Chapter 9

1469 Words
Wade Pagkatapos kong maghilamos ng mukha, bumalik ako sa sofa. Tinignan ko ang kasama niyang babae na nakagapos na ang kamay habang inihahanda na niya ang tsaa ko. Hindi ito ang klaseng gabi na gugustuhin ko para lang makainom ng pampatulog na tsaa. But what I can do? Siya ang inirekomenda sa akin ni professor. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon. Umiling ako. I'm out of my mind. Baliw ang babaeng ito, baka ;ason pa ang ipa-inom sa akin imbes na tsaa. Dinukot ko ang cellphone ko sa blazer ko at mabilis kong hinanap ang number ni professor- "Kahit ilang ulit ka pang tumawag kay professor, hindi mo siya makokontak. Walang signal sa bundok. Ilang ulit ko pa bang ipapa-intindi sa iyo." I put down my phone frustratingly. "And besides, nandito ka dahil kailangan mo talaga ng tsaa ko."wika niya. Bumuga ako, "Pwede ba itigil mo iyang kakasabi mo ng tsaa mo."walang pasensya kong sagot. Hindi ko pa nga naiwawaksi sa utak ko ang sinabi kanina ng baliw na babaeng ito. "Alam mo ikaw, magsabi ka nga, may sira ba ulo mo?"tanong niya. Natawa ako sa hangin. "Ako pa ba ngayon ang nasisiraan ng ulo? Ikaw nga itong basta na lang iginapos ang mga kamay ng kaibigan mo habang prente kang gumagawa dito na parang wala lang." "Eh anong gusto mo? Hawakan ang mukha mo, halik-halikan ka. Tsaka, nag-eenjoy siya diyan." Nanlaki ang mga mata ko sinaad niya. Tumingin ako sa babae at ngumiti siya sa akin. This is a damn hell nightmare! May engkanto ba dito? Na-engkanto na ba ako? Mabilis akong napatayo nang tumayo ang kaibigan niya. "Hoy, tumayo siya."ninenerbyos kong sabi. "Lyka, sit. You behave." Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Gumalaw ulit ang kaibigan niya kaya mabilis akong naglakad patungo kay Hazel. "Pakalmahin mo iyang aso mo-" Masamang tingin ang pinukol niya sa akin, "I mean, iyang kaibigan mo." "Lyka."tawag niya, umupo naman ang kaibigan niya. Parang aso nga-nakatingin na siya sa akin, nagdikit naman ang labi ko. Nanatili na lang ako sa tabi niya at pinanood siya habang ginagawa ang tsaa. Ilang beses ko ng sinubukan na gawin ang tsaang iyan pero hindi ko nagawa at sumakit lang ang tiyan ko. Kung sana alam ko, hindi na sana ako gabi-gabing pumupunta dito. "Malayo bahay niyo dito?"tanong niya. Umangat ang tingin ko sa kanya. Ba't niyang tinatanong? "Hoy."untag niya. "Malapit lang."sagot ko. "Ilang minuto bago ka makarating dun?"tanong niya ulit. "10 minutes' drive away."sagot ko. Tumango siya at nagpatuloy na. Tahimik ko naman sinusundan ang kanyang ginagawa, dahil baka masunod ko na ngayon ang tamang hakbang, ang bilis din kasi gumawa ni professor. Kung nagkataon, pwede kong matutunan unti-unti sa babaeng ito. Sa una, nasa mga kamay niya ang mga mata ko pero kalaunan tumaas ang paningin ko sa mukha niya. Nakatunghay ako sa pitik ng kanyang pilik-mata. Gumalaw ang mga mata ko pababa sa namumula niyang pisngi. And her lips..... I heaved a sigh when she pressed her lips. I gulped. Can't deny it, this woman is indeed...breathtakingly beautiful. May bumuong hangin sa lalamunan ko nang umangat ang kanyang tingin sa akin. I stared at her. And what disturbed me is that whenever our eyes met, it made me steady. Just looking at her makes me- "Where do broken hearts go!" Kumilos ang mga mata niya at bumaling sa kaibigan niyang bigla na lang kumanta. "Can they find their way home." Lumingon na ako sa kaibigan at umawang ang bibig ko dahil sa hitsura nito, kumakanta na nagpupumiglas sa nakataling kamay nito. Habang lumapit na si Hazel dito. "Back to the open arms of a love that's waiting there." Nasapo ko ang noo ko nang makisamang bumirit si Hazel sa kaibigan niya, "And if somebody loves you-" Nahintakutan ako nang umiiyak na ang kaibigan niya, yinakap naman ito ni Hazel. "He doesn't love me anymore."iyak pa ng kaibigan niya, mukhang pinapatahan naman niya ito. The hell, what's going on? Tuluyang natanga ako nang bigla na naman silang kumanta habang umiiyak. Tumingin ako sa tsaa ko, "Hazel, my tea-" Napahawak ako sa taenga ko dahil lumakas ang hagulgol ng kaibigan niya habang bumibirit parin. Hinarap niya ang kaibigan niya at pinunasan ang mga luha nito. Umikot ang mga mata ko sa clinic, masisira ang ulo ko sa lugar na ito. "Hazel, brew my tea first. I want to leave this hell-" "Tea ka ng tea, kita mo na nga na may umiiyak dito-" "And that's not my problem-" "Wala ka bang puso?" Really, she's saying that to me? "Hindi ka ba nag-aral? May edukasyon sa pagpapakatao naman sa elementarya, values education sa highschool, kahit nga sa college-" "Alright-alright, 'pag tumigil ang kaibigan mong iyan, ihahanda mo na ang tsaa ko dahil gusto ko ng maging tahimik ang gabi ko."sabi ko, hindi ito sumagot at inirapan ako. Muli niyang pinatahan ang kanyang kaibigan. Sumandal ako sa gilid habang pinapanood ko siya. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi parin tumitigil ang kaibigan niya. Kakanta tapos iiyak, naririndi na talaga ang taenga ko- Bumuga ako ng hangin at lumapit na ako sa kanilang dalawa. "That's not the way you should calm down a person."saad ko at pinadistansiya ko siya sa kaibigan niya. Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan niya, "It's okay, just cry. Let it out. I'm here, your friend is here, nothing to worry about." I tapped her hands. "Kung kailangan mong umiyak, o kumanta, gawin mo kung iyan ang magpapa-gaan ng loob mo." Tumingin sa akin ang kaibigan niya. Mabilis kong tinanggal ang nakatali sa kamay nito nang mapansin ko ng medyo kumalma na ito. Pina-upo ko ito, hinila ko ang tissue box at kumuha dito tsaka ko binigay dito. Umupo narin ako sa kabilang upuan. Suminghot ito, "Ito na iyong fantasy ko, eto na, nasa panaginip ko na si Wade Maximilian Fabro." Muling nanubig ang mga mata nito, "Pero bakit hanggang sa panaginip ko, ang sakit dito? Ramdam kong nadudurog ang puso ko." Tumingin sa akin ito, "Mas gwapo ka Daddy Wade." Tinignan ako ni Hazel. The hell, ba't ganito tawag sa akin. F*ck? Ano ito? Parang sugar daddy, ganun ba? Mukha ba akong sugar daddy sa paningin ng publiko? Whatever the case, I need to call Akiro, I don't want to be called on that way. "Wala siya sa kalingkingan mo." Bumalik ang atensyon ko dito ng magsalita ito. "Pero siya talaga mahal ko Daddy Wade., sorry."at muli siyang umiyak. Aalma na sana ako nang pigilan ako ni Hazel. "Pero hindi niya ako mahal." Tumingin ako kay Hazel. "She's broken-hearted?" tanong ko at turo ko sa kaibigan niya, "Nakipaghiwalay ba-" "Niloko niya ako." Bumaling ako sa kaibigan niya. Naging alerto ako ng tumayo ulit ito. "Daddy Wade, ayoko ng magising pa. I'll just stay here with you." "Alright, okay, calm down."wika ko. "Babalik na ako sa iyo, ikaw na ulit ang love ko." Hinila nito si Hazel, "Love ka rin nitong friend ko, daddy. Dito narin siya sa panaginip ko, malungkot din buhay niya sa labas eh." "O sige-sige, halika na, matulog na tayo."wika ni Hazel at inalalayan na niya ang kaibigan niya. "Tulog na ako frenny." "Oo nga, pero lipat tayo dun sa kwarto, para mas maganda panaginip mo." Humagikgik ito, "Kung sa kwarto, hindi ka pwedeng manatili dito sa panaginip ko, dalawa lang dapat kami ni Daddy Wade—" Napaatras ako ng paluin na ni Hazel ang kaibigan niya. "Aray ko!" "Aray mo? Ha? Kaibigan kita pero inuubos mo narin pasensya ko sa iyo." "Sakit na nga puso ko, sasaktan mo pa ako." Dinaluhan ko silang dalawa nang itulak na ito ni Hazel patungo sa kwarto. "Tse! Pasok sa kwarto at matulog dun." Nakapasok sila sa kwarto na may pisikalan. Napa-iling na lang ako. Gusto ko na lang ding umuwi at matulog, parang mas napagod ako dito kesa sa hospital kanina. "Pasensya ka na sa kaibigan ko."saad niya nang lumabas din ito mula sa kwarto. Tinignan ko siya. I think her friend made her sobered up. Sa ekspresyon niya ngayon, mukhang wala ng epekto ang alak sa kanya. Dumeretso ulit siya sa working table ni professor at muling hinanda ang tsaa ko. Umupo na lang din muna ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos. Kapagkuwan, idinantay ko ang kamay ko sa arm rest at pinanood ko siya. Naipikit ko ang mga mata ko ng maamoy ko na ang tsaa. "Wade." Naimulat ko ang mga mata ko. "Heto na ang tsaa mo."saad niya habang ipinapatong niya ang tasa sa mesa. Tumayo naman ako at lumapit dito. Nagtaka ako ng mapansin kong wala na ang mga bote at plato sa mesa. Kumunot ang noo ko, "Ikaw ba naglinis dito?" "Oo."sagot niya. Lumingon ako sa sofa tsaka ko rin binaling ang atensyon ko sa mesa. "Did I fall asleep?" I asked cautiously. "I think so, hindi mo napansin eh." Impossible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD