NAG-PAALAM lang siya sa ina na may out of town trip siya, ilang damit lang ang dinala niya at tumuloy na siya sa mall upang mag window shopping. Mapapagastos pa yata siya nang wala sa oras dahil sa mga sinabi ni Roger. Sabagay may punto naman ito. Kailangan talagang makita ni Joe kung ano ang inayawan nito. Gusto niyag makita na nagsisisi ito sa ginawang pang-iiwan nito. Bumili na rin siya nang ilang pares na swim suit, sexy dress na sinasabi ni Roger na kulang nalang yata ay lumuwa ang kanyang boobs at hita sa sobrang pagkakulang sa tela. Kung hindi lang talaga kailangan kahit bayaran pa siya hindi siya magsusuot ng mga ganun. Pakiramdam niya isa siyang babaing pakawala. Mamaya may bigla nalang humila sa kanya at makipag one night stand dahil sa ayos niya. Tumuloy siya sa kilalang salon malapit sa mall. Make over ang pinagawa niya. Kung anu-anong kolorete ang nilagay sa mukha, kilay at pati sa kanyang mga mata. Pati ang kanyang labi ay nilagyan na mapulang lipstick, dinaig pa yata ang dugo sa pagkapula. Red lips daw ang bagay sa kanya para hot ang dating kaya hindi na siya tumutol. Ang nakatali niyang buhok ay nilugay ng beautician at ne-rebond. Napagod yata siya sa tatlong oras na make over sa kanya. Nang mapagmasdan niya ang sarili sa salamin ay muntikan niya pang tanungin ang nasa repliksyon ng salamin kung sino ito. As in ang ganda niya, isang sopistikadang babae ang transformation niya. Amor Powers ang dating ng peg niya, ang kaibahan nga lang ay mahaba ang unat na unat niyang buhok. Doon na rin siya nagbihis ng kanyang sexy dress at tinirnuhan niya iyong ng sandals with five inch heels. Bahala na mamaya kung paano siya maglalakad ng matagal.
Tinawagan niya na si Roger na pwede na siyang sunduin sa naturang salon. Sana lang magustuhan nito ang pagpapaganda niya. Hindi naman siya gaanong naghintay dito dahil wala pang kalahating oras ay nasa harapan ng iba ng salon. Tumikhim siya bago siya lumabas ng salon. Maingat ang naging lakad niya sa takot na baka hindi niya kayanin ang may kataasang heels. Napabuntong-hininga siya para sumagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya kasi kinakapos ng hangin ang puso niya sa pagdating ni Roger. Kakaiba talaga ng dating ng lalaking ito sa kanya. Kinalma niya ang sarili. Isang kaibigan lang si Roger. Iyon ang dapat niyang sabihin sa sarili para masanay na siya sa presensiya nito kapag kaharap ito.
Hindi niya alam kung namatanda ito nang makita siya. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan nito habang nakamasid sa kanya nang makalapit siya dito. Lihim siyang nagdiwang sa epekto nang pagpapaganda niya. Kinilig din siya sa reaksiyon ng mukha nito.
“Ikaw yata ang naglaway eh.” Untag niya dito dahil hindi pa rin ito nagsalita.
“Ikaw ba talaga yan?” nagdududa nitong tanong.
“Yes Dr. Martin. It’s me Karen Borromeo, your girlfriend.” Sagot niyang natatawa.
“Amazing. You’re so beautiful and elegant.” Puri pa nitong napapailing. Nakamasid pa rin ito sa kabuuan niya. Hanggang binti lang ang kanyang tube black dress, ito na yata ang pinasimpleng damit sa mga pinamili niya. Nakalantad sa mga mata nito ang kanyang cleavage at maging ang mapuputi niyang hita ay nakalabas din.
“Tigilan mo yan, for Joe’s eyes only lamang ito.” Saway niya dito. Ngumiti ito sa kanya at inalalayan siya nito sa sasakyan nito. Ipapasundo niya nalang mamaya kay Cathy ang kotse niya.
Hanggang sa loob ng kotse ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagpuri sa kanya..Punong-puno na ang puso niya sa saya dahil sa mga positibong sinasabi nito. Tumaas ang kumpiyansa niyang magugustuhan ni Joe ang transformation niya.
Tumuloy sila sa airport. Saglit lang silang naghintay at agad din nakalipad ang eroplono dahil may ticket na palang nakuha si Roger. Sa labis na pagpuri nito sa kanya hindi niya na napansin ang suot nitong lacoste tshirt na kulay dilaw at black pants. Napakagwapo rin nito, kahit sinuman babae ay kaya nitong makuha anumang oras. Kung hindi niya nga lang mahal si Joe baka mainlove pa siya dito.
“Anong iniisip mo?” tanong sa kanya ni Roger. Nakatulala lang kasi siya habang nasa ere sila.
“Wala lang, inaantok kasi ako.” Sagot niya. Hindi ito sumagot sa kanya bagkus ay inakbayan siya nito at pinaunan sa balikat nito. Bagamat ay nabigla hinayaan niya nalang ito. Naamoy niya ang pabango nito. Muli na naman nagwala ang pagtibok ng kanyang puso sa pagkakadikit ng mga balat nila. Pinikit niya ang mga mata, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagugustuhan niya ang init ng katawan nito sa katawan niya. Pakiramdam niya ligtas siya sa mga bisig nito. Hindi niya na nabilang kung ilang beses na siyang nayakap ni Joe pero kahit minsan hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam. Nakatulog siya sa dibdib ni Roger, payapa at wala ng ibang inisip kundi ang nasa bisig lamang siya nito.
Mahinang tapik ang gumising sa kanya. Pagmulat niya ng mata ay nakita niya agad ang mukha ni Roger. Mukhang hindi ito natulog man lang. Napansin niya ang pagkasabik sa mga mata nito. Hindi niya na kailangan pang magtanong kung bakit. Syempre si Steph ang dahilan nag bawat pagngiti ng mga mata nito. Pilit ang ngiting binigay niya dito. Muli siya nitong inalalayan pababa ng eroplano. Kung may makakakita nga sa kanila tiyak iisipin na may relasyon silang dalawa.
Agad siyang namangha sa ganda ng lugar sa Palawan. It was a nice place, tiyak na magugustuhan niya ang lugar na ito.
“Kailangan pa bang nakaalalay ka sa akin?” hindi makatiis na tanong niya. Nakahawak kasi ito sa may siko niya habang hila-hila niya ang hindi kalakihang maleta niya. Tiningnan siya nito. Gabi na nang makarating sila sa terminal ng Palawan pero kahit na wala nang araw hindi maikakaila ang ganda nang naturang lugar. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming mga dayuhan ang naaakit na pumunta sa Palawan.
“Kailangan na nating bilisan dahil hindi 24/7 ang hotel na tutuluyan natin pansamantala.” Sagot nito.
“Pansamantala? What do you mean?” naguguluhan niyang tanong.
“Wala nang maghahatid sa atin sa resort kaya magpalipas muna tayo ng gabi sa hotel. Don’t worry kilala na ako sa lugar na ito. Tinitiyak ko sayo na hindi tayo maliligaw.” Paniniguro pa nito. Bigla tuloy siyang nag-alinlangan dito. Tama ba itong ginagawa niya? Ang sumama sa lalaking halos hindi pa isang linggo niyang nakilala? Bukod sa pagiging doctor nito ano pa nga ba ang alam niya tungkol dito? Bigla siyang kinabahan sa naisip. Nabigla pa siya ng hilahin siya nito kaya napasunod nalang siya dito.
Tumuloy sila sa marangyang hotel at mukhang galit pa yata sa kanya ang tadhana dahil isa nalang ang bakanteng silid. In other words para nalang sa mag-asawa ang natitirang kwarto.
“Kukunin na namin.” Sagot ni Roger sa receptionistkaya siniko niya ito.
“Magsasama tayo sa iisang silid?”bulalas niyang tanong sa malakas na tinig. Naagaw ang atensiyon ng babaing kausap nito sa tanong niya.
“Kung ayaw mo pwedeng sa labas ka ng hotel na ito magpalipas ng gabi. Magkita nalang tayo bukas.” Sagot nito na ikinairita niya.
Natahimik siya sa sinabi nito. “Nagtatanong lang naman!” mataray niyang sagot. Wala siyang nagawa nang humakbang na ito para hanapin ang number na binigay sa kanila. Kahit pa kinakabahan ay wala siyang magawa. Mas safe naman siguro sa loob ng hotel kaysa sa labas. Nag mabuksan nito ang silid ay agad siyang pumasok. Sinadya niya talagang unahan ito at agad na humilata sa kama.
“Sa sofa ka matulog.” Agad niyang turan. Mamaya siya pa ang pahigain nito sa sofa, mahirap na. Nanlaki ang mga mata nito sa inasal niya.
“Hindi ba ako ang nagbayad?”
“Oo nga.”
“So ibig sabihin ako sa kama.” Sagot pa ni Roger.
“Hindi ako sanay matulog sa sofa at isa pa di ba ako ang babae kaya dapat lang na maging gentleman ka.” Turan niya pang sinakop ang buong kama. Kulang nalang palakihin niya ang katawan para masakop ang queen sized na kama. Kung tutuusin ay kaysa naman silang dalawa sa kama.
“Hindi rin ako sanay matulog sa sofa. Whether you like it or not, sa kama rin ako matutulog.” Sagot nitong seryoso ang tinig. Inirapan niya ito pero tinalikuran lang siya nito. Napabangon siya sa kama.
“Hoy, Dr. Martin kung may masama kang binabalak sa akin tigilan mo ako! Kung kay Joe nga hindi ko binibigay ang puri ko sayo pa kaya?” babala niya dito. Humarap ito sa kanya. Halatang gulat na gulat sa sinabi niya.
“Are you out of your mind?” bulalas nito. “Look, Miss Borromeo hindi ko sisirain ang buhay ko dahil lang sa panggagahasa sayo. Gumanda ka lang ngayon pero hindi ibig sabihin na gusto kitang ikama.” Sagot nito. Pakiramdam niya namula ang buong mukha niya sa pagkaprangka nito. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Ang lakas ng hangin sa sarili.
“Mabuti na iyong malinaw. Malay ko ba kung sobra kang nasaktan sa pang-iiwan ni Steph kaya-
“Gagahasain kita ganun ba?” putol nito sa sasabihin niya. Napakagat siya ng labi at tumango sa lalaki. Ngayon niya lang napansin mas lalong gwapo ito kapag naiiniso di kaya nagagalit. Namumula kasi ang mukha nito sa pagkapikon sa kanya. “ Wag kang umasa dahil hindi yan mangyayari.” Turan nito bago pumasok sa banyo. Napaingos nalang siya nang mawala ito sa paningin niya.
“Tskkk.”
Inayos niya muna ang kama bago siya humiga. Siniguro niya rin na may harang sa gitna nang kama, ang kinalabasan tuloy wala silang unan dahil ang unan nila ang ginawa niyang pangharang sa gitna nila. Agad niyang pinikit ang mga mata nang marinig na nagbubukas na ito ng pinto ng banyo. Alam niyang kokontra na naman ito sa ginawa niya. Hindi niya man nakikita ang mukha nito ay nababasa na ng isip niya ang pagkainis nito sa kanya. Mayat-maya pa ay naramdaman niya ang paggalaw ng kama tanda na hihiga na ito. Naramdaman niya ang pagtanggal nito sa barricade na ginawa niya.
“Kaya ginawa ang unan para higaan hindi para iharang. Kung ayaw mong mag-unan bahala ka.” Turan nito. Agad siyang umikot para kunin dito ang unan niya.
“Dalawa lang kaya ang unan mo!” Turan niyang inis-inis. Apat lang kasi ang unan sa silid na iyon, ibig sabihin tigdadalawa sila. Niyakap niya ang isang unan at nilagay sa ulo ang isa bago niya ito tinalikuran. “Wag kang magkakamaling may gawin masama at baka hindi kita matantiya.” Banta niya pa.
“Nababaliw ka na. Baka nga ikaw ang may balak sa akin diyan eh.” sagot nito at tumalikod na rin. Sa inis niya ay tinulak niya ito kaya nahulog ito sa kama. Narinig niya ang malakas ng pagbagsak nito kaya nataranta siya. May kataasan din kasi ang kama at isa pa hindi ito nakahanda sa ginawa niya. Napangiwi ito sa ginawa niya.
“I’m sorry, ikaw kasi.” Nag-aalala niyang sagot. Sa laki kasi nitong tao tumama ang noo nito sa side ng cabinet na malapit sa kama nila. Napansin niyang namula ang noo nito. Inalalayan niya itong tumayo pero ayaw nito.
“Wag na baka mamaya itulak mo na naman ako.” Galit nitong saway sa kanya.
“Hindi na nga, promise!” sagot niyang parang maiyak-iyak. Mukha kasi talagang nasaktan ito lalo pa at sa dulo ng cabinet tumama ang noo nito. Napansin niya may bukol na agad ang noo niya at bahagya ng namula.
Umupo ito sa kama kaya umupo na rin siya.
“Roger, sorry na.” pangungulit niya pa dahil hindi na ito kumibo pa. Lumapit siya dito at kinapa ang maumbok nitong noo. Agad siyang tumayo at binasa ang towel na maliit at agad na nilagay sa noo nito. Wala pa rin itong kibo sa ginagawa niya.
“Kailangan pa palang magkabukol muna ako bago mo ako titigilan.” Turan nito sa kanya makalipas ang ilang sandali na pananahimik nito.
“Galit ka pa ba?” tanong niya sa malambing na tinig.
“I-kiss mo nalang para mawala ang sakit.” Biro na nito.
“Isa pang bukol gusto mo?” natawa niya na ring sagot. “Sorry talaga, hindi ko naman talaga sinasadya eh.” Paghingi niya pa ng tawad. Nabigla pa siya ng kunin nito ang kamay niya.
“Okay na ako, sige na matulog na tayo.” Sagot nito bago pinakawalan ang kanyang kamay na nanlalamig. Akala niya kung ano ang sasabihin nito yun lang pala. Umayos na ito ng higa kaya humiga na rin siya. “Goodnight Karen.” Turan pa nito. Malamyos sa panidinig niya ang pagbigkas ng pangalan niya. Pakiramdam niya kinilig siya sa simpleng pagbigkas nito..
“Goodnight Roger.” Tanging sagot niya.
“Wag na tayong magkita sa dreamland baka mamaya magising ako na sinasakal mo.” Turan pa nito kaya napangiti siya.
“Naku wag kang magbiro ng ganyan baka mamaya magkatotoo.” Pagpatol niya sa biro nito.
Mayat-maya pa ay kapwa na sila hinila ng antok.