang pambubulabog ng babaeng iyon sa utak ko pero nakahiga na ako at nakahandang matulog pero abala parin ako sa kaka-isip. Kapagkuwan, napabangon ako. "Ako din, wala ring epekto sa akin 'yon. I don't even fantasize it."tango-tango ko sa sarili ko. But her image....--- Bumaba ako mula sa kama at naglakad-lakad sa loob ng kwarto ko. Am I trying to fantasize about her? You're an asshole, Wade! You're already thirty-one years old, where's your manner? Where's your principle? Come on, this is not you at all! Humarap ako sliding door, tinuro ko ang repleksyon ko. You're a man with principles. Hihiga na ulit sana ako nang may mapagtanto ako. "Baka naman sinadya niyang maligo talaga na nandoon ako. Para akitin ako?" Muli akong nag-isip. At hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Napamulat ako nang ilang ulit na tumunog ang cellphone ko. Tumingin ako sa side table at napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko kapipikit ko pa lamang. Inabot ko ang cellphone ko para patayin ito nang makita kong si Akiro ang tumatawag. Bumangon ako na nagtataka. Alas-singko pa lang, ba't tumatawag ito? Sinagot ko ito. "What's with you calling early in the morning?" "Hell!"bulyaw niya sa akin. "Hell too! Wala pa akong tulog!" "Wade Maximilian! Hindi ako nakikipagbiro sa iyo." Kumunot ang noo ko sa taas ng tono ni Akiro. "Saan ka nagpunta kagabi?"galit niyang tanong. "Wala, dito lang ako sa condo ko."pagsisinungaling ko. "Mr. Fabro, if you're not going to be honest with me, it's already a breach of contract." Bumuga ako ng hangin. "I went somewhere else to get some air-" "And you mean that you went to an albularyo?" Nagtagpo ang mga kilay ko. "What? Anong albularyo?" "Tignan mo ang article na kumakalat ngayon sa social media. At pumunta ka dito sa office ngayon din."utos niya at pinatay ang tawag. Sa oras na nagiging bossy na si Akiro, tiyak na may masamang balita na naman ang kumakalat. Mabilis akong pumunta sa web at tinipa ang pangalan ko. Iba't-ibang headline ng mga article ang bumungad sa akin. Top Surgeon Wade Maximilian Fabro Seen Sneaking to Albularyo at Midnight--Professional Crisis? Ilang saglit lang nakita kong tumatawag na si Grandma. Napahilamos ako sa mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD