Kabanata 7

2229 Words
“DIYAN mo na lang ako ibaba sa kanto. Maglalakad na lang ako papasok,” nahihiya kong request sa kaniya ngunit ipinagpatuloy niya lang ang mabagal niyang pagmamaneho. “Malalim na ‘yong gabi, itigil mo lang doon para makauwi ka na rin. Salamat ulit.” Hindi siya kumibo. Pinanatili niya ang kaniyang paningin sa harapan kaya naman malaya akong pagmasdan at panoorin siya. Kanina, sa kabila ng sama ng loob ko sa kaniya ay nakuha kong kumalma. ‘Yong takot ko kanina, para bang nagtago noong makita ko siya. I felt safe, para bang sa gitna ng dilim ay nakatagpo ako ng liwanag. Kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit niya ako hinintay nang ganoong katagal. I did not expect him to wait for me for four hours. I thought, noong iwan ko siya sa labas ay umalis siya, akala ko ay aalis siya. But he didn’t, he never left. Nagtangka na naman akong itanong sa kaniya iyon ngunit sumasara ang aking bibig at napipipi ang aking dila, tila naduduwag. “Ganitong oras ka lagi umuuwi? It’s very late,” aniya. Lumiko ang aking isip at napatanong sa sarili kung ako ba ‘yong kinakausap niya. Hindi kasi siya lumingon sa akin at seryosong seryoso pa rin siya sa pagmamaneho. Kaya naman hindi ako kumibo at pinakiramdam na lang ang sitwasyon namin. I realized na masyado na akong nagiging komportable sa loob nitong mamahaling sasakyan niya. Ito ang unang beses kong makasakay rito. I stared at him again. Magulo pa rin ang kaniyang buhok ngunit hindi naman ‘yon kabawasan sa kakisigan niya. His eyes are glistening. Ang kaunting liwanag sa daan ay tumatama roon kaya’t tila kumikinang ang mga iyon. From my view, I can tell that he has a perfect nose, masarap panggigilan. From all his facial features, what I like the most is the shape of his lips; it’s very attractive. “You’re distracting me, Trishia,” muling salita niya na ikinabigla ko. This time ay nilingon na niya ako. “Don’t stare at me like that.” “H-ha?” I was stunned. Mabilis akong umiling at nagbaba ng tingin. “I’m not staring at you. Tinitingnan ko lang ‘yong dinadaanan natin . . . kasi baka lumagpas ka. D-diyan lang sa kanto, sa apartment.” Patago akong ngumiwi nang taasan niya ako ng kilay. Kanina niya pa ba ako nahahalata? O sadyang halata talaga na tinititigan ko siya? Nakagat ko ang loob ng aking labi nang dagsain ako ng hiya. Baka kung ano ang isipin niya. Kinalas ko ang aking seatbelt nang itigil niya ang sasakyan. I thanked him again. Wala siguro siyang idea kung paano niya ako natulungan ngayon. At ang pagpapasalamat ko ay hindi sasapat para masuklian iyon. “Apartment lang ang tinutuluyan mo?” tanong niya. Ramdam ko ang pagtataka sa tinig niya. Matagal bago ako nakasagot. Ano bang inaasahan niya? Napapaisip tuloy ako. Alam niya kaya na pagkatapos ko siyang iwan, triple ang naging hirap ng buhay ko? Syempre, hindi. Pero mas mabuti nang ang alam niya ay nagpakasarap ako sa pera at sa iba’t ibang lalaki kaysa malaman niya ang lahat-lahat ng hirap na pinagdaanan ko. “Malapit kasi ‘tong apartment sa RFH, pati na rin sa nightclub,” sagot ko. Nanumbalik ang dismaya sa kaniyang mga mata, para bang bigla na namang siyang nainis nang banggitin ko ang pinagtatrabahuhan ko. Ang totoo niyan, hindi ko maamin sa kaniya na tama siya, nababastos ang pagkatao ko at hindi dapat ako nagtatrabaho roon. “About earlier . . .” Pinutol niya ang sasabihin niya at mahinang nagmura. Inis niyang hinawi ang kaniyang buhok at yumuko. Kasunod no’n ang pagbuntonghininga niya. “Get rest. We will talk tomorrow.” I didn’t complain anymore. Bumaba na ako ng kaniyang sasakyan at bago ako pumasok sa gate ng apartment ay hinintay ko pa muna siyang makaalis. Nang tuluyang mawala ang kotse niya sa paningin ko ay kusang bumalik ang pagod sa balikat ko. Bigla-bigla ay parang nalumbay ako. Pinakiramdaman ko ang pintig ng puso ko. Nandito pa rin. Nakatago pa rin ‘yong damdamin kong hindi ko alam kung masasabi ko pa sa kaniya. Napailing-iling na lang ako. Tinabihan ko si Migo sa pagtulog at yumakap sa kaniya. Sa bigat ng aking katawan ay mabilis akong kinain ng antok. Pagmulat ko na lang ay umaga na. “Naku, ang makulit na bata, nakahanap na agad ng kalaro sa labas,” biro ni Saren nang maabutan ko siyang naghahanda ng almusal. Kumalam ang tiyan ko nang maamoy ko ang niluto niyang pansit at ang ginagawa niyang tuna sandwich. Nang alukin niya ako ay hindi na ako nahiya pang dumulog. “May occasion ba today?” usisa ko. Nag-isip pa muna siya. “Hmm wala naman. Nasintahan ko lang magluto. Alam mo na, ganitong trabaho ang papasukin ko abroad. Need mag-practice. Magbaon ka kaya?” Bigla kong naalala ‘yong lunch box kahapon ni Joross. Nakakahiya naman kung ibabalik ko ‘yon sa kaniya nang walang laman. Masarap naman ‘tong pansit, at sa pagkakatanda ko ay paborito niya ang tuna sandwich. Tumayo ako upang kunin sa kusina ang malinis ng lunch box. Pinanood ako ni Saren kung paano ko iyon punuin ng pansit. Napapansin kong napapangiti siya sa ginagawa ko. “So, hindi mo ikukwento sa akin ‘yong kagabi, Trishia?” aniya. Nagkaroon ng katanungan sa aking isip. “Anong kagabi?” “Siya ‘yon, ‘di ba? Hinatid ka kagabi ng hubby mo? Sayang! Hindi siya bumaba ng kotse, hindi ko tuloy nakita!” Para siyang kinukuryente. “My gosh! Kotse pa lang, mukha na talagang bigatin at yayamanin! Sigurado ka bang iniwan mo ‘yon? Baka nga tama ang hinala ko, mahina sa bed at maliit ang . . .” “Stop it,” natatawa kong putol sa dapat na sasabihin niya. “Hindi gano’n ‘yon.” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “So . . . so sinasabi malakas siya? Sinasabi mong jumbo?” “Tumigil ka! Matagal na ‘yon!” Humagalpak siya ng tawa at pumalakpak pa. “Aha! Matagal na, hindi mo na tanda ‘yong performance at size niya?” “Tama na,” pagsuko ko. “Ito naman!” himutok niya. Kung haharap yata ako ngayon sa salamin ay makikita ko ang sarili ko na nagkukulay pula. Palibhasa, naikwento ko na ang halos lahat sa kaniya kaya naman nakukuha na niya akong batuhin ng kahit anong biro. At dahil naikwento na rin niya sa akin ang talambuhay at mga karanasan niya ay komportable na rin ako. Inilagay ko sa paper bag na itim ang lunch box. Kumuha na rin ako ng bread at maingat ‘yong nilagyan ng tuna spread. I don’t know kung paano ko ito iaabot sa kaniya, pero may dahilan naman ako. Sukli ko ‘to sa lunch kahapon at sa paghatid niya sa akin. I am just hoping na maganda ang gising niya ngayon para hindi siya galit. Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Migo. Napasimangot ako nang makita kong pawisan na agad siya. Pagagalitan ko sana, pero naunahan ako ng paglalambing niya. Humalik siya sa akin at yumakap pagkatapos ay nilapitan ang Tita Saren niya para magpasubo ng pansit sabay takbo ulit palabas. “Luluwas nga pala ulit ako today, may naiwan pa kasi akong papel. Nakaka-stress talaga kapag pabalik-balik,” pahayag ni Saren. “Nandiyan naman si Viviana. Hindi naman ‘yan aalis kaya may magbabantay sa bata. Uuwi naman agad ako.” Um-oo na lang ako. Ayos lang naman ‘yon. Nasabihan ko na rin naman si Migo na hindi palaging may titingin sa kaniya kaya’t hindi dapat siya maging pasaway. Nakikisuyo lang kami. Bago ako umalis ng bahay ay may iniwan akong pera kay Viviana. Isang buwan kong inipon iyon upang ipanghulog kay Mr. Lamirez, isa sa mga tusong negosyanteng pinagkakautangan ni Papa. Hindi kami puwedeng pumalya sa kaniya, ayaw kong maulit ‘yong nangyari last time. Pagkarating ko sa office namin ay naabutan kong abala na ang karamihan sa kanilang mga trabaho. I checked the time. Maaga pa naman pero mukhang ang dami-dami na agad nilang ginagawa. Then Melon informed me, nasa opisina na raw ang boss namin. Kinabahan bigla ako kaya’t dali-dali na akong nagtungo sa office. Nang tumapat ako sa nakasaradong pinto ay ilang malalalim na hininga muna ang pinakawalan ko. I knocked twice before I slowly opened the door. “You can try the carbonara, Mr. Benavides. It’s special because I was the one who cooked it. Sabi kasi ni Dad, ipagluto kita.” Bahagya akong natigilan nang makitang may kausap siya. Ngunit binalot ako ng inggit nang makilalang si Ma’am Tanya ang nasa harapan niya, may dala ring breakfast para sa kaniya. Binalak kong lumabas muna saglit ngunit nadaplisan niya na ako ng tingin. I immediately avoided his eyes. Ngunit alam kong nilingon ako ni Ma’am Tanya kaya’t humigpit ang kapit ko sa handle ng bitbit kong paper bag. “You can leave now, Ms. Arguela. Thanks for this,” rinig kong sabi ni Joross. Kusa akong gumilid upang magbigay ng daan. She thanked Joross, at bago siya makalagpas sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay at pinaramdam na napakalaki ng kaibahan naming dalawa. Siguro, nilalait-lait na niya ako ngayon sa isip niya. Nasira ang loob ko nang kami na lang ni Joross ang naiwan. Bigla na lang akong nawalan ng ideya kung ano ang aking gagawin kaya naman imbes na iaabot sa kaniya ang dala ko ay idineretso ko na lang sa table ko. Pansit ‘tong dala ko, carbonara ‘yon. Mas pipiliin niya ‘yon. “Make me a coffee, Trishia.” Hindi pa ako nakakaupo nang magsalita siya. Napatingin ako sa kaniya. Natigilan ako sapagkat nakatingin din pala siya sa akin. I gave him a nod. “Coffee.” Agad akong kumilos upang gawin ang inuutos niya. Nagtungo ako sa mini kitchen nitong office niya at sinikap kong kuhanin ang tamang timpla. From what I remember, he preferred black coffee. Dahan-dahan kong inilapag sa kaniyang desk ang tasa ng itinimpla kong kape. Habang abala siya sa kaniyang laptop ay inilapit niya sa akin ‘yong dala ni Ma’am Tanya para sa kaniya. “And throw this away,” aniya. Bigla akong naguluhan. “H-hindi mo kakainin?” He tsked. Parang nainis siya. “Do you think I can eat it?” “E-ewan ko . . .” Nakita ko ang ngisi niya. Hinuli niya ang aking paningin at mayabang na sumandal sa kaniyang swivel chair. “Hindi mo ba alam, hindi ako kumakain niyan?” Siguro ay nababasa niya ngayon sa mukha ko ang aking pagkabalisa. Sa tono niya, para niyang sinasabi na wala akong alam tungkol sa kaniya. Sa loob-loob ko ay napahiya ako. Hindi ko kasi talaga alam na hindi siya kumakain no’n. “Pero sayang naman kung itatapon —” “Si Damon, paborito ‘yan,” putol niya sa akin. “Alam na alam mong paborito niya ‘yan.” Nawalan ako ng imik dahil nagkaroon ng bara sa aking lalamunan. He’s still looking at me, and I cannot look straight into his eyes anymore. Bakit natatakot akong sabihin sa kaniya na, oo, alam kong paborito ‘yon ng pinsan niya? I breathed out. “M-may dala akong pansit. Baka ‘yon, gusto mo? How about tuna sandwich?” Nagsalubong ang mga kilay niya. Siya naman ngayon ang naubusan ng salita. With my remaining confidence, nilapitan kong muli ang desk ko upang kunin ang bitbit ko kaninang paper bag, iyon din ang pinaglagyan kahapon ng lunch box niya. Feeling ko, anytime ay magpapakita na naman siya ng hindi magandang attitude. Pinanood niya akong ilabas ang dala ko. Ako na mismo ang nag-ayos no’n. He then saw his lunch box, may lamang mainit na pansit, at nasa ibabaw no’n ang ginawa kong sandwich para sa kaniya. Aalukin ko sana ulit siya nang may narinig kaming katok. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Seryoso ito noong una ngunit nang madaanan ako ng tingin ay nakita kong ngumisi ito kay Joross. “What the f uck are you doing here?” bungad sa kaniya ni Joross. “Kaya pala hindi ka nagpapakita sa amin. Akala ko, nagdadahilan ka lang, busy ka nga talaga,” sarkastikong wika ng lalaki pagkatapos ay makahulugang humarap sa akin at ngumiti. “Hi, Mrs. Benavides. It’s nice to meet you again. Still remember me? I’m Rouge.” Kinuha nito ang kamay ko para hagkan ang ibabaw. I looked at Joross. I saw how his eyes darkened kaya binawi ko agad. “F uck you,” he cursed firmly at his friend. Rouge laughed. “I love you, too, dude.” Minura siyang muli ni Joross. I remember him now, isa siya sa mga matalik na kaibigan nina Joross at Damon. Hindi nga lang ako masyadong naging close noon sa kanila. Joross stood up from his seat. Naging iritable siya. Sinenyasan niya ako na lumabas na muna ng office kaya kumilos na ako. Lumawak naman ang ngisi ng kaibigan niya, napailing-iling pa ito at mahinang sumipol. Bukod sa kaniya, mukhang may darating pang iba kaya wala akong naging ibang choice kundi ang iwanan muna sila. At bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pang nagsalita si Joross. “Don’t you dare touch the food, Montejano. It’s mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD