Kabanata 9

2377 Words
“HINDI po ba kayo nakakatulog nang maayos? Nakikita ko na naman ang eyebags ninyo,” pansin ko sa mga mata ni Papa na tila halos hindi nakakaranas ng tulog. “Tapos, medyo nangangayayat kayo. Hindi ninyo ba kinakain ‘yong mga dinadala ko rito?” “Kumusta ang apo ko?” Agad niyang nilagpasan ang mga tanong ko. “Sino ang nag-aalaga?” Tinitigan ko si Papa nang matagal at pakunwaring sinimangutan. “Huwag ninyo kaming alalahanin, pa. May mga tumutulong naman sa amin. Sa inyo ba, sinong nag-aalaga?” Iniwas niya ang kaniyang paningin ngunit pinanatili niya ang kaniyang kamay na nakalapag sa mesa. Maingat kong nilalagyan ng ointment ang mga nagkalat na sugat sa mga daliri niya at palad. Ayon sa kaniya, gawa iyon ng paglililok nila sa loob. Kahit papaano ay gumaan-gaan ang loob ko na ang mga sugat na iyon ay galing sa pagtatrabaho niya. Last time kasi, noong bisitahin ko siya, galos at pasa ang nadatnan ko. Iyon ay dahil sa pakikipag-away niya. Sobrang nag-aalala ako kapag nasasangkot siya sa away at gulo. I visited him to convince him again to talk to Attorney Ybañes. May ipon naman akong pambayad. I want him out of prison. But it looks like I failed again. He still doesn’t want to listen to me. Patuloy niya mang ilihim sa akin ang nararanasan niya sa loob, hindi niya maitatanggi sa akin na nagtitiis at nahihirapan siya. Patunay na rito ang naaapektuhang kalusugan niya. “Pa, ‘yong about sa mga utang natin, dire-diretso ko nang nahuhulugan. Siguro, sa anim na buwan, mabubuo na ‘yon. Hindi na natin kailangan na —” “Lumakad ka na. Late ka na sa trabaho,” putol niya sa akin. “Saka mo na ulit ako bisitahin.” Binawi na niya ang kaniyang kamay mula sa akin at sinimulang kolektahin ang mga dala ko para sa kaniya. Napansin kong napahawak siya sa kaniyang stomach. Sumasakit pa rin ba ang tiyan niya? Hindi bale, may binili rin naman akong gamot for stomach pain. “Papa,” muli kong tawag sa kaniya. Binalak kong sabihin sa kaniya na nakakasama ko si Joross sa trabaho, ngunit bigla namang nagbago ang isip ko. I sighed. “M-mag-iingat kayo lagi rito. Don’t forget to take your meds. Aalis na po ako.” Sinilip ko ang oras. Late na nga ako. It has been almost a week since Sir Paolo came back. Natupad ‘yong hiling ko na sana ay mapaaga ang uwi niya. Kaya nitong mga nakaraang araw, balik na sa dati ang trabaho ko at katulad ng ibang employee ay medyo naging abala na rin ako. Isang linggo na rin simula noong umalis ako sa office ni Joross. Until now, hindi ko pa ulit siya nakakausap, nararamdaman o nakikita man lang. I am not sure pero magmula nang makabalik ako sa opisina ni Sir Paolo, para nang may hinahanap lagi ang mga mata ko. Hindi ko lang maamin sa sarili ko kung sino. Nang makarating ako sa office ay hindi ko na naabutan si Sir Paolo. Naroon na siya sa meeting. Susunod sana ako pero nabasa ko agad ang message niya na ayos lang na wala ako roon, tapusin ko na lang daw ang ilang paperworks na inilapag niya sa aking desk. Hindi na rin tuloy siya naabutan ng ex-wife niyang si Ma’am Merell. “Ma’am, Sir Paolo is still in the meeting. Do you want coffee or something?” alok ko sa babae. She smiled sweetly at me. “No, thanks. I’ll just stay here. Hihintayin ko na lang siya.” I left her inside the office and came back to my desk. Humahanga ako sa kanilang dalawa ni Sir Paolo. After kasi nilang maghiwalay ay nagagawa pa rin nilang maging malapit sa isa’t isa. Hindi lang ‘yon para sa anak nila, maging para na rin sa sarili nila. It’s obvious that they were still in love with each other. Huminga ako nang malalim at saka binisita isa-isa ang mga document na nagkalat sa table ko. May isa roon ang parang napahalo lang kaya agad kong dinouble check. My heartbeat went faster when I read Joross’ name on it. Sa kaniya yata ang isang folder na ito. I bit my lower lip. Agad kong pinag-isipan kung isasantabi ko na lang muna ba o iaabot sa kaniya. “Sa akin ‘yan.” Halos maihagis ko ang folder na hawak ko sa gulat nang marinig ko ang boses na isang linggo ko nang hindi naririnig. Nang mag-angat ako ng tingin at nakita si Joross sa harapan ko ay kusa na lang akong napatayo. Masyado bang naging blangko ang isip ko, hindi ko siya naramdaman agad? Numipis ang aking hininga nang humakbang siyang palapit sa desk ko. Kinurot-kurot ko ang namamawis ko nang mga daliri upang alisin ang sarili sa pagkataranta. “Ah, o-oo.” I cleared my throat. “N-napasama lang siguro ‘to sa mga folder ni Sir Paolo. Kaka-check ko lang, kaya ngayon ko lang napansin.” I handed him the folder. Naghintay ako na kunin niya pero hindi siya kumilos para gawin ‘yon, kaya’t kusa ko na lang muling ibinaba. I looked at him, and he just continued to stare. He did not say anything else. May dungis ba ang mukha ko? He blew out a short sigh. “Bring that in my office. Sumunod ka sa akin.” “Pero . . .” Gusto ko sanang magprotesta at magdahilan sa kaniya na marami akong gagawin. Ngunit tumalikod siya agad at nauna nang naglakad. I ran out of options but to get the folder off my desk and hold it with my hand. I don’t understand him. Puwede na naman niya itong isabay sa kaniya, unless, may iuutos siya. After a week, ngayon ko lang siya nakita. “K-kailangan ko agad makabalik, Joross. Tapos na yata ‘yong meeting nina Sir Paolo, baka may kailanganin siya,” pahayag ko habang kabadong nakasunod sa kaniya. “I have talked to him already,” he replied. “What do you mean?” habol kong tanong ngunit hindi ulit siya umimik kaya’t nag-umpisa na akong mag-alala na baka may nagawa akong mali o ikagagalit na naman niya. Dumiretso siya sa kaniyang office. Minadali ko na ang paghakbang ko upang makasunod agad sa kaniya. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko agad ang desk na ginamit ko noong nakaraan. It’s empty. Malinis na malinis at walang gumagamit. “How was your week with Ruiz?” he asked. “A-ayos naman. Medyo busy,” sagot ko. Umismid siya. Nakita kong kinuha niya sa rack ang nakasabit niyang tie. “I have been out for my other businesses. I have been busy these past few days. Marami akong inasikaso.” He sounded like he was updating me or explaining to me why he was not around the whole week. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang iaaakto ko. Bakit niya ‘yon sinasabi sa akin? Sandaling katahimikan ang dumaan sa pagitan namin at ilang sandali lang ay inabot niya sa akin ang necktie niya. Naging malinaw agad sa isip ko na nais niyang ako ang magkabit no’n sa kaniya. Inilapag ko muna ang folder na aking bitbit bago ko tinanggap ang neck tie niya. Kahit kinukulang na ako sa kumpiyansa ay pinilit ko pa rin na lumapit para abutin ang kaniyang kwelyo. Sobrang lapit ko na naman sa kaniya. And he is looking at me intently. “Do not do this to Ruiz,” mahinang usal niya. “Ang alin?” I did not get what he said kaya nagpatuloy lang ako. “This. Do not do this. Do not fix his tie.” I felt his frustrations. Sobrang bilis talaga niyang mawalan ng pasensiya. “Starting today, huwag kang lalapit nang ganito kalapit sa kaniya.” Nakakabigla ang mga binitawan niyang salita. Sinubukan kong tantyahin siya ngunit nadako ang mga mata ko sa malalim at nang-iintimida niyang tingin. Ang sistema ko ay muntik nang maanod. Kinalma ko ang aking sarili at nagpaliwanag, “It’s part of my job as his personal assistant. Trabaho kong tulungan ang boss ko.” He tsked and looked somewhere else disappointedly. “He can do this by himself. It’s d amn easy. Bakit kailangan ikaw pa?” amok niya pa. Itatanong ko sana sa kaniya na kaya niya rin namang ikabit ang tie niya sa sarili niya, bakit kailangang ako pa? Kaya lang, alam kong kapag nagtanong ako sa kaniya, mapipikon lang siya at mayayamot. I shut my mouth and finished the task. Pinagpag ko pa ng dalawang beses ang neck tie niya at saka inanunsyo sa na okay na at tapos na. Kung wala na siyang iba pang kailangan, makakaalis na siguro ako. “It’s too tight, hindi ako makahinga,” komento niya. Agad niyang ginulo muli. “Fix this again.” Hindi ko ipinahalata sa kaniya ang malalim kong pagbuntonghininga. Inayos kong muli ‘yon sa kaniya. “Okay na? Hindi na masikip?” He smirked. Muli niyang kinalas. “Maluwag, hindi ako sanay. Ayusin mo ulit.” Nakagat ko ang aking labi. “Joross.” “What?” “Marami pa akong tatapusin,” I said to him. Halata namang pinahihirapan niya ako. Tinasaan niya lamang ako ng kilay. “This is part of your job, you said. So, do it.” This time ay tumayo na siya nang maayos dahilan para kailanganin kong tumiin habang suot-suot ko ang aking heels. Mas lalong naging mahirap para sa akin. I was bothered by his stare. Lalo ngayon. Humawak kasi siya sa baywang ko para alalayan ako. Ramdam ko ang init ng palad niya. Nagdudulot ‘yon ng kiliti sa akin. Ilang beses akong lumunok upang tanggalin ang bara sa aking lalamunan. I tried so hard to look calm in his eyes but I think, hindi ko nagagawa nang tama. Nararamdaman kong nahahalata na niya ang panginginig ng aking mga daliri habang ikinakabit muli iyon sa kaniya. I chewed on my bottom lip, and I noticed that he got tense. Umiwas siya ng tingin. Nang matapos ulit ako ay medyo lumayo siya. Akmang guguluhin niya muli nang pigilan ko na ang kamay niya. “Stop it, Joross,” I insisted. Pigil-pigil ko pa rin ang kamay niyang nakahawak sa gitnang bahagi ng kaniyang kwelyo. “Why are you doing this? Ito lang ba ang kailangan mo para papuntahin ako rito?” Kung ang plano niya lang ay pahirapan ako, sinasayang niya lang ang oras naming dalawa. Ngumisi ulit siya, pero ngayon ay wala ng halong pang-iinis. He shrugged. Inikot niya ang kaniyang table at may kung ano siyang kinuha sa may gilid no’n. “Sa’yo ‘to,” aniya. May inilapag siyang dalawang tub ng fresh strawberries. “I’m not into strawberries, kaya kunin mo na.” Nag-isip pa muna akong mabuti pero sa kagustuhan ko nang makalabas na sa kaniyang opisina ay hindi na ako tinablan pa ng hiya na kunin iyon. Kung magtatagal pa ako rito ay lalo lang siyang madidikit sa sistema ko, lalo ko lang siyang hahanapin kapag nawala na naman siya sa paningin ko! Saglit kong ipinikit ang aking mga mata nang mariin. Parang inamin ko na rin sa sarili ko na siya ‘yong hinahanap ng mga mata ko nitong mga nakaraan. Tinalikuran ko na siya pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay muli na naman siyang nagsalita. "I want to hear your decision, Trishia," he demanded in his lightweight tone of voice, "about my offers. I asked you last week to think about it again. Have you changed your mind?" Natigilan ako. Inalala kong muli ang mga bagay na inalok niya sa akin. Una, tutulungan niya si Papa. Pangalawa, bibigyan niya ako ng trabaho sa restaurant niya. At pangatlo, magpapaka-asawa ako sa kaniya kapalit ng malaking halaga. I declined all his offers, but he gave me some time to think about it again. Habang wala siya, nakabuo ako ng desisyon. Matapang ko siyang hinarap. Naupo na siya sa kaniyang swivel chair at inumpisahang buksan ang kaniyang laptop. “Have you decided?” “I c-can only accept your second offer. Tatanggapin ko ‘yong trabahong ibinibigay mo sa resturant kapalit ng hindi ko pagbalik sa club.” He looked at me. Tila naghihintay pa siya ng kasunod. “I have left the club already. H-hindi na ako pumupunta roon,” dagdag ko pa at totoo iyon. He simply nodded. Sumandal siya at pinaglaruan sa kamay ang isang pen. “It’s really my plan to help your father. It’s not an offer, but if you insist on not helping him, it’s fine with me.” “I told you the reason. Ayaw nga ni Papa.” “Papayag siya kung ako ang makakausap niya,” kontra niya sa akin dahilan para mapatahimik niya ako. “How about my third offer?” “Ayoko,” diretso kong sagot. I am rejecting it not only because I do not want to get near him but also because I have never been a wife to him. Nakakatakot. Kung literal na magpaka-asawa ang ibig niyang sabihin, baka ma-disappoint ko lang siya. Sa dami na ng pagkukulang ko, I cannot be what he needs anymore. At isa pa, wala akong nakikitang magandang dahilan para alukin niya ng ganoon. I cannot put myself in his trap. “Why?” he asked again, and I did not expect that he would ask for my reason. “B-basta ayoko,” pagmamatigas ko. Nagbago ang timpla ng mood niya. Ang kaninang mapang-asar na tingin niya ay tuluyan nang nawala. Napalitan iyon ng emosyong hindi ko kayang basahin nang malinaw. There were anger, disapproval and pain. Naghalo ang mga iyon. Hinawi niya ang kaniyang buhok. His presence became heavy and cold. “Ayaw mo ba talaga akong maging asawa, Trishia?” Pakiramdam ko ay napudpod nang husto ang aking dila sapagkat walang salita ang gustong lumabas mula rito. Para na rin akong sinisemento sa kinatatayuan ko, ang mga binti ko ay hindi ko maigalaw nang ayos. Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. I cannot answer it. Ayaw ko siyang maging asawa? Hindi ko alam! “J-joross . . .” “You can leave now.” Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD