CHAPTER 7

1118 Words
It's already past midnight yet I'm still awake. Tulala lamang ako sa kisame, iniisip ang mga bagay na hindi ko rin maintindihan kung paano iintindihin. Nakakabaliw. Nang hindi pa rin ako dinalaw ng antok pagkatapos ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko na lamang lumabas ng bahay para magpahangin. Dala ang tasa ng tsaa sa kamay ko, isinandal ko ang aking siko sa pasimano ng veranda at inilibot ang aking paningin sa kapaligiran. They're here, right? Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at saka marahan na sumimsim sa tasang hawak. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng isang presensya. Hindi ko man siya lingunin ay kilala ko ang pigura niya mula sa gilid ng paningin ko. The beta. "Still thinking about us, lady?" he asked; I don't know if it was a good approach or not. Nagtungo siya sa gilid ko at ginaya ang aking p'westo. "Totoo ba?" usisa ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin. "Totoo bang mate ako ng alpha niyo?" I heard him scoffed. "Why? Pinag-iisipan mo na ba kung paano siya ire-reject?" Hindi naman ako agad sumagot. Uminom muna ulit ako ng tsaa bago siya saglit na nilingon. "Hindi ko lang maintindihan. Paanong naging ako?" nalilito kong sambit. "Una, tao ako. Pangalawa, kakakita niya pa lang sa akin!" Miro's side lip rose for a moment, then focused his gaze at the surrounding. "Seriously, I also don't understand why it has to be you," he started. "Ang alam ko lang, you are not his fated mate." "Fated?" Tamad naman siyang tumango. "Hindi ang inner wolf niya ang may gusto sa 'yo, ang alpha mismo." Saglit naman akong natigilan at napaisip. Gusto ko pang humanga sa sarili ko dahil sa mga oras na ito ay hindi pa nagma-malfunction ang utak ko. May gusto sa akin si Senyorito? "Teka," wala sa sariling sambit ko at itinuon ang buong atensyon sa kaniya. "Kung hindi ako gusto ng inner wolf niya, bakit noong pumasok ako ng k'warto . . . muntik niya na akong . . . pagsamantalahan?" Nakita ko ang mabilis na pag-igting ng panga ni Miro, halatang nahihirapan na sagutin ang tanong ko. "It's because his wolf became mad. Dahil sa nangyaring rejection at pagkamatay ng mate niya, nawala siya sa sarili. He became obsessed finding a mate," tugon niya. Napangiwi naman ako. "Hindi ba p'wedeng hanapan siya ng isang mateless na katulad niyo?" He let out a sigh and bent down his back; elbows still on the railings. "We tried . . . but we failed also." "Bakit? Hindi nag-click ang chemistry?" "Damn," bulong niya, kasunod niyon ay tipid na tawa at saka umiling. "Ganiyan ba talaga mag-isip ang mga mortal?" usisa niya sa akin nang lingunin niya ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What? Seryoso akong nagtatanong, eh! Pasensya na, ikaw na rin ang nagsabi, tao ako. Kayo, awu awu." Mabilis siyang napahawak sa kaniyang noo. Hindi ko alam kung nagtitimpi ba siya o literal na nananakit na ang ulo niya dahil sa akin. P'wede ring pareho? "Namamatay sila," usal niya na ikinatahimik ko. Seryoso niya akong hinarap. Ipinaparating sa akin ang katotohanan sa kaniyang salita. Wala sa sarili naman akong napalunok kasabay nang pag-ahon ng kaba sa dibdib ko. Iniiwas ni Miro ang paningin sa akin at muling itinuon sa paligid. "We tried giving him a mateless shewolf. Pero dahil nga wala sa sarili ang inner wolf niya, sa halip na mamarkahan niya ang babaeng kasama niya . . . napapatay niya ito." Napaawang ang labi ko nang tapusin niya ang k'wento. Katulad kanina ay pilit ko na namang isiniksik sa isip ko ang mga impormasyon na nilapag niya. "Ang ibig mo bang sabihin sa mamarkahan ay kagat? Parang sa bampira, gano'n?" paglilinaw ko. Agad naman siyang tumango bilang tugon. Nahigit ko ang aking hininga nang kusang pumasok sa isip ko ang matatalim nilang pangil. Kalmot nga lang ng pusa, masakit na. Kagat pa kaya ng malaking awu awu? Jusko! "Hindi nagiging mate ng inner wolf naming mga werewolf ang isang nilalang sa paraan niyong mga tao. It's either we're fated or we marked and claimed our partners." Ilang beses akong napakurap. "Ibig sabihin, kung hindi kami fated at gusto niya akong maging mate. Kailangang . . ." Wala sa sarili akong napalunok. " Mamarkahan niya ako at makuha?" Marahan namang tumango si Miro. "To make you his official mate. He needs to do that. Kapag nangyari iyon, mababaliw na rin sa 'yo ang inner wolf niya." "Pup'wede na siyang bumalik sa normal?" Malamlam naman akong tinitigan ni Miro. "Hopefully, yes." Hindi naman ako nakaimik pagkatapos. Sa isang iglap ay tila buhat ko ang mundo dahil sa mga nalaman ko. "We need to control his wolf first, if you are thinking to accept being his mate," bulong na anas ni Miro. For the nth time, I swallowed hard. "Paano kung i-reject ko rin ang alpha niyo? Maaapektuhan pa rin ba siya kahit na wala talaga kaming official link?" Mabilis na dumilim ang paningin ng lalaking kaharap ko. Hindi itinatago ang lubusang pagtutol sa kaniyang mga mata. "We are not sure about that. Maaaring wala, pup'wede ring . . . ikamatay na niya." Agad na bumigat ang dibdib ko sa narinig. Hindi para sa sarili ko kundi para sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala. Sa lalaking hindi dapat ako nagkakaroon ng pakialam. "Tingin mo ba ay matutulungan ko siyang makontrol ang sarili niya?" hindi ko naiwasang itanong. Mabagal kong ininom ang tsaang hawak ko habang nakatingin sa kawalan, naghihintay ng sagot niya. "You already did it once. So, yes. I believe you can help our Alpha regaining his self." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting gaan sa loob ko pagkatapos kong marinig iyon. Nakakabaliw mang isipin pero nasisiraan na 'ata ako ng ulo sa mga oras na ito. I should be running away. Hindi ito ang mundo ko. Hindi ako para sa lugar nila. Pero bakit nanatili ako? Oo, maganda ang pasahod dito, pero nakasalang din ang kaligtasan ko. Bakit ko isinisiksik ang sarili ko sa mga nilalang na hindi ko katulad? I heaved a deep breath and looked at the man beside me. "P'wedeng magtanong?" "Just drop it," tugon niya sa akin pagkatapos niya akong lingunin. I bit my lower lip and glanced at his naked top. "Hindi ba kayo kinakabagan? Hindi uso ang tshirt sa inyo? Alam kong mainit sa Pilipinas pero kailangan niyo pa ring magdam—" my words were cut off when he suddenly turned his back against me. "—Oy! Sa'n ka pupunta? Kinakausap pa kita!" Imbes na sagutin ako ay tipid niya lang na itinaas ang kaniyang kamay habang nakatalikod na lumalakad palayo. Napanguso na lamang ako at napailing. Balak ba nilang maging model ng pantalon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD