Kabanata 10

2490 Words
INAAKALA siguro niya na talagang ayaw ko siyang maging asawa. Pero ang totoo, hindi ko alam. Paulit-ulit ko nang tinanong ang aking sarili pero hindi pa rin ako makakuha ng eksaktong sagot. I am scared of it. Natatakot ako sa totoong nararamdaman ko, and I don’t know what to do. “Okay na itong plan natin. Si Ms. Mercandes na lang ang bahala na mag-forward nito kay Sir Paolo,” pakinig kong pahayag ni Ma’am Heidi. Naatasan ni Sir Paolo ang team nila, kasama ako, sa pagpaplano ng welcome party para kay Joross. He’s now officially a part of the company, as he already signed the agreement. Ang ibig sabihin, permanente na siya rito. Napapaisip tuloy ako, dapat pa bang magpatuloy ako rito? Makakaalis ba ako? Kapag umalis ba ako, matatakasan ko nang talaga siya? O lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang sitwasyon ko at ni Migo? I want to avoid Joross. I always wanted to, pero kapag ginawa ko iyon, sarili ko lang ang pahihirapan ko. Kaya lang, kapag napalapit naman lalo ako sa kaniya, baka hindi ko na maisalba ang sarili ko. I felt stuck. Para bang kahit anong ikilos ko, sa mga kamay niya pa rin ang bagsak ko. “Puwede ko na siguro kayong i-dismiss. I will just inform you kung may dapat tayong baguhin. You can leave the room now. Thank you for your time,” pagtatapos ni Ma’am Heidi ng meeting. Hindi na muna ako lumabas upang paunahin ang iba naming kasamahan. Nilapitan ako ni Ma’am Heidi upang iabot sa akin ang folder kung saan nakapaloob ang nabuo naming plan. Ako ang nabilinan niya na mag-aabot no’n kay Sir Paolo kaya lang ay wala siya ngayon. He took a leave, hindi pa iyon basta-basta maaaprubahan. “Sa’yo ko na rin iiwan ito, Ms. Mercandes.” Ma’am Heidi handed me a magazine. Natigilan naman ako nang makilala kung sino ang nasa cover, walang iba kundi si Joross. “Approved na ‘yan. Pararamihin na lang ang kopya pero trabaho na naman ‘yon ng kabilang department. Kukunin ko na lang ulit sa’yo.” I forced myself to nod. “Okay, Ma’am. No problem.” Pinanatili ko ang aking mga ngiti hanggang makalabas siya ng meeting room. Nang ako na lamang ang natira sa loob ay nagkaroon ako ng laya para bisitahin ang laman ng magazine. Obviously, it’s all about him and his achievements. Ang layo na ng narating niya at hindi na dapat ako magtaka pa kung bakit hindi ko na siya makilala. But I cannot help but feel proud of him. Siguro ay hindi na siya nakadepende ngayon sa kinagisnan niyang pamilya. With his many successes, he can now build his own empire. “Matteo Joross,” mahinang usal ko sabay pakawala ng mabigat na hininga. His full name is written on the cover of the magazine. Iyon na rin ang mismong pamagat no’n. Kasama ng pangalan niya ang isa niyang larawan kung saan naka-side view siya kaya’t kitang kita ang hugis ng kaniyang mga labi at kurba ng kaniyang matangos na ilong. He was wearing his formal suit. Nakahawak siya sa kaniyang necktie na tinatangka niyang tanggalin. From there, marami pa ang hahanga sa kaniya. He can pass as a model. He looked so handsome, powerful, and untouchable. Pruweba ito na sobrang taas na niya, samantalang ako, lubog na lubog na. Sukbit ko ang aking bag nang lumabas ako sa meeting room. Marami sa mga nakakasalubong ko ang pauwi na. Katulad nila ay wala akong balak na mag-overtime. “Trish!” Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Melon. Napangiti ako nang makita ko ang pagmamadali niyang paglapit sa akin. Sa ayos niya ngayon ay masasabi kong abala siya. Nakalimutan na niya kasi ang paglalagay ng mapulang lipstick at wala rin siyang suot na mahabang hikaw ngayon. “Pauwi ka na?” I asked her. May sarili siyang sasakyan, at sa kaniya ako sumasabay minsan. She pouted and heaved a tired sigh. “Busy pa ako now, Trish. Hindi pa ako makakauwi.” “Ayos lang, Melon. Hihintayin na lang kita sa lobby.” Umiling siya at tinapik ang aking baraso. “Matagal pa ako, girl. Pati sabi ni Adam, puwede ka raw sumabay sa kaniya. Pauwi na rin naman siya. Hintayin mo na lang sa parking garage.” “Hindi na. Huwag na . . .” “Nasabi ko na sa kaniya. Don’t worry!” Pipigilan ko sana siya ngunit nagdire-diretso na siyang pumasok sa elevator. Naiwan tuloy sa hangin ang aking dapat na sasabihin. Hindi naman ako palaging sumasabay sa kaniya. Gipit lang talaga ako ngayon dahil wala akong inaasahan na extra income na darating. Wala na kasi ako sa club ni Madam Barbara at ngayong month, hindi nagpalinis ng unit si Sir Paolo. Ang hirap kumita ng pera ngayon. Tumungo na ako sa parking garage upang doon na hintayin si Adam. Tumapat ako sa kulay asul na kotse katabi ng itim na mamahaling sasakyan na alam kong si Joross ang nagmamay-ari. Nandito pa ang kotse niya. This means he is still here in the building, hindi pa siya nakakauwi. Isinilid ko sa aking bag ang dala-dala ko pang folder at magazine. I forgot to leave it on my desk. Iuuwi ko na lang at ibabalik din bukas. “Ihahatid ka ng lalaki mo?” Napatda ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang nang-aamok na boses ni Joross. I turned my eyes in his direction. Nilamig agad ang buong katawan ko nang malapatan ng aking paningin ang nang-uuyam niyang mga mata. Hindi ko na naman maipinta ang aking nararamdaman. Nag-iwas ako ng tingin. “Makikisabay lang ako, Joross. At . . . hindi ko siya lalaki.” I hope he will believe it. Hindi naman talaga. Narinig ko ang mahinang tawa niya, tawa na alam kong hindi naman dahil sa masaya siya. But, I don’t know kung bakit sa kabila ng panunuya niya sa akin ay hindi ko makuhang mainis sa kaniya. Dahil ba sa buong maghapon ay ngayon ko lang siya nakausap? Ang totoo niyan, akala ko ay uuwi ako ngayon nang hindi man lang siya nakikita sa personal. “Sa akin ka na sumabay.” He became serious. “I will introduce you to the manager of my restaurant.” He got my full attention when he opened the door of the passenger seat. I clearly heard what he said. At naalala ko ang napag-usapan namin kahapon. I will work at his restaurant. Ngunit nagdalawang-isip pa ako na lumapit sa kaniya. Alam ko namang hindi niya ako gagawan ng masama pero nahihirapan ang puso ko ngayon na pumintig dahil sa kaba. “Ite-text ko lang si Melon.” I didn’t look into his eyes dahil alam kong malaki ang magiging epekto no’n sa akin. “I will tell her na sabihan niya si Adam. Baka kasi hintayin niya ako.” Aligaga kong kinapa sa loob ng bag ko ang aking cellphone. Nakagat ko ang aking labi nang hindi ko iyon mahanap-hanap! I always find it hard to act kapag nandiyan siya at pinanonood ako. “Pero kaya ko naman magpunta ro’n mag-isa,” sabi ko pa. “Huwag mo na lang kaya ako isabay? Doon na lang tayo magkita para hindi na kita maabala. May maghahatid naman —” “Walang ibang maghahatid sa’yo, ako lang,” he cut me off. Ako lang. I repeated in my mind. Ibig sabihin, siya lang. Hindi ako nakaangal nang yamot niyang kinuha sa akin ang aking bag at walang ingat ‘yong ipinasok sa kaniyang sasakyan bago siya umikot siya sa driver’s seat. I sighed. Naisip ko na ako itong may kailangan kaya ako dapat ang magpakumbaba at sumunod sa kaniya. Pareho kaming tahimik habang bumibyahe. Walang kibo siyang nagmamaneho, habang ako ay inaaliw ang sarili sa bawat establishment na madaanan namin. Nagpaplano rin ako kung paano ko ba babasagin ang katahimikang pumapagitan sa amin. “Papayag kaya ‘yong manager na hanggang apat na oras lang ako magtatrabaho tuwing gabi?” I asked him. Sabay kaming nagkatinginan. Nakagat ko ang aking labi nang kumalampag nang husto ang puso ko. “I will talk to her about it. Ako na ang bahala.” I shook my head to protest despite the tightness inside my chest. “Ako na lang ang makikiusap, Joross.” Hindi siya kumibo kaya hindi ko sigurado kung pumapayag ba siya. Nagtanong ulit ako, “M-magiging dishwasher ako, hindi ba?” Ramdam ko ang saglit niyang pagsulyap sa akin ngunit hindi agad siya nagbigay ng sagot. Sa hula ko ay nag-isip pa muna siya. Then I heard his long sigh. “If you want to offer other services, why not?” I felt a little annoyance when I understood his sarcasm. He smirked at me devilishly. Heto na naman siya. “Ang dumi mo mag-isip,” bintang ko sa kaniya. Nawalan ako ng pakialam na puwede na naman siyang magalit sa akin. Pero tumawa siya. “I said it’s fine. Siguraduhin mo nga lang . . . na ako at ako lang ang magiging client mo.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko bigyan siya ng masamang tingin, ngunit lalo lamang lumawak ang ngisi sa mga labi niya. Lalo siyang nagkaroon ng kapangyarihan para manudyo. “Baka kasi nakakalimutan mo na asawa mo ako, Trishia. You cannot sleep with a man unless he is me.” I hated my cheeks for burning! Namumula siguro ang mga ito! Sinubukan kong magpakatatag. Ayaw ko na sanang magpa-apekto pa, but again, he murmured something, “You are mine, love.” I stiffened, and I had a hard time breathing properly when my mind processed his words. Ang panghuling sinambit niya ay humukay sa aking sistema. Sumabay sa pagtaas ng lebel ng kaba ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Tila gusto na naman nitong kumawala sa aking dibdib. Nanghihina akong pumikit. Kayang kaya niyang pagbali-baligtarin ang emosyon ko. Kuhang kuha niya ako. Sinikap kong pakalmahin ang aking sarili at hindi na siya inimik. Bumalik ang katahimikan sa pagitan namin at hindi ko na binalak pa ‘yong bulyawin. Pumirmi na lamang ako at hinintay ang pagtigil ng kotse. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Hawak ko ang handle ng aking bag habang pinauuna niya akong maglakad patungo sa restaurant. Nang tumapat na ako sa entrance ay nilingon ko na siya. “Let’s go,” he said. It’s almost a whisper. I followed him inside. Mga staffs lang ang nasa loob.Like the last time na nanggaling kami rito, binati siya ng mga ito. Winelcome rin nila ako ngunit hindi ko masyadong nasuklian ang mga ngiti nila dahil dumiretso si Joross sa family size table sa dulo. I stopped from walking. Hindi ko alam kung susundan ko pa siya. Naroon kasi ang isang ginang at ilang mga waitress na tumutulong maghain sa hapag. Pero nilingon ako ni Joross. Tumalim ang paningin niya, para bang hindi niya nagustuhan na ang layo ko sa kaniya. Tinapik niya ang katabi niyang bakanteng upuan. Pinauupo niya ako roon. Kahit may pag-aalinlangan ay lumapit ako. Hindi kaagad ako nakaupo sapagkat nasalubong ko ang mga ngiti ng ginang. “Good evening po,” pagbati ko. Her smile brightened. She’s beautiful. May edad na siya ngunit nababakas pa rin ang kaniyang ganda. “Have a seat, anak,” aniya. Uminit ang damdamin ko dahil sa napakalambing niyang boses. Pino ang kilos niya at hindi mabigat ang kaniyang presensiya. “Mabuti na lang, nakatapos agad ako sa kusina. Maaga pala kayong darating.” Nalaman ko agad na siya ang manager nitong restaurant dahil sa suot niyang itim na apron. Nakaburda kasi roon ang kaniyang posisyon, sa ilalim ng kaniyang pangalan. And her name is Thereese. Kapareho ng pangalan nitong restaurant. Tinabihan ko si Joross. Gustong gusto kong magtanong sa kaniya ngunit hindi ko magawa sapagkat dinulugan kami ng ginang sa hapag. Kumalam din ang aking tiyan nang maamoy ko ang mga nakahain. “Marunong ka bang magluto, Trishia?” I was surprised because I didn’t expect she would know my name. Sumagot na lamang ako, “N-nagluluto po ako. Marunong po pero s-sakto lang po.” Bigla akong kinabahan. Ramdam ko naman na hindi masungit o matapobre ang ginang pero hindi pa rin ako naging komportable sa magandang pakikitungo niya. She chuckled. “Mas maganda ang sakto lang. Sa lahat ng bagay, hindi maganda ang sobra at kulang. May asawa ka na raw?” Nagbukas-sara ang aking bibig. Her question is from nowhere kaya hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng sagot. But I told her the truth, dahil hindi ko na maitatanggi iyon. “Y-yes, Ma’am. M-may asawa na po ako.” “Pero wala pang anak,” dugtong niya sa akin. “Wala pang balak, hija?” Tiningnan ko na si Joross upang humingi sa kaniya ng tulong. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sumabat siya, “Your question is too personal.” Bumilog ang bibig ng ginang. “Oh! I’m so sorry. Mausisa talaga akong tao. But it’s nice meeting her, Joross, finally.” “What do you think of her?” he asked. Simpleng tanong lang iyon pero napahanga na naman niya ako. “I like her very much! Of course, I’m going to hire her.” My lips parted. “Talaga po?” She smiled again. “Pumunta ka sa pre-opening nitong restaurant. Ang gusto kong mangyari, makita ulit kita at makausap. Maaasahan ba kita?” “Yes, Ma’am.” Nabuhay ang galak sa puso ko. Hindi man mataas na posisyon ang aking kinukuha ay lubos pa rin ang tuwa ko. Ibinaling ko kay Joross ang aking atensyon para sana pasimple siyang pasalamatan pero nag-iwas siya ng tingin. Tila sa gitna ng pagbubunyi ko ay tinotoyo na naman siya. Hanggang matapos ang libreng dinner ay hindi mapawi-pawi ang ngiti sa aking mga labi. Mas gumaan ang aking pakiramdam sa ginang, para bang sa muling pagkakataon ay naranasan ko ang pagmamalasakit ng isang magulang. “Joross, si Ma’am Thereese . . .” Malalaki ang kaniyang mga hakbang pabalik sa kaniyang sasakyan kaya’t habol-habol ko siya. “What about her?” Nagsusungit niyang singhal. “Itatanong ko lang kung kilala mo siya?” Nagpakawala siya ng pasensyosong hininga at tumigil sa paglalakad kaya’t naabutan ko siya. Napahawak pa ako sa aking tiyan dahil napasobra yata ang kain ko. He gave me a serious but concerned look. I was thrilled with the way he was looking at me. After a few seconds, he avoided my eyes. “She is your mother-in-law.” The butterflies in my stomach froze. Tila ang lahat sa akin ay tumigil. Namamali yata ako ng dinig? “A-anong sinabi mo?” Hinabol ko ulit siya nang umpisahan niya na muling maglakad. Napatigil lang ako nang aking makumpirma. “You heard her, right? My mother likes you . . . very much.” Tumaas ang temperatura ng aking katawan. Nilamon ako ng hiya. I nearly had a heart attack!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD