Kabanata 11

2133 Words
MA’AM Thereese is his mother? It cannot be true! Hindi ako naniniwala. Siguro ay binibiro niya lamang ako para magkaroon ako ng iisipin buong magdamag. And if that is his plan, tagumpay siya. Dahil hanggang ngayon, gising na gising pa rin ang diwa ko at tila ba hindi ako dadalawin ng antok. But thinking about it deeply, it can be possible. Posibleng totoo iyon dahil wala naman akong nakilala na ina niya noon. He never talked about his mother. At ‘yong mabuting pagtrato sa akin ng ginang kanina, ngayon ko lamang napagtatanto na malalim ang ibig sabihin. Questions popping up in my mind were too loud while I remembered what happened in the restaurant. Hindi ako mapakali. Should I be glad that Ma’am Thereese likes me? Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Sa pagkabalisa ay hindi ko na napigilan pang kunin ang aking cellphone upang hanapin ang number ni Joross. Umayos ako ng upo at sinikap na hindi maabala si Migo sa pagtulog. With all my remaining courage, I dialed his number. Hindi naman ako umaasang sasagutin niya ang tawag ko dahil baka tulog na siya, but I almost lost my breath when I heard his deep voice on the phone. “You’re still awake.” He said it so quitely so I needed to I nibble on my bottom lip to control myself. Kanina lang ay kasama ko siya, pero bakit parang sabik akong marinig at makausap siya? I shook my head. At dahil matagal bago ako nakapagsalita ay nagkaroon ako ng chance para dinggin ang ingay sa background niya. I can hear keyboards and papers. Is he still working? At this hour? I cleared my throat. “Y-You told me na . . . na sa manager ng restaurant mo ako ipakikilala. A-Ano ‘yong nangyari kanina?” “What are you saying, hmm?” “You know what I’m saying,” asik ko. “I introduced you to the manager. Didn’t I? So, what’s the problem?” pagmamalinis niya pa. “She is your mother and you didn’t inform me,” pagririin ko. “A-Alam ba ni Ma’am Thereese na asawa . . . I mean . . .” “You mean kung alam ba niya na asawa kita?” tumbok niya na sinundan ng kaniyang mahinang pagtawa. His laughter made my stomach roll and it became a music to my ears. Boses niya lamang ang aking naririnig at hindi ko siya nakikita, ngunit pakiramdam ko ay parang katabi at kaharap ko lamang siya. Ang puso ko tuloy ay walang humpay na naman sa pagtatambol. Ang bumubuo sa aking sistema ay nagkasundo-sundong magwala. “She knew,” he added, and I paled. “She knew that you are . . . my wife.” “Joross . . .” Nakagat ko ang aking labi nang mapalakas ang aking boses. Agad ko namang sinulyapan si Migo. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang mahimbing pa rin siyang natutulog. “Dinala mo ako sa kaniya ng wala man lang akong ka-ide-ideya na mother mo pala siya. Why did you do that?” “She wanted to meet my wife. That’s the reason.” “Pero bakit ako ang ipinakilala mo?” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na itanong iyon sa kaniya. Kung alam ko lamang, kung sinabihan niya lamang ako, hindi na sana ako tumuloy pa roon! I waited for him to respond pero tumahimik siya. Then I repeated my question in my mind. Nakagat ko ang aking labi nang mapagtantong mali at hindi ko dapat iyon itinanong! “Who else do you think I should introduce to her, huh?” Narinig kong muli ang tawa niya, but this time, may halo na iyong pang-aasar. “ikaw lang naman ang asawa ko.” “ . . . walang iba.” Marahan niyang binitawan ang panghuli niyang mga sinambit. Manginig-nginig ako sa nag-uumapaw ko na namang emosyon. Mas titindi pa pala ang kaba ko, at para niya akong tinanggalan ng kakayahang makapagsalita. Pinagpawisan ako nang malapot at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. It became difficult to me to calm myself this time, kaya pinayagan ko muna ang sarili ko na magpatianod sa kaniya. I let his words affect me again. Hindi ko malabanan! Pero habang dinadama ko ang epekto niya sa akin ay muling bumangga sa aking isip ang naging pag-uusap namin kanina ng mother niya. Nilamon na naman ako ng bigat at kahihiyan. I applied there as a dishwasher. Ayaw ko mang ikahiya pero iyon ang aking nararamdaman ngayon. I felt so small. Mababa ako. Wala akong puwedeng maipagmamalaki sa ina niya. Sa katunayan, wala akong maihaharap na mukha sa kaniya. “Do you like her, Trishia?” Joross asked me again over the phone. Natahimik ang aking puso na kalaunan ay tuluyang bumalik sa normal ang pagpintig. Naramdaman ko sa tono ng kaniyang tanong ang tila pagod niyang mood. I did not expect that he would ask me that. Sino ba ako para tanungin niya? Sino ba ako para hindi gustuhin ang mother niya? I knew he was waiting for my answer. He was hoping for it, but I chose not to speak and just stayed silent. Nahiga na muli ako nang hindi ibinababa ang tawag. My ears enjoyed the sound of his breathing, at mas pinili ko na lang na pakinggan ‘yon. Tila hinehele ako no’n at dinadala sa ibabaw ng malalambot na mga ulap. And for some reason, dumating ang kanina ko pang hinihintay na antok. “Mama, morning na po.” Ginising ako ng malambing na boses ni Migo. Pagmulat ko ay umaga na, at tumatagos na ang sikat ng araw sa dingding ng aming silid. “Good morning, big boy.” Matamis ko siyang nginitian. Ininat ko ang aking katawan nang ako’y makabangon. Sa higaan ay natagpuan ko pa ang aking cellphone. Wala ng charge iyon. At nag-alala ako dahil nakatulugan ko roon si Joross. Bigla tuloy akong na-guilty. Bago ko pa ulit maalala ang mga nangyari kagabi ay inilipat ko na agad ang aking isip sa ibang bagay. Late na ako, pero wala naman ulit ngayon si Sir Paolo. Pati wala rin naman siyang pinatatrabaho nang agaran sa akin. “Mama, I found this in your bag po.” Muling nabaling ang aking atensiyon kay Migo at ang mga ngiting ibibigay ko sanang muli sa kaniya ay naudlot. Dinaga ang aking dibdib nang makitang hawak niya ang business magazine ni Joross! “Migo, that’s . . .” He ran towards me. Tuwang tuwa niyang ipinakita iyon sa akin kaya nagkaroon agad ako ng pagkakataon para agawin iyon sa kaniya. “Hindi ba ibinilin ko sa’yo na huwag basta-basta kukuha ng gamit na hindi naman sa’yo?” “Did you see that, Mama?” Hindi niya pinansin ang pangaral ko. “Same po sila name Papa Jowoss. Tulad po sila!” Umawang ang aking bibig. Humigpit ang paghawak ko sa inagaw kong magazine mula sa kaniya habang pilit kong pinipigilan ang pagbugso ng aking pangamba. Hindi niya kilala si Joross sapagkat tanging pangalan lang ang alam niya. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Bakit kasi hindi ko naisip na puwedeng makita niya ito sa bag ko? Sisi ko sa aking sarili. I gently took his left hand. Alalay ko siyang pinaupo sa gilid ng kama at ako naman ay naupo sa ibaba. Pinagpantay ko ang aming paningin para sana subukan siyang bigyan ng paliwanag. Kaya lang, biglang umatras ang dila ko nang lumungkot ang kaniyang mga mata. Mabilis na napapas ang kaniyang mga ngiti, parang bang natakluban ang kaninang sigla niya. “Hiram ko lang po, Mama. Tingnan ko lang. ‘Di ko po sira, babalik ko rin po,” tila nakikiusap niyang saad. My conscience ate me. Hinaplos ng ekspresyon ng kaniyang mga mata ang puso ko. Lumamlam kasi ang mga iyon at para bang nagbabadya roon ang pagdadamdam. Kaya kahit labag sa loob ko ay pinayagan ko muli siya na kunin ‘yon sa akin. “Papa’s name is here po.” I felt heavy when his small fingers traced each letter printed on the cover. Pigil ko ang aking hininga nang mapanood ko mismo kung paano niya nabigyan ng malalim na atensiyon ang larawan doon ni Joross. Tila ginagawa niyang pamilyar ang sarili. Iniwas ko roon ang aking paningin. “That’s enough, Migo. Mag-breakfast na tayo? Let’s go.” “Ba’t po tagal Papa Jowoss uwi?” Sumakit ang aking puso. “‘Di po niya alam na wait ko siya lagi?” Nahirapan akong tingnan nang diretso ang inosente niyang mga mata. Ramdam ko ang paglamon sa akin ng konsensiya. Kung hindi ko dodoblehin ang aking tatag ay baka kanina pa bumigay ang aking mahinang kalooban. “N-nagwo-work siya, hindi ba?” I tried to give him one possible reason for his question. But he pouted and looked at the picture again. “Puwede po siya muna ang papa ko po?” My brows drew together. “A-ano?” Muli niyang itinuro sa akin ang picture. By that, I got what he meant. “Habang wala pa po si Papa Jowoss, siya muna po ang papa ko, kasi parehas po sila name.” Nakagat ko ang aking labi. Una ko nang naisip na dapat ay hindi ko iyon payagan ngunit napapikit na lamang ako at muling nagpasensiya. Wala akong lakas para kontrahin ang gusto niya. Um-oo na lamang ako. Pero ang hindi niya alam, ang Papa Joross na hinihintay niya ay ang siya ring mismong inirerepresenta ng larawang tinitingnan niya. I will admit that I am a very selfish person. Sobrang nagiging makasarili ako kapag si Migo na ang pinag-uusapan. Ganito nga yata kapag napakahalaga sa’yo ng isang tao o bagay. You will do everything to protect them. Pero hindi ko na sigurado kung pagpoprotekta pa ba itong ginagawa ko. Because everytime I will view the whole scenario, what I see is different. Pagsisinungaling lang at pagkakait ang nakikita ko. But what can I do? Kung hindi ko siya itatago, kukunin nila siya sa akin. Pinahinga ko ang aking sarili at inaya nang mag-almusal si Migo. Naabutan naming naghahain na ng almusal ang Tita Saren niya kaya’t pinaupo ko na agad siya sa maliit na wooden chair. Bahagya ko munang inilayo ang hawak niyang magazine para hindi iyon marumihan o matapunan ng kung anomang liquid. Ipinagmalaki niya iyon kay Saren. Ang sabi niya, mayroon na siyang temporary na papa. “Patingin nga!” Pangwiwili sa kaniya ni Saren. “Sobrang pogi naman nito! Sa picture pa lang, parang sobrang bango na! Ano nga ang pangalan? Matteo Jo —” Natigil siya pagsasalita, at alam ko ang dahilan no’n. She diverted her eyes on me. Naroon ang naghalong gulat at pagtataka. Nabasa ko agad doon ang sunod-sunod niyang mga katanungan. Patago akong umiling sa kaniya at saka ako dumiretso sa maliit naming kusina para itimpla si Migo ng gatas. Ilang sandali lang ay nakasunod na siya sa akin. “Hubby loves mo ‘yon? Siya ‘yon? Totoo?” she throws a series of questions. Mahina kong siniko ang kaniyang tagiliran upang sawayin ang lumalakas niyang boses. Ang hindi ko pagkibo sa kaniya ang naging senyales upang kusang magkaroon ng kasagutan sa kaniyang isip. Namaywang siya. “E, bakit ipinakita mo kay Migo?” “Nakita niya sa bag ko ‘yong magazine. Nabasa niya ‘yong cover title. Kaperahas daw ng pangalan ng . . . ng papa niya,” putol-putol kong salita, hinahabol na naman ako ng kaba. “Habang wala raw ang papa, ‘yong nasa picture muna.” “Ha? Wait . . .” Napahilot siya sa kaniyang sentido bago siya muling nag-usisa. “Trishia, okay ka lang? Okay lang sa’yo?” Pagod akong huminga. “Nawalan ako ng choice. Hindi naman niya kilala si Joross.” Tiningnan niya ako nang malalim at ramdam ko ang pagkadismaya niya sa aking sinabi. “Alam mo, kaya ang bigat-bigat lagi ng pakiramdam mo, kasi iniipon mo lahat ng mga problema mo. Pakawalan mo naman ang iba.” “Gagawin ko naman, Saren.” “Sabihin mo na ang lahat sa asawa mo. Lahat-lahat. Pero unahin mo muna ang tungkol sa pagbubuntis mo noon.” Bigla niyang ipinasok ang topic na iyon. Agad akong umiling. “M-magagalit siya.” She sighed harshly. “Trish, you have no other choice but to face his anger. Kung kinakailangang dagdagan mo pa ang galit niya, go! But explain! Hindi ‘yong lagi ka na lang tatakas diyan at magtatago. At hindi mo naman kasalanan ang nangyari noon, ‘di ba? Ang sabi mo, hindi mo ginusto ‘yon.” “Pero, Saren . . .” “Tell him the truth. Hindi naman kailangan bigla agad, unti-untiin mo,” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD