The man's laughter echoed throughout the household. Agad naman siyang siniko ni Manang dahilan para mapatigil siya sa pagtawa.
"What? Isn't it funny?" ani ng lalaki sa ginang.
Manang just shook her head with disbelief and then faced me again. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero agad ding tumikom iyon. Para bang hindi niya mahanap ang tamang sagot sa tanong ko.
"Raya, hindi kita masasagot sa ngayon," wika niya. "Ang tangi ko lang masasabi sa iyo ay mahirap ang sitwasyon ni Senyorito. Hindi ka basta p'wedeng lumapit sa kaniya kaya naman ipinagbawal ko sa iyo ang tumuntong sa ikalawang palapag."
Nakagat ko ang ibaba kong labi sa konsensyang dumaloy sa sistema ko. "Pasensya na po. Hindi ko nasunod ang bilin niyo," nahihiya kong sambit.
Tipid lang na ngumiti sa akin si Manang.
"But how did you do that?" pagsingit ng lalaki.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "Alin?"
"What did you do? Paano mo siya napabalik sa dati?" Pagkatapos ay nilingon niya si Manang. "He's still . . . okay?" usisa niya sa matanda.
Mabagal namang tumango si Manang at saka itinuon din ang atensyon sa akin. "Ano'ng nangyari kanina, Raya?"
I slowly swallowed the invisible lump in my throat as my memories poured out. Kung paano ako nagulat, naawa, at natakot. Aaminin kong nagsimula akong magkaroon ng pangamba kay Senyorito, gusto kong magalit sa pagtatangka niya sa akin kanina. Pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasan na intindihin siya. Wala siya sa sarili, sigurado ako roon.
Ang hindi ko lang maintindihan, sa klase ng pagtawa ng lalaking kasama namin ni Manang ay nasisigurado kong mali ang iniisip ko.
Kung hindi siya sinasapian, ano ang nangyayari sa kaniya? Bakit ganiyon ang kulay ng mga mata niya kanina?
"Pumasok po ako sa k'warto para po sana magpaalam. Tapos nakita ko siyang nakagapos, akala ko po . . . " Nahihiya kong sinilip si Manang. "Akala ko po bl-in-ackmail niyo si Senyorito, minamaltrato." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mamilog ang mga mata ni Manang, ang lalaki namang kasama namin ay pigil na bumubungisngis.
"Mortal moments," rinig kong bulaslas ng lalaki.
Hindi ko naman siya pinansin at ibinalik na lamang ang atensyon kay Manang. "Tapos sinubukan ko po siyang punasan. N-nagising po siya at bigla akong . . . " Wala sa sarili akong napalunok. "Hinalikan sa leeg."
"Did he bite you?" Nagulat ako nang sumeryoso ang lalaking kasama namin.
Mabilis siyang lumapit sa p'westo ko at walang pasabi na hinawi ang aking buhok. Doon ko lang napansin na iba na ang damit kong suot. Isang puting oversized vneck shirt. Sigurado akong panlalaki iyon.
"You have no bite marks," aniya at dumistansya sa akin.
Bigla naman akong natakot. Kung ano-anong ideya na naman ang pumapasok sa isip ko.
Related ba ang case ni Senyorito sa cannibalism?
Pinagpawisan ako nang malamig nang naalala ang sinabi niya kanina.
Sweet scent daw ako, jusko! Safeguard lang naman ang sabon ko.
Hindi kaya . . . laman ko ang tinutukoy niya?
Hindi ba gano'n ang mga kumakain ng tao? Parang amoy pa lang, nalalasahan na nila ang laman nito.
Mabilis akong kumapit sa braso ni Manang. "Hindi naman po ako mamamatay rito, 'di ba?"
"Oh, fvck!" ani ng lalaki at walang habas na humalakhak habang sapo ang kaniyang tiyan. "Oh, damn! My wound."
Siniringan ko siya. "Kanina ka pa, ah?"
"What? Masama na bang tumawa?" sambit niya pabalik.
I gritted my teeth. "Oo, masama kung nakakainsulto."
Napasipol naman siya at saka napamulsa. Saglit niyang pinadaanan ng tingin ang kabuuan ko. Unti-unting umangat ang gilid ng labi niya.
"Bakit ka ba kasi umakyat doon?" aniya.
Hindi ko napigilan na irapan siya. "Obobs ka ba? Narinig mo naman ang paliwanag ko, 'di ba? Aalis nga ako at wala si Manang."
His mouth parted. "Kanina tinawag mo akong aso, ngayon obobs naman?" Then dramatically held his chest.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. I don't remember calling him that. Kung may bibitiwan man akong salita, hindi iyon aso. Tatawagin ko siyang adonis dahil sa hubad niyang katawan.
"P'wede mo akong i-text sa susunod, Raya," singit ni Manang.
Nahihiya naman akong yumuko. "Wala po akong cellphone," mahinang anas ko.
Kailangan kong unahin ang panggastos ko sa araw-araw kaya naman panghuli kong priority ang cellphone mula pa noon. Miski de keypad lang ay kapresyo na ng isang sakong bigas kaya naman nahirapan talaga ako mag-provide ng sariling telepono.
Sandali silang natahimik.
"Kaninong number ang inilagay mo sa resume?" usisa ni Manang.
"Sa kapit-bahay ko po iyon." Nakagat ko ang ibaba kong labi sa kahihiyan.
Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang bigla na lamang may alarm na tumunog. Agad kong naramdaman ang tensyon ni Manang habang nakatingin sa second floor. Miski ako ay tila tinatawag ng kung anong koneksyon patungo roon.
"Ang alpha," aniya at mabilis na kumilos para pumunta sa hagdanan.
Alpha?
Saan ko nga ba narinig iyon?
Agad namang sumunod ang lalaking kasama namin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumama rin. Hindi ko alam kung napansin nilang nakasunod ako, masyado kasi silang tutok na mapuntahan agad si Senyorito sa silid.
Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang mga hiyaw ng lalaki. Mukhang nawawala na naman siya sa sarili.
"Beta, hawakan mo ang alpha," rinig kong utos ni Manang.
Nasa loob na sila ng silid, ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng pintuan. Inihahanda ang sarili sa ikalawang pagkakataon na makikita ko si Senyorito.
"s**t! My wound is about to open." Ang lalaking kasama ni Manang iyon.
Ramdam ko ang paghihirap sa kanilang sitwasyon kaya naman napagdesisyunan ko nang pumasok para sana mag-alok ng tulong. But for the second time I entered his room, I was rooted in my place. Hindi dahil sa kaawa-awang sitwasyon ni Senyorito, kundi dahil sa nakakatakot na itsura niya.
His eyes were in mixed black and gold again. He kept screaming with his cracked deep voice. But what made me shiver was . . . his long sharp nails and fangs.
Hindi siya tao.
Iyon ang isang bagay na sigurado ako.
Manang was injecting something at him. Tingin ko ay pampakalma iyon o kaya pampatulog dahil ilang segundo lamang ang lumipas ay unti-unting kumalma si Senyorito sa pagsigaw. Pinanood ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa mabibigat na hininga.
"My mate . . ." he uttered, eyes half-closed. "She's here."
Sa mga oras na ito ay wala na ang sobrang lalim niyang boses. Tulad kanina, noong nagkaharap kaming dalawa, mukhang nasa sarili na naman siya ngayon.
"Alpha, Zhen is not here. For Pete's sake, forget about her," inis na wika ng lalaking kasama ni Manang.
Seniorito shook his head weakly. "No. My . . . other . . . mate is here."
They were silent after that. Mayamaya pa, doon pa lang nagawang ilibot ni Manang at ng lalaking kasama niya ang paningin nila sa silid. Their eyes both widened when they saw me with them.
"R-Raya," utal na tawag ni Manang.
Nangangatal man sa takot ay seryoso ko siyang tiningnan. "Anong klaseng nilalang ang nakita ko, Manang?"
Kita ko ang mariin niyang paglunok. Asta siyang sasagot nang unahan siya ng lalaking kasama namin.
"He's a werewolf . . . our Alpha."