CHAPTER ONE

2298 Words
                                                         Hindi matanggap ni Karen na basta nalang siya iiwan ni Joe. Pagkatapos ng dalawang taon ipagpapalit nalang siya nito?  At hindi lang yun kundi nagbabalak pa itong mapakasalan ang babaing yun. Saan ba siya nagkulang?  Wala siyang maisip na dahilan, maganda naman siya,  maputi at matangkad. Karamihan sa mga lalaki ay nagkakandarapang maging girlfriend  siya tapos ganun nalang kadali kay Joe na iwan siya?  Dahil sa hindi siya pumapayag na ikama nito? Iyon lang ang tanging naiisip niya na dahilan. She was clueless dahil hindi naman malinaw sa kanya kung bakit ito bigla nalang nakipagkalas. Iyon lang ang maisip niyang dahilan dahil bilang nobya ginagampanan niya ang obligasyon niya rito.  Ang unfair naman yata. Hindi niya talaga maintindihan lalo pa at sinasabi naman nito na walang problema kung walang mangyari sa kanila at handa naman itong maghintay kung kailan siya handa. Hindi niya naitago ang pamumugto ng mga mata nang tawagin siya ng ina para maghapunan. Single mother ang Mama niya at nagawa siya nitong itaguyod ng maayos.  Isa itong psychiatrist  doctor sa kilalang ospital, samantalang isa naman siyang cardiologist surgeon doctor..  Sa edad niyang bente otso ay masasabi niyang napakasuccessful niya. Kaya niyang bigyan ng pag-asang mabuhay ang isang taong may sakit pero ang sarili niyang puso ay hindi niya kayang gamutin. Kung pwede lang talaga na dukutin niya ang puso niya at alisin ang pangalan ni Joe, gagawin niya.. Nakamasid sa kanya ang ina habang umuupo siya sa hapag kainan. "Si Joe na naman?  Ano bang meron sa lalaki na yan?  Dalawang buwan na kayong hiwalay ah?" sermon na naman ng ina niya.  Sa edad nitong fifty eight ay hindi mo mahahalata sa itsura nito.  Magaling na adviser ang kanyang ina, at dahil na rin siguro sa trabaho nito ay nababasa nito ang mga kilos niya. Dalawang buwan na siyang nagmumukmuk sa bahay at lumalabas lamang kapag may tawag sa kanya mula sa ospital na pinagtratrabahuan.  Wala siyang balak maglalalabas,  naalala niya lamang si Joe. Kapag kasi lumalabas siya ay ito palagi ang kasama niya. "Ikakasal na siya, Ma. " sagot niyang muling napaiyak. Pakiramdam niya hiniwa ang puso niya nang sabihin sa kanya ni Joe na ikakasal na ito at ang masakit inimbitahan pa siya nitong dumalo sa engagement party ng mga ito. Hindi niya pinakita dito na nasaktan siya, kahit mahal niya ito ayaw niyang maging katawa-tawa sa harapan nito. "So?  Dapat nga matuwa ka dahil hindi siya ang pinakasalan mo." Sagot nitong nakataas ang kilay. "Paano ako matutuwa kung hindi niya naman ako inalok ng kasal? Look Ma, dalawang buwan lang sila ng babaing yun samantalang dalawang taon na naging kami at kahit minsan hindi niya man ako inalok ng kasal." Himutok niya. "Kung hindi lang kita anak baka nabatukan na kita. Sigurado ka bang dalawang buwan lang sila?  Hindi mo man lang ba naisip na baka pinagsabay kayo? Hindi nasusukat sa buwan o samahan para magpakasal ang dalawang tao." sagot pa nito kaya napaisip siya. "Mahal ko pa rin siya. Hindi ko yata kakayanin na magpakasal siya sa ibang babae. Alam ko naman na nilandi lang siya ng babaing yun kaya niya ako iniwan. " daing niyang nasasaktan. Napabuntong hininga ang ina niya sa naging sagot niya "Hindi ba surgeon ka? Bakit hindi mo subukan na kunin niyang puso mo at linisin mo. Nalalason ka na nang dahil sa pag-ibig na yan. Sinaktan ka na ng lalaking yun, mahal mo pa rin. Katangahan yan. Sinaktan ka na gusto mo pang balikan ka. " sagot pa nitong napapailing. "Hanggat hindi sila kasal Ma, may pag-asa pa kami ni Joe.  Maiisip niya rin na iba ako sa babaing ipinagpalit niya."  turan niya pang buo ang loob. "Ayokong isipin na sariling anak ko ay hindi ko mapapagaling. Alam mo kasi Karen,  walang taong tanga.  Nagpapakatanga meron. Umaasa sa salitang pag-asa kahit na alam niyang malabong mangyari." sagot pa nito.  Hindi na siya sumagot sa sinabi ng ina. Pinunasan niya nalang ang luha para magsimula ng kumain. Alam niyang walang nakakaintindi sa kanya.  Hindi naman kasi sila ang nasaktan at iniwan. Hindi nila naiintindihan kung gaano kasakit ang iwanan. Ang magmahal ng totoo at bigla nalang iwan.     ****************************   TAAS noong naglalakad si Karen sa kahabaan ng hallway papasok ng elevator.  Papunta kasi siya sa fourth floor kung nasaan ang operating room. Tinawagan siya ng kanyang secretary na may pasyente raw siya at kailangan ng operation asap. "s**t!" sigaw niya nang may bumangga sa kanya.  Nabitawan niya ang stethoscope na hawak. Napaangat ang kilay niya nang hindi man lang ito nag-abalang pulutin ang gamit na nahulog niya at kahit sorry ay wala siyang narinig. Agad siyang pumasok  nang elevator dahil inunahan siya ng lalaki.  Higit na mas matangkad ito sa kanya. Silang dalawa lang sa loob ng elevator. "Hindi ka man lang ba mag-sosorry?" mataray niyang tanong sa lalaking walang pakialam. "For what?" sagot nitong hindi man lang siya tiningnan.  Hindi niya man ito mapagmasdan ng mabuti hindi kailang gwapo ito, maganda magsuot ng damit at may pagkatisoy.  Nakamaong na pants ito at blue na polong hanggang siko lamang. Kahit na gwapo ito, mayabang naman at walang modo. "Nakalimutan mo na ba agad na binangga mo ako?" sagot niyang nanggagalaiti sa galit pero kinimkim niya lamang. "What do you expect? Iwasan ka? Miss,  nakaharang ka sa daraanan ko. Nagmamadali ako at wala akong panahon." sagot nito. Boses palang nito napollute na ang hangin sa kayabangan nito. "Hindi ba ang lapad ng daan para banggain ako?" tanong niya pa. "Kanina pa ako nakasunod sa likod mo pero tila para kang nagfafashion show sa daan. Daig mo pa nga ang wala sa sarili." sagot pa nito. "Bastos!" Siya pa talaga ang wala sa sarili. "I don’t care." sabat nitong hindi man siya pinansin. "Walang modo! Mayabang!" mahinang sambit niya pero alam niyang naririnig nito. Hanggang  sa bumukas nalang ang elevator ay hindi man siya nito pinansin. Nauna itong lumabas ng elevator kaya sa inis niya kinuha niya ang sapatos at binato sa likod nito. Nagtagis ang bagang na binalikan siya nito.  Nakalabas na rin siya ng elevator. Hinawakan siya nito sa siko sa galit. Nagbabaga rin ang mga mata nito na akala mo kahit anong oras ay bubuga ng apoy sa galit. "Ano sasaktan mo ako?" sigaw niya kahit pa nakaramdam siya ng takot sa mga titig nito. Mas gwapo yata ito sa malapitan. Hindi niya maintindihan  ang sarili kung bakit ang lakas ng t***k ng puso niya habang nakatitig sa dark brown eyes nito. "Ano ba talaga ang problema mo?" madiin ang boses na tanong nito. "Ikaw! Ikaw ang problema  ko!" sagot niyang nangangatal ang boses sa kaba. "Alam mo kung hindi ka lang babae kanina pa kita hinagis sa labas ng bintana at kung balak mong magpapansin sa akin wala akong panahon!" sagot nito bago siya pinakawalan. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. “Ako magpapansin sayo? Bakit sino ka ba para pagtuunan ko ng pansin? Look, mister? Wala ka sa kalingkingan ng boyfriend ko!" duro niya sa mukha nito. “Doctor Martin?" tawag ng nurse. Kapwa sila napalingon sa tumawag. Ito yata ang tinatawag na Doctor Martin. Lumapit ang nurse dito. "Doc,  kanina pa pong naghihintay ang pasyente." dagdag pa na turan ng nurse. Tumango ito sa nurse at tinalikuran na rin siya bago siya pinukol nang nakakamatay ng sulyap. "Doctor din pala siya? " sa loob-loob niya..  Tumuloy na rin siya sa operating  room.  Nakasurgical gown na si Doctor Martin ng magtama ang mga mata nila. Naningkit ang mga mata nito ng makita siya. "Hanggang dito ba susundan mo pa rin ako?  Miss,  pwede bang mamaya na tayo mag-away?" turan pa nito. Hindi niya ito pinansin at tinalikuran na ito.  Nagbihis na rin siya ng surgical gown bago siya lumapit sa pasyenteng nakaratay na at handang operahan.  Hindi nakaligtas sa kanya ang mga mata nito.  Alam niyang nagtataka ito.  Hindi siguro nito akalain na isa rin siyang doctor na sinungitan nito. Pagkadami-dami ba naman ng doctor na makakasama niya ay ito pa talagang mayabang na ito.  Kinalma niya ang sarili baka mamaya mabuhos niya ang galit sa pasyenteng ooperahan. Mahirap na at baka ito pa ang pagbuntunan niya ng galit. Sa halip na mabuhay ay mapatay niya pa. Pinagpawisan siya ng malapot nang matapos ang operasyon na isinagawa nila.  Stable naman ang pasyente pero ang hindi stable ay ang puso niya na kanina pa nagwawala sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Doctor Martin. Sa tuwing nagpapalitan sila ng masasamang tingin sa isat-isa. Kung nakakamatay lang sana ang mga tingin niya, sana namatay na ito. Masyadong mayabang. Napag-alaman niyang General surgeon pala ito. Si Dr. Roger Martin. Ayon sa assistant nito ay thirty two years old na ito at sa ibang bansa pa kumuha ng kursong pagmemedisina. Bigatin pala ito kung ganun, yun nga lang asal hayop ang ugali. Sayang lang ang kagwapuhan nito. Hindi niya na nakita si Dr. Martin pagkatapos ng operasyon na ginawa nila. Maski anino nito ay hindi niya na nakita pa. May panghihinayang siyang nadama pero ok na rin yun para hindi tumaas ang presyon niya. Nakakawala lang ito ng ganda.  Masyadong bilib sa sarili. Dumiretso siya sa kanyang opisina.  Nadatnan niya doon si Cathy,  ang kanyang secretary at kaibigan na rin. "Guess what?" agad niyang bungad dito. "What?" "May bagong doctor pala dito and take note napakayabang niya.  Masyadong bilib sa sarili!" inis niyang bulalas. "Si Dr. Martin ba ang tinutukoy mo?" tanong pa nito. "Kilala mo siya?" "Yup,  hindi siya bago dito dahil dalawang buwan na siya dito." sagot pa nito. "Paanong hindi ko man lang siya nakilala? " nagtataka niyang tanong. "Hindi  ba nagmumukmuk ka pa rin kay Joe?" sagot nito kaya napahiya siya. "Kahit na,  ang bastos niya pa rin!" sagot niyang pabagsak na umupo.. "Ang gwapo niya hindi ba?" tanong pa nito. Pinandilatan niya ito. Gwapo nga ang bastos naman ng pag-uugali. "I don’t think so." "Mas hamak naman na gwapo si Dr. Martin kay Joe." sagot pa nito kaya tiningnan niya ito. "Higit naman na mabait si Joe." Pagtatanggol niya sa dating nobyo. “Sa sobrang bait nga niloko ka niya.” Sagot nito sa kanya.   Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Tama naman ito kaya hindi na siya kumontra pa. Kahit ano pa yata ang sabihin ng ibang tao tungkol kay Joe hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal niya sa lalaki. Ito pa rin ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso. Ito pa rin ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari sa puso niya. Kahit iniwan siya nito at ipinagpalit ay handa siyang tanggapin itong muli.   Pagod ang buong katawan nang makauwi siya. Napagod siya sa haba ng traffic kaya pagdating niya ng bahay ay agad niyang binagsak ang kanyang katawan sa malambot niyang kama. Hindi lang ang katawan niya ang pagod  kundi ang buong pagkatao niya lalo na ang puso niya.   Masaya ang kanyang mukha nangg salubungin niya ang nobyong si Joe pero ang mukha nito ay kabaliktaran ng kanyang mukha. Malungkot ito at hindi man lang ngumiti at ang nakakapagtaka pa niya ay hindi ito humalik sa kanya na ngayon lang nito ginawa. Palagi kasing ito ang nauunang yumakap at humalik sa kanya kaya naman siya na ang naunang humalik dito kahit pa nagtataka siya. Namiss niya ito. Mahigit isang linggo kasi siyang nawala dahil sa ginanap ng conference ng mga doktor sa Hongkong. Sinundo siya nito sa ospital na pinagtratrabahuan niya.   “Galit ka ba?” hindi niya mapigilang tanong. “Ilang beses akong tumawag sayo pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko.”   Hindi ito nagsalita sa sinabi niya bagkus napabuntong-hininga nalang ito. Hindi nito magawang magmaneho.   “ Ayoko na Karen.” Sagot nito na ipinagtataka niya. Napatitig siya dito. NAkatingin pa rin ito sa harapan ng kotse at hindi makatingin sa kanya.   “What do you mean? Hindi kita maintindihan?” naguguluhan niyang tanong.   “Ayokong saktan ka pero ayoko naman na lokohin ka. Nahihirapan na ako. Hindi ko sinasadyang magmahal ng iba.” Turan nito na halos nagpaguho sa kanyang puso. Daig niya pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Agad na nag-unahan ang mga luha niya.   “Biro ba ito? Ginagantihan mo ba ako dahil umalis ako ng walang paalam sayo?” tanong niya pa.   “Hindi, hindi ako gumaganti at wala akong dahilan para magbiro.”   “Nakikipaghiwalay ka sa akin?” tanong niyang pinupunasan ang mga luha.Tumingin ito sa kanya kasunod ng pagtango nito. Napapikit nalang siya sa sakit. Hindi na siya makapagsalita pa at napahagulhol nalang ng iyak. Hindi man lang siya nito inalo para tumahan na.   “Hindi ko maintindihan Joe. Ang alam ko nagmamahalan tayo tapos mangyayari ito sa atin? Bakit? Dahil may iba ka na?” puno ng hinanakit ang boses niya. “Mahal mo ba siya at kailangan mo akong saktan ng ganito?” tanong niya.   “Mahal ko siya, mahal na mahal. I’m sorry, hindi ko sinasadyang magmahal ng iba. Sinubukan ko naman na maging tapat sayo pero hindi ko nagawa.” Sagot pa nito. Hindi niya na hinintay pa ang susunod na sasabihin nito at agad siyang lumabas ng kotse nito. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng ospital at agad na tinungo ang kanyang clinic at doon siya umiyak ng umiyak. Wala nang mas masakit sa ginawa ni Joe sa kanya.     HUMAHANGOS na nagising si Karen, sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha. Paulit-ulit nalang siyang napapanaginipan ang paghihiwalay nila ni Joe. Hindi iyon katangggap-tanggap. Gusto niyang magalit kay Joe pero hindi niya  magawa. Nananaig pa rin ang pagmamahal niya dito. Ayaw niyang magmove-on dahil nagbabakasali pa rin siyang balikan siya ni Joe. Ganun na yata siya kadesperado. Ganun talaga siguro kapag nagmahal ka. Hindi sa lahat ng oras ay puro lang saya. May mga pagkakataon na masasaktan at masasaktan ka rin at ito na nga ang pagkakataon na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD