NAGTATAKA man si Cathy ay hindi na ito nagtanong pa kung ano ang ginagawa nila sa naturang bar. Alam nitong hindi siya umiinom ng alak kaya kanina pa nakakunot-noo ito. Napangiwi ito nang makita ang mga magkapareha na naghahalikan sa isang tabi na akala mo ay nasa loob ng motel lang.
“Pakisabi nga sa mga ito na mag-motel nalang. Nakakadistract. Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?” tanong nitong napasalampak ng upo. Inikot nito ang mga mata sa loob ng bar at maging siya ay ganoon din. Umaasa na makikita niya ang hinahanap. Halos puno ang mga mesa sa dami ng tao na pumupunta.
“Gusto kong makita ang babaing ipinalit sa akin ni Joe.” Pag-amin niya dito.
“Si Joe na naman? Jusko naman Karen, nakakabaliw ka na. Hindi na kita maintindihan at ano naman ang ginagawa ng babaing yun dito? Gimikera ba yun?” sunod-sunod na tanong nito.
“She owned this bar.” Sagot niya.
“This beerhouse?” bulalas nito na parang nandidiri. Napangiti nalang siya sa reaskiyon nito. “Sa tingin ko hindi mo siya makikita dito, ang dami kayang tao. Kulang nalang magpalitan tayo ng mga mukha. Iisipin ko nga sana na nasa Divisoria tayo.” Dagdag pa nito. “Napakawalang taste naman ni Joe at ipinagpalit ka sa isang---
“Wag mo ngang ituloy yan at baka may makarinig sayo. Mamaya kuyugin pa tayo dito.”
putol niya sa sasabihin ng mga ito. Mahirap na lalo pa at ang may-ari ng bar ang tinutukoy nito.
Nag-order sila ng maiinom. Ladies drink lamang ang inorder nila dahil hindi naman sila umiinom ng alak. Habang hinihintay nila ang orders nila ay napatingin siya sa babaing nasa kaha. Sopistikada ang babae. Sigurado siya yung babaing nasa litrato na kahalikan ni Joe nang paimbestigahan niya ang dating nobyo. Hindi niya na sinabi kay Cathy ang ginawang pagpapaimbestiga, alam niya kasing kokontra lamang ito sa kabaliwan niya. Kinalabit niya si Cathy at tinuro ang babae.
“Siya ang babaing ipinalit sa akin ni Joe.” Turan niyang may bikig ang lalamunan habang nakamasid sa babaing abala sa pag-istima sa sinasabi ng mga waiters.
“Mas hamak naman na maganda ka diyan.” Sagot nitong napaingos. Sexy manamit ang babae. Nakalitaw ang cleavage samantalang siya ay simpleng blouse lamang at nakabalot ang mga braso. Hindi kasi siya sanay sa mga kulang sa tela na damit. Ayaw niyang nakakaagaw ng pansin sa mga tao.
“Kausapin ko kaya? O di kaya ay awayin ko?” tanong niya ditong nagbibiro. Tiningnan siya ni Cathy kung seryoso ba siya sa sinabi lalo pa at wala naman halong biro ang sinabi niya.
“Wag kang desperada. Mukhang sanay yan sa sabungan. Ikaw na nga ang nagsabi, na baka kuyugin tayo dito.” Saway nito sa kanya.
“Don’y worry sanay naman ako sa giyera. Wag kang mag-alala, may dala akong baril.” Pagbibiro niya pang seryoso ang tinig. Paniwalang-paniwala ito sa sinabi niya. Napansin niyang nag-alala ito bigla at lumapit sa kanya. Gusto niya nang tumawa pero pinigilan niya ang sarili.
“Umuwi na tayo!” yaya nito sa kanya sa takot.
“Hindi tayo uuwi. Chance ko na ito.” Sagot niyang matatag ang boses.
“Magiging criminal ka dahil sa babaing yan? Are you out of your mind? May profession ka, isa kang kilalang doctor tapos sisirain mo lang dahil sa babaing yan?” galit nitong turan.
Hindi siya sumagot sa sinabi nito bagkus tumayo siya sa kinauupuan. Balak niya lang naman makipag-usap sa babaing ipinalit sa kanya. Pinigilan siya ni Cathy at mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay. Kapwa pa sila nagulat ng may biglang humila sa kanya palabas ng bar. Nabali yata ang kanyang braso sa lakas ng pagkakahila sa kanya. Naningkit ang mga mata niya nang mapagsino ang gumawa non.
“Alam mo ba ang ginagawa mo? Subukan mong lumapit kay Steph at ipapakulong kita!” banta sa kanya ng aroganteng doctor na si Dr. Martin.
“At ano naman ang ginagawa mo dito? At bakit mo ako ipapakulong aber?” bulyaw niya dito.
“I heard everything. Ang lahat ng balak mo kay Steph.” Sagot nito. Napaangat ang kilay niya. At may nakikinig pala sa kanila.
“Teka nga muna? Ano ba ang pakialam mo?” galit niyang tanong sa lalaki. Nagtaka pa siya kung nasaan si Cathy yun pala ay nasa likod ng aroganteng dodtor at tila pa inaamoy ito. “Kailan ka pa naging padrino niya?”
“May pakialam ako, ito lang ang sasabihin ko sayo Ms. Borromeo. Hindi ako makakapayag na saktan mo si Steph o kahit man lang dulo ng kanyang daliri niya.” Pagbabanta nito sa kanya.
Napaismid siya sa sinabi nito. “Bakit sino ka ba? Kaanu-ano ka ba ng talipandas na yon at ganun nalang kung ipagtanggol mo siya sa akin?” bulyaw niya sa mukha nito. Kung sa tingin nito ay matatakot siya nagkakamali ito.
“Watch your word. Matinong babae si Steph!” Pagtatanggol pa nito sa babae.
“Oo nga no? Sa sobrang tino niya hindi niya man lang naisip na may girlfriend ang lalaking kinakalantari niya!” hindi niya mapigilang turan.
Hindi ito nakakibo sa sinabi niya. Napabuntong-hininga ito bago muling nagsalita.
“Kahit na ano ang ginawa niya sayo wala kang karapatang saktan siya. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo kapag ituloy mo ang balak mo.” Turan pa nito bago sila iniwan. Daig niya pa ang namatanda nang mawala ito sa paningin niya at tuluyang sumakay sa sarili nitong sasakyan. Maging si Cathy ay nabigla sa bilis nang pangyayari.
“Anong meron?” tanong sa kanya ni Cathy. Napailing siya sa tanong nito.
“Narinig mo naman siguro diba?” inis niyang sagot. Ngayon lang may nagsalitang lalaki sa kanya ng ganun na akala mo napakasama niyang babae.
“Ang haba nang hair ng babaing yun. Isipin mo may Joe na may Dr. Martin pa.” turan pa nito.
“Ang sabihin mo malandi lang talaga siya.” Sagot niya bago siya nagmartsa papunta sa kanyang sasakyan. Nakasunod lamang sa kanya si Cath at hindi na muling kumibo pa. Umakyat yata ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo dahil sa galit. Galit, para sa Steph na yun at galit para kay Dr Martin. Akala mo kung sino kung magsalita.
“Mabuti nga at dumating si Dr. Martin dahil kung hindi tiyak na nakakulong ka na ngayon.” Turan ni Cathy sa kanya. Napatingin siya ditong nakaarko ang mga kilay.
“Bakit?”
“Dahil babarilin mo si Steph.” Sagot nito kaya napahagalpak siya ng tawa kahit na naiinis pa rin siya.
“Sa tingin mo talaga magagawa ko yun?” tanong niya pang deretso ang tingin sa daan.
“Aba malay ko sayo, malay ko ba kung obsessed ka na sa Joe na yun at kaya mong sirain ang buhay mo para sa kanya.” Sagot pa nito.
“Hindi ko yun magagawa. Sa tingin mo ba babalikan ako ni Joe kapag pinatay ko si Steph? Kamumuhian niya lang ako at hindi siya babalik sa akin. Ayokong mangyari yun.” Sagot niya.
“Kung ako sayo mag-move on ka na. Nakakawala ng ganda yang Joe na yan. Sayang bagay pa naman kayo ni Dr. Martin.” Palatak pa nito. Pinandilatan niya ito. At saan naman nito nakuha ang ideyang yun? Kahit yata sa panaginip hindi niya inisip na magiging sila ni Dr. Martin. Wag na uy!.
“That man? No way! Hindi ko siya kayang makasama! Napakagarapal ng pag-uugali.”
sigaw niya pang muling bumangon ang pagkakainis.
“Itataga ko ba yan sa bato?” pang-iinis pa nitong tanong.
“Kahit ipatattoo mo pa!” sagot niya kaya natawa ito.
Hinatid niya lang si Cathy sa bahay ng mga ito bago siya umuwi sa bahay nila. Tulad ng dati, pagod na pagod na naman siya. Dagdagan pa ng galit niya sa kapwa doctor na yun pero isinantabi niya muna ang galit niya at muling binalikan ang unang pagkakataon na makita sa personal ang babaing naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Joe. Aaminin niyang maganda ito, maputi rin at matangkad. Sayang lang talaga ang pagkakataon na makausap niya ito. Gusto niya lang naman malaman kung bakit ito nagustuhan ni Joe at kung bakit siya ipinagpalit nito. Nahagip ng mga mata niya ang invitation na nasa side table niya. Binigay iyon ni Joe sa kanya nang magsadya ito sa ospital na pinagtratrabahuan niya. Malapad ang mga ngiti niya nang makita ito, akala niya kasi nagising na ito at babalik na sa kanya, yun pala ay inabot lang sa kanya ang invitation nang engagement ng mga ito. Isang linggo nalang at engagement na ng mga ito. Sa Palawan iyon gaganapin kung saan ang lugar nina Steph. Wala siyang balak dumalo. Para saan pa? Para saktan niya ang sarili? Tiyak na nandoon din ang mga magulang at kamag-anak ni Joe. Magmumukha lang siyang katawa-tawa sa mga ito. Ayaw niyang maging bitter sa harapan ng mga ito habang nagpropose ng kasal ang dating nobyo kay Steph. Baka ikamatay niya iyon kapag nagkataon.
*************************
KAHIT anong gawin ni Roger hindi niya magawang kalimutan si Steph. Hindi niya matanggap na basta nalang siya nitong iniwan at ipinagpalit sa ibang lalaki. Lahat ibinigay niya dito. Lahat ng pagmamahal kaya ngayon hirap na siyang bumangon. Hirap siyang mag-move on at kalimutan nalang ito basta. Sapat na ba ang kawalan niya ng oras para palitan siya nito? Oo at abala siya sa trabaho pero hindi naman siya nagkulang para iparamdam niya kung gaano niya ito kamahal. Dalawang buwan na ang nakalipas pero tila kahapon lang ang sakit.
Sariwang-sariwa pa iyon sa kanyang puso. Nababaliw na nga yata siya. Subsob siya sa trabaho para lang hindi niya ito maisip pero sa bawat ginagawa niya ay mukha nito ang palagi niyang naaalala. Hanggang ngayon hindi pa rin siya sumusuko na mabawi ito sa bagong boyfriend nito kahit pa malapit na itong ikasal. Kung may pagkakamali man siya noon iyon ay ang hindi niya pagpayag na pakasalan ito nang minsang sabihin nito na magpakasal na sila. Wala pa kasi siyang oras para asikasuhin ang kasal nila at iyon nga ang dahilan ng lahat. Ang biglang pagbabago ni Steph sa kanya. Simula non ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya at palaging walang oras kapag niyayaya niyang lumabas. Naging kampante siyang mahal siya nito kaya ganun nalang ang pagkabigla niya nang sabihin nito na may mahal na itong iba. Para iyong bomba sa pandinig niya pero seryoso ito. Seryoso itong iwan siya.
Nararamdaman niyang mahal pa rin siya nito dahil kung hindi siya nito mahal bakit siya nito niyaya sa engagement party ng mga ito? Bakit kailangan pa sa resort niya gaganapin ang engagement nito? Para ano? Para magselos siya. Kung ganun nagtagumpay ito dahil labis siyang nasasaktan sa parusa nito sa kanya. Lahat gagawin niya para mabawi ito at kapag nangyari yun hindi niya na ito pakakawalan pa.