CHAPTER 5

1111 Words
"W-Werewolf?" pag-uulit ko at saka tumingin kay Senyorito na ngayo'y wala ng malay. "Yeah, you heard it right. We are werewolves," the guy confirmed clearly. We? Silang lahat! Wala sa sarili akong napalunok at tumingin sa kaniya. "You mean . . . 'yong aso? Gano'n?" Agad na sumama ang kaniyang mukha. "Excuse me, we are not dogs!" "Same pa rin iyon. Awoo awoo pa rin tinatahol!" sagot ko pabalik. Napasapo naman siya sa ulo at napailing. "It's different. Stop calling us dogs, lady. Mas mataas kami sa kanila." "High breed dogs?" Alam kong maiinis siya sa sinabi ko, pero iyon na lang siguro ang paraan ko para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon. "Damn. Kung hindi mo lang ako ginamot baka nasakmal na kita." Natigilan naman ako at napalunok. Alanganin akong tumawa at saka isang hakbang na lumayo. Baka mamaya tuluyan ko nang masagad ang pasensya niya. "Ikaw naman, hindi na mabiro," sambit ko. "Hindi ka ba natatakot, Raya?" singit ni Manang. Pareho silang tahimik na nakamasid sa akin ngayon, naghihintay sa sagot ko. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago tumitig sa tinatawag nilang Alpha. "Takot po ako," pag-amin ko. "Gusto mo bang umalis?" Si Manang habang nakatingin sa akin na puno ng pag-intindi. Isang tango ang ginawa ko. "Gusto ko po, pero . . . kailangan ko rin po ng trabaho," saad ko at tipid na ngumiti sa matanda. "Gusto ko lang po malaman, hindi naman po ako . . . mamamatay rito, 'di ba?" "Basta huwag kang lalapit sa Alpha sa mga panahon na wala siya sa sarili, magiging ligtas ka," bilin ni Manang. For the nth time, I swallowed hard. "Naiintindihan ko po." "Halika, ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat. Alam kong naguguluhan ka ngayon," sabi ni Manang habang may ngiti sa kaniyang labi. Nauna siya sa paglalakad palabas ng k'warto. Sumunod naman sa kaniya ang lalaking kasama namin habang ako naman ay saglit na tumitig sa Alpha na tinatawag nila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo, takot na takot ako. Hindi normal para sa akin ang lahat ng ito. But despite of that, I wanted to stay. Hindi lang para sa sahod, kundi dahil na rin sa lalaking ito. "Raya?" tawag ni Manang sa labas ng pintuan. Tipid akong ngumiti at saka tuluyang sumunod sa kanila. Muli kaming naipon sa salas. Alam kong pinakikiramdaman nila kung handa na akong pakinggan ang k'wento nila, pero kahit 'ata kailan ay hindi ako magiging handa para dito. Gusto kong kurutin ang sarili ko, nagbabakasakaling nananaginip lamang ako. "Bakit po wala sa sarili si Senyorito?" Ako na ang bumasag sa katahimikan. Nagkatinginan naman si Manang at ang lalaki saka seryosong tumitig sa akin. "Una sa lahat, gusto kong ipakilala sa 'yo si Miro. Ang bunsong anak ng mga Zarelli, ang beta," pagsisimula ni Manang. Nalilito man ay pinilit ko iyong ilagay sa utak ko. "Sa aming mga werewolf, si Cleon ang Alpha, si Miro ang Beta, at ako naman ay kabilang sa mga Omega," patuloy niya. "Ahmm . . . ranking po ba iyon?" hindi ko naiwasang itanong. "Yep. Alpha is the pack leader, me—the beta—is the second in command, omega is the lowest rank," sagot ni Miro sa tanong ko. Napatango na lang ako. I couldn't deny the fact that I am amazed with their rankings. "And you are the chosen mate," he added. Kumunot ang noo ko. "Mate?" taka kong sambit. "Bakit kasali ako?" Hindi ko naiwasan na panlak'han ng mata. Tao ako, hello? "I also don't know why it has to be you," tamad na sagot niya sa akin. Joke ba 'yon? "Anim na taon na nang mamatay sa aksidente ang unang mate ni Cleon. Iyon din ang araw kung kailan niya ni-reject ang Alpha," pag-agaw ni Manang sa atensyon ko. Doon ay naging seryoso ako ulit. "Ang mga male werewolf ay may iisang mate na itinakda ng Moon Goddess. Nagiging mateless sila kapag ni-reject sila ng kapareha nila o kaya kapag namatay ito." Napangiwi ako. "So, bawal silang ma-broken hearted?" "P'wede pero hindi maaari," tugon niya. "Bakit po? Bawal silang maging single?" Isang ungot mula kay Miro ang narinig ko. Para bang nawawalan na siya ng pag-asang maiintindihan ko ang lahat. Siniringan naman siya ni Manang, nanunuway. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ng ginang sa akin. "Dahil maaari nila iyong ikamatay, o kaya katulad ni Cleon, lubos na naapektuhan ang inner wolf niya." I blinked twice and processed everything. "Ibig pong sabihin, mabaliw?" "Kung iyon ang tawag mo sa nakita mo kanina, siguro. Pero sa sitwasyon ni Cleon, hindi na niya makontrol ang inner wolf niya." Marahan na napaawang ang labi ko. Ibig sabihin nagtatalo ang sila ng ikalawa niyang persona. "His mate rejected him for a human. For us, werewolves, our mate is our soulmate—the other half of us. Kaya noong ni-reject siya ni Zhen, nagkaroon ng problema sa inner wolf niya. Luckily, hindi siya namatay." Si Miro iyon. Hindi pa rin ako makapagsalita. Iniisip ko pa lang ang consequences ng rejecting sa kanila, masyado ng mabigat sa dibdib. S'werte ang mga tao dahil nagagawa pang magloko. "Teka, hindi ba sabi niyo soulmate? Kaya p'wedeng mahal din siya ng mate niya. Bakit niya tinanggihan ang Alpha?" Umismid si Miro. "Kung ikaw ang papapiliin, bilang mortal, sino ang gusto mong makasama? Isang werewolf o isang tao?" Natahimik ako sa tanong niya. Nakuha ko ang gusto niyang iparating. Bigla ay bumalik sa isip ko ang sinabi niya kanina. "S-Sabi mo . . . mate niya ako. Ibig bang sabihin niyon . . ." Wala sa sarili akong napalunok. "Bawal ko siyang tanggihan?" Hindi naman siya nakasagot sa akin. Gano'n pa man ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng kaniyang panga, tumututol sa isang desisyon na p'wede kong gawin. "Bihira lang sa mga werewolf na magkaroon ng second mate," ani Manang. "Maaring second mate ka o kaya chosen mate, mismong pinili ni Cleon para sa kaniya." My jaw dropped at her last statement. "Ako? Pipiliin?" Pagturo ko sa aking sarili. "Tao ako!" Napangiti lang si Manang sa sinabi ko. "Kahit sino ay p'wedeng makapareha ng isang werewolf. Kung ano ang itakda ng Moon Goddess sa kanila." Hindi ko napigilan na manghina at mapasandal sa sofa. Wala pa man ay bumigat na ang dibdib ko sa nangyayari. Isang werewolf? Para sa akin? Nahihibang na 'ata ang Goddess nila. Simula pa lang ay tao na ang nanakit kay Cleon. Isang tulad kong mortal ang naglagay sa kaniya sa ganiyong sitwasyon. Kaya bakit sa ikalawang pagkakataon, tao na naman ang itinadhana niya para sa kaniya? "Trinaydor po ba ni Senyorito ang bansa natin noong past life niya?" wala sa sarili kong usal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD