Kabanata 6

2125 Words
MAAGA akong nakauwi sa apartment. After kong matapos ‘yong ilang bilin na iniwan sa akin ni Sir Paolo noong nakaraan ay nag-off na ako sa work. Wala na rin naman akong gagawin sa office dahil hindi naman ako binigyan ni Joross ng trabaho. He took a halfday. Umalis siya nang hindi ko nalalaman kung saan ang tungo niya. According to him, I don’t need to know his schedule. Para saan pa? Hindi naman daw ang pagiging sekretarya ko ang habol niya. He want other service. ‘Yon bang serbisyong malayang malaya niya akong mahuhusgahan. “Mama, gutom po ako,” ungot sa akin ni Migo nang sundan niya ako sa kitchen. Katatapos ko lang siyang linisan kaya medyo basa pa ang kaniyang buhok. Pagkauwi ko kanina ay siya lamang ang nadatnan ko. Maaga yatang umalis si Viviana. Si Saren naman ay nag-message sa akin na maiiwan niya raw saglit ang bata dahil aasikasuhin niya ang mga kulang niyang papeles para makatuloy siya sa abroad. At dahil doon ay naabutan ko si Migo kanina na madungis dahil sa pakikipaglaro. Bigla tuloy akong nagkaroon ng dagdag na alalahanin. Paano na lang kapag tuluyan nang nakaalis si Saren? “Hindi na po ako away ng playmates ko po, mama. I’ve talked to them already. I did not cry!” Muling inagaw ni Migo ang aking atensiyon. Inabot niya ang laylayan ng shirt ko at doon kumapit. “Talaga ba?” Itinulis ko ang aking nguso upang iparating sa kaniya na hindi ako kumbinsido. He nodded proudly. Tila kumislap pa ang kaniyang mga mata. “I told them that I have a papa. He is just busy somewhere else and cannot visit here.” Nagbagong bigla ang timpla ng aking pakiramdam. Alam ko naman na darating at darating ang time na hahanapin niya sa akin ang kaniyang ama, at hanggang ngayon ay wala akong maipakilala sa kaniya. Hindi ko siya balak na itago habambuhay, pero ayaw ko namang mas lalong guluhin ang aming buhay. Higit sa lahat, ayaw ko siyang madamay at mawalay sa akin. Bumuntonghininga ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Sabi mo, gutom ka na. Kain na tayo?” “Yes!” masiglang tugon niya. Kinuha ko ang maliit niyang kamay upang akayin siya palapit sa mesa. Nakalatag pa roon ang mga papel na ginuhitan at kinulayan niya. Ngunit mas natawag ng notebook niya ang atensiyon ko, nakasulat doon ang buong pangalan na ibinigay ko sa kaniya. It’s Migoleddon Ross M. Benavides. Everytime I would read his name especially the last name I gave to him, kinakabahan ako. Hindi ako mapakali at hindi ko mawari kung bakit. “Chicken adobo, mama?” he asked. “You cooked po?” I did not manage to give him an honest answer for that because I am not the one who cooked it. Ang adobong tinutukoy niya ay ‘yong adobong nasa lunchbox ni Joross na ibinigay niya sa akin kanina. Hindi niya ‘to nakain dahil nawalan daw siya ng gana. I am certain that he is the one who prepared it. Kilala ko ang luto niya. Migo knew that his father’s name was Joross. Noong umiyak siya sa akin at nagtanong kung sino ang ama niya, ang pangalan ni Joross ang nabanggit ko. Nawalan kasi ako ng pagpipilian noon. And until now, I am asking myself kung tama ba ‘yon, kung tama ba na hindi ako nag-alangan na sambitin ang pangalang iyon. Sa kabilang banda, may maliit na parte sa puso ko na panatag. Panatag sapagkat ang pangalang iyon ang nasabi ko sa bata. Si Joross ang gusto kong kilalanin niyang ama. Si Joross lang. Magdidilim na nang dumating si Saren kaya naman kumilos na ako upang magbihis at magtrabaho naman sa club this time. Bawal na akong um-absent, ang dami ko ng penalties dahil sa sunod-sunod na raw kong late. Bakit kasi ang malas ko sa paghahanap ng trabaho? Kapag walang tulong ng iba, palagi akong bokya. Matamlay kong isinukbit sa aking balikat ang shoulder bag ko. I opened my phone, and then I remembered that Joross registered his number on it. Hinanap ko iyon sa contacts, at nalaman kong hindi niya inirehistro ang kaniyang pangalan doon. So, I just registered . . . “Mr. Benavides.” Nag-iwan na rin ako ng kapirasong message para sa kaniya. “Ito ‘yong number ko, si Trishia ‘to. Wala namang nangyaring emergency sa office kanina. Thank you pala sa food.” I messaged him. Manginig-nginig pa ang aking mga daliri. At hindi pa ako gaanong nakakahinga nang maluwag nang agad na nag-vibrate ang phone ko. Nag-reply agad siya! “Is this how you update your boss?” Pigil ko ang aking paghinga habang binabasa iyon. Tila narinig ko ang istriktong boses niya. Bigla akong nilamig kaya naman nanindig ang aking mga balahibo. Binalikan ko ‘yong mensahe ko sa kaniya. He is right if he tells me that my text sounded so informal. Paano ba ako magiging pormal sa kaniya? Paano ko ba siya dapat pakitunguhan? E, ang sabi niya nga, huwag akong umaktong sekretarya niya. Nang hindi agad ako nakapag-reply ay muli akong naka-receive ng text mula sa kaniya. “Are you going to that shitty club again?” Dapat ko bang sagutin? Dapat bang ipaalam ko sa kaniya? Dapat ba, alam niya? “Don’t go there tonight, Trishia.” Nag-buzz muli ang phone ko. Kumunot ang noo ko at gusto sanang magtanong kung bakit, pero naunahan ako ng hiya. Hindi puwede ang gusto niya. Kailangan kong magtrabaho at kumita ng pera. Kahit maliit na halaga lang, maipandadagdag ko pa rin sa naipit ko. Due date kasi bukas ng hinuhulugan kong utang ni papa. Hindi puwedeng pumalya. At ang matitira, ipambibili ko ng gatas at grocery namin ni Migo. I decided to just ignore his words in his text and did not reply to him. Magpapanggap na lang ako na hindi ko nabasa iyon. Ang mahalaga naman ay napaalam ko sa kaniya na walang nangyaring problema kanina sa office habang wala siya. Ayos na ‘yon. Tumuloy ako sa club. Ngunit ihahakbang ko pa lamang papasok ang aking mga paa sa loob ay may bigla na lang humablot ng aking baraso at kinaladkad ako palayo. “Ano ba?!” Nagpumiglas ako at sinubukang manlaban. “Bitawan mo nga ako!” “I texted you! I even called you! Bakit hindi ka man lang sumasagot?!” I was alarmed by the baritone voice I heard. Nanikip lalo ang aking paghinga. Nag-panic ang buo kong sistema at nagdasal na sana ay hindi siya, na sana ay nagkakamali lang ako ng pagkilala sa boses na iyon. “Trishia . . .” Tuluyan akong nag-angat ng tingin at dahil doon ay inulan ng nerbiyos ang aking dibdib. My lips shivered when I finally confirmed who was standing in front of me. “J-joross.” I swallowed. “A-ano? B-bakit?” Naubusan agad ako ng sasabihin nang masalubong ko ang talim ng kaniyang titig. He is panting. Sa bigat ng paghinga niya ay bumabakat ang matipuno niyang katawan sa suot niyang itim na polo shirt. Medyo magulo ang kaniyang buhok na para bang nagmadali siyang magtungo rito. From his mad expression, nasisiguro kong manipis na lang ang kaniyang natitirang pasensiya. Muli niya akong hinila at mas inilayo sa mga tao. Nang marating namin ang parking lot ay saka niya lamang ako binitawan. “I told you not to go here, didn’t I?” sermon niya. “I don’t know. Hindi ko nabasa ang message mo,” I lied. “Kahit mabasa ko man, tutuloy pa rin ako rito. At bakit ba?” Nang hindi siya sumagot at agad na idinistansiya ko ang aking sarili sa kaniya at pasimpleng minasahe ang parte ng baraso ko na bahagyang nanakit sa higpit ng hawak niya. I stared at him. Nakatingin na rin siya sa baraso ko. Unti-unti ay naging magaan ang kaniyang ekspresyon. Yumuko siya upang iiwas ang tingin at ipakita sa akin ang kaniyang pagkadisguto. Itago niya man, nakikita ko ang yamot niya sa kaniyang sarili pati na rin sa akin. “Get in my car,” utos niya. Itinuro niya ang kaniyang itim na sasakyan. “Get in.” “I am working here, Joross,” kalmadong pahayag ko. Nanatili ako sa aking kinatatayuan at hindi sinunod ang inutos niya. “Hindi ako puwedeng umalis.” He breathed heavily. “You shouldn’t be working here. This club is fuckin’ illegal. Can’t you see?” “Wala akong ginagawang masama,” depensa ko pa. Nanumbalik muli ang dilim at talas ng kaniyang paningin. “Is the company aware of this? Alam ba ni Ruiz ang trabaho mo rito?” “Maayos ang trabaho ko. Ilang beses ko nang binanggit sa’yo ‘yan.” “Maayos?” nang-aamok niyang tanong. Ang mga delikado niyang ngisi ay kumurba sa kaniyang mga labi. “Maayos ba ‘yong nababastos ka?” Naipikit ko ang aking mga mata at pilit na pinahupa ang sumisibol na inis sa akin. Nagpunta ba siya rito para lang insultuhin ang trabaho ko? Kasi imposibleng concern siya, dahil ginagawa niya rin naman sa akin ‘yon. I looked straight into his eyes. He cannot tell me what to do. “Binabastos mo rin ako, anong kaibahan ng trabaho ko rito at trabaho ko sa’yo?” Pagkarinig niya ng sinabi ko ay tumiim ang panga niya pero hindi ko na hinayaan pa ang sarili ko na pakinggan siya. Tinalikuran ko na siya at muling bumalik sa club. It is true. Gamit ang masasakit at marurumi niyang mga salita laban sa akin, nababastos niya rin ako at hindi niya alam ‘yon. Kung dahil ito sa pang-iiwan ko sa kaniya, handa naman akong humingi ng tawad sa kaniya, e, at pagbayaran ‘yon. Sobrang hirap lang para sa akin ngayon kasi walang wala ako. Ni hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula kasi pakiramdam ko, naliligaw ako. Gustong gusto ko siyang lapitan . . . palagi. I want to be near him pero sobrang hirap, ang hirap kasi palaging nakaharang ang galit niya. Galit na hindi ko alam kung may katapusan dahil may kasunod pa, madadagdagan pa. “Binawas ko na rito ang mga kapalpakan mo sa trabaho, Trishia, kaya kalahati na lang ‘yan ng sweldo mo,” talak sa akin ni Madam Barbara habang ngumunguya siya ng chewing gum. Pagkatapos kong tapusin ang quota hour ko ay dumiretso na ako sa kaniya upang makauwi na. Inabot niya sa akin ang isang maruming sobre na naglalaman ng sahod ko. “Salamat po, madam.” “Kung bakit kasi ayaw mong katawan mo na lang ang gawin mong puhunan! Sayang na sayang. Ang daming may kursunada sa’yo. Malalaki ang offer na presyo,” aniya. “Okay na po sa akin ‘to,” tukoy ko sa laman ng sobre. Tinawanan ako ng ginang. Labag man sa loob ko ay pinayagan kong haplusin niya ang nakalugay kong buhok. “Para ka namang virgin, hija. Ilang lalaki na rin naman ang nagpakasasa riyan sa katawan mo. Wala ng espesyal diyan. Nalawayan na rin ‘yan ng kung sino-sino.” “Uuna na po ako. Salamat po ulit dito,” magalang kong paalam. Nagmadali akong lumayo sa ginang gayunpaman ay narinig ko pa rin ang kaniyang sunod na sinabi. “Ayaw mo talaga? Pitong libo raw isang oras, luluhuran mo lang! Pucha, Trishia, tanggapin mo na! Bibig, dila, at kamay lang!” Isinarado ko ang aking pandinig at nagpatuloy maglakad. Hindi ko na pinansin ang ilang mga tao na napatingin sa akin nang marinig nila si Madam Barbara. Nangilabot ako at nakaramdam ng pandidiri, para bang ang bawat daplis ng paningin nila sa akin ay hinuhubaran ang pagkatao ko. Kinuyom ko ang aking mga kamay. Kasamang nagusot doon ang maliit na perang pinaghirapan ko. Malinis iyon ngunit nilulukob ako ng hiya. I worked for this pero parang ayaw ko na lang tanggapin. Ganito na lang ba lagi? Gusto ko nang umuwi at yakapin si Migo. Gusto ko nang umuwi! Balisa akong lumabas ng club. Pinanligiran ako ng luha at papayagan ko na sana ang aking sarili na umiyak pero muling naaninag ng mga mata ko si Joross. Naroon siya sa tapat, sa kabilang gilid ng kalsada, nakasandal siya sa kaniyang sasakyan at pinanonood ako. Hindi siya umalis? I saw him pick up his phone from his pocket, mayamaya lang ay nag-ring ang cellphone ko. Without any other choice, I answered his call. Pinakinggan kong mabuti ang malalim niyang boses. “I waited for you for four hours, Trishia. Get your ass here now. I will drive you home.” I found security in his words. Humupa ang kaguluhang nararamdaman ko. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang aking paghikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD