Chapter 6

1166 Words
Hazel Kinuha ko muna ang halaman ni mommy bago ako umuwi sa bahay. Pagpasok ko sa pamamahay namin, nagulantang ako sa nadatnan ko sa loob. May mga marka ng banko ang lahat ng mga gamit namin sa salas. "Ngayon ka lang umuwi?" Lumipat ang nga mata ko sa hagdan. Ibinaba ko ang halaman kong bitbit nang makita ko si Ate. "Nadisgrasya ako sa bundok-" "Bundok na naman, puro halaman na lang ang iniisip mo. Paano ang pharmacy ko? Paano itong bahay ko?" Tinignan ko si Ate dahil sa lantaran niyang pag-aangkin sa ari-arian namin. Gayunpaman, mas pinili kong alamin kung bakit nagkaganito ang bahay namin. "Ano bang nangyari?-" Binato sa akin ni Ate ang hawak niyang mga envelope. Naiinis man ako, isa-isa ko na lang pinulot ang mga ito. "If we will not pay all those debts, they will take this house and even my pharmacy." Tinignan ko ang isang envelope at tsinek ang nakasaad ditong utang namin- "Bakit ganito parin kalaki ang utang natin sa bankong ito? Kababayad lang natin ito noong isang buwan. At ano ang mga ito."tukoy ko sa iba pang mga envelope. Masama kong tinignan si Ate. "Umutang ka na naman ba?!" "Pinagtataasan mo ako ng boses!?" Bumaba si Ate at humarap ako. "Hindi mo alam kung gaanong stress ang nakukuha ko sa pamamahala sa parmasya." Napahilamos ako, "Iyon na nga, diba sinabi ko na sa iyo na lumulubog na 'yan pero mapilit ka. O kita mo, dami mo ng nautang dahil diyan. Kung isinara mo na lang sana muna-" Sinampal ako ng pagkalakas-lakas ni Ate. "Itinayong parmasya ni Daddy 'yon. Mahalaga sa akin 'yon bilang anak ni Daddy." Itinaas ko ang hawak kong mga envelope. "At iyang pilit mong paghawak diyan sa parmasyang iyan ang nagdulot ng pagkalubog natin. Na pati itong bahay natin, mareremata." "Bahay ko ito. Akin lang ito, mana ko ito kasama na ang parmasya." Pagak akong tumawa. "O sige, isaksak mo sa baga mo."saad ko inihagis ko sa mukha niya. Mabilis akong inatake ni Ate. Kaagad ko rin naman siyang sinabunutan. "Anong nangyayari dito!?" Pareho kaming natigil nang marinig namin ang boses ni mommy. Itinulak ko si Ate at gumilid ako. "Ganito na nga ang nangyayari sa atin. Nagagawa niyo pang mag-away." Sumalampak si mommy sa sahig. "Ano bang ginawa ko sa buhay at kailangang mangyari sa akin ito." Umiling-iling si Ate at basta na lang niya linagpasan si mommy. Tumayo si mommy at hinabol si Ate. Bumuga ako ng hangin at sinundan ko si mommy palabas sa bahay namin. "Zarina, saan ka pupunta! Makinig ka sa akin!" Nang maabutan ni mommy si Ate, kaagad niya itong hinawakan at umiiyak siyang kina-kausap si Ate. Pero mabilis niyang hinila ang kamay niya at itinulak si mommy. Dumausdos si mommy sa lupa. "Ate!!"sigaw ko at dinaluhan ko si mommy. "Zach, honey, kunin mo na ako. Ayoko na, pagod na ako." Nanikip ang dibdib ko nang makita ko si mommy walang tigil ang iyak. "Mommy."hawak ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin. "Nak, ayoko na. Hindi ko na kaya ang nangyayari sa atin pati narin ang ate mo."umiiyak paring saad ni mommy. Yinakap ko si mommy at sinubukan ko siyang patahanin. At kahit ako, hindi ko narin alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at medyo kumalma narin si mommy, nagawa ko siyang papasukin ulit sa bahay. Pina-upo ko si mommy sa sofa tsaka ako kumuha ng maiinom niyang tubig. Inabot ko kay mommy ang baso pagbalik ko sa salas namin. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang kumalma si mommy pero tulala siyang nakatingin sa salas namin. Anumang pilit ko ring pagaanin ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawa. Nakakapanlumong tignan ang loob ng pamamahay namin ngayon. Hindi ko alam paano kami makakapag-bayad. Muli kong tinignan si mommy, malalim ang kanyang iniisip. Hinawakan ko ang kamay niya, bumaling siya sa akin pero malungkot siyang ngumiti. "Mommy, inuwi ko na pala iyong sinasabi niyong halaman."pag-iiba ko para mawaglit saglit ang kaisipan ngayon ni mommy. Tumayo ako at binuhat ang pasong inuwi ko. Ipinatong ko ito sa mini table namin. "Ito 'yung halaman na ipinapahanap ko sa iyo?Talagang nakakuha ka sa professor mo?"tanong ni mommy. "Oo mommy, dalawang halaman lang ang meron kay professor pero binigay na niya sa akin ang isa."sagot ko. Ilang araw ko ring kinulit si professor bago niya ako tinawagan na ibibigay niya sa akin. Mabuti na lang at nakuha ko. "Anak, sigurado ka, mahal daw ito eh." Ngumiti ako kay mommy at tumango sa kanya. Tuluyang nagliwanag ang mukha ni mommy. "Anak, ito 'yung hinihingi ng amiga ko. Kung ireregalo ko sa kanya ito, baka pahiramin niya tayo ng pera."natutuwang saad ni mommy. Tumayo si mommy at dali-dali niyang kinuha ang bag niya, at binuhat ang paso. "Mommy, lalabas ka pa? Hapon na." "Nak, ibigay ko na ito sa amiga ko." Tumayo na rin ako. "Ipagpabukas niyo na. Baka maabala niyo pa ang kaibigan niyo."wika ko. "Naku nak, hindi, matutuwa 'yon. Matagal na niyang binabanggit sa akin ito. Matutulog narin ako dun siguro kung wala akong masasakyan pabalik." Nag-aalala man ako, hinayaan ko na lang si mommy kesa manatili siya dito habang nakikita ang estado ng bahay namin ngayon. "Anak, magluto ka na lang ng makakain mo diyan. Lock mo mga pinto." "Opo mommy, mag-ingat po kayo." Nagpakawala ako ng malalim na hininga habang tinatanaw ko si mommy palabas ng bahay hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Linibot ng paningin ko ang buong kabahayan namin. Papamhik na sana ako sa kwarto ko nang maalala ko ang bilin sa akin ni professor. Hindi pwedeng mawala sa pamamahala ko ang herbal clinic, kailangan ko ito lalo na ngayon. Hindi man ako sigurado kung pupunta iyong lalakeng iyon sa clinic, kailangan na nandoon parin ako. Naligo muna ako at kumuha ng isang pares na damit bago ako pumunta sa botanical garden ni professor. Nang marating ko ang garden at makapasok ako sa loob ng herbal clinic, kaagad akong nagsimulang gumawa ng mga iba't-ibang klaseng herbal tea at mga herbal pouches. Isa-isa kong kinuhanan ito ng mga litrato at bidyo tsaka ko inilagay ito sa online shop ko. Abala ako sa paggawa pa ng iba nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at sinagot ang tawag. "Frenny, asan ka?"masiglang bungad ng kaibigan ko. "Ah sorry, busy siya-" "Frenny, malungkot ako."nagda-drama naman ang kaibigan ko. "Malungkot din ako. Mabigat ang problema ko." "Iyong utang niyo na naman ba sa banko o iyang ate mong demonyita?" Bumuntong-hininga ko. "Both." "I-shot natin iyan frenny." "Hindi pwede, wala akong panahon-" "Bili na ako, sakto pa padaan na ako sa nagbebenta ng adidas." Lumunok ako nang ma-imagine ko ang beer at chicken feet. "O sige- Ay wait lang!"pigil ko rin nang maalala kong baka pupunta rito si Wade. "Bumibili na ako, Frenny." "Nandito ako sa garden ni professor." "Ba't nandiyan ka?" "Mahabang kwento." "O, nandiyan ba si professor?" "Wala."sagot ko. "Goods, punta na ako diyan.". Hindi na ako naka-alma ng patayin na ni Lyka ang tawag. Ay bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD