CHAPTER SEVEN

2854 Words
                                                     HINDI siya makapaniwala sa natuklasan. Siya ang unang lalaki sa buhay ni Karen. Akala niya ay nagbibiro lang ito nang sabihin nitong, hindi pa nito naibibigay ang sarili kay Joe. Napangiti nga lang siya non. Sino ba naman kasing lalaki ang magtitiis nang dalawang taon kung isang tulad ni Karen ang girlfriend mo? Aminado siyang nagandahan siya ng dito nang sunduin niya ito sa parlor. He was hypnotized that time at tama ito naglaway nga siya. Ang totoo kahit napakasimple nito ay napakaganda nito, lalo lang itong gumanda nang mag-ayos ito. Nagkamali si Joe na iwan ito. Pinagmasdan niya itong mabuti. Tulog na tulog pa rin ito sa mga bisig niya at tila ang sarap ng panaginip dahil maaliwalas ang mukha nito. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang mukha nito. Kung anuman ang nangyari sa kanila ngayon hindi niya ito inasahan. Hindi niya akalain na ibibigay nito sa kanya ang pinagkakaingatan nito. Araw lang ang pinagsamahan nila pero hindi niya maikakaila na nagkakaroon na ito ng puwang sa kanyang puso. Pakiramdam niya nga mas higit niya itong kilala kaysa kay Steph. And yes, nagselos siya nang makita niyang yakap ito ni Joe. Kung hindi lang siya nakapagtimpi baka nasuntok niya pa si Joe sa selos. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Maging kasi siya ay nalilito at nagtataka. Hindi niya maintindihan, ang alam niya lang ay mahalaga sa kanya si Karen at higit na pinahahalagahan niya ang mga sandali na kasama ito. Ayaw niyang matapos ang mga sandal na kasama ito.   Nilapit niya ang mukha sa noo nito upang hagkan. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos may mangyari sa kanila. Baka nga kamuhian siya nito o di kaya ay isumpa. Hindi niya yata kayang mangyari iyon. Gusto niya pa itong kasama upang makilala pa ng lubusan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit nagawa itong iwan ni Joe, kung tutuusin nga nakapaswerte nito kay Karen. Hindi niya man ito lubos na kilala alam niyang huwad ito kung magmahal.       *********************   NAPABALIKWAS nang bangon si Karen. Hindi niya lubos akalain ang mga nagawa niya. Nasa mga bisig siya ni Roger. Nakahubad ito at tanging kumot lang ang nakatakip sa pang-ibaba nito. Tulog na tulog pa rin ito at tila hindi man naramdaman ang bigla niyang pag-upo sa kama.   “Paano kami nagkasya sa kamang ito?” sa loob-loob niya. Inangat niya ang kumot na pinagsaluhan nila ni Roger at tumambad sa kanya ang hubad niyang katawan. Napakagat-labi siya. Hinila niya ang kumot mula dito at ibinalot sa katawan. Napapikit siya nang tumambad sa kanya ang kahubdan nito. Tumayo siyang nakapikit pero tila umiral ang kanyang pagkapilya at nilingon ito. Napatitig siya sa buong katawan nito, tamang-tama naman ang pagmulat ng mata ni Roger at nagtama ang mga mata nila. Pakiramdam niya namula ang buong mukha niya sa pagkapahiya. Agad niya itong tinalikuran upang iiwas ang mga mata. Baka mamaya sabihin nitong manyak siya at gusto niya pa. Siya pa naman itong nag-initiate kagabi kung kaya may naganap sa kanila . Napapitlag siya nang hapitin siya nito nang mahigpit.   “Pwede bang magbihis ka muna?” pikit mata niyang utos dito. Kinilabutan siya ng halikan siya nito sa leeg at bigla siyang binuhat at hiniga muli sa kama. Hindi niya alam kung bakit nito iyon ginagawa. Kung para saan ang paglalambing nito. Ngayon kapwa sila nasa katinuan at hindi lasing. Nakainom man siya kagabi ay alam niya ang ginagawa niya. Malinaw sa kanya ang mga naganap kagabi at kung paano niya ipinagkaloob ang sarili dito.   “May nagsabi na ba sayong napakaganda mo?” tanong nito sa kanya. Mabuti nalang at tinakpan nito ng unan ang harapan nito dahil kung hindi baka hindi siya makatingin nang deretso dito. Tiningna niya ito nang deretso kahit na nahihiya siya.   “Matagal ko nang alam yan.” Sagot niyang inirapan ito.   “Gusto ko lang ulitin sayo. Gusto ko lang sabihin sayo na napakaganda mo.” Turan pa nitong nakangiti. Pinamulahan man ng mukha ay napatitig pa rin siya dito. Ramdam niya ang init ng palad nito ng haplusin nito ang mukha niya. Sa bawat haplos non ay ramdam niya ang pagmamahal. Ayaw niyang mag-assume na mahal din siya nito dahil kahit hindi nito sabihin alam niya si Steph pa rin ang babaing mahal nito, ang babaing  nagmamay-ari sa puso nito. Nalungkot siya sa isiping iyon. Hindi niya namalayan ang pagbagsak ng mga luha niya. “Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang alam ko, gusto kitang makasama ngayon.” Turan pa nito habang pinupunasan ang luha niya. Kinantilan siya nito ng halik sa labi. Padampi-dampi lamang iyon at tila labis ang respeto nito sa kanya. Kasunod non ay yumakap ito sa kanya ng mahigpit kaya gumanti rin siya ng yakap dito. “Please, don’t go.” Pakiusap pa nito.   “Alam kong mali itong nangyari sa atin pero ginusto ko ito at wala akong pinagsisihan.” Sagot niya dito. “Wala kang obligasyon sa akin at tuloy pa rin ang kasunduan natin. Tutuparin ko yun, wag kang mag-alala. Hindi mo kailangan maglambing sa akin dahil alam ko kung ano ang pinasukan ko. Ibabalik ko sayo ang babaing mahal mo.” Dagdag niya pa. Hindi na ito umimik pa sa sinabi niya at nanatili nalang nakayakap sa kanya.   “Mahal mo pa rin si Joe?” tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Gsuto niyang sabihin dito na ito na ang mahal niya pero natatakot siyang masaktan kapag sinabi nitong si Steph pa rin ang mahal nito at hindi pwedeng maging sila. Natatakot siyang sampalin ng katotohanan.   “Oo.” Mahina ang boses na sagot niya na parang hindi naman dumaan sa kanyang bibig ang salitang yun. Sa sinabi niyang iyon ay bigla nalang itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at umupo ng kama. Inabot nito ang nagkalat nitong damit at tumayo na pagkatapos magbihis.   “Magluluto lang ako.” Walang buhay na sagot nito na ipinagtaka niya. Tumayo na rin siya at muling inayos ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan.   “Sige, maliligo na muna ako.” Sagot niyang tumalikod na rin.   Umiiyak siya habang naliligo. Hindi niya malaman kung ano ang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Ibang-iba iyon sa sakit na naramdaman niya nang iwan siya ni Joe. Takot ang nararamdaman niya, natatakot siyang mawala sa kanya si Roger. Natatakot siyang sampalin ng katotohanan na balikan ito ni Steph. Baka kapag nangyari iyon ay hindi niya na makaya. Inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Kumuha siya ng damit sa maliit na maleta niya at muling bumalik si loob ng banyo. Wala si Roger sa cottage. Nang makabihis siya ay nagpasya na siyang lumabas. Nakahanda na ang mesa nang pumunta siya ng  kusina at nahagip rin ng  mga mata niya ang isang bulaklak ng rosas. Umupo siya sa upuan. Dalawang plato ang nakahanda. Siguro hinihintay siya nito. Inamoy niya ang bulaklak.   “Pasensiya ka na at isa lang yan. Pitas sa pilit lang yan tulad ng nararamdaman ko ngayon para sayo. Alam kong masyadong maaga para sabihin na mahalaga ka sa akin kaya gusto kong malaman kung ang ano ba talaga itong nararamdaman ko para sayo. Ayokong pilitin ang sarili ko dahil gusto kong matuklasan mismo iyon. Isa lang ang alam ko ngayon Karen. You are special to me.” Pahayag nito sa kanya. Nakatayo ito sa harapan niya at tila seryosong-seryoso. Nilapag niya ang rose sa mesa.   “Baka dahil lang yan sa nangyari kagabi kaya mo yan nasabi.” Sagot niya.   “No, this is not about s*x. It’s about me, my feelings for you.” Turan pa nito.   “Then what? Anong mangyayari sa proposal mo sa akin? What about Steph? Hindi mo na ba siya mahal?” sunod-sunod na tanong niya kaya natigilan ito. “Look Roger, s*x lang iyon. Ayokong gawin mo ito dahil lang sa nangyari sa atin. Like I’ve told you, wala kang responsibilidad sa akin.” Turan niya pa.   “Kung sinasabi mo yan dahil mahal mo pa rin si Joe, naiintindihan ko. Ang sinasabi ko lang ay may nararamdaman ako para sayo.” Sagot nitong naiinis na. “And about Steph, kakalimutan ko siya kung ikaw na ang laman ng puso ko.” Dagdag pa nito.   “Ayokong masira ang mga plano natin dahil sa mga nararamdaman natin ngayon. Wala pang isang linggo tayong magkasama Roger kapalit ng ilang buwan na sakit na nararamdaman natin dahil sa kanila at oo, espesyal ka rin sa akin pero hindi ibig sabihin non ay mahal na kita. Hanggat may Steph sa buhay mo walang tayo. Hindi magiging tayo!” Sagot niya. Hindi na ito kumibo pa sa sinabi niya bagkus ay umupo nalang ito sa bakanteng upuan at sinaluhan siyang kumain. Tahimik itong kumakain kaya hindi siya nakatiis. “Iwasan nalang muna natin ang isat-isa total wala naman tayo sa harapan nina Steph at Joe.” Pagbukas niya ng usapan. Binaba nito ang kutsara at tumingin sa kanya.   “Ayoko. Hindi ako papayag.” Sagot nitong madiin ang boses.   “Bakit?” hindi makatiis na tanong.   “Gusto kong makilala ang babaing nagpapasaya sa akin ngayon.” Sagot nito kaya natigilan siya.   “Nalilito ka lang.” turan niya pa. “Ano pala ang plano natin mamaya? Hindi ba engagement party nila ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.   “Okay lang sa akin kung ayaw mong pumunta.” Sagot nito na ipinagtataka niya. Kaya nga sila pumunta ng Palawan ay para paghiwalayin ang mga ito pagkatapos hindi naman pala sila pupunta pero syempre pabor sa kanya iyon. Wala naman siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa engagement nina Steph.   “Pero iyon ang dahilan kung bakit tayo nandito?” nagtataka niyang tanong.   “Pero higit na gusto kitang makasama kaysa sa kanila.” Sagot nito kaya lihim siyang kinilig. Nauna itong natapos kumain sa kanya at niligpit ang pinagkainan nito. Muli na naman itong naging tahimik at hindi siya sanay sa pananahimik nito. Pagkatapos nitong maghugas ay lumabas ito ng cottage kaya sinundan niya ito. Nasa likod ito ng cottage at nakahiga sa duyan. Pinagmasdan niya ito. Ang lalim na naman ng iniisip nito. Masaya siya dahil siya ang pinili nitong makasama kaysa sa engagement party ni Steph at ex niya. Lumapit siya dito at inutusan itong umusog.   “Urong pa at hindi ako kasya.” Turan niyang nakangiti na. Bagamat at nagulat ito ay umurong pa rin ito. Para magkasya siya sa duyan ay yumakap siya sa dibdib nito. “Payakap, baka mahulog ako.” Paalam niya pa kaya napangiti ito. Nakaunan siya sa dibdib nito ay niyakap din siya nito ng mahigpit.   “Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?” tanong nitong nakatingala sa langit. Nasa lilim sila sa puno ng talisay kaya malaya nilang natatanaw ang kalangitan.   “Ano?” tanong niya kay Roger.   “I’m so happy to be with you.” Sagot nito kaya muli na naman nag-unahan sa pagtibok ang puso niya. Kay sarap pakinggan nang sinabi nito. Tumagos yata iyon sa puso niya at gusto niyang maglupasay sa kilig.   “Mamaya niyan mainlove ako sayo.” Sagot niyang sinundan ng ngiti.   “Ayaw mo ba?”   “Ang tanong hindi kaya ako masaktan?” tanong niya dito.   “Bakit naman? Bakit hindi mo subukang mahalin ako?” tanong pa nito.   “Syempre, alam ko naman na si Steph ang mahal mo at kahit ano pa ang gawin ko hindi ko siya mapapalitan sa puso mo.” Malungkot niyang pahayag kaya hinalikan siya nito sa noo.   “Paano pala kung nakamove on na ako sa kanya at ikaw na ang mahal ko? Hindi kaya ako masaktan dahil si Joe pa rin ang mahal mo?” balik nito sa tanong niya.   “Kapag ba binalikan ka ni Steph tatanggapin mo pa rin siya?” tanong niya.   “Kung mahal ko pa siya oo, pero sa ngayon I don’t think so. Nandito ka na eh.” Sagot nitong nagpasaya sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba na maniwala siya sa sinasabi nito sa kanya ngayon pero ang puso niya ay patuloy na umaasa na sana nga totoo. Sana tuluyan na nitong kalimutan si Steph.     ************************     KANINA pa nagpaalam sa kanya si Roger na may gagawin lang sa opisina ng naturang resort pero hanggang ngayon ay wala pa ito. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano  lalo pa at ngayon ang engagement party ni Joe at Steph. Sinulyapan niya ang pangbisig na orasan. Alas siyete na ng gabi. Nagpalit siya ng damit at nagpasyang lumabas ng cottage. Walang ilaw ang cottage nina Steph tanda na nasa party ang mga ito. Hindi kalayuan sa opisina ng resort kung nasaan ngayon si Roger. Doon siya pupunta.   “Bakit kaya hindi natuloy ang engagement party ni Steph?” narinig niyang tanong ng isang babae sa kasama nito. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya.  Hindi siya nakatiis at nagtanong siya sa mga ito.   “Hindi natuloy ang engagement ni Steph?” tanong niya sa mga ito.   “Ay oo miss, hindi dumating si Steph sa party niya.” Sagot nito kaya natigilan siya. Kung ganun nasaan si Steph at nasaan si Roger? Hindi kaya magkasama ang mga ito? Gusto niyang umiyak sa naisip. Alam niyang magagawa iyon ni Roger dahil sa pagmamahal nito kay Steph. Bumalik siya ng cottage na umiiyak. Pakiramdam niyang sinaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso. Padapa siyang humiga sa kama at umiyak ng umiyak. Kalahating oras na yata siyang umiiyak nang bumakas ang pinto ng cottage at iniluwa non si Roger. Nabuhayan siya ng loob. Kung nandito ito ngayon ibig sabihin ay hindi nito kasama si Steph. Agad siyang tumayo ng kama at sinalubong ito ng yakap. Napahagulhol siya sa balikat nito na ipinagtataka nito.   “Akala ko wala ka na.” umiiyak niyang turan.   “Bakit? At bakit naman kita iiwan?” tanong nitong nagtataka kaya napaiyak nalang siya. “Kapag sinabi kong babalik ako, babalik ako. Tandaan mo yan, babalik at babalikan kita kahit anong mangyari.” Turan pa nito kaya kumalas siya sa pagkakayakap dito. “Ready ka na ba?” tanong  nito. Ngayon niya lang napansin na bihis na bihis ito.   “Saan?”   “Sa date natin.” Sagot nitong nakangiti.   “May date tayo?” hindi makapaniwala na tanong niya.   “Tatanggihan mo ba ako?” nag-aalala nitong tanong na napapakamot sa ulo.   “Kapag ba tumanggi ako papayag ka?” natatawa niyang tanong kahit na sinisinok siya sa matagal na pag-iyak.   “Hindi. Napagod kaya ako sa pag-aayos ng date natin.” Turan pa nitong nakatawa. Paano kaya kapag nalaman nito na hindi natuloy ang engagement ni Steph? Tiyak na magbabago ang isip nito na idate siya. Inalalayan siya nito palabas ng cottage. Naglakad sila sa dalampasigan na nakayakap sa bewang nito habang nakaakbay naman ito sa kanya.   “Bakit ka natatakot na iwan kita?” tanong nito.   “Hindi ko alam. Natatakot lang siguro ako na baka pati ikaw ay mawala rin sa akin.” Sagot niya.   “Hindi ako mawawala sayo pinapangako ko yan.” Turan pa nito. Huminto ito sa paglalakad at hinagkan siya sa labi. “Open your heart, papasukin mo ako sa puso mo and I promised na hindi ka na masasaktan pa. Lahat ng sakit na pinaramdam sayo ni Joe ay pinapangako kong makakalimutan mo. Gusto kitang mahalin, Karen.” Pahayag pa nito kaya muli siyang napaiyak. Pinunasan nito ang luha niya.   “Pwede bang ikaw nalang?” tanong niya ditong umiiyak pa rin.   “Ang alin?” nagtataka nitong tanong.                                 “Ang pumalit kay Joe sa puso ko.” Sagot niya. “Ayokong sabihin ito sayo pero natatakot ako, natatakot ako na paggising ko ay wala ka na rin sa tabi ko. Natatakot ako na baka kapag hindi ko sinabi ito sayo ay mawala ka. Ngayon di baling mawala ka sa akin basta alam mong ikaw na ang mahal ko. Na ikaw na ang itinitibok nito.” Pag-amin niya dito.     “Alam kong hindi ko mapapantayan si Joe pero lahat gagawin ko mapantayan lang siya.” Turan pa nito.   “Hindi ikaw siya at hindi mo siya mapapantayan. Sinabi ko iyon sayo dahil malayong-malayo ka sa kanya. Totoo kang tao Roger. Nasaksihan ko kung paano ka magmahal at umaasa ako na maramdaman ko ang pagmamahal na iyon mula sayo..” sagot niya.   “Hindi ako nangangako dahil gagawin ko. Mamahalin kita, Karen. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, ang mahalin ka ng hindi sinasadya sa mabilis na panahon. Ayokong pansinin ang nadarama ko sayo nitong mga nakaraang araw pero nang makita kitang kayakap ni Joe, gusto kong magwala. Gusto kong magalit sayo. Pero ano ang karapatan kong gawin iyon, lalo pa at alam kong mahal mo si Joe? Pero ngayong malinaw na sa akin ang lahat. Pinasaya mo ako, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Sagot nito at muli siyang hinagkan sa labi. Tanging nakakabinging pagtibok ng puso niya ang naririnig niya ng mga oras na iyon. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD