Chapter 7

1363 Words
Hazel Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dinding ng herbal clinic ni professor, mukhang hindi narin naman pupunta ang lalakeng 'yon dito. Tinapos ko na ang ginagawa ko dahil tiyak na hindi ko na ito magagawa pagdating ni Lyka. "Frenny!"matinis na tawag sa akin ni Lyka mula sa labas. Tinungo ko naman ang pintuan at binuksan ito. "Nakahanda na ang lamesa."nakangisi kong bungad. Dali-dali namang pumasok ang kaibigan ko. Ipinatong niya ang bitbit niya sa mesa at nagtanong kaagad, "Ano na naman ang ginawa ng ate mo?" "Humiram siya ng pera sa iba pang mga banko."sagot ko na parang wala lang at tinulungan ko siyang ilabas ang mga binili niya mula sa grocery bag. Nagulat ako nang malakas na ipinatong ni Lyka ang bote ng beer sa mesa. "Ano?" Sabi na, kahit gaano kagaan pa ang pagpapa-alam ko sa kanya, magagalit at magagalit talaga siya. "Huwag mong sabihin na inaasahan ka na naman niyang bayaran ang mga hiniram niyang pera?"nangangalaiti niyang tanong habang binubuksan niya ang beer. "Hindi naman sa ganun, mareremata ang bahay pati narin ang parmasya kung hindi mababayaran ang banko-" Galit na tumingin sa akin si Lyka, "Iyon na nga, kinokonsensya ka niya!" Lumapit ako sa mesa at umupo. "Nagagalit ako, lalo na ang ginagawa niya kay mommy pero anong magagawa ng galit ko? Narito na kami sa ganitong sitwasyon-" "Hoy Hazel, naging tanga ka na ba talaga o sadyang tanga ka?" Bumuga ako at dinampot ko ang bote ng beer, "Wala akong magagawa. Hindi pwedeng mawala ang bahay at parmasya sa amin."saad ko. Mas lalong masisira ang ulo ng ate ko 'pag nangyari iyon. At doble-dobleng sakit ang maidudulot nito kay mommy. "Saan ka kukuha ng pera?" Tinungga ko ang bote ng beer at lumagok, "Hindi ko alam."sagot ko kapagkuwan. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha. Ang ipon ko sa banko ang maibabayad ko lang pero sa napakarami naming utang, hindi iyon kakasya, isang banko pa nga lang, kulang na kulang na. Matagal niya akong tinignan. Tsaka siya umupong bumubuntong-hininga. "Alam mo Hazel, hindi mo pa ba talaga naiisip na ang ate at mommy mo ang nagpapalubog ng pamilya niyo. Ang ate mo puro utang tapos pepwersahin kang magbayad, tapos mommy mo, sa sugal naman, mga halaman mo naman kinukuha niya." Hindi ako naka-imik. "Sa tingin mo hindi ko alam. Pareho 'yang ate at mommy mo-" "Lyka, mali ang ginagawa ni ate pero alam kong nape-pressure rin siya sa parmasya, at si mommy naman, iyon na lang ang kasiyahan niya." Kahit noong mga bata pa kame, si ate ang inaasahan ni daddy na magpapatakbo sa parmasya, nakita ko kung gaano katinding pressure ang nararamdaman noon ni Ate. Alam ko kung gaano niya kagusto na mapatunayan na kaya niya pero isang taon pa lang nang makapagtapos si Ate, namatay si daddy. Gayunpaman, ginawa parin ni Ate ang lahat para hawakan ang parmasya namin. Pero unti-unting nalugi ito, nabawasan ang mga empleyado namin hanggang sa walang natira. Habang si mommy, ayaw na niyang lumabas sa bahay, mabuti na lang at may mga kaibigan siya na nag-udyok sa kanya na magliwaliw din. "Sa kaka-intindi mo sa kanilang dalawa, ikaw ang nahihirapan. Eh kung ako sayo, kahit kapatid at nanay ko pa sila, hinding-hindi ko sila iintindihin at kukunsintihin." "Lyka." "Totoo naman, kaibigan na kita mula elementarya at nakita ko kung paano ka nila tratuhin. Ate mo, sigaw at pananakit ang nakukuha mo mula sa kanya, mommy mo puro paawa sa iyo pero ni minsan hindi ka naman niya binigyan ng atensyon, kung hihingi lang sa iyo ng pabor. At ang daddy mo-" Hindi na pinagpatuloy ito ni Lyka at bumuga siya ng hangin. At hindi na siya umimik, tuloy-tuloy na lang ang pagtungga niya sa bote ng beer. Uminom na lang rin ako at iwinaksi ko ang problema ko sa utak ko. Nagulat ako nang makita kong walang ingay na tumutulo ang luha ni Lyka. Tumayo ako at inabot ang mukha niya "Anong nangyayari sa iyo?"gulat ko paring tanong. "Bwisit."palis niya sa mga luha niya, "Hindi ko ma-take iyang ginagawa sa iyo ng ate at mommy mo. Ano bang nangyayari sa mga buhay natin?" Kumuha ako ng tissue. "Ano ka ba? Bakit ka umiiyak? Ayos lang ako, no." Umupo na ako sa tabi niya at ako na mismo ang nagpunas sa mukha niya. Tinignan ko siya, "Hindi kaya nag-away na naman kayo ng boyfriend mo?" Tumango-tango siya, "May babae siya." "Ano?! Paano?!" Ikinuwento ni Lyka kung paano niya ito nalaman habang umiiyak parin siya. "Nasaan ang lalakeng iyon?!"nanggigigil kong tanong. Umiling siya. "Asan nga!" Umiling ulit siya, "Kumpara sa problema mo ngayon, wala lang iyong nararanasan ko ngayon." Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Anong ginawa mo sa kanya?" "Wala-" "Wala!?" Nameywang ako dahil hindi ako makapaniwala na wala man lang siyang ginawa sa lalakeng iyon. "Naging tanga ka na o talagang tanga ka? Nang nalaman mo sana, sinugod mo sana siya kaagad-" "Paano ko iyon gagawin, kasama niya ang babae niya-" Mas kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "Edi mas may dahilan ka na sugurin silang dalawa. Jusko Lyka! Sino ang babaeng iyon?" "Hindi ko alam, hindi ko nakita mukha niya." "Ano? Dapat kase, sinugod mo, sinampal po, sinabunutan mo. Sinapok mo sana iyong tarantadong lalakeng iyon."kuyom ang kamay ko sa sobrang pangangalaiti ko. "Tulad mo, hindi ko magawang masaktan dahil mahal ko iyon, pinapahalagahan ko." Nanggigigil ang mga ngipin ko, "Mahal mo pero hayun nga siya at may babae." "Hindi ko alam, ayoko muna siyang makita at maka-usap. Tumatawag siya pero ayoko muna siyang harapin."umiiyak paring saad niya. "Tsaka kumpara sa akin, mas mabigat ang problema mo."lumagok na ulit siya ng beer pinigilan ko naman siya dahil nakaka-ilang bukas na siya ng beer. "Lyka-" Ibinaba niya ang hawak na naman niya ngayong bote, "Totoo naman, masakit talaga, durog na durog ako,pero ito, ang ending naman maghihiwalay kami. Pero ikaw? Hanggang kailan na ganyan ang buhay mo? Kailan ka makakawala sa kanila?" "Hiwalay na kayo."pagtatama ko sabay punas ko sa mga luha niya. "At sila Ate at mommy, pamilya ko sila, anuman ang mangyari, anumang pagkakamali ang gawin nila, kapatid ko at nanay ko parin sila. Kaya tumahan ka na" Tumango siya pero muling nanlabo ang mga mata niya. "Huwag mong susubukan na makipag-balikan sa gagong iyon." "Eh bakit ikaw, kahit ganyan ang ginagawa ng ate mo sayo, hindi mo parin siya matiis." "Sa tingin mo parehas ang kapatid ko at boyfriend mo. Kung makikipag-balikan ka sa kanya, sa tingin mo hindi na niya uulitin? Lyka, mas lalong mambababae iyon!" "At ang ate mo, kung ikaw ang magbabayad ng mga utang niya, sa tingin mo hindi na siya uutang. Mommy mo, lubog na lubog na kayo sa utang, walang tigil parin siya sa sugal." Magsasalita pa sana ako nang ibigay niya sa akin ang isa pang bote ng beer. "Alam mo, Lyka, sinasabi ko sa iyo-" Pinasak niya sa bibig ko ang paa ng manok. "Masarap hindi ba? Kahit ang mga problema natin, walang masasabi kundi hayaan tayong uminom ngayong gabi." Bumuntong-hininga ako pero ngumiti ako sa kanya at tumango. Nang lumalim na ang gabi, tuluyang naparami na ang inom namin. "Ang akala ko, iba siya. May tiwala ako sa kanya eh. Nangako siya na hindi niya ako sasaktan pero bakit?" Hinapalos ko ang likod niya at tinapik ito. "Wala naman akong ginawang mali. At masaya naman siya kapag magkasama kami kaya bakit?"humihikbing wika niya. Pinunasan ko ang mga luha niya, may tumutusok sa dibdib ko sa nangyayari ngayon sa kaibigan ko. Alam ko kung paano siya magmahal, todo bigay kaya alam kong matinding sakit ang balik nito sa kanya. Nasa gitna ako ng pagpapatahan kay Lyka nang may kumatok sa pinto. "Wait lang ha."wika ko at tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Lyka. "Wag mo akong iiwan." "Hindi kita iiwan, titignan ko lang iyong tao sa labas." Ilang ulit na kumatok ang tao sa labas pero mahigpit ang pagkakahawak ni Lyka sa damit ko. Umiling siya, "Wag."at muli siyang umiyak. "Lyka-" hinila-hila niya ang damit ko, kahit ako nahihilo na rin ako sa ginagawa niya. "Kanina pa ako kumakatok." Nagulat ako nang mabosesan ko ang nagsalita. Mabilis akong lumingon sa pinto. "Wade."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD