Chapter 8

1290 Words
Wade I was dumbfounded as soon as I entered the herbal clinic of my professor. Amoy na amoy ko ang alak. Unang dumapo ang mga mata ko sa babaeng kapalit ng professor ko, mapula na ang mukha niya, at tiyak akong natamaan na ng alak. Sunod kong tinignan ang kasama niya ring babae na hawak-hawak siya, and she’s messed up. They’re both messed up. Lumipat ang mga mata ko sa lamesa. Nag-isang linya ang labi ko nang makita ko ang mga bote ng alak at....ano ‘yung pulang nasa plato nila? Iyon ba iyong pulutan nila?... Napahawak ako sa sentido ko, everything is messy here. “Akala ko hindi ka na pupunta dito.”wika ng babae. “I don’t have any reason not to come here,” I replied monotonously. Tumango siya, “Upo ka muna diyan, ihahanda ko na.”wika niya at sabay hila ng kamay nila mula sa kasama niya. “Bilisan mo.”sabi ko at uupo na sana ako nang mapansin ko ang sama ng tingin niya sa akin. Tumaas ang kilay ko. “What?” “Wala po, sige lang po, upo po kayo diyan.” Nahawakan ko ang taenga ko dahil naririndi ako sa paulit-ulit niyang po. Obviously, she’s trying to annoy me. But woman, hindi mo ako matatalo sa ganya. Ngumiti ako sa kanya, “Ineng, gawan mo na ako ng tsaa, kung ayaw mong tawagan ko si professor.” Nakita ko ang pagngitngit ng ngipin niya habang sinasambit niya ang ineng. Pero ngumiti rin siya sa akin. “Tawagan mo kung kaya mo, o kaya naman hanapin mo na lang siya sa tuktok ng mga bundok.”tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, “Pwede kang maging Tarzan-“ Nagtiim-bagang ako sa tinuran niya, tumayo na ako at linapitan siya. “You think I can’t do it, hindi ko man mahanap kaagad si professor, pero makikita ko rin siya kalaunan. At kapag nagawa ko iyon, sa tingin mo makakapasok ka pa kaya dito ng malaya?” I know for sure that she’s also in need like me. Nandito siya, ang ibig sabihin, tinanggap niya ang kondisyon ni professor. At hindi ko man alam ang pinanggagalingan ng inis sa akin ng babaeng ito, alam kong labag sa kanyang kalooban ang pinapagawa sa kanya ni professor. Gayunpaman, alam kong kailangan niya ang herbal clinic na ito. Kaya natitiyak akong tinanggap niya ang susi ng clinic na ito na handang tanggapin rin ang paggawa ng tsaa ko. I smirked, this only means that this woman cannot win this argument. “At kapag nalaman ni professor ang lahat ng ito.”turo ko sa mesa Tinulak niya ang plato pagilid. “Ngayon lang naman.”nakangiwi niyang saad. “Oh bakit wala ng po.” Natawa siya sa hangin. “Nasa thirties na kayo, ang isip-bata niyong makipagsagutan. Bully ba kayo?” Inuubos na talaga ng babaeng ito ang pasensya ko. “Thirty-one ako, early thirties-“ “Thirty-one o thirty nine, pareho lang iyon, matandang hukluban na kayo.” Tinuro ko ang mukha ko, “Itong mukhang ito-“ “Wade Maximilian Fabro?” Bumaba ang tingin ko sa kasama niyang babaeng na naka-upo, “Oh my gosh! I’m in my fantasy dream!” I was in awe when she knelt on the wooden chair and pinched my cheeks right away. “Dream kong mahawakan ang mukha niya, grabe ang kinis talaga, ang bata-bata ng balat.” Mabilis ko itong tinulak, “See, narinig mo siya, batang-bata ang mukha ko-“ Muling pinisil ng baliw na babae ang mukha ko. At nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may pulang kulay ang mga daliri nito. “Ba’t ganyan ang kamay niya?”nahihintakutan kong tanong. Tinuro niya ang plato. “What’s that?” “Umm…adidas.” Nangunot ang noo ko. “Adidas?” “Paa ng manok-“ “Hell! F*ck! s**t!” Pwersahan ko ng tinutulak ang kasama niyang babae. Oh s**t! This is not happening! Damn hell! Hinawakan nito ang mukha ko gamit ang pulang-pula nitong kamay- Nasindak ako nang ilapit ng kasama niyang babae ang mukha nito sa akin, mabuti na lang at mabilis kong nailayo ang mukha ko. Nameywang ako, “This is crazy, brew my tea this instant.”nawawalang pasensya kong saad. “Masusunod po.”sagot niya. Nagulat ako ng hilain niya ako at ipahawak ako sa baliw niyang kasama. “What are you doing?”ninenerbyos kong tanong. “Hindi ko magagawa ang tsaa mo kung hawak-hawak ako ng kaibigan ko.” “You’re crazy. How can I stop this crazy woman?” Pilit kong itinutulak palayo ang babaeng kasama niya. “Yeah-yeah, crazy-crazy, pareho kaming crazy, basta hawakan mo siya.”wika niya at lalayo na sana siya pero pinigilan ko siya gamit ang isang kamay ko. Ano na ulit pangalan ng babaeng ito? Pilit kong hinalughog ang utak ko. H...... “Hazel.”nasambit ko sa wakas. Natigil siya at tinignan ako. “She reeks alcohol and her hands are…bloody.”nahihirapan kong saad. I might lose my consciousness here. “Wala akong pakialam kung gaano katagal mo gawin ang tsaa ko, ilayo mo lang ako sa kaibigan mo.”wika ko na. Bumuga siya ng hangin. Naglakad siya papunta sa kabinet at may kinuha siya mula sa loob nito. Nang bumalik siya, nakita ko ang hawak niyang panali. “Aanhin mo iyan?”maingat kong tanong. “Itatali sa kamay niya.”simpleng sagot niya. “What?”hindi makapaniwalang tanong ko. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sa kaibigan niya at kinuha ang mga kamay nito para itali na. Mabilis ko siyang pinigilan, “That’s violating human rights.” Bumuga siya, at amoy ko ang alak. “Violating human rights? Hilong-hilo na ako, gusto ko ng matulog kaya tumigil ka sa mga sinasabi mo.” Itutuloy na sana niyang itali ang mga kamay ng kaibigan pero hinarangan ko ulit. “Alam mo ako na bahala dito, dun ka na, gumawa ka na ng tsaa ko-“ “Oh mommy, you’re tying me, I like it.” “Yes, baby, I’ll tie you.” Napahawak ako sa batok ko at umatras. Tutunguhin ko na sana ang pinto nang tawagin niya ako. “San ka pupunta?”tanong niya “I’ll go home-“ Napalunok ako ng lumapit siya sa akin pagkatapos niyang maitali ang mga kamay ng kaibigan niya. “Uuwi ka pagkatapos mong bulabugin ang aming gabi. Gusto mo yatang bulabugin ko ang araw-araw mong buhay.” Napatango ako. “Kung hindi ako aalis, baka magkatotoo nga ang sinabi mo.”bubuksan ko na sana ang pinto nang malakas niyang ipininid ang kamay niya sa likod nito. “No-no. Kailangan kong sundin ang kondisyon ni professor.” Umiling ako, “No need, alam ko namang ayaw mo akong nakikita, ayaw mong gawan ako ng tsaa.”wika ko. Baka mas lalo akong hindi makatulog nito. Baliw ang babaeng ito. “At sinong nagsabi sa iyo niyan? Gustong-gusto yata kitang makita araw-araw, gabi-gabi.”saad niya at mas lalo siyang lumapit sa akin. What the hell is this? “Mister Wade Maximilian Fabro, I’ll brew your tea and let you sleep soundly every night.” She said softly. I gulped, still staring at her. “And what if I decline?” Umatras ako, “I mean, I decline your offer. I'll hire someone else to brew my tea. Iyong hindi baliw-" I was bewildered when she pulled my necktie. “Ang tsaa ko ang titikman mo mula ngayon at wala ng iba.” Mas humigpit ang hawak niya sa necktie ko. “Kung gusto mong makalabas dito ng buhay, pumayag ka.” This drunk woman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD