MAY naghatid sa kanilang bangkero papunta sa resort ni Roger. May kalakihan ang naturang resor, concrete ang naturang mga cottage na sa tantiya niya ay kasya ang apat na tao sa naturang cottage. Maraming tao ang naliligo nang dumating sila, may mga pinoy at foreigners. Naaliw rin siya sa pagkaasul ng tubig at puting-puting buhangin. Kay sarap magbabad sa kulay asul na tubig.
“Ang ganda naman ng lugar na ito.” Hindi niya mapigilang bulalas kay Roger. Hindi niya magawang isuot ang heels niya dahil bumabaon iyon sa buhangin kaya binitbit iyon ni Roger. “Tiyak na ito talaga ang lugar na pipiliin ni Steph para siya ikasal. This is the perfect place para sa dalawang taong nagmamahalan.” Turan niya.
“And this is the memorable place for both of us.” Malungkot nitong sambit kaya upang sumaya ito muli ay siya na ang humawak sa siko nito. Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ng biglang tumigil ito at tumingin sa kanya.
“Bakit?” tanong niya, akala niya kasi hindi nito nagustuhan ang paghawak niya dito.
“Okay lang ba sayo na sa iisang cottage tayo tumuloy? Sarili kong cottage yun, may kalakihan naman at tinitiyak kong komportable ka. Don’t worry dalawa ang kama, may kaliitan nga lang.” turan pa nito kaya napangiti siya.
“No worries, gentleman ka naman.” Sagot niyang natatawa kaya napangiti na rin ito. Napatunaya na nito iyon kagabi. Kung masama itong tao sana wala sila ngayon.
“And wait, katabi lang pala ng cottage natin ang cottage nina Joe at Steph.” Dagdag pa nito kaya natigilan siya. Kung hindi pa nito binanggit si Joe parang nawala na sa isip niya ang dating nobyo na sinadya niya sa lugar na ito.
“Mas okay nga yon para magselos sila.” Sagot niyang wala sa loob.
Hindi pa man sila nakakarating sa cottage na tinutukoy ni Roger ay nahagip na nang mga mata nila sina Steph at Joe na magkayakap habang naglalakad. Kapwa sila natigilan ni Roger. Napansin niya ang sakit sa mga mata nito habang pinagmamasdang masaya si Steph pero siya, wala siyang madamang sakit habang nakikitang masaya si Joe sa ibang babae. Hindi niya naitindihan ang sarili. Nakamove-on na ba siya? Pero parang kailan lang ay para siyang baliw na labis na nagmamahal at kaya nga siya pumayag na maging girlfriend ni Roger ay dahil dito pero ngayon parang wa epek ang makita niya si Joe na may kalambingang babae.
“Yumakap ka sa akin.” Utos sa kanya ni Roger na ikinagulat niya. Hindi pa kasi sila nakikita ng mga ito.
“Kailangan pa ba yun?” tanong niya ditong kinakabahan.
“Oo, para makita nila na may relasyon tayong dalawa.” Sagot pa nito pero hindi pa rin siya kumilos kaya hinila siya nito upang mapayakap dito. Napasubsob siya sa dibdib nito.
“Dahan-dahan naman.” Inis niyang turan dito. Hinimas niya ang ilong na nasaktan. Nagulat pa siya ng halikan iyon ni Roger. Pag-angat niya ng tingin ay nagtagpo naman ang mga labi nila. Iiwas sana siya pero hinuli nito ang labi niya at ikinulong sa labi nito. Gaganti sana siya nang halik dito nang may tumikhim sa harapan nila. Nahihiyang kumalas siya kay Roger at napatingin kina Steph at Joe. Nahihiyang napangiti siya sa mga ito.
“How are you?” agad na tanong ni Steph kay Roger. Hindi niya nagustuhan ang tono ng boses nito, pakiramdam niya kasi nilalandi nito si Roger. “Bakit hindi ka nagpasabing darating ka?” dagdag pa nitong tanong.
“Naku, biglaan lang ang lakad namin ni Karen.” Sabat ni Roger na titig na titig kay Steph.
“Hindi kita nakilala.” Gulat na gulat na turan ni Joe habang titig na titig sa kanya. “May relasyon ba kayo ni Roger?” tanong pa nito. Wala siyang makapang saya sa nakitang paghanga ni Joe sa kanya. Akala niya ay maglulundag siya kapag pinuri siya nito pero mas kinilig pa siya sa papuri ni Roger kahapon. Pilit ang ngiting pinakawalan niya dito.
“Oo, magdadalawang linggo na kami.” Nakangiti niyang sagot habang todo naman ang yakap sa kanya ni Roger. Kung itlog nga lang siya baka kanina pa siya napisa sa higpit ng yakap nito.
“Tatagal ba kayo dito hanggang engagement namin ni Joe?” tanong pa ni Steph.
“Oo, gusto rin kasi naming marelax ng konti.” Sagot pa ni Roger na akala mo mahal na mahal siya. May pahalik-halik pa sa noo itong nalalaman. “So, paano? Mauuna na muna kami sa inyo?” paalam ni Roger sa mga ito kaya nakahinga siya nang maluwag. Mabuti naman at sinabi nito iyon.
“Ang galing ng arte mo ah.” Puri niya kay Roger nang makalayo sila sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nakadama siya ng panibugho sa mga titig na pinakawalan nito kay Steph. Akmang kakalas siya dito sa pagkakayap pero pinigilan siya nito.
“Stay in my arms dahil pinagmamasdan lang nila tayo.” Bulong nito. “Kailangan natin galingan ang pag-arte para hindi sila magduda. And you, ipakita mo sa kanila na mahal na mahal mo ako. Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay na wala ako.” Turan pa nito.
“Kung ang lumpo nga ay kayang mabuhay ng mag-isa ako pa kaya na walang sakit at kompleto ang katawan.” Sagot niya. “Mahirap ng masanay na nandiyan ka palagi. Mahirap kayang makabangon!”
Don’t be ridiculous, Karen. Hindi biro itong pinasok natin dahil puso natin ang nakataya dito at isa pa mukhang naniwala sila sa arte natin kanina.” Seryoso nitong sagot.
“Sure ka?” tanong niyang walang gana ang boses.
“Oo.” Sagot pa nito. “Mukhang tumalab pala kay Joe ang make over mo.” Turan pa nitong nakangiti pero wala siyang madamang tagumpay sa plano nila.
“Naglaway ba?” biro niya.
“I think so.” Sagot nito. “Nakafirst based na tayo kaya ang gawin nalang natin ay ang pagselosin sila ng husto at kapag selos na selos na sila sigurado akong maghihiwalay sila.” Turan pa nito.
“At pagkatapos non babalikan ka ni Steph?” tanong niyang may bikig sa lalamunan.
“At babalikan ka rin ni Joe.” Nakangit nitong sagot.
Nakarating sila sa sinasabi nitong cottage na tuliro ang isip. Hindi niya maintindihan ang sariling nararamdaman. Bakit bigla-bigla wala na siyang nararamdaman kay Joe? At bakit parang nasasaktan siya kapag nakatitig si Roger kay Steph.
“Oh my God! Nahuhulog na ba ako kay Roger?” tanong niya sa isip.
“Nakita mo lang si Joe natulala ka na diyan.” Untag sa kanya ni Roger. “Ang lakas ba talaga ng dating niya sa inyo ni Steph? Well, napakaswerte niya to have you and Steph.” Turan pa nito kaya inirapan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Paano niya sasabihin dito na hindi na si Joe ang gusto ng puso niya kundi ito?
“Hindi ako inlove sayo Roger. Hindi pwede. Baka nasasanay lang ako ng husto sa presensiya mo.”
“Bakit ikaw ba hindi ka tulala kay Steph nang makita mo siya kanina?” tanong niya. Umupo ito sa tabi ng kama niya at bumuntong-hininga.
“Ang totoo? Nasaktan ako dahil ngayon ko lang siya nakita na ganun kasaya.” Sagot nito. “Pero hindi pa rin ako susukong mahalin niya muli and for the second time I will be the best boyfriend and husband for her.” Sagot pa nito. Pilitin niya mang wag masaktan sa sinabi nito ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya may sariling buhay ang kanyang puso na kusang dumudurog. Gusto niyang pumalahaw ng iyak kaya naman hindi niya iyon nakontrol. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Agad niya iyong pinunasan pero nakita agad ni Roger. “Sinisiguro ko sayong yan na ang huli para iyakan mo si Joe.” Turan pa nito habang pinupunasan ng kamay nito ang kanyang mga luha. Niyakap siya nito kaya muli na naman siyang napaiyak. Sana nga si Joe ang dahilan ng pag-iyak niya dahil sanay naman na siyang iyakan ito but this time ito na ang iniiyakan niya.
Kung hindi lang talaga siya kinulit ni Roger wala talaga siyang balak na lumabas ng cottage pero mukhang aligaga itong maligo paano ba naman kasi nasa dagat si Steph, wearing her sexy swim suit. Walang sabi-sabing nagbihis siya ng kanyang swim suit. Sinigurado niyang bagay na bagay iyon sa makurba at sexy niyang pangangatawan. Nawala yata ang hiya niya sa pagsuot non habang pinagmamasdan niya ang katawan sa banyo. Maging siya ay naakit sa sarili niyang katawan. Wait for me Steph, magtutuos tayo. Iyong-iyo na si Joe. Magsama kayo! Basta akin lang si Roger.
“Matagal ka pa ba?” sigaw ni Roger sa kanya. Hindi niya na mabilang kung nakailang tanong na ito sa kanya.
“Sige na mauna ka na, susunod nalang ako!” sagot niyang pasigaw. Hindi na ito sumagot pa. Sinigurado niya munang magandang-maganda siya bago siya lumabas ng banyo.
“Kaya mo yan! Konting kapal ng mukha lang ang kailangan mo, Karen. Kailangan mo nang lumabas baka mamaya pati si Roger ay tinuklaw niya na.” paalala niya sa sarili kaya agad na siyang nagmadaling lumabas.
Pakiramdam niya isa siyang modelo nang lumabas siya sa cottage nila. Lahat ng madaanan niyang kalalakihan ay napapanganga sa alindog niya. Natanaw niya si Steph na lumalangoy sa dagat habang nakaalalay si Joe dito samantalang nakatitig lang si Roger sa mga ito habang nakaupo sa buhangin. Mukhang selos na selos na naman ito. Todo ang kembot niya ng lumapit dito. Agad na napansin siya ni Joe, natigilan ito at napatingin sa kanya kaya naman nagtaka si Roger at napalingon. Nagtama ang mga mata nila. Nakashades siya nang mga oras na iyon kaya naitago niya ang pagkislap ng mga mata nang matunghayan niya ang mala Adonis na katawan ni Roger. Agad itong tumayo na akala mo nakakita ng diyosa. Sexy rin ito sa suot nitong swimming trunks. Hindi niya mapigilang mapalunok ng dumako ang mata sa parteng iyon. Pinamulahan siya ng mukha at pinilig ang ulo.
Napapailing ito habang pinagmamasdan siya. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Napansin niya sa mga mata nito ang sobrang paghanga sa kanya.
“I’m speechless!” turan nito. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Kung reward iyon dahil sexy siya, well magandang reward ang mayakap ng matipuno nitong katawan. “Nakatingin sayo si Joe.” Bulong nito kaya nadismaya siya. Iyon pala ang dahilan nito kaya siya niyakap. Kumalas siya sa pagkakayakap dito.
Niyaya siya nito sa tubig. Napansin niya rin na nakatingin lang sa kanila si Joe at Steph. Naghabulan sila sa tubig ni Roger. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid kundi na kay Roger lamang ang buong atensiyon niya. Napasigaw siya nang biglang may yumakap sa kanyang bewang. Si Roger lang pala, binuhat siya nito mula sa tubig at inikot-ikot.
“I love you, Karen!” sigaw pa nito na halos narinig yata ng buong taong naliligo sa dagat. Gusto niyang kiligin sa sinabi nito pero hindi niya magawa. Magpapanggap lang ang lahat dahil naririnig ni Steph ang lahat.
“Mahal din kita Roger.” Sagot niyang tagos sa puso. Nang ibaba siya nito sa tubig ay agad niya itong hinalikan sa labi. Hindi niya alam kung saan siya kumuha nang lakas ng loob para gawin iyon. She kissed him passionately. Kung hindi ito manhid mahahalata nitong may laman ang halik niya. That was a true kiss dahil mahal niya na ito. Hinaplos nito ang mukha niya habang hinahalikan siya. Kung hindi pa nga sila kinapos ng hininga baka hindi pa sila naghiwalay. Kapwa sila napangiti ng maghiwalay ang mga labi nila. Muli silang bumalik sa paglangoy, hindi siya nito nilubayan hanggang hindi siya mahuli. Naramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap sa kanya mula sa likuran. Kahit malamig ang tubig ay dama niya ang init ng katawan nito. Napapikit siya sa ginawa nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagmasahe ng kamay nito sa balikat niya at sinundan iyon ng pinong mga halik. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya habang ginagawa iyon ni Roger sa kanya. Kung pagpapanggap man iyon ay wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay maramdaman na nasa tabi niya lang ito.
Nagkailangan sila ni Roger nang makabalik na sila sa cottage. Hindi siya makatingin ng deresto dito. Pakiramdam niya kasi anumang oras ay masasabi niya ang tunay na nararamdaman niya dito na hindi pwedeng mangyari. Kaya niya iniwan ang trabaho sa Manila ay para kay Joe at ito ay para kay Steph. Isang kasunduan lamang ang lahat. Kasunduan na hindi niya pwedeng bawiin at lalong wala sa kasunduan na mahalin niya ito.
Nang makapagbanlaw siya ay nagtimpla siya ng kape. Wala si Roger sa cottage kaya nakahinga siya nang maluwag. Malalim ang iniisip na umupo siya sa maliit na hapag kainan habang sinisimsim ang mainit na kape. Dinampot niya ang pandesal sa mesa na dinala kanina ni Roger at agad iyong sinubo. Napagod yata siya sa kakalangoy kanina.
“Mukhang gutom na gutom ka ah?” tanong sa kanya ni Roger. Hindi niya napansin ang bigla nitong pagsulpot mula sa kung saan. Puno ang bibig na napatingin siya dito. Muli na namang tumambol ang kanyang puso dahil sa ngiti nito. Kanina lang ay ilang na ilang ito sa intimate scene nila sa dagat pero ngayon tila nakalanghap ito ng hangin at okay na naman ang mood. Niluwa niya ang kalahating tinapay na sinubo sa takot na baka mabulunan.
“Sa susunod wag mo akong gugulutin. Mamamatay ako sayo niyan.” Saway niya ditong hindi makatingin.
“Para saan pa at naging doctor ako kung hindi naman kita maliligtas?” Sagot nitong nagpataba sa kanyang puso. “Iwasan mo kasi ang sobrang pagkakape.” Dagdag pa nito sabay agaw sa tasa niya at agad na ininom. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito.
“Ano ka ba, akin yan at saka may laway na yan.” Saway niya dito.
Tumingin ito sa kanya at napakunot noo. Ang gwapo talaga ng kumag na ito. Ngayon niya naaappreciate ang pagkagwapo nito. Ngayon na wala na si Joe sa puso niya. Akala niya talaga noon hindi na mawawala sa puso niya si Joe. Na hindi na siya magiging masaya pa dahil may iba na ito. Hindi pala dahil muling binuksan ni Roger ang puso niyang magmahal muli. Yun nga lang sa maling tao pa siya nagmahal. Bakit kay Roger pa? May mahal na itong iba. Masasaktan lang siya dahil hanggang ngayon si Steph pa rin ang mahal nito.
“Ano naman kung may laway mo? Natikman ko na rin naman yan.” Sagot nito bago siya kininditan. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito at para makabawi ay pinandilatan niya ito. “Hindi ba nasabi sayo ni Joe na masarap kang humalik?” tanong pa nito na ikinagulat niya. Tumayo siya at hinampas ito sa balikat at agad itong nilayasan. Sinundan siya nito. “I’m not kidding. You’re a good kisser.” Dagdag pa nitong nang-aasar ang tinig kaya binato niya ito ng unan.
“Na turn on ka ba?” tanong niya kaya natigilan ito. Nang hindi ito sumagot ay tumawa siya nang malakas.. “Hinalikan kita dahil nakatingin si Joe sa atin. Gusto kong makita niya na masaya ako sayo.” Pagsisinungaling niya. Napangiti lang ito sa sinabi niya at tinalikuran na siya. Nang hindi na ito bumalik ay humiga na siya sa kama. Open lang ang naturang cottage, walang kwarto. Halos isang metro lang ang layo ng kama niya sa kama nito. Kahit hindi siya tumayo alam niyang nasa kusina lang ito dahil hindi naman kalayuan ang kusina sa kama nila. Hindi niya mapigilang hawakan ang bibig niya na halos ilang minuto ring kinulong ni Roger sa mga bibig nito. RAmdam niya ang init ng labi nito. Ang bawat galaw ng bibig nito ay napapapikit siya. Saya ang hatid sa puso niya dahil sa nangyaring halik. Dahil sa labis na pag-iisip niya ay nakatulog na siya. Kung hindi niya pa naramdaman na may nakayakap sa kanya ay hindi siya magigising. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at nabigla pa siya nang makitang nasa tabi niya si Roger. Pilit na pinagkakasya ang sarili sa maliit na kama upang hindi ito mahulog kaya naman ganun nalang kung makayakap sa kanya. Nakayakap ito sa maliit niyang bewang habang siya naman ay nakayakap sa dibdib nito. Sobrang antok naman yata niya para hindi maramdaman na may tumabi na sa kanya pero syempre pabor sa kanya ang sitwasyon nila. Isiniksik niya ang sarili sa dibdib nito at muling natulog.
Pag-gising niya ay wala na sa tabi niya si Roger. Kung bakit ito tumabi sa kanya iyon ang hindi niya alam. Napatingin siya sa pambisig niyang orasan. Alas sais na pala ng gabi. Napahaba yata ang pagtulog niya. Agad siyang bumangon at hinanap sa loob ng cottage si Roger pero wala ito kaya minabuti niyang lumabas ng cottage. Madilim na halos ang buong paligid at tanging tanglaw ng mga solar light ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. May mangilan-ngilan din na naliligo pa sa dagat. Naglalakad-lakad siya habang palinga-linga at hinahanap pa rin si Roger.
“Can we talk?” tawag sa kanya ng pamilyar na tinig. It was Joe. Lumingon siya at tiningnan ito. Nakakunot ang kanyang noo. Lumapit ito sa kanya. “Kanina pa kita gustong makausap, hindi lang ako makahanap ng tiyempo dahil kasama mo si Roger.” Dagdag pa nito. Wala na siyang makapang galit dito at lalong wala nang pagmamahal sa puso niya para dito.
“Sure.” Sagot niya. Niyaya siya nito sa gilid ng cottage na tinutuluyan nila ni Roger. Umupo sila sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
“Bakit kayo nandito ni Roger? Ginagamit ka lang ba niya?” tanong nito na ikinagulat niya. Napatitig siya dito.
“Ako magpapagamit kay Roger? At bakit ko yun gagawin? Iniisip mo ba na mahal pa rin kita kaya kami nandito?” tanong niya dito.
“Hindi ba? Look, Karen, ex siya ni Steph at alam kong mahal niya pa rin si Steph. Ayokong gamitin ka lang niya para bawiin si Steph sa akin. Mahal namin ni Steph ang isat-isa at ayokong saktan ka dahil lang sa amin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at habang buhay ko yun na pinagsisihan.” Turan pa nito kaya natawa siya ng pagak. Kung noon sana na mahal niya pa ito masasaktan siya sa sinabi nito o baka nga nasuntok niya pa ito sa galit pero iba na ngayon. Hindi na siya affected sa karisma nito at lalong hindi na ito ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso niya.
“Alam kong mahirap paniwalaan pero si Roger ang dahilan kung bakit kita nakalimutan, kung bakit ako nagmahal muli. Sa pagkawala mo ay nakita ko ang lalaking magmamahal sa akin ng totoo.” Sagot niya pa. Kay sarap sabihin ng huling sinabi niya. Sana nga ay totoo.
“I’m happy for you. Sana si Roger na talaga ang para sayo. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita kang nasasaktan. Again, im sorry Karen. Hindi ko sinadyang masaktan ka.” Paghingi pa nito ng tawad kaya ngumiti na siya.
“Nagmahal ka lang.” tanging nasabi niya. Hindi siya tumutol ng yakapin siya nito bagkus ay gumanti rin siya ng yakap. Iyon ang tagpo na inabutan ni Roger. Nagbabaga ang mga mata na nakatingin ito sa kanila.
“Nagkamali ka yata ng kayakap pare?” untag sa kanila ni Roger. Biglang napakalas ng yakap sa kanya si Joe dahil hinila siya nito mula sa lalaki. “Next time ang matuto kang gumalang sa pag-aari ng iba!” madiin ang boses na banta nito kay Joe bago siya kinaladkad papasok ng cottage nila. Malakas na sinara nito ang pinto ng cottage. Kulang na nga lang magiba iyon sa lakas ng pagkakasara.
“Anong problema mo?” hindi makatiis na tanong niya. Magdidiwang siya kung nagseselos ito kay Joe nang dahil sa kanya pero pwede rin naman na nagagalit ito dahil iniisip nito na niloloko ni Joe si Steph.
“Ano nalang ang iisipin ng Joe na iyon sa ginawa mo? Ang alam niya girlfriend kita pero nandun ka at kayakap niya!” galit nitong sigaw sa kanya.
“Akala ko ba yun ang plano? Ang agawin siya mula kay Steph para balikan ka niya?” tanong niya. Biglang nagbago ang anyo nito nang marinig ang pangalang Steph. Napaismid siya.
“Ang akin lang naman na sana hindi sila makahalata na nagpapanggap tayo dahil tiyak na mabubulilyaso tayo.” Mahina na ang boses na sagot nito. “Natakot lang ako na baka umamin ka kay Joe.” Dagdag pa nito. Tinalikuran niya ito at lumapit sa ref. Naghanap siya ng tubig pero wala siyang makita kaya beer in can ang dinampot niya kahit hindi naman siya umiinom.
“Wag kang mag-alala, iniisip ko pa rin ang kasunduan natin. Babawiin mo si Steph at babawiin ko si Joe. Malinaw sa akin yun.” Inis niyang sagot at agad niyang binuksan ang beer at tinungga. Muntikan niya pa iyong maibuga iyon sa pait ng lasa.
“Maglalasing ka ba?” tanong nito.
“Oo!”
“Dahil kay Joe?” tanong pa nito.
“Dahil sa inyong lahat lalo na sayo, naiinis ako sayo!” sagot niyang inismiran ito. Lumapit ito sa kanya at binawi ang beer na hawak niya.
“I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya na masigawan kita.” Turan pa nito. Inagaw niya sa kamay nito ang beer at tinungga pang muli. Kahit napakapanget ng lasa non ay sige pa rin siya sa pagtungga. Wala nang mas papait pa sa nararamdaman niya ngayon.
Hindi niya ito pinansin kaya nagulat nalang siya nang yakapin siya nito mula sa likuran. Natigilan siya sa ginawa nito.
“Isipin mo nalang na ako si Joe. Gusto kong maramdaman mo na mahal ka pa rin niya.” Bulong nito. Ipinikit niya ang mga mata. Bakit kailangan si Joe ang isipin niya kung ito naman ang laman ng puso niya. Unti-unting bumagsak ang luha niya dahil sa sinabi nito.
“Magkaiba kayo! Wag mong itulad ang sarili mo kay Joe. Hindi pwedeng maging magkatulad kayo.” Sagot niya. Bakit kailangan pang si Joe? Bakit hindi nalang ito? Hindi ito kumibo bagkus ay nakayakap pa rin sa kanya. Nagtagal sila sa ganung posisyon, ang nakakulong siya sa mga bisig nito. Mayat-maya pa ay nakalma niya na ang sarili.Pinunasan niya rin ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Hinila niya ang kamay nito at niyayang uminom. Hindi ito kumibo at sumunod nalang sa kanya. Sa sahig nila piniling uminom. Nagbukas siya ng ilang makakain nila habang umiinom sila ng beer. Wala pa rin itong kibo habang panay lang ang tungga ng beer. Nakatatlong beer na siya nang magsimula siyang maging emosyonal. “Bakit ganun ang pag-ibig kapag seryoso kang nagmamahal para ka namang binibiro, iyong tila isa kang pagkain na tinatakam at hindi pwedeng makuha kahit ano ang gawin mo?” tanong niya dito. Tiningnan siya nito.
“Ako man ay ganyan din ang tanong pero wala akong makuhang sagot. Madaling sabihin na nagmamahal ka pero hindi, dahil nasasaktan ka, iyon ang totoong kahulugan ng pagmamahal, Ang masaktan ng paulit-ulit.” Mapait nitong sagot. Hindi niya napansin na nakalimang beer na pala ito kaya pala mapula na ang buong mukha nito.
“Ang bitter natin.” Natatawa niyang sambit. Humilig siya sa balikat nito nang nakaramdam siya ng pagkahilo. Muli na naman siyang naging emosyonal. “Ang sakit na makita ang mahal mo na may mahal ng iba. Sana ako nalang siya. Sana ako ang tinitingnan niya ng puno ng pagmamahal. Kaya ko naman siyang mahalin ng sobra sabihin niya lang.” Sambit niya pa sabay bagsak ng mga luha niya. Hinayaan niya iyong maglandas sa kanyang mukha.
“Sana ako nalang din siya pero kailanman hindi magiging tayo, sila.” Sagot pa nito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa pisngi niya. Umayos siya ng upo at napatitig sa maamo nitong mukha.
“I love you Roger, sana ako nalang si Steph. Ang babaing mahal na mahal mo. I promised, I won’t hurt you.
Hindi niya alam kung saan siya kumuha nang lakas ng loob para halikan ito. Gusto niyang gawin iyon dahil sa pagmamahal niya dito. Gumanti ito ng halik sa kanya. Mas maalab at mapusok. Kapwa sila nadarang sa nangyari. Naglumikot ang mga kamay nito sa buong katawan niya. Hiyaan niya lamang ito dahil siya ay abala rin sa paghaplos sa matipuno nitong katawan. Huling natatandaan niya ang ay pag-alis nito ng mga damit niya at ang pag-alis ng sarili nitong damit. Hindi niya na inisip ang maaring kahantungan ng lahat. Ang gusto niya nalang ngayon ay ang bigyan laya ang nararamdaman niya para dito. Ang maramdaman nito ang ito na ang mahal niya.
“I want you, Karen.” He moaned passionately. Sapat na ang narinig niya para ipaubaya ang sarili dito. Ang init ng mga palad nito ay tila tumutupok sa buong pagkatao niya.
“I want you too, Roger.” She replied.