“ANONG ginagawa mo dito?” bulalas niya nang madatnan sa opisina niya si Dr. Martin. Kampante itong nakaupo sa upuan niya at this time nakangiti na ito sa kanya. Nasilayan niya ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Wala si Cathy sa clinic niya. At ano naman ang masamang hangin ang nagtulak ditong puntahan siya?
“Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari kagabi.” Turan nito bago tumayo at inabot sa kanya ang upuan upang paupuin siya. Napakunot noo siya.
“Anong drama ito? Hindi ba kagabi kulang nalang lumabas yang mga ugat mo dahil sa galit tapos ngayon para kang tangang nakangiti sa harapan ko?” tanong niya dito sabay lapag ng shoulder bag sa mesa at hindi na nag-abala pang umupo. “Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo dito?” dagdag niya pa. Daig pa nito ang robot sa bilis nang pagkawala ng ngiti nito. Tama siya, plastic nga ang ngiti nito sa kanya.
“May proposal ako sayo.” Sagot nitong seryoso na ang boses.
“Proposal? Ano naman ang mapapala ko diyan? Pwede ba lubayan mo ako. Nakakasira ka ng araw.” Taboy niya ditong naiinis. Kagabi pa nito sinisira ang araw niya..
“Malaki at tinitiyak kong mahahalikan mo pa ako sa tuwa kapag nangyari ito.” Turan pa nito.
“Wow ha, ang kapal talaga ng mukha mo! I’m not interested kaya makakaalis ka na.” inis niyang sagot.
“Hindi ka interesado na balikan ni Joe?” tanong nito na ikinagulat niya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Bakit kilala nito si Joe? “Babalikan ka niya kung papayag ka sa proposal ko.” Turan pa nito. Nabuhay yata ang dugo niya nang marinig ang pangalan ni Joe. Salitang babalikan palang ay gusto niya nang maglupasay sa kilig.
“Wag ka ng pagpaligoy-ligoy pa. Deretsahin mo na ako.” sagot niyang nasasabik ang tinig. Gusto niya nang malaman kung anong proposal ang inaalok nito kahit pa naiinis siya dito. Kung anong pakulo nitong gawin nakuha nito ang atensiyon niya.
“Be my girlfriend.” Deretsa nitong sagot. Nabilaukan sa sarili niyang laway dahil sa sinabi nito.
“Girlfriend? Nababaliw ka na ba?” bulalas niyang tanong. Bweset talaga ang lalaking ito, kung anu-ano ang sinasabi para lang inisin siya at nagtagumpay naman ito dahil inis na inis talaga siya dito. Umabot na yata hanggang sa langit.
“I’m serious.”
“At ako hindi seryoso? Mukha ba akong nagbibiro?” inis niyang tanong.
“Will you please calm down? Daig mo pa ang nakadrugs sa pagkahighper mo. Basag na rin ang ear drum ko sa kakasigaw m!.” Reklamo nito kaya napahiya siya.
“What do you expect? Maglupasay ako sa tuwa dahil girlfriend mo ako?” sagot niya sa pabulong na tinig. Bahagyang magkatapat na ang mukha nila dahil sa ginawa niya na pinagsisihan niya. Nalanghap niya lang naman ang hininga nito na nagpahatid ng kilabot sa kanyang kalamnan.
“Don’t be ridiculous.” Sagot nitong nilayo ang mukha sa kanya. “I’m the ex boyfriend of Steph.” Dagdag pa nito na ikinagulat niya. “Alam kong mahal mo pa rin si Joe.” Turan pa nito.
“At paano mo naman nalaman aber?” tanong niya sa malakas na boses.
“Hindi ba balak mong saktan si Steph sa loob ng bar? Hindi ba yun gawain ng babaing iniwan at desperado?” tanong nito sa pauyam na tinig.
“Hiyang-hiya naman ako sayo. Bakit ikaw hindi ka rin ba desperado na balikan ni Steph?” pagbalik niya sa sinabi nito. “At isa pa Dr. Martin magkaiba tayo. Mahal ako ni Joe at inakit lang siya ni Steph.” Dagdag niya pa.
“Inakit ni Steph?” tanong nito. “Baka naman kasi mas nagandahan siya kay Steph kaya ka niya iniwan.” Pauyam nitong sagot na ikinainis niya. Pakiramdam niya napahiya siya sa sinabi nito.
“Kung babastusin mo lang ako lumabas ka na ng clinic ko!” bulyaw niya dito.
Napailing ito at tila naging mabait na tupa. “I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Pareho naman tayong makikinabang kapag magsanib pwersa tayo. Ito lang ang naisip ko na paraan para balikan ni Steph.”mahinahon nitong turan sa kanya.
Napabuntong hininga siya. “Sa tingin mo babalik sila sa atin kapag ginawa natin ito?” tanong niya rin sa mahinahon na boses.
“I don’t know. Malalaman lang natin yun kapag nagpanggap tayong mag-boyfriend and girlfriend. Kung mahal ka ni Joe, magseselos siya kapag nalaman niya na ipinagpalit mo siya at magseselos din si Steph kapag nakita niyang may iba na ako at ikaw pa yun na ex ni Joe..” Paliwanag pa nito.
“At babalikan ako ni Joe?” tanong niya sa lalaking naninigurado..
“Oo, babalik sa atin ang mga mahal natin.” Sagot nitong nakangiti kaya napangiti na rin siya. “So pumapayag ka na sa proposal ko sayo?” untag pa nito sa kanya.
“Kung babalikan ako ni Joe, why not?” sagot niyang seryoso ang tinig.
“So, starting today girlfriend na kita at walang sinuman ang pwedeng makaalam sa proposal na ito. Mahirap na baka malaman pa na nagpapanggap lang tayo.” Turan pa nito.
“Your fake girlfriend.” Pagtatama niya.
“So, ihahatid kita mamaya sa inyo?” tanong pa nito na ikinagulat niya. Agad na nag-angat ang kilay niya. Parang wala lang nangyari sa kanila kanina kung magsalita ito. Anong dram nito. A good boyfriend kuno?
“Bakit?” agad niyang tanong.
“Kailangan kitang kilalanin, mamaya diyan pa tayo mabuking. Getting to know each other, yan ang kailangan nating gawin bago tayo pumunta nang Palawan for their engagement party.”
“Simple lang akong tao, mabait kung mabait ka. Madali akong makasundo pero ikaw?” napailing siya. “Mukhang mahirap tayong magkasundo. Ayoko kasi ng mayabang na lalaki, iyong tipong mataas ang tingin sa sarili.” Parinig niya dito.
“Kung mahal mo si Joe, patunayan mo. Gawin mong imposible ang hindi imposible. Kaya kitang pakisamahan at kung hindi mo ako kayang pakisamahan, ngayon pa lang pag-aralan mo na.” Sagot nitong nakangiti bago tinulak ang pinto para lumabas. “Goodbye babe!” paalam nito sa kanya bago siya kinawayan at hindi iyon nakaligtas kay Cathy nang magkasalubong ang mga ito.
Napangiti nalang siya ng mawala ito sa paningin niya.
“Anong babe?” agad na usisa sa kanya ni Cathy.
“Wag mong intindihin yun. Nababaliw na yun. Gawin mo nalang yang medical certificate na hinihingi sa akin.” Sagot niya para hindi ito mag-usisa pa.
Buong maghapon siyang hindi mapakali. Excited siya sa maaaring kalabasan ng pagpapanggap nila ni Roger. Kahit ano pa yatang kasunduan na ialok sa kanya bumalik lang sa kanya si Joe gagawin niya. Alam niyang mahihirapan siyang pakisamahan si Roger pero alang-alang sa puso niya pipilitin niyang pagtiisan ito kung ito naman ang magiging susi para bumalik ang lalaking mahal niya.
Napakaswerteng Steph, dalawang lalaki ang handang magmahal dito.. Sana lang maisip nito kung sino talaga ng mahal nito para balikan na siya ni Joe.
“Karen, si Dr. Martin gusto kang makausap.” Tawag sa kanya ni Cathy. Bahagya pa siyang natigilang nang tawagin siya nito. Ang lalim kasi ng iniisip niya. May panunukso sa mukha nito nang lumapit siya para abutin ang telepono. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Hello?” agad niyang tanong. Napansin niyang kinilig si Cathy sa sinabi niya. Pati tuloy siya ay gustong kiligin.
“How are you?” tanong nito sa kabilang linya kaya napakunot-noo siya.
“I’m busy.” Agad niyang sagot.
“I like beef with olives.” Turan nito na ikinagulat niya.
“So?” tanong niya kay Roger. Tatawag lang ito para sabihin ang gusto nito?
“Kailangan mong matuto magluto niyan dahil yan ang favorite ko. Si Steph kasi masarap magluto ng beef with olives.” Sagot pa nito.
“Hoy lalaki baka nakakalimutan mo na isa akong doctor?” turan niya dito. “Hindi ako marunong magluto! Hindi ako nag-aral ng medisina para magluto ng favorite mo!” hindi niya mapigilang sigaw dito. Nabigla pa si Cathy sa pagtaas ng boses niya. Narinig niya nag malutong nitong halakhak sa kabilang linya. Trip talaga siya nitong bwesitin.
“Kung gusto mo talagang balikan ka ni Joe, kailangan mong gawin lahat ng ginagawa ni Steph. Kailangan mong ipakita kay Joe na mas deserving ka sa pagmamahal niya.” Turan pa nito sa kabilang linya kaya natigilan siya.
“Paano ko nga gagawin yun eh hindi ko nga alam? Katawan ng tao ang kaya kung kalikutin hindi ang kusina. What do you want? Magbuga ng apoy?” Sagot niya pa.
“Tuturuan kitang magluto. At yang tungkol sa pagbuga ng apoy, push mo yan baka balikan ka ni Joe. Hidden talent din yan.” Pang-aasar pa nito sa kanya pero hindi niya na ito pinatulan. Mag-aaway lang sila.
“Marunong kang magluto?” tanong niyang bahagyang nagtaka.
Napabuntong-hininga ito sa tanong niya. “Lahat ng gusto ni Steph, inaral ko. I want her to be happy.” Sagot nito kaya hindi siya nakakibo. Ganun din kasi siya kay Joe, lahat ng gusto nito ay nasa likod lang siya nito kahit hindi niya hilig ang mag mountain climbing, go siya. Ang umakyat sa matatarik na bundok para lang mapatunayan na mahal niya ito. “Ikaw anong favorite mo?” tanong nito sa kanya.
“Kahit ano basta pagkain. Basta luto ng mahal ko kakainin ko.” Sagot niyang nakangiti. Tulad niya kasi wala ring hilig si Joe sa pagluluto. Nang minsang magsinigang ito ay nakalimutan nitong maglagay ng pang-asim pero keri pa rin. Kinain niya pa rin ang hinanda nito kahit na lasang nilaga ang sinigang. “Sige na mamaya na tayo mag-usap.” Sagot niya at agad na binaba ang telepono. Hanggang sa makabalik siya sa sarili niyang mesa ay nakasunod ang mga mata ni Cathy sa kanya.
“Uy inlove na si ateng kay Doctor!” biro sa kanya ni Cathy. Napangiti lang siya sa sinabi nito, baka mamaya kasi madulas pa siya at sabihin na pumayag siyang maging girlfriend ni Roger para pagselosin si Steph at Joe. “Magpatatto ka pa!” ulit pa nito sa sinabi niya kagabi kaya natawa nalang siya. Kung alam lang nito ang dahilan nang pakikipaglapit niya kay Roger tiyak na magagalit lang ito sa kanya.
Kalahating oras lang ang lumipas at sinundo na siya ni Roger sa kanyang opisina.
“Saan ang lakad niyo?” usisa ni Cathy sa kanila nang akmang tatayo na siya.
“May date lang kami.” Sagot ni Roger kay Cathy.
“Date? Akala ko ba mag-kaaway kayo?” bulalas ni Cathy sa lalaki.
“Nope.” Sagot pa ni Roger. Napatingin sa kanya si Cathy at tila ba nagsasabi na kumontra siya sa sinabi ni Roger pero nginitian niya ito lalo pa at palagi na nitong makikita si Roger sa loob ng clinic niya.
Gustuhin niya mang alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Roger sa kanyang kamay ay hindi niya magawa dahil nakamasid sa kanila si Cathy. Naiilang yata siya sa ginagawa nito. Parte ba talaga ito ng pagpapanggap nila? Ang magholding hands?
“Kailangan ba talagang hawakan mo ako all the time?” tanong niya dito habang nasa elevator sila.
“Gusto ko lang masanay ka baka mamaya mataranta ka kapag hinawakan kita sa harapan nina Steph.” Sagot pa nito kaya hindi na siya kumibo pa.
“Gusto ko lang linawin ha na kaya ako pumayag na magpanggap na maging girlfriend mo ay dahil kay Joe? I want him back at hindi para maglupasay sa paghawak mo sa kamay ko!.” paglilinaw niya.
“Ako din, ginagawa ko lang ito para kay Steph. I want her back too.” Sagot nito. Ramdam niya ang pagpapawis ng kanyang kamay habang hawak nito. Nenerbiyos yata siya sa presensiya nito. Pinakawalan lang nito ang kamay niya nang pagbuksan siya nito ng pinto nang sasakyan. Gentleman naman pala ito dahil pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan at nakaalalay pa ito hanggang sa makapasok siya sa loob.
Sinimulan nitong buhayin ang makina nang sasakyan at agad iyong pinasibad palabas ng parking lot.
“Sa bahay tayo. Tuturuan kita sa kusina.” Turan nito kaya kinabahan siya. Sasagot sana siya para umalma pero inunahan siya nito. “Don’t worry hindi ako interesado sayo.” Turan nitong natatawa. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa kayabangan nito pero nanaig ang pagkainis na nadarama niya sa sinabi nito.
“Hindi rin ako interasado sayo!” Sagot niyang pinukol ito nang nakakamatay na tingin.
“Mabuti kung ganun.” Sagot nito. Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Tila nagpapakiramdaman silang dalawa kung sino ang unang magsasalita. Napansin niya ang maliit na unan sa unahan ng sasakyan nito, may larawan iyon nito at ni Steph. Ang sweet ng mga ito sa naturang picture. Hinahalikan nito sa noo ang babae habang todo ang ngiti naman ni Steph. Pinagmasdan niya iyon.
“Bakit ka niyang iniwan?” hindi niya mapigilang tanong. Tiningnan siya nito at binaling rin ang tingin sa unahan ng sasakyan. Napansin niyang gumuhit ang lungkot sa mukha nito.
“Wala akong oras sa kanya. Akala niya hindi ko siya mahal dahil tumanggi akong magpakasal kami. Alam mo naman ang schedule nating mga doctor? Wala tayong oras ng trabaho. Iyon ang palagi namin pinagtatalunan. Gustuhin ko man na ibigay lahat ng oras sa kanya ay hindi ko naman magawa.” Kwento nito. “Kayo ni Joe?”
“Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung ano ang mali na nagawa ko. Kung may pinagtatalunan man kami yun ang hindi ko pagbigay ng katawan sa kanya. Sabi niya okay lang daw pero hindi pala dahil iniwan niya ako.” Sagot niya.
“Hindi ba ang babaw naman yatang dahilang yun?” tanong sa kanya ni Roger.
“I don’t know.” Sagot niyang hilam na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinilig niya ang ulo upang hindi bumagsak ang kanyang luha.
Natigil lang sila sa pag-uusap nang marating nila ang bahay nito sa Makati. Ayon dito ay solo lang ito sa bahay nito. Limang taon na halos itong bumukod sa pamilya nito simula ng umuwi ito ng Pilipinas. May kalakihan ang bahay nito. Sa tantiya niya ay dalawang sasakyan ang kasya sa loob ng garahe nito. Bumaba ito at binuksan ang gate, agad din itong bumalik para ipasok na ang sasakyan nito. Nauna na siyang bumaba. Akmang isasara niya ang gate ng pigilan siya nito.
“Ako na diyan.” Saway nito. Agad itong bumaba ng sasakyan at sinara ang gate.
“Kaya ko naman.” Sagot niya. Nakamasid lang siya dito habang sinasara ang gate. Tama si Cath, mas hamak na gwapo ito kay Joe. Malapad ang balikat nito at kahit pa may suot itong polo alam niyang pumuputok sa abs ang katawan nito.
“Hindi ka pa ba papasok?” untag sa kanya ni Joe. Kung bakit ba kasi napatulala siya. Ito pa rin ang mayabang na lalaki na nakilala niya. Mabait lang ito ngayon dahil sa drama nilang gagawin. Umangat ang kilay niya.
“Ano naman ang gagawin ko sa driveway mo? Tutunganga?” mataray niyang tanong para makabawi ng pagkapahiya. Napailing nalang ito sa sagot niya. Muli nitong binuksan ang sasakyan nito at kinuha ang bag nito bago ito naunang pumasok sa bahay nito. Nakasunod lang siya dito habang binubuksan ang main door ng bahay nito.
“Wala kayong maid?” tanong niya. Nilingon siya nito.
“Hindi ako sanay. Nasanay kasi ako sa Amerika na ako lang ang kumikilos, doon kasi walang katulong na pwede mong utusan.” Sagot nito.
“Hindi ka naman ba nahihirapan maglinis ng bahay mo?” Tanong niya pa habang iginala ang mga mata sa paligid. Nang mabuksan nito ang buong bahay ay tumambad sa kanya ang maluwag at malinis na sala. Infairness sa bahay nito wagas ang carpet sa paligid. Pang-sosyal ang dating. Hindi niya tuloy maiwasang humanga kung ito mismo ang nagmamaintain ng bahay nito.
“Sanay na ako.” Matipid nitong sagot. Kahit hindi siya nito niyayang tumuloy ay agad siyang pumasok. Nilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng sala nito. Napaismid siya nang mahagip mata niya ang frame kung saan ito at si Steph ang magkasama. Kahit saan talaga hindi siya nilulubayan ng babaing ito. Nilapitan niya ang frame na nakatayo sa taas ng piano. Pinagmasdan niya iyon at napailing. “Bakit?” tanong nito sa naging reaksiyon niya.
“Hindi ko lang kasi maisip kung bakit niya nagawang iwan ka.” Turan niya.
“Ako rin. Hindi ko rin naisip na nagawa kang iwan ni Joe. What’s wrong with you?” tanong nito na ikinabigla niya. Pakiramdam niya nabastos siya sa sinabi nito.
“Wrong with me? Bakit ako? Hindi ba dapat si Steph ang tinanong mo niyan? Kung ano ang problema sayo at nagawa ka niyang iwan?” pauyam niyang sagot. Naningkit ang mga mata nito sa sinabi niya.
“Simple lang ang sagot sa tanong mong yan. Inakit siya ni Joe.”
“At nagpaakit naman siya. Alam mo kasi Dr. Martin kung mahal ka talaga ni Steph hindi niya magugustuhan si Joe.” Turan niya pa.
“Same with Joe. Kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan.” Sagot nitong ayaw magpatalo. Inangat niya ang kamay sa bibig nito.
“Teka nga muna, gusto mo bang mag-away nalang tayo? FYI Mr. Martin, uuwi pa ako at kung mag-aaway lang pala tayo ihatid mo na ako.” Inis niyang sagot.
“Maupo ka muna.” Utos nito sa kanya at agad siyang tinalikuran. Napahawak siya sa dibdib niya nang mawala ito sa paningin niya. Kung hindi lang talaga para kay Joe, isusumpa kong nakasama kita ngayon.
Hindi naman siya nainip sa paghihintay dito. Pagbalik nito ay nakapalit na ito ng damit. White tshirt lamang ang suot nito at kupasing maong na shorts. Bakat na bakat ang tshirt nito sa dibdib nito kaya naman hindi niya maiwasang hindi mapalunok sa tuwing napapatingin siya sa katawan nito. Tama siya sa hinalang namumutok ang dibdib nito sa abs.
“Anong gusto mong kainin?” tanong nitong mahinahon na ang boses.
“Tubig nalang, pampakalma.” Pauyam niyang sagot. Tumalikod ito at kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong tubig at sliced cake sa platito at nilapag sa mesa.
“I’m sorry.” Sagot nito bago umupo sa katapat na upuan niya. Napatingin siya dito. Mukhang sincere naman ang paghingi nito ng tawad. Ngayon niya lang yata napansin na maganda rin pala ang mga mata nito. Kung hindi niya lang talaga mahal si Joe, baka naglupasay na siya sa kilig dahil sa kagwapuhan nito. “Alam kong nandito tayo para kay Joe at Steph, kung paano natin sila mapaghihiwalay at maipakita sa kanila na tayo ang nararapat para sa kanila. Hindi tayo magtatagumpay kung ngayon palang ay para na tayong aso at pusa na handang mag-away kapag nagkakasalubong.” Turan nito.
“Depende yan sayo.” Sagot niya.
“Let’s be friend.” Alok nitong nakangiti sa kanya. Inabot pa nito ang kamay sa kanya. Pinagmasdan niya ang kamay nito. Tama ito, hindi sila magtatagumpay kung mag-aaway sila. Kailangan ng sanib pwersa nila para maghiwalay si Steph at Joe. Inabot niya ang kamay nito. Sa pag-abot niya nang kamay nito ay biglang nakaramdaman siya ng kuryente na dumaloy sa kanyang mga ugat. Napaigtad siya at agad na binawi ang kamay. “Bakit?” nagtataka nitong tanong.
“Ha? W-ala.” Paiwas niyang sagot. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang nagreact ang kanyang katawan sa paglapat ng mga kamay nila. Kahit minsan hindi niya naalalang nangyari ito sa kanila ni Joe. Sparks. Iyon ang nararamdaman ng dalawang tao na itinakda para sa isat-isa. Hindi! Hindi maaari, hindi totoo ang mga sparks, sparks na yan. Nenerbiyos lang siguro siya kaya ganun ang reaksiyon niya kanina.
“Alam mo bang magaling magluto si Steph? Lahat ng pagkain na gusto ko ay inaral niya. Sabi niya nga sa pamamagitan non ay maipapadama niya sa akin ang pagmamahal niya. Gusto niyang lahat ng gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na para hindi na ako tumingin pa sa iba.” Pagkwento nito. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. Lumalakas kasi lalo ang pagtibok ng puso niya dahil dito.
“Kaya ngayon hirap kang mag- move on dahil sa kanya? Well, wala tayong pinag-iba. Dalawang taon akong naging panatag na mahal ako ni Joe. Lahat gagawin niya maging masaya lang ako sa kanya kaya naman hindi ko talaga inakala na mangyayari ito sa amin. Kaya ngayong wala na siya sa akin, hindi ko talaga matanggap. Lahat kasi ng sinabi niyang pagmamahal sa akin ay pinaghahawakan ko pa rin hanggang ngayon kahit na sumuko siya.” Pagkwekwento niya rin.
Hindi ito nakakibo sa sinabi niya. Mayat-maya pa ay niyaya siya nito sa kusina. Magluluto daw ito ng beef with olives. Habang naghihiwa ito ng sangkaterbang sibuyas ay umiiyak na siya habang nakamasid sa ginagawa nito.
“Kailangan ba talagang maraming sibuyas ang gamitin?” hindi niya mapigilang tanong habang pinupunasan ang luhang nag-uunahan sa pagbagsak. Natawa ito nang makita siya.
“Wala dito ang iniiyakan mo.” Biro pa nito. Naging kampante na yata sila sa isat-isa. “Kailangan talaga maraming onions dahil ito ang main ingredients ng beef with olives.” Dagdag pa nito.
“Bago ka matapos niyan, magang-maga naman ang mata ko sa pag-iyak. Umiiyak na nga ako pagdating ng bahay, ganun pa rin dito?” Reklamo niya pa.
Isang oras yata siyang nagdusa sa pag-iyak dahil sa lintik na sibuyas na hinihiwa nito. Natigil lang ang kalbaryo niya nang iginasa na nito ang sibuyas sa olive oil. Infairness, ang bango ng niluluto nito. Nagutom tuloy siya bigla. Napahimas siya sa kanyang tiyan habang nakamasid dito. Iisipin mong chef ito habang nagluluto at hindi doctor.
“Bilisan mo na diyan at nang makakain na tayo.” Turan niya dito.
“Naku, bukas pa ito maluluto.” Sagot nito kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Bukas? Ano ba yang niluluto mo tengga o bato na kailangan palambutin?” bulalas niyang tanong. Natawa ito sa reaksiyon niya. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang nakakakiliti nitong pagtawa.
“Kailangan ko pa itong ilagay sa slow pot para lumasa na husto.” Sagot nitong natatawa sa pagkabigla niya.
“Pinaiyak mo ako nang pagkatagal-tagal hindi naman pala yan makakain. Nagbukas ka nalang sana ng sardinas, nabusog n asana ako.” Reklamo niya habang nakamasid sa ginagawa nito. Pinatay muna nito ang niluluto at may kinuha sa ref.
“Mukhang gutom ka na nga. Don’t worry may caldereta dito, iinitin ko lang sa microwave at pwede mo nang makain. Mukhang nakakatakot kang magutom.” Natatawa nitong turan habang nilalagay ang caldereta sa microwave. Hindi niya mapigilan humanga dito habang inaasikaso ang pagkain na kakainin niya. Nang matapos nitong initin ang caldereta ay agad nitong kinuha
ang kanin sa rice cooker. Amoy palang ng caldereta nawala ang inis niya sa niluluto nitong beef with olives. Sayang at gusto niya pa naman iyong matikman.
“Ang sarap.” Puri niya sa luto nito pagkatapos niyang tikman ang caldereta nito. “ Nag-chef ka nalang sana.” Dagdag niya pa.
“Ang saya mo palang kasama.” Turan nito kaya napatingin siya dito. Nagtama ang mga mata nila. Muli na namang nagwala sa pagtibok ang kanyang puso. Nasa counter siya at kumakain samantalang nasa tabi niya naman ito at umiinom ng tubig.
“Dahil maingay ako?” tanong niya.
“Ang cute nga eh, nang una nakakainis ang ingay ng bibig mo pero ngayon hindi na. Tila musika na. Hindi nga lang love song kundi rock ang dating.” sagot nito. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis pero hindi, dahil kinilig siya sa sinabi nito. Napangisi siya sa sinabi nito.
“Pasensiya ka na at basag lang ang speaker.” Pagpatol niya sa biro nito.
Nang una siya lang ang kumakain pero nainggit si Roger at nakisalo na rin sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila bago siya nito hinatid sa bahay nila. Ngayon lang yata siya umuwi na may ngiti sa labi. Isa lang ang nakikita niya sa pagdating ni Roger sa buhay niya. Pag-asa. Pag-asa na babalik pa sa kanya si Joe. Ipagpapasalamat niya ang pagdating ni Roger sa buhay niya.