Kabanata 5

2470 Words
“SINO, ‘te? ‘Yong lalaking mukhang dayuhan?” usisa sa akin ni Viviana. Matapos ko siyang maabutan sa bahay ay tinanong ko siya tungkol sa paglapit sa kaniya ni Joross sa club. “Wala ‘yon. May sira yata sa utak ‘yon, sobrang hot at guwapo pa naman. Sayang siya.” I followed her in the kitchen. Kumuha siya ng malinis na towel para tuyuin ang kaniyang mukha pagkatapos ay isinampay niya iyon sa kaniyang balikat. Ako naman ay nagkunwaring maghuhugas ng kamay. “May sira sa utak?” Umikot ang kaniyang mga mata. “Kinuha-kuha niya ako sa club tapos hindi naman pala makikipag-s*x. Sinayang niya lang time ko. My gosh! Naalala ko na naman ‘yon!” I bit my lower lip, forbidding myself to throw another question at her. I am already informed na hindi sila natuloy ni Joross. He told me that he still has respect for our marriage. Ang ibig sabihin ba no’n, wala siyang naging iba? I shut my mind. E, ano naman sa akin ngayon? By the time I walked out of the kitchen, nasalubong ko si Saren. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa hamba ng kwarto niya. She was smirking at me, I am sure, narinig niya ang pinag-usapan namin ni Viviana. Naikwento ko kasi sa kaniya last night ang tungkol doon. “Possessive wife lang? Bawal tikman ng iba si hubby?” biro niya sa akin at napalakas ang tawa niya nang magusot ang mukha ko. I used to call him mine, pero magmula noong iniwan ko si Joross, tinanggalan ko na ng karapatan ang sarili ko na ariin siya. Sobra akong naging makasarili at nagawa ko siyang ipagpalit sa ibang bagay. Akala ko kasi noon, hindi siya mahalaga sa akin. Totoo nga ‘yong kasabihan na, saka lang mararamdaman ng tao ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito. Ngayon, papel na lang ang nagsasabing may ugnayan kaming dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya sa sinabi ni Joross sa akin kahapon. Ayon sa kaniya, hangga’t galit siya, hindi niya ako hihiwalayan at hindi niya ipawawalang bisa ang kasal namin. Should I be thankful that he is angry at me? Kung ganoon, hihilingin ko pa ba na mawala ang poot niya sa akin? Today is my second day of working for him. I can’t believe that I successfully survived my first day. Although naging mahirap sa akin ang kahapon ko, kinaya ko pa rin at kakayanin ko pa rin kahit na alam kong sinasadya niyang pahirapan ako. “Sir, babaguhin pa ba natin ito?” Pasimple akong sumulyap sa desk niya. Halos magkatapat lang ang table namin, ngunit sinadya kong iharang ang mga pinagpatong-patong kong folder para hindi ko siya masyadong makita. Kausap niya si Ma’am Heidi, mataas na employee ng department namin na naatasan ni Sir Paolo noong nakaraan. Nakita kong binalingan ni Joross ng atensiyon ang tinutukoy na report. He was so serious, hawak niya ang isang pen na paminsan-minsan niyang pinapaikot sa kaniyang mga daliri. He's still doing that. Ginagawa niya iyon every time na may bagay siyang pinag-iisipan. “No need. Just finalize this one and the other one,” aniya sa kausap. “Alright, sir. I’ll send the files as soon as possible.” He is calm now and looking so handsome with the necktie I put on him this morning. Wala sa hitsura niya ang pagsusungit. Siguro dahil hindi ako ngayon ang kausap niya. Sa akin lang naman siya may galit. Nasisira ang mood niya kapag ako na. Palagay ko tuloy, nadadamay ko lang ang iba sa amin. Nang marinig ko ang paalam ng kausap niya ay saka ko lang ibinalik ang aking pokus sa trabaho kong kahapon niya pa ibinigay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito natatapos. I am doing an overview of our department’s plan. He needs this so he can familiarize himself with it. Madali lang naman ito, pero pagdating sa kaniya, lahat ng gawa ko ay mali at palpak. Nakailang ulit ako at mas mapapagod ako kung bibilangin ko. Sumidhi ang katahimikan sa kabuuan ng opisina niya. Tanging ang tunog lang ng palipat-lipat na papel at keyboard ang aming naririnig. Kaming dalawa lang ang nasa loob. We are breathing the same air, and I am having a hard time focusing again. “You’re still not finished?” Kusang tumaas ang aking mga balahibo nang dumaan sa aking pandinig ang kalmado niyang boses. This time, ako na ang kinakausap niya. I cleared my throat. “Malapit na. Ipi-print ko na rin kapag natapos na.” Dahil sa mga hinarang kong folder sa aking harapan ay nawalan ako ng pagkakataon na makita nang maayos ang reaksiyon niya sa sinabi ko. I halted my breathing when I felt him stand up from his swivel chair. Dinagsa ng panganib ang dibdib ko sa pag-aakalang lalapitan niya ang desk ko, pero nawala rin nang makitang papalabas siya ng office. May sinagot siyang tawag sa kaniyang cellphone. I sighed heavenly. Ang hirap niyang pakisamahan. Paano pa sa mga susunod na araw? Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang lumipas na pala ang maraming minuto. I also realized na hindi pa bumabalik si Joross. Natapos ko na ang pinatatrabaho niya, printed na rin at babasahin niya na lang. And I wish, tanggapin niya na. I glanced at my wristwatch. It’s twelve now. Nagla-lunch na siguro ‘yon sa labas. Inilapag ko na lang sa desk niya ang printed copy ng document na tinapos ko. Kumakalam na rin ang tiyan ko kaya naman hindi ko na siya hinintay pa na makabalik. I took my lunch with Melon, pero hindi ako nakapag-stay sa canteen nang matagal kasama siya. Naka-receive kasi ako ng message mula kay Chairman Rafaelo, pinapupunta niya ako sa kaniyang opisina. “Late na akong umuwi ng bansa noong isang gabi kaya hindi ko na naabutan ang Sir Paolo mo. Hindi ko tuloy siya napaalalahanan,” bungad sa akin ni Chairman nang madatnan ko siya sa kaniyang office. “Have a seat, Trishia.” Tipid akong ngumiti nang ialok niya sa akin ang visitor’s chair. Kahawig niya si Sir Paolo, mas istrikto nga lang siyang tingnan dahil sa medyo maputi na nitong buhok at sa suot na eye glasses, pero hindi siya mukhang matandang matanda na. “Siguro ay nabasa mo agad ang message ko. Nagtanghalian ka na ba?” Humawak ako sa aking tiyan at tumango. “Yes, chairman. Katatapos lang.” Pinapunta niya siguro ako rito para muli niyang kumustahin sa akin si papa. Sadly, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan niya sa kulungan. Ayaw ko mang kaawaan ang papa ko, hindi ko maiwasan. Sa tuwing sumasagi sa isip ko, kusang nadadagdagan ang bigat ng alalahanin ko. “Kasama mo raw sa trabaho si Mr. Benavides.” Napatunghay ako sa sunod na sinabi ni Chairman. Muntik ko nang makalimutan na kilala nga pala niya si Joross, ang kaisa-isang son-in-law ni Papa. “Wala naman pong problema,” ang sabi ko ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. “Ako ang nagrekomenda kay Paolo na kuhaning partner ang asawa mo.” Ipinakita niya sa akin ang mababang percent ng company, at ang pagtaas nito nang dumating si Joross. “Kinakailangan lang talaga ng kumpaniya ng pangalan niya para makapanghila ng investors. Hindi ko nabanggit sa’yo ang tungkol dito.” “Humihingi po ba kayo ng pasensiya?” He nodded twice. “My son is not aware of your relationship with Mr. Benavides. Hindi ko napaalam sa kaniya at wala rin naman akong balak na sabihin kahit kanino. I just didn’t expect that my son would pass you on to your husband.” “Temporary lang naman po,” alangan kong ganti. “Kung nag-aalala po kayo, I can assure you po na hindi maaapektuhan ang trabaho namin ng kung anomang relasyon — ” “I can help you get another job, hija.” Hanggang doon lang ang naging pag-uusap namin ni chairman. Hindi ko siya nabigyan ng direktang sagot sapagkat ayaw kong magpadalos-dalos. Kailangang kailangan ko ng stable na pagkakakitaan para kay Migo at kay papa, at para na rin sa mga taong pinagkakautangan namin. Yes, the chairman can help me, pero nahihiya na ako. Bumalik na ako sa opisina ni Joross. Lalo nagulo ang isip ko nang madatnan ko na siya sa loob. Nakaupo siya sa kaniyang chair habang may binabasang document. Napangiwi ako nang mapansing tinitingnan na niya ngayon ‘yong natapos ko kanina. Bigla tuloy akong na-conscious. Baka may mali na naman akong nailagay roon. Pinakalma ko ang aking sarili. Sa kabila ng pag-aalangan ko ay nilapitan ko siya. “If . . . you have a question, kung may hindi pa rin malinaw sa’yo, you can ask me,” buong loob kong sabi. “Katulad ng instruction mo, naka-base lang ang lahat ng ‘yan only for this year at hindi ko na isinama ‘yong mga cancelled plans.” Nakita ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. I tried to remember all the details I have put in there earlier to make sure na wala akong naiwanan. Sinunod ko ang lahat ng bilin niya. I waited for him to react, but he continued reading the printed document. Habang busy siya, naging abala rin ang aking mga mata na pakatitigan siya. Dahil sakto ang distansya ko mula sa gilid niya, naging sapat sa akin para hangaan ang matangos niyang ilong pababa sa mamula-mula niyang mga labi. He looked more matured now. Maybe because of his thin jaw stubble? Pero mayroon na naman siya no’n dati. But undeniably, he became more strikingly appealing. Few seconds had passed, I heard his tired sigh and then he looked at me. “Have you eaten your lunch?” “H-ha? Oo.” Nang ibigay ko sa kaniya ang sagot kong iyon ay nagkaroon ng pagbabago sa maaliwalas niyang mood. Nakita ko pa ang pagtiim ng kaniyang panga na para bang sumama ang loob niya. Bawal ba akong mag-lunch? O dapat ba na magpaalam muna ako sa kaniya? He looked at the papers again. “This is fine. I’ll study this myself. Thanks,” aniya. Nakahinga ako nang maluwag. “Where’s your phone?” Natulala pa ako nang itanong niya sa akin ‘yon, ngunit nang mabawi ko ang aking sarili ay agad ko namang ipinakita sa kaniya ang cellphone ko. I did not manage to react anymore when he suddenly took it from me. Ni-hindi ko na rin nagawang mag-alala sa kung ano mang gagawin niya roon dahil sa pagkabigla ko. Mabuti na lamang ay naisipan kong palitan ang wallpaper no’n. Pero nahiya ako sapagkat basag-basag ang screen no’n. Dahil wala namang lock iyon ay naging madali para sa kaniya ang pindutin ang icon ng contacts. Then he typed eleven digits on it. “This is my number. I want you to update me in case there is a problem here." I gave him a nod. I understand now why he needed my phone. He gave me his number. Ibinalik niya sa akin ang phone ko. Sa pagtayo niya ay otomatikong napaatras ang aking mga paa ngunit hindi ako gaanong lumayo sa kaniya. Pinanood ko siyang mag-imis ng ilan sa kaniyang mga gamit at palagay ko ay muli siyang aalis. I don’t have his schedule yet, hindi ko tuloy alam kung saan siya nanggaling kanina at kung saan ang tungo niya ngayon. “Saan ka pupunta, Joross?” I asked him. And because my question turned out to be informal, he looked at me. His eyes darkened, but I didn’t feel any trace of anger in them. Should I address him 'sir'? Pero, paano? I bit my bottom lip. “S-sir Joross,” I repeated. Bahagyang tumaas ang kilay niya at sumilay ang masamang ngisi sa kaniyang mga labi. “W-wala pa akong kopya ng schedule mo. Kailangan ko ‘yon,” sabi ko pa. “You don’t need to know my schedule. Just do everything that I asked you to do.” In-off niya ang kaniyang laptop at inabot ang lalagyan no’n bago niya ako muling binalingan ng tingin. “Don’t act as if you were a real secretary here. Baka nakakalimutan mo, kinuha kitang sekretarya ko para sa ibigay ang serbisyong gusto ko. You know what I mean.” Nakaramdam na naman ako ng panliliit sa sarili pero hindi ko na hinayaan pang maapektuhan ng mga sinalita niya ang buong sistema ko. Kahit ilang beses ko namang linisin ang pangalan ko sa kaniya, hindi pa rin magbabago ang tumatak sa isip niya. I can’t force him to believe me. Sarado ang utak niya. Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. “Linawin mo sa akin. Ano ba talaga ang gusto mo?” “Warm my bed and be a wife to me at night, Trishia,” walang pag-aalinlangan niyang sambit. “I want to hear you scream my name and beg me to f**k you hard like before.” Naeskandalo ako sa mga sinambit niya kaya’t lalong nanikip ang dibdib ko. He saw me clenching my fists and that made his smirks became more evil and darker. Tila nagwagi siya na pikunin at punuin ako. Para niya akong pinipitpit. Pero sa kabila nito, hindi ko makuhang magalit nang sobra sa kaniya. Hindi ko magawang sampalin siya kahit gustong gusto ko na dahil mas pinipili ng puso ko na intindihin na lamang siya. “Do you like it dirty, right?” “Stop it, Joross,” saway ko na sa kaniya. “Trust me, I can be as dirty and rough as your other men.” Sinabay niya sa pagsasalita niya ang pagluluwag niya ng kaniyang necktie. I can now feel his jealousy. “Kahit responsibilidad mong ibigay sa akin ang pangangailangan ko sa kama, babayaran kita. I will pay you, but that depends on your performance. Marami ka na naman sigurong natutuhan?” I just stood still and stopped myself from hating him for what he said. Masasanay rin ako, at magsasawa rin siya. Hindi na ako kumibo at malaki ang pasasalamat ko nang itigil na niya ang panunuya sa akin at panghihiya. Ang sunod niyang ginawa ay kinuha niya ang isang itim na paper bag sa gilid niya. He didn’t check what was inside of it. Basta na lang siyang lumapit sa akin at walang ingat niyang inabot iyon. Pasimple kong sinilip ko ang nasa loob, nabigla na ako nang makita roon ang lunchbox niya. Hindi pa siya nanananghalian? “A-anong gagawin ko rito?” “Take that. Nawalan ako ng gana.” Pumait ang kaniyang tono. “Kung hindi mo kakainin, itapon mo na lang.” Sinundan ko siya ng tingin nang magdire-diretso siyang lumabas ng office at hindi na ako nilingon pa. Nang mawala ang pigura niya sa paningin ko ay roon lamang ako nakaramdam ng panlalambot. Ang lakas ng toyo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD