Prologue

1432 Words
Hazel Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakabukas pa ang ilaw ng botanical garden ng dati kong professor sa pinasukan kong unibersidad noon. Dahil sa malakas na ulan, ginabi na akong nakarating dito. Binuksan ko ang gate at patakbo akong tumuloy sa loob nito dahil bumubuhos parin ang malakas na ulan. Dineretso ko ang bahay-kubo at kumatok sa pinto nito. “Professor!”tawag ko. Naka-ilang ulit ako ng tawag pero hindi parin sumasagot si Professor. Napagpasyahan ko na lang na pumasok sa loob, baka hindi niya lang ako marinig dahil sa malakas na ulan. “Professor.”muli kong tawag. Nagtungo na ako sa likod bahay. Mabilis akong naglakad palapit nang makita kong nakabukas ang bakod sa likod. Tinanaw ko ang bundok sa kalayuan. Nakaramdam ako kaagad ng pag-alala dahil mukhang umakyat na naman si professor sa bundok at hindi pa nakakabalik ito. Maglalakad na sana ako palabas sa bakod nang marinig ko ang tunog ng pagbukas gate. Mukhang nagkamali ako, sinara ko na lang ang gate sa likod at bumalik sa loob ng bahay, deretso sa pintuan. “Professor, ang akala ko umakyat na naman kayo sa bundok.”wika ko sabay bukas ko ng pinto. Natigil ako, sunod ng pagkatakot dahil hindi si professor ang nasa harap ko ngayon kundi isang lalakeng naka-cap at nakasuot ng itim na mask. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Mabilis ko namang sinara ang pinto, nanginginig ang mga kamay ko habang inila-lock ito. “Hey! I’m a customer here!”singhal niya habang pilit na itinutulak ang pinto. Sa lakas niya, tuluyan niyang naitulak pa-bukas ang pinto. Tumingin ako sa gilid ko at nang makita ko ang halaman na may tinik-tinik, mabilis ko itong binunot mula sa paso tsaka ko pinaghahampas ito sa lalake. “Hoy! Hoy! Tumigil ka! Sino ka ba!?” “Apo ako ng may-ari dito kaya lumayas ka! Magnanakaw! Tulong! ”natataranta kong sigaw mas lalo ko pang linakasan ang pagpalo ko ng halaman sa kanya. “What? Magnanakaw? Hindi ba sinabi sa iyo ni professor kung sino ako ha? Nasaan ba siya?!” Mas nasindak ako dahil alam pa ng lalakeng ito si professor. “At talagang kinilala mo pa talaga ang pagnanakawan mo, hindi ka na naawa-“ Tumingin siya sa paligid. “Professor! Sino ba itong baliw na babaeng ito!?” “Apo nga niya ako!” “Hoy Miss! Walang asawa’t anak si professor, lalong-lalo na, wala siyang apo!” Natigil ako at napatakip ako ng bibig, “Jusko! Talagang background check ang ginawa mo. Hindi ka lang magnanakaw, stalker ka! Killer ka!”natatakot ko ng sigaw. Buong lakas kong pinalo ng pa-ulit-ulit sa kanya ang halaman. “Tang*na! Baliw na babae ka!” Sinalo niya ang halaman sabay tanggal niya sa cap niya at suot niyang mask. “There! You see me now!” Gamit ang isang kamay niya, inayos niya ang kanyang buhok. Mapanuri ko naman siyang tinignan. At tuluyang naagaw ng pansin ko ang mga kilay niyang matatag at may natural na simetrya. Malalim ang mga mata niya, may karisma. May tamang laki at angkop na hugis ang ilong niya, bumabalanse ito sa kanyang mukha, at bahagyang mapula din ang labi niya. Tiyak akong marami siyang nahahatak na babae dahil sa kanyang mapang-akit na mukha. “Satisfied?”naka-ismid niyang tanong. Ngumuso ako, “Sa tingin mo magagamit mo sa akin niyang gwapo mong mukha! Eh kita naman na mas matanda ka kaysa sa akin! Tanda!”nagpupuyos kong sigaw. “Tanda?! I’m only thirty-one years old, Miss!” Mas matanda nga. “Twenty-five lang po ako! Labas na nga kayo sa kalendaryo!" Tumingin siya sa gilid sabay hawak sa batok niya, na para bang nawawalan na siya ng pasensya. Gamit naman ang isang kamay ko, dinukot ko ang cellphone ko. Lumukob ang matinding takot sa akin nang ilagay niya ang kamay niya sa loob ng jacket niya. Diyos ko! Babarilin na niya ako! Papatayin na niya ako! Mabilis kong tinipa ang emergency hotline. Nanlaki ang mga mata ko ng hinablot niya ang cellphone ko. Naiiyak akong tumingin sa kanya. “Nagmamakaawa po ako sa inyo, huwag niyo po akong sasaktan-“ “Miss, hindi ako masamang tao. Kilala ko si Professor Lim.”wika niya at pinakita niya sa akin ang cellphone niya, bumungad naman sa paningin ko ang larawan niya kasama si professor. “Hindi ito edited, miss. Hayan ang picture namin oh, nakasabit sa dinding.” Tumingin ako sa tinuro niya, hindi ako naka-imik nang makita ko nga ang larawan nila. Nakagat ko ang labi ko, nakakahiya! Mukhang close pa yata sila ni professor, baka hindi na ako papuntahin dito. “I’m his former student. And instead of you, I should be the one suspecting you.” Bumalik ang mga mata ko sa kanya. “Who are you?”tanong niya. “Dati rin pong estudyante ni professor.”mahina kong sagot. “Do you have a proof?” Umiling ako sa tanong niya. Hindi makapaniwala ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Pero former student din niya po talaga ako. At tsaka, pinag-isipan ko lang kayo ng masama dahil sa hitsura niyo. Eh nakasuot po kayo ng cap, naka-mask, tapos naka-jacket, talagang nagmumukha po kayong masamang tao.” Pagak itong tumawa, naitikom ko naman ang bibig ko. “You’re unbelievable!” Bumuka ang bibig ko, “Kayo din po, sino pong mag-aakala na dati din po kayong estudyante ni professor.” “At sumasagot ka parin talaga.” Napangiwi ako, “Sorry po.”hinging paumanhin ko kaagad. Napa-iling siya. Bumaba ang tingin niya, sumunod naman ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko kaagad ang hawak kong halaman.’ “Dumudugo po ang kamay niyo.”natataranta kong saad. “Sino sa tingin mo ang may kasalanan?”maanghang na tanong niya. Hahawakan ko sana pero iniwas niya ito. Sinundan ko siya ng magtungo siya sa banyo. Tinapat niya ang kanyang kamay sa sink. “Nasaan na ba iyong matandang iyon?”tanong niya na ikinatagpo ng mga kilay ko. Tahimik ko siyang pinapanood habang abala na siya sa pag-iikot sa bahay-kubo, mukhang tinatawagan niya rin si professor. Muling naagaw ng pansin ko ang dumudugo niyang kamay dulot ng mga tinik sa halaman kanina. “Gamutin niyo po muna ang kamay niyo-“ “I know, kaya nga hinahanap ko ang first-aid kit.” Umikot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay-kubo. “Naghahanap po kayo dito sa loob ng herbal clinic?”natatangang tanong ko. Narinig ko ang pagmura niya. Bumuntong-hininga ako, nagtungo ako sa likod-bahay. At kahit umuulan, kumuha ako ng mga herbal plant para sa kanyang sugat. Nang pumasok ako sa loob, abala parin niyang tinatawagan si professor. “Kahit anong gawin niyo po, hinidi niyo makokontak si professor.”lapit ko sa kanya. “Upo po.” “Kinunutan niya ako ng noo. “Nasaan ba siya?”tanong niya. “Nasa bundok .” “Sa ganitong panahon?” Bumuntong-hininga ako. “Iyon na nga po. Pupuntahan ko siya pagkatapos kong gamutin ang sugat niyo.” Kinuha ko ang kamay niya at pina-upo siya sa sofa. “Diyan lang kayo, mabilis lang ito.” Lumapit ako sa mahabang mesa kung saan inilalagay ni professor ang mga kagamitan niya. Inilagay ko ang mga kinuha kong dahon sa mortar at pestle at sinimulan kong dikdikin ito. Saglit akong napahinto nang maramdaman kong lumapit siya sa akin. “Anong oras umalis si professor?”tanong niya. “Hindi ko po alam. Dumating ako dito, wala na siya. Pero ang bundok lang ang naiisip kong pupuntahan niya.”sagot ko. Kinuha niya ang cellphone niya at muli niyang tinawagan si professor. Tumango siya, “Out of coverage ang cellphone niya, malamang nasa bundok nga siya. At sa lakas ng ulan, siguradong hindi niya susubukin na bumaba.” Pero nababahala ako dahil baka sa lakas ng ulan, may nangyaring masama sa kanya sa bundok. “Akin na po ang kamay niyo.”wika ko nang madurog ko na ang dahon. Inilapit naman niya sa akin. Hinawakan ko ito at inilagay na ang nadurog na dahon tsaka ko binalot ito ng tela. “You can go home now.”pagtataboy niya sa akin. “Hindi niyo po ba narinig ang sinabi ko kanina, pupuntahan ko si professor sa bundok at baka may nangyari ng masama sa kanya.” “Ako na ang hahanap sa kanya, umalis ka na dito.” Kumunot ang noo ko habang tinitignan niya. Tsaka ko tinignan ang picture sa dinding. Hindi kaya pineke niya lahat ng ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD