Kabanata 8

2658 Words
AFTER lunch na ako nakabalik sa office ni Joross. I was not sure kung kaaalis lang ba ng mga bisita niya o kanina pa. Bigla kasing nag-email sa akin si Sir Paolo at may ipinaayos sa akin na ilang documents. Natapos ko na rin naman. I silently closed the door behind me upang hindi ko maabala sa pagbabasa si Joross. He was busy with some papers right now. Naroon ang kaniyang paningin at lilipat kung minsan sa kaniyang laptop. Lumapit ako sa aking malinis na desk at pirming naupo. “Where have you been?” His baritone voice sent a chill through my whole body. Nakita kong itinigil niya ang kaniyang ginagawa para kausapin ako. “I messaged you. Hindi mo na naman binasa.” I kept my eyes on him. Hindi siya mukhang galit, pero ang tono niya ay parang nagtatampo. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang ikikilos at sasabihin ko. “N-naiwan ko rito ang phone ko.” Kinurot-kurot ko ang dulo ng aking mga daliri. I glanced at my bag. Naroon pa rin naman at mukhang walang lumikot. “Nag-email sa akin si Sir Paolo. May pinatapos siya sa akin kaya ngayon lang ako nakabalik.” I saw how his brows drew together. I looked away when I felt he was about to gaze at me. Marami talagang times na hindi ko kayang labanan ang titig niya. Kahit noon pa man. His eyes mirror the unending sincerity of his heart. Ngayon, malamig iyon, kaya alam kong malamig din ang puso niya. Malamig na nababalot ng yelo ngunit umaapoy ang tensiyon. “When will he come back?” he asked. “Wala siyang binanggit,” sagot ko naman. Four days nang wala si Sir Paolo. Kung mabilis matatapos ang pinuntahan niyang out of town business, mas maaga siyang makakabalik. How I wish, mangyari ‘yon. Bukod kasi sa hindi ako makakilos nang maayos, wala rin akong ginagawa. Dapat nga matuwa ako na wala akong ginagawa sa trabaho dahil susweldo ako nang hindi napapagod pero sa sitwasyon ko, gugustuhin ko pang maging abala na lang. Sinulyapan kong muli si Joross. Nakasimangot pa rin siya. Seryoso ba talaga siya na hindi niya ako bibigyan ng paper works? I heaved a sigh of annoyance. “Baka may maitutulong ako sa’yo. Baka may ipapagawa ka, Joross.” Nilaksan ko ang aking loob upang magtanong sa kaniya. Pinapasweldo ako nang tama, kaya dapat ay magtrabaho rin ako nang tama. I caught his attention again. “Gusto mong may ipagawa ako sa’yo?” I nod at him. “K-kahit ano.” Pagkasabi niya no’n ay ngumisi siya, tila napapas no’n ang tampo niya. I had the hard time reading what he was thinking. Willing naman ako tumulong, at kung sa tingin niya ay hindi ko kakayanin ‘yong ipapatrabaho niya ay handa naman akong makinig at matuto. Basta bigyan niya lang ako ng gagawin. “Fine,” he decided. Kinuha niya ang phone niya at may kung anong tinipa roon. After that, he stood up kaya napatayo na rin ako. Inimis niya ang mga papel na binabasa niya at isinarado na rin niya ang kaniyang laptop upang tuluyang itigil ang kaninang tinatrabaho. “You will come with me. Nandoon ang gagawin mo,” aniya. Saglit akong natigilan ngunit nabawi ko rin agad ang aking sarili. Nalilito ang isip kong sinundan siya ng tingin palabas ng office. Baka may meeting siya outside the company? Balak niya bang isama ako? Nakagat ko ang aking labi at nagmadaling kinuha ang aking bag. Dinala ko na rin ang maliit kong notebook at sinigurado ko na may pen ako. Nilingon ko ang table niya. Napansin ko na naiwan niya ang kaniyang suit kaya naman inabot ko iyon mula sa rack at iningatang hindi magusot sa aking kamay. I followed him outside pero sa laki ng hakbang niya ay imposible nang maabutan ko siya. Nasalubong ko ang ilang mga employee nang makalabas ako sa department namin. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi sila nagtaka kung bakit hawak ko ang suit ng boss namin. “Girl, kaya pa?” bati sa akin ni Melon sabay hawi ng kaniyang kulot na buhok. Ang kasama niyang si Adam ay ngumiti at kumaway sa akin. “Nakita niyo ba si Joross? Dumaan na ba rito?” diretsahang tanong ko sa kanila. Melon laughed noisily at me, samantalang si Adam ay tila nabigla. “Stress na ba talaga, Trish? Wala ng ‘sir-sir’? Joross na lang?” My mouth parted a little as my tongue was left speechless. Saglit na umukit sa dibdib ko ang kaba. Sinisi ko agad ang aking sarili kung bakit hindi pa rin ako nasasanay na tawagin siyang Sir Joross. I heard Adam’s chuckle. “Sumabay ka na sa akin. Palabas na rin naman ako. Tara?” Tumango na lang ako sa kaniya at sinabayan siya. May iba pang sinabi sa amin si Melon ngunit hindi ko na nagawa ang dinggin at intindihin dahil nakakailang hakbang pa lamang kami ni Adam ay nakita ko na agad si Joross. Malalaki ang hakbang niyang palapit sa akin. Nabuhay muli ang kaba ko kaya’t tumakbo na ako palapit sa kaniya. Kumaway na lang ako kay Adam at saka tumalikod. “Ang bagal,” Joross complained. “Sorry, kinuha ko pa kasi ‘tong bag ko, pati ‘to, nakalimutan mo kasi,” tukoy ko sa suit niya. He tsked and sighed patiently. Kinuha niya sa akin iyon at napansin kong binagalan niya ang paglalakad para maging magkasabay kami. Pero kahit pa gano’n, sinadya kong mas paunahin siya. Nakakahiyang pantayan ang lakad niya. Nang makalabas kami ng building ay naroon na sa tapat ang itim niyang kotse, nakatayo sa gilid no’n ang unipormadong lalaki na palagay ko ay driver niya. Lumapit ito sa amin upang ibigay sa kaniya ang car keys. “Have you bought them all?” May itinanong si Joross, tumango lang ang lalaki. “Sakay na,” aniya. Hindi na ako nag-atubili pa at sinunod na lang siya. Siya naman ay umikot sa driver’s seat at bahagya pang umuga ang sasakyan nang makaupo siya. I smelled his manly scent. Lagi niyang dala-dala ang amoy na hindi nakakasawa at hindi masakit sa ilong. It’s very gentle and soothing. “Sino ang lalaking ‘yon?” bigla niyang tanong nang umpisahan niya ang pagmamaneho. “Bakit lagi mong kasama?” Napalingon ako sa kaniya. “Sino ang tinutukoy mo?” I heard his sarcastic chuckle. “The guy earlier, the one wearing blue, sino ‘yon?” “Kakilala ng kaibigan ko sa office . . . si Adam. H-hindi ko ‘yon laging kasama, nagkataon lang kanina.” “Pati noong nakaraan?” segunda niya. I just stared at his reaction. Nababasa ko na parang naiinis siya o nanunumbat, alinman sa dalawa. Totoo namang kakilala ko lang si Adam, but I am not friends with him. At totoo rin na nagkataon lang na nakita niya kaming magkasama. Tumahimik na lang ako. Ipinirmi ko na lamang ang aking sarili at hinintay na lang na tumigil ang sasakyan. Kung itatanggi ko pa iyon sa kaniya ay lalo niya lang ipipilit. Hindi naman siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko, kung saan ko inilalagay ang sarili ko. May parte sa akin na gusto siyang iwasan, pero may parte rin na ayaw at mas pinipiling lapitan siya. I don’t understand myself because my mind and my heart argue all the time when it is about him. Pagdating sa kaniya, litong lito na ako. Totoo ngang mahirap pagkasunduin ang puso at isip, palaging kasing taliwas ang mga ito sa isa’t isa. Kapag gusto ng puso, ayaw ng isip. Kapag gusto naman ng isip, ayaw naman ng puso. Hindi puwedeng puso lang ang paganahin, at hindi naman puwedeng isip lang ang pairalin. Dapat ay balanse. We stopped in front of the closed restaurant. I tried to ask him kung ano ang pakay namin doon ngunit napipi ang dila ko nang makita kong may inabot siyang brown paper bag sa backseats. May laman iyon ngunit hindi ko sigurado kung ano. “I appreciate the food you brought earlier,” aniya. “though it was not you who cooked it.” “Ha? E, kasi hiningi ko lang ‘yon. Wala akong time magluto.” At wala akong budget. Halos maidagdag ko. He smirked. He scratched his forehead, and then he handed me the paper bag. Saka ko lang nakumpirma na mga ingredients ang nakapaloob doon. May bell pepper, carrots, pasta, catsup, tomato sauce at iba pa. Pang-spaghetti ba ‘to? “A-anong gagawin . . .” “Help me in the kitchen. ‘Yon ang ipapagawa ko sa’yo,” he cut me off. I went speechless because I was shocked by what he said to me. Tulungan siya sa kusina? Habol-habol ko siya palabas ng sasakyan nang yapos-yapos ang paper bag na ipinabitbit niya sa akin. Binati siya ng isang lalaking lumabas mula sa saradong restaurant na sa palagay ko ay kilala siya. Naguguluminahan man ang aking isip ay sinundan ko siya hanggang loob. Saka ko lang nalaman na ang restaurant na pinasukan namin ay bago pa at hindi pa officially nai-introduce sa mga tao, parang mag-uumpisa pa lamang ang negosyo. “Joross,” I called him. Dumiretso siya sa kitchen. May ilang mga staff din ang nandoon na binati rin siya. Lumabas din ang mga ito nang utusan niya. “What are we doing here? Kilala mo ba ang may-ari nito?” “This is mine, Trishia. I own this,” aniya na ikinalaglag ng panga ko. Sa kaniya ito? Mayroon siya nito? “Come here. Give that to me.” Bahagyang sumakit ang aking ulo sapagkat ang buong akala ko ay dadalo kami ng meeting. Paanong nangyari na sa kusina ang tungo namin, at pagluluto ang tatrabahuhin namin? I really have no idea right now what was going on in his mind. Pinanood ko siyang itupi pataas ang kaniyang sleeves at saka niya inumpisahang hugasan ang ilang mga ingredients. After that, binigyan niya ako ng ilan upang i-chop ko. “Spaghetti ba ang iluluto mo?” I asked him. Tutal ay wala na naman akong magagawa, sasabayan ko na lang ‘tong trip niya. “Yes.” His warm breath hit the skin of my neck. Napaigtad ako nang maramdaman ko siya sa aking likod, at nahigit ko ang aking hininga nang pumulupot sa baywang ko ang kaniyang baraso para lagyan ako ng apron. “I preferred spaghetti to carbonara. I’m telling you para alam mong magkaiba kami ni Damon.” Narinig ko na naman ang pangalan ng pinsan niya. I never denied to him na nagkaroon ako ng past relationship with Damon. Alam niya ‘yon. Alam na alam niya rin kung bakit kami nagkahiwalay. It’s because of him. Damon chose his offer over me. An offer he knew his cousin could not resist. I hated him for doing that. Kasi dahil doon ay pumayag si Papa na sa kaniya ako ikasal. I was so angry that time, so devastated and hopeless. Alam niya ring napilitan lang ako sa kaniya pero hanggang doon lang ang alam niya. Buong oras ng pagluluto niya ay nakamasid lamang ako. Wala na akong ibang ginawa pa. I just watched all his actions. Joross na Joross pa rin. Swabe at lalaking lalaki ang galaw. Wala naman talagang nagbago sa kaniya, ang damdamin at puso niya lang. Nabasag ang iniisip ko matapos ang ilang mga minuto. Naghain siya sa harap ko at nalanghap ko ang bango ng amoy ng naluto niyang spaghetti. Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko ang fork na inabot niya. “Taste it,” he commanded. I felt uncomfortable nang panoorin niya ang pagsubo ko. “Is it good?” I nod at him twice pagkatapos ay kinuha niya sa akin ang fork. Namilog ang aking mga mata nang iyon din ang ginamit niya para tumikim. Napaiwas na naman ako ng tingin. Ang ginawa niya ay nagdulot ng kiliti sa aking tiyan, patunay na naapektuhan niya ako. I composed myself back. Inumpisahan ko nang mag-imis para after niyang kumain ay makabalik na agad kami sa building. At kung wala talaga siyang ipagagawa sa akin na office work, magpapaalam na lang akong umuwi ulit nang maaga. Binuksan ko ang gripo upang hugasan ang mga nagamit na utensils. Habang ginagawa ko iyon ay nilapitan niya ako at tinabihan sa gilid. Sumandal siya sa counter para ipaling ang sarili niya sa akin. “How’s your father? How’s his case going? I heard pangalawang beses na ‘yon. Do you have a lawyer?” None of his questions were answered. Sumasama ang loob ko sa tuwing maalala ko iyon. My father admitted to me that he did something wrong, nangyari ito noong una siyang makulong. He spent months in the jail bago siya nakalaya. But after a year, nakulong siyang muli hanggang ngayon. But I believe, this time, wala siyang kasalanan. Napansin ko ang pagbuntonghininga ni Joross sa gilid ko. “I plan to help Papa Vencio about his case,” muling salita niya. I felt amazed at the way he called my father 'Papa.' “He’s old. Dapat ay wala na siya ro’n.” Bumigat ang aking pakiramdam. Tama siya, matanda na si Papa. Dapat ay wala na nga siya roon. Dapat ay nagpapahinga na lang siya sa bahay o ginagawa ang gusto nitong libangan. But, what can I do? Sobrang dami naming atraso. Joross can help us, but I cannot accept it. I also understand his care and sincerity. Naging ama niya ang Papa ko kaya’t normal lang na gustuhin niyang tulungan ito. Ngunit ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kaniya. Ayaw ko nang mas mapalapit pa sa kaniya. Husto na itong ganito. And I don’t want his family to know about this. I am not sure kung kasama niya bang umuwi ng bansa ang Uncle Rigor at Auntie Leona niya. Mga magulang sila ni Damon na tumayo ring mga magulang niya. Kung dati ay kaya ko silang harapin, ngayon ay hindi na. Natatakot na akong makita silang ulit. Umiling ako kay Joross. “Ayaw ni Papa. Kinausap ko na siya about diyan. He wants to stay there,” I told him the truth. Bumuntonghininga ulit siya at sa pagkakataong iyon ay mas ramdam ko ang pagpipigil niya ng inis at patuloy na nagpapasensya. Umayos siya ng tayo. “I will open this restaurant a week after next,” he informed me. “You can work here if you want.” “May trabaho na ako,” muli kong tanggi. “Do not come back to that club. Dito ka na magtrabaho, hindi kita guguluhin.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinapos ko ang paghuhugas ng pinggan at inabot ang tuyong towel upang ipunas sa kamay. Akmang aalisin ko na sa katawan ko ang suot kong apron nang pigilan niya ang aking kamay. Isinandal niyang muli ang lower back niya sa counter dahilan iyon upang magpantay ang aming tingin. He’s still holding my wrist, and I don’t know why I can’t resist it. “I have one more offer to you.” Hindi niya ako nilubayan ng tingin, tingin na tila nanghihipnotismo. “You’re still my wife, right?” I stepped backward, but he pulled me closer to him. Inalalay niya pa ang isa niyang kamay sa likod ko upang hindi ako makalayo sa kaniya. Nawalan ako ng choice na ilapat ang aking palad sa kaniyang matipunong dibdib para hindi madikit sa kaniya. Pinagpawisan ako nang malapot. “B-bumalik na tayo sa office, Joross.” He ignored what I said. Bahagya niyang itinagilid ang kaniyang mukha. His eyes had the freedom to look at my face closely. Nang magtagal ay pumungay ang mga iyon. Tuluyan akong namangha. “Magpaka-asawa ka sa akin, Trishia,” usal niya. Muntik na akong maubusan ng hininga. “Babayaran kita. I will pay you more than the amount you wanted.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD