Napailing si Manang sa sinabi ko. Hindi ko alam kung natatawa ba siya o nauubusan ng pasensya sa akin.
"Ngayong kilala mo na kami, ang mga Gamma naman ang ipapakilala ko sa 'yo," aniya.
"Do we really have to?" pigil ni Miro.
Manang heaved a deep breath and looked at him sternly. "Narinig mo naman ang Alpha. Maaaring chosen mate niya si Raya o pangalawang kapareha."
"We are still not sure about that. She's a human! The lowest creature for Pete's sake," Miro hissed.
"Hello? Nasa harapan mo ako, naririnig kita," sarkastiko kong sambit.
Maka-lowest naman siya sa tulad kong tao porke siya high breed na aso.
"Beta, alam kong nagtataka ka kung bakit mortal ang kinuha kong tagapagsilbi. Kailangan nating alagaan ang sikreto ni Alpha, maaaring mapahamak ang pamilya natin kapag may ibang werewolf na nakaalam sa kalagayan niya."
Nalilito man sa punto ni Manang ay hindi ko naiwasan na magmalaki sa tinatawag niyang beta.
"Sige na, palabasin mo na sila," dagdag pa ni Manang.
Wala ng nagawa pa si Miro kundi ang lumabas ng bahay. Mayamaya pa ay bumalik din siya agad kasama ang dalawang . . . aso?
"Tngna!" bulaslas ko at napakapit kay Manang.
Umismid si Miro nang nakita ang reaksyon ko. Siguro kung hindi siya naiinis sa akin ay kanina pa siyang humalakhak nang malakas.
"Meet Kael and Gael, the gammas. Wala si Mael, nasa pack house siguro," prente niyang sambit.
On cue, they shifted into human form. Napaawang ang labi ko sa nasaksihan. Hindi pa ako nakuntento roon at kinurit ko pa ang aking sarili.
Ang kaninang mga malalaking aso ngayon ay mga taong nakahubad-baro sa harapan ko.
"Sila ang tagapagbantay o sundalo ng Alpha," ani Manang.
Wala sa sarili kong naangat ang kamay ko. "Teka lang, dahan-dahan. Nabibigla ako sa mga nalalaman at nakikita ko."
Miro smirked again, while the two gammas in front of us remained standing like a soldier. Napansin ko ang abo nilang mga mata. Hindi ko na rin kailangang itanong kung kambal sila dahil bukod sa magkatunog na pangalan ay magkamukha sila.
Hinarap ko si Manang. "P'wede po bukas na ulit? Parang bigla po akong naliyo ngayon."
Napangiti naman siya sa sinabi ko at tumango. "Sige na. Ako na muna ang magluluto ng tanghalian, magpahinga ka na."
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil isang katangahan na naman ang pumasok sa isip ko. Alanganin akong tumitig kay Manang at marahan na napalunok. Nagdadalawang-isip kung itutuloy ang pagtatanong ko.
"Ano iyon?" aniya, nahahalata ang reaksyon ko.
"Manang, hindi naman po . . . " I trailed off. "Karne ng tao ang lulutuin niyo, 'di ba?"
"Oh, damn, woman," I heard Miro uttered along with Manang's laughter.
"Huwag ka mag-alala, Raya. Hindi kami kumakain ng tao," ani ng matanda at saka tinapik ang balikat ko. "Sige na, magpahinga ka na. Makikipag-usap muna ako sa kanila."
Isang tango na lamang ang nagawa ko saka hinarap ang tatlo pa naming kasama. Kita ko ang sinusupil na ngiti ni Miro, gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko ang aking sarili nang maalalang isa rin siyang awu awu.
Bahala ka riyan, sa isip ko na lang kita aasarin.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa pag-iisip na nakakaganti ako sa kaniya kahit papaano. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at saka siya tinalikuran.
Doggy!
NAKAHIGA na ako ngayon sa kama pero ang utak ko ay umiikot pa rin sa lahat ng mga impormasyon na nalaman ko ngayong araw.
Alpha, beta, gamma, omega, mate.
Napakabigat sa ulo. Isang malalim na hininga ang ginawa ko bago tumagilid sa pagkakahiga. Sa isang iglap ay pumasok sa isip ko si Cleon, ang alpha nila.
Ang hirap siguro ng sitwasyon niya. Isang tao lang ang p'wede niyang mahalin, isang tao lang ang p'wede sa kaniya. Wala siyang magagawa kung ang taong itinadhana sa kaniya ay tanggihan siya.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang naalala na may posibilidad na mate niya ako. Kung sakali na totoo iyon, ano'ng gagawin ko?
Hindi ko siya p'wedeng tanggihan.
Pero hindi ko rin siya p'wedeng tanggapin.
Paano ko siya magagawang iligtas kung sa parehong desisyon, may isang madedehado sa amin?
Napaungot na lang ako at nagpagulong-gulong sa kama dahil sa frustrasyon. Hindi ko akalain na pagkatapos ng ilang taon na pag-iwas sa mga lalaking nagbabalak makipagrelasyon sa akin, ngayon ay iyon mismo ang poproblemahin ko.
Hindi naman shampoo ng kabayo ang gamit ko pero bakit biglang humaba ang buhok ko?
Omg, Faraiah. Ano ba iyang mga pinag-iisip mo?
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok at saka bumangon. Muli kong naalala ang enrollment na kailangan kong puntahan. Hindi ko alam kung aabot pa ako ngayon pero siguro susubukan ko na lang.
Inayos ko saglit ang aking sarili bago nagdesisyong lumabas ng silid. Dahan-dahan ang naging kilos ko. Asta akong lalakad patungo sa salas para sana magpaalam nang narinig ko ang pag-uusap ni Manang at Miro.
"Hinahanap na nila ang Alpha," ani Miro, bakas ang pamomroblema sa kaniyang mukha.
Nila?
"Kung makakabalik lang sana ulit sa kaniyang sarili ang Alpha kahit saglit baka malusutan natin ito," tugon naman ni Manang.
Napatitig sa kaniya si Miro bago iyon lumipat sa ikalawang palapag. "Baka p'wede natin ulit subukan na ipakausap siya kay Cleon," suhest'yon niya.
Lalo akong hindi nakakilos dahil doon. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang punto niya. Sa k'wento nila kanina at sa mga narinig ko, mukhang ngayon lang ulit bumalik sa sarili ang kanilang alpha kahit sa sandaling panahon.
Natahimik naman sandali si Manang. "Maaaring mapahamak si Raya kung sakaling hindi gumana iyan. Hindi tayo p'wedeng manakit ng mortal ng walang malalim na dahilan, Beta."
Hindi naman sumagot pa si Miro. Napayuko na lamang siya at pikit-matang hinilot ang kaniyang sintindo.
"I don't get it. Paano magiging mate ni Cleon ang babaeng iyon? Bukod sa tao siya, wala sa ayos ang inner wolf niya," bulaslas niya.
Manang let out a sigh. "Hindi ko rin masasagot iyan. Ang Alpha lamang ang makakapagpaliwanag sa atin ng lahat."
"Wala bang nagpapakalat ng sitwasyon ng Alpha? Baka kaya gusto nilang makita si Cleon kasi may nakaalam ng nangyayari sa kaniya?" usisa pa ni Miro.
Agad namang umiling si Manang. "Imposible. Nasa Alpha's command sila. Ikamamatay nila sakaling may pagsabihan sila ng nangyayari dito sa mansyon."
Natahimik na sila pagkatapos. Kinuha ko naman iyong pagkakataon para lumabas at magpakita sa kanila. Both of their attention automatically went to me.
"Manang? P'wede po ba akong umalis? Mag-e-enrol lang po sana ako sa malapit na eskwelahan," magalang kong saad, hindi nagpapahalatang narinig ko ang huli nilang pag-uusap.
"Ako na ang mag-aasikaso ng enrollment mo," si Miro ang sumagot sa akin.
Wala sa sariling napaangat ang kilay ko.
"Sa pack house ka na mag-aral, doon ay mababantayan kita," dagdag niya pa.
"Ha? Pack house? Bantayan?" magkakasunod kong sambit.
Tamad siyang sumandal sa sofa at pinakrus ang kaniyang braso. "Isang Academy ang pack house namin, p'wede kitang ipasok doon. And yes, I will guard you because you're his mate."
My jaw literally dropped at his statement.
Akala ko ba ay ayaw niya akong maging mate ng kapatid niya?
"It's a p*****t . . ." he stopped for a second. "For treating my wound."
"Wound?" pag-ulit ko.
Isang tango naman ang ginawa niya at saka itinuro ang kaniyang tiyan. "I am the werewolf you called a well-trained dog earlier."
My mouth formed an O shape. Ngayon naiitindihan ko na kung bakit siya galit sa pagtawag ko ng aso. At kung bakit umalulong siya kanina noong sabihan ko siya ng ganiyon.
Napakaarte, pareho namang may buntot!
"Get your papers. Ako na ang bahala," sambit niya pa.
Napanguso na lamang ako at tumango. Simulan ko silang talikuran para sana bumalik sa k'warto nang mapatigil ako saglit at mapatingin sa second floor.
Matutulungan nga ba kitang maibalik sa dati?
"Raya? May problema ba?" Si Manang iyon, napansin siguro ang pagtigil ko.
Nilingon ko siya ng may tipid na ngiti sa aking labi. "Wala po, Manang. Iniisip ko lang po kung saan ko nalagay ang mga papeles ko," palusot ko. "Sige po, hanapin ko muna." At tuluyan na akong naglakad palayo.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit gusto ko siyang tulungan sa kabila ng kapamahakan na p'wede kong harapin?
Am I really his mate?