Chapter 5

1678 Words
Hazel Kulimlim parin ang mukha ko nang marating namin ang kubo ni professor. “Professor.”tawag ko nang magkasunod kaming pumasok sa loob. Nagtaka ako nang mapansin ko ang mga nakahanay na kahon sa gilid, may mga laman itong mga halaman. At nangunot ang noo ko nang makita ko rin ang mga bagahe. Sa hindi malamang dahilan, pareho kaming napatingin sa isa’t-isa. “O nandiyan na kayo.”labas ni professor mula sa kanyang kwarto. “Ano ang lahat ng ito?”seryosong tanong niya. “Pupunta ako ng sa headquarter ng Green'Horizon Guardians, may inilunsad silang Metro Green Project at kasali ako dun.”paliwanag ni professor. “Talaga po?”manghang tanong ko. Ang MetroGreen Guardians ay grupo ng mga espesyalita na kumakampanya para sa pangangalaga ng kalikasan. “Kaya kayo pumunta sa bundok kahit umuulan para dito.”saad ko nang maintindihan ko na ang ginawa ni professor. “Professor, iiwan niyo ako.” “Pfft-“ Sinamaan niya ako ng tingin. “Professor, isama niyo nga siya sa Mt. Alps.”natatawa kong sabi. “Lumabas ka na nga,”iritadong utos niya sa akin. “Oy, excuse me, pinapunta rin ako ni professor dito.” “Itigil niyo na iyan at may mahalaga akong sasabihin sa inyo.” Binelatan ko siya bago ako sumunod kay professor. Iritable naman niya akong tinignan. Umupo ako ng maayos sa harap ng mesa. “Mukhang mag-kaibigan na kayo-“ “Nge, hindi no professor.” “No way.” “Magka-ibigan?” “Jusko, maawa ka sa akin professor.” “Baliw na ako ‘pag nangyari iyan professor.” Tumingin ako sa kanya, “What?”masungit niyang sikmat. Tsk. Iniharap ko rin ang mukha ko. At unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita kong hawak ni professor ang susi ng garden niya. “Sa ngiti mong iyan, mukhang alam mo na ang sasabihin ko.”wika ni professor. Umiling ako, pero malawak na ang ngiti ko nang makita kong hawak ni professor ang susi ng garden, at alam kong kumikinang narin ang mga mata ko. Kung ipapangalaga sa akin ni professor, magkakaroon ako ng pagkakataon ng magtanim ng sarili kong mga halaman. Makakabenta ako, at makaka-ipon para sa pambayad sa utang naming sa banko. Magkadaop ang mga palad ko ng ibaba ni professor ang susi. “Tatlong taon ang nasabing panahon para sa proyekto ng grupo.” “Professor-“pag-aalma ng katabi ko pero muling nagsalita si professor. “Makinig ka sa akin Wade.” Bumuga siya ng hangin at tumingin sa gilid. “Katulad ng iniisip mo Hazel, ikaw ang mamamahala sa garden ko at itong clinic ko.”wika ni professor. "Ibig sabihin, prof., pwede kong gamitin at ibenta ang lahat ng magagawa kong produkto dito?" "O siyempre, sayo ang pagbebetahan mo, basta alagaan mo ang garden ko para may stock parin at hindi nauubos." Tumango ako at ngumiti kay professor. Ibinukas ko ang palad ko para tanggapin ang susi. “Pero.” Napatigil ako. “Pero?”tanong ko kay professor. “Kasama ito sa ipapagawa ko sa iyo,”may pinatong si professor na mga herbal pouch sa mesa. Bumalik ang tingin ni Wade sa harap. “Professor.”pag-aalma ulit niya. “Wade, kaya ni Hazel na gumawa ng herbal tea na kailangan mo. Sa lahat ng naging estudyante ko, siya ang nakakakuha ng perpektong timpla nito.” Naguguluhan naman ako sa palitan ng salita ng dalawa. “Professor, anong tinutukoy niyo?” “Moonlight tea.”baling sa akin ni professor. Sa pagkaka-alala ko, ito ‘yong ginawang herbal tea ni professor para sa taong may extreme insomnia. Ang totoo’y hindi ito ipinakilala ni professor dahil may mga advance medication na para dito. Kaya nagiging practicum na lang ito ng mga estudyante niya. At isa ako sa mga natuto na gumawa nito. Tumingin ako kay Wade, ang surgeon na ito, may extreme insomnia? At kung meron man, bakit niya ito idinadaan sa herbal tea? “Ikaw na ang magbibigay sa kanya ng herbal tea.”wika ni professor na nagpabalik sa aking presensya. “I will not allow that, professor.”wika ni Wade na kaagad naman akong sumang-ayon. Natutunan ko nga na gawin ito pero lagi akong pumapalpak. Ang moonlight tea ang natatanging herbal tea na hindi ko talaga maperkpektong gawin. “Ako rin, professor.”hindi ko iyan magagawa- Inurong kaagad ni professor ang susi. “Wait lang, professor, teka lang,”kaagad kong sabi. Hindi pwedeng mawala sa akin ang pagkakataong ito. Tumingin ako kay Wade. “No, hindi ka aalis professor. Magkano ang ibabayad nila sa iyo, dodoblehin ko. Titriplehin ko pa nga.” “Wade, collaboration ito ng gobyerno at grupo namin kaya kailangan kong sumunod.” Tumayo si Wade at umalis na hindi nagpapa-alam kay professor. “Babalik din siya, hindi siya makakatulog ng hindi nakaka-inom nito.” “Pero prof., alam mo namang ako ang pinakapalpak na gumawa nito.” “Kaya nga ikaw ang pinili ko.” Kumunot ang noo ko. “Ilang taon ng iniinom ni Wade ang moonlight tea, ano sa tingin mo ang epekto na nito ngayon?”tanong sa akin ni professor. Malalim akong nag-isip tsaka ako sumagot, “Kung ilang taon na niyang iniinom ito, malamang familiar na ito sa sistema niya, at mataas na tolerance niya dito.” Tumingin ako kay professor. “If this is the case then moonlight tea is already ineffective in his body.” “That’s right. But psychologically, umeepekto pa ito kay Wade dahil iyon ang iniisip niya.” Napatango ako sa paliwanag ni professor. “And he needs to stop drinking it the soonest.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni professor. “Alam ito ni Wade, sinabi ko na sa kanya ang maaaring magiging epekto nito sa kanya. Hindi lang tolerance ang makukuha ng isang tao sa pag-iinom niya ng matagal ng isang herbal tea kundi pwedeng maging toxin na rin ito sa katawan niya.” Tinignan ako ni professor. “Kaya bago pa mangyari ito kay Wade, kailangan na niyang itigil ito.” “Professor.”naa-alarama kong sambit. “Bakit kayo aalis kung alam niyong mangyayari ito sa kanya?” “Ilang buwan ko ng sinusubukan pero hindi ko magawa. Siguro hindi talaga ako ang makakagawa kundi ikaw.” “Po?”naguguluhan kong tanong. “Kung mapapatigil mo siyang uminom ng moonlight tea, ibibigay ko sa iyo ang herbal clinic ko. Sa akin ang botanical garden, sa iyo ang herbal clinic." Nanlalaki ang mga mata ko nang sabihin ito sa akin ni professor. "Hindi nga, prof."hindi makapaniwalang saad ko. "Sa iyo nga, ikaw ang estudyanteng pipiliin kong mamana sa herbal clinic ko." Nanunubig ang mga mata ko kay professor. "Pero patunayan mo sa akin ang galing mo sa pamamagitan ni Wade." Ito na ang pinapangarap ko. Pero iyong lalakeng iyon? Araw-araw kong makikita mukha niya. At sa ugali niyang iyon, imposible ang ipinapagawa sa akin ni professor. “Ano? Payag ka?” “Ganito na lang professor, tatanggapin ko itong susi at gagawin ko ang moonlight tea para sa kanya pero hindi siya pupunta dito, hindi ko na iyon kasalanan.”saad ko. Basta ako, magmumukha na lang ako na tatanggapin ko. Ngumiti sa akin si professor. “Kailangan ko ng pumunta sa airport, mahuhuli ako sa flight.”wika ni professor kaya tinulungan ko na siyang ilabas ang mga gamit niya. Habang inilalabas namin ang mga kahon, may tinawagan siya sa kanyang cellhone. “Ihatid mo ako.”utos ni professor sa taong kausap niya sa cellphone niya. Nagpatuloy lang naman ako sa ginagawa ko. Kumulimlim ang mukha ko ng matanaw ko ang sasakyan na sinakyan ko kanina. Pumarada ito sa harap. Tsss.. bumalik pa. Masungit niya akong tinignan nang lumapit siya, inirapan ko naman siya. Pareho kaming walang imik habang inilalagay naming sa sasakyan ang mga gamit ni professor. “Sasama ka pa sa airport?”tanong niya nang matapos namin. “Professor, oh, tignan mo siya.”sumbong ko kay professor. “Wade, itigil mo na yan, mahuhuli ako sa flight ko.”wika ni professor at pumasok na siya sa backseat. Binelatan ko siya at papasok na sana ako sa backseat nang magsalita pa siya. “Sa front seat ka, hindi mo ako driver.”magaspang niyang saad at pumasok na siya sa driver seat. Inamba ko naman ang kamay ko sa direksyon niya bago ako pumasok sa loob. “Prof., ano pala iyong bago niyong proyekto?”tanong ko habang binabagtas naming ang daan papunta sa airport. “Pupunta kami sa mga urban cities at ikakampanya ang pagtatanim ng mga puno at halaman.” “Wow.”namamangha kong sambit. Nagpatuloy ang pagkukuwento ni Professor. At habang nakikinig ako, dumaan ang mga mata ko kay Wade. Siya ang susi ng aking pangarap- Ipinilig ko ang ulo ko sa pumasok sa isipan ko. If I’m going to choose between my dream and my peace. I will choose my peace, of course. “Mag-iingat ka prof.,”wika ko nang ihatid namin sa loob ng airport si professor. “Kayo din, mag-iingat kayo. Baka pagbalik ko may anak na kayo.” “Prof! Matakot ka! Ewww.” Natatawa naman si professor. “O siya, sige na.” Yumakap muna ako kay professor bago ako muling nagpaalam sa kanya. “Hindi kita ihahatid.”wika ni Wade nang makalabas kami. “At buong puso akong nagpapasalamat kung gagawin mo nga iyan.”sagot ko naman sa kanya at nauna na akong tumalikod. “That woman!” Narinig ko pa siyang nagmura, natatawa naman akong humayo. Nasa gilid na ako ng daan at nag-aabang ng taxi nang matanaw ko sasakyan niya parito sa direksyon ko. Ibinaling ko ang ulo ko sa gilid at inilayo sa kanya ang atensyon ko. “Oh my god!”naisigaw ko nang tumalsik sa akin ang naipon na tubig sa gilid ng daan. “Wade!”nanggigigil kong sigaw nang humahagibis na dumaan ang sasakyan niya sa harapan ko. “Mapapatay talaga kita!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD