CHAPTER EIGHT

2731 Words
                                              SUNOD- SUNOD ang pagpatak ng kanyang mga luha sa date na inihanda ni Roger para sa kanila.  Lumiwanag ang buong paligid dahil sa ibat-ibang ilaw na nakapalibot sa maliit ng mesa na para sa kanilang dalawa. Dinner date with candlelight ang tema ng inihanda nito. Simple lang iyon pero iba ang dating sa kanya. Kapag kasi lumalabas sila ni Joe sa isang restaurant sila pumupunta pero ngayon ito mismo ang naghanda. Hindi niya maipaliwang ang saya na nararamdaman niya. Pakiramdam niya napakaespaesyal niya dahil sa ginawa nito.   “Para sa akin ba talaga ito?” hilam ang luhang tanong niya. Inakbayan siya nito.   “Ikaw ang kasama ko ngayon kaya sa tingin ko para sayo ang lahat ng ito.” Biro pa nito sa kanya. Sa sobrang tuwa niya ay tinawid niya ang maliit na pagitan nila at hinalikan niya ito sa labi.   “Thank you for making me happy.” Nakangiti niyang wika.   “And thank you for making me happy too. Siguro kaya tayo pinagtagpo para humilom ang sakit na nararamdaman nating dalawa.” Turan pa nito.   “Siguro nga.” Pagsang-ayon niya sa sinabi nito.    Inakay siya nito sa mesang inihanda nito. Pinaghila siya nito ng upuan para umupo bago ito umupo sa kaharap niya.. Napatingin siya sa mukha ni Roger. Mukhang masaya naman ito at hindi mukhang nasasaktan, lalo pa at alam nitong natuloy ang engagement nina Steph at Joe. Nagsimula na silang kumain. Maraming nakahain sa mesa at lahat ay pawang masasarap at nagustuhan niya ang mga nakahain.   “Alam mo bang dalawang oras akong nagluto para sayo? Hindi ko kasi alam ang mga gusto mo pero willing akong aralin lahat ng pagkain na paborito mo.” Nakangiting wika sa kanya ni Roger.   “Hindi ba sinabi ko naman sayo na lahat ng pagkain ay gusto ko? Lalo na kung luto ng taong mahalaga sa akin.” Sagot niya. Malakas na nga yata ang tama niya kay Roger. Bawat pikit ng mga mata nito ay hindi niya pinapaglagpas lalo na ang bawat kibot ng labi nito.   Ngumiti ito sa naging sagot niya. Gaano ba ako kahalaga sayo?”   “Kapag ba sinabi kong ayokong mawala ka sa buhay ko, maniniwala ka?” tanong niyang nakangiti.   “At bakit naman hindi? Pwede bang pakiulit for the second time?” hiling pa nito kaya natawa siya.   Napabungisngis siya sa sinabi nito. “Alam kong nandito ako para kay Joe at ikaw ay para kay Steph pero hindi yun nangyari. Nang makita ko si Joe, wala na akong naramdaman para sa kanya. Wala na akong makapang pagmamahal dito sa puso ko at iyon ay dahil sayo Roger. Sa maikling panahon na nakilala kita nahiling ko na sana ako nalang si Steph. Na sana ako nalang ang mahal mo. Na sana sa bawat ngiti at mo ang lungkot ng iyong mga mata ay ako ang dahilan.” Pag-amin niya dito. “Wag kang mastress sa sinabi ko,” pauyam niyang turan dito dahil hindi ito nakapagsalita. “Hindi porket sinabi ko sayong mahal na kita ay may obligasyon ka na sa akin. Alam kong mabilis na panahon palang na nagkakilala tayo.” Dagdag niya pa. Tumayo ito sa upuan nito matapos nitong uminom ng tubig. Akala niya ay iiwan siya nito pero hindi dahil umikot ito sa upuan niya. Mula sa likuran ay hinalikan siya nito sa ulo.   “Because of you I’m never afraid to fall in love again. Between you and Steph, I would choose you because you’re everything I’ll ever want.” Bulong nito sa kanya. Hindi man niya ito nakikita ay dama niya naman ang sincerity sa sinabi nito. Inakay siya nitong tumayo bago siya hinapit sa bewang at tila sasayaw sila nang walang tugtog. Inabot din nito ang kamay niya para humawak sa leeg nito. Maliit nalang ang pagitan ng mga labi nila kaya langhap na langhap niya ang hininga nito. “Love is when you don’t know why you seem to be attracted to that person.” Turan pa nito habang sumasayaw sila. Hindi naman siguro sila mukhang tanga dahil sumasayaw sila nang walang tugtog. “Real love is not based on our past relationship. It’s just a chapter in the past na dapat na nating wakasan. Gusto ko ng kalimutan mo si Steph dahil gusto kong ikaw nalang ang nag-iisang babae sa puso ko. Gusto kong ikaw nalang ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko ngayon” Pahayag pa nito. “Karen, just give me time and I will get over you.” Dagdag pa nito. Hindi niya napigilang ngumiti sa huli nitong sinabi.   “Hindi ka ba napipilitan?” pagdududa niya pa. Ngumiti ito sa sinabi niya.   “Alam kong mahirap paniwalaan, nagkakilala tayong may ibang mahal at iyon din ang dahilan kung bakit tayo nandito but believe me, ikaw nalang ngayon sa puso ko. Ikaw nalang ngayon ang tinitibok nito. Mahal na kita Karen.” Amin nito sa kanya. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya dahil sa sinabi nito.   Hindi niya kinaya ang labis na saya. Agad niya itong niyakap nang mahigpit at napahagulhol nalang ng iyak sa balikat nito.   “I love you, Roger.” Bulong niya dito.   Masaya silang umuwi nang gabing iyon ni Roger, nakayakap sila sa isat-isa at puno ng pag-asa sa haharaping bukas. Napag-usapan nilang uuwi sila ng Manila bukas na bukas din para ipakilala niya ito sa Mama niya. Kailangan na nilang talikuran ang nakaraan at muling bumuo ng pagmamahal sa piling ng isat-isa pero ang lahat ng iyon ay agad din na naglaho dahil nasa loob ng cottage nila si Steph at umiiyak. Agad na sinalubong ng yakap ni Steph si Roger. Natigilan siya sa nangyari. Daig niya pa ang isang kabit dahil dumating ang legal na asawa. Hindi niya kinaya ang nasaksihan. Pakiramdam niyang dinurog ang kanyang puso. Hindi niya rin mapigilang mainis kay Roger dahil niyakap din nito si Steph. Nagmukha siyang tanga sa harapan ng mga ito kaya minabuti niya nalang na lumabas ng cottage. Bagsak ang balikat na lumayo siya sa cottage nila. Kay dali naman makalimutan ni Roger ang mga sinabi nito hindi pa man lumipas ang isang oras ay nakalimutan na nito ang matatamis na salitang binitiwan sa kanya. Napatigil siya sa dalampasigan. Napaupo siya sa buhanginan at isinubsob ang mukha sa kanyang tuhod. Pinalipas niya ang oras sa pag-iyak bago siya nagpasyang bumalik sa cottage nila. Kailangan niya nang magising sa katotohanan. Hindi natuloy ang engagement party ni Steph dahil binalikan nito si Roger. Iyon ang kailangan niyang isiksik sa kukote niya. Kailanman ay hindi mapupunta sa kanya si Roger.   Hindi na siya nagtaka pa nang hindi niya makita si Roger sa loob ng cottage. Tiyak na kasama nito si Steph. Agad niyang inayos ang mga gamit. Ayaw niya nang maabutan pa siya ni Roger. Kahit ang mukha nito ay ayaw niyang makita. Natatakot siyang sabihin nito na bumabalik na sa buhay nito si Steph. Bahala na kung saan siya matutulog ngayong gabi basta ang importante ay makalayo siya kay Roger.     ***************************   NABIGLA pa ang mama niya nang makita siya kinaumagahan. Ang paalam niya kasi dito ay isang linggo siyang mawawala. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito. Abala ito sa pagdidilig ng halaman nang dumating siya.   “Anong nangyari? Akala ko ihahatid ka ng kaibigan mo?” tanong nito.”   “Hinatid niya ako ma, naghiwalay lang kami sa airport.” Pagsisinungaling niya sa ina.   “Bakit kayo napaaga ng uwi?” usisa pa nito. Mukha talagang wala itong balak na pakawalan siya. Binaba niya ang maliit ng maleta sa harapan niya at napabungtong-hininga.   “Hindi ko gusto ang lugar. Masyadong tahimik. Nakakalungkot.” Pagsisinungaling niya na naman.   “Kasalanan ba ng lugar o ng puso mo kung bakit ka umuwi?” tanong nito kaya natigilan siya. “I’m sure si Joe na naman ang dahilan ng maaga mong pag-uwi. Masaya na sana ako na nakapag- unwind ka man lang, hindi ko lang inasahan na hanggang doon ay nakasunod si Joe sayo. Daig niya pa ang multo sa buhay ko.” Dagdag pa nitong nakatalikod sa kanya. Sana lang talaga si Joe ang dahilan pero hindi dahil si Roger na ang laman ng puso niya. Ibang tao na ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.   “Mamaya na tayo mag-usap ma, at inaatok pa ako.” Sagot niya dito bago siya nagpaalam. Magdamag siyang naghintay sa bangkang magkakahatid sa kanya sa daungan.   Pagtalikod niya palang sa ina ay muli na naman tumulo ang kanyang luha. Mukhang wala na iyong katapusan dahil kagabi pa walang tigil ang pag-iyak niya. Mas triple ang sakit na nararamdaman niya ngayon kaysa sa sakit na naramdaman niya noon kay Joe. Kung bakit ba kasi nagmahal pa siya.   *********************************************   KULANG nalang kahughugin ni Roger ang buong resort dahil sa pag-alis ni Karen. Nag-aalala siya kung saan ito nagpunta lalo pa at hindi naman nito alam ang lugar na pinagdalhan niya. Baka mamaya napagtripan ito ng mga loko o di kaya ng mababangis ng hayos sa loob ng resort. Inisa-isa niya na ang bawat cottage sa pagtatanong kung nakituloy si Karen sa mga ito pero ayon sa mga natanungan niya ay wala raw ito. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili. Kasalanan niya kung bakit ito umalis. Maging siya kasi ay nabigla nang madatnan nila si Steph sa loob ng cottage at yakapin siya nito. Dala nang kabiglaan ay hindi niya napansin na lumabas si Karen ng cottage. Hindi niya naman magawang iwan si Steph dahil panay ang iyak nito. Nalaman niya na hindi natuloy ang engagement nito kay Joe dahil hindi ito dumating. Nahuli raw kasi nitong kayakap ni Joe si Karen nang isang gabi at iyon din ang gabi na nahuli niyang magkayakap ang mga ito. Pinaliwanag niya kay Steph ang lahat at maging ang naging plano nila ni Karen na bawiin ang ito sa isat-isa.   Nang makaharap niya si Steph walang nasa isip niya kundi si Karen. Nag-aalala siya dito. Alam niyang nagselos ito sa nakita  nito at hindi niya ito masisisi lalo pa at alam ni Karen kung gaano niya kamahal si Steph pero noon pa yon, ito na ngayon ang mahal niya. Sa paghaharap nila ni Steph ay may napatunayan siya sa sarili. Nakamove-on na siya sa dating kasintahan at isang babae nalang ang nasa puso, walang iba kundi si Karen.   **************   WALANG gana na tumayo ng kama si Karen, pagdating niya ng bahay ay agad siyang natulog at hindi namalayan ang paglipas ng oras. Mabuti nalang at hindi na siya inabala pa ng mama niya. Naglagay lang siya ng robe sa katawan at agad na lumabas ng silid. Kakain lang siya at matutulog muli. Muntikan pa siyang mahulog sa hagdan nang mapagsino ang kausap ng kanyang mama sa sala. Napaangat ang kilay niya. Huli na para bumalik siya sa silid niya dahil nakita na siya ng ina. Tinitigan siya nito. Mapanuri ang pinukol nitong titig kaya kinabahan siya. “Ano kaya ang sinabi ng lalaking ito?” tanong niya sa sarili. Mabigat ang paang tumuloy siya sa pagbaba. Muli na naman bumangon ang galit niya sa puso. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang address niya. Umiwas siyang wag tingnan si Roger.   “Kanina pa dito si Roger. Malapit ko na ngang malaman ang buong buhay niya sa haba ng tulog mo.” Turan sa kanya ng ina. Hindi niya malaman kung matatawa siya o hindi sa sinabi nito. “Maiwan ko muna kayo.” Turan ng mama niya kaya nataranta siya. Pipigilan niya sana itong tumayo pero nagdalawang-isip siya. Mamaya mag-usisa na naman ito at ayaw niyang mangyari yun. Nang makaalis ang mama niya ay lalong lumakas ang pagtibok ng puso niya.   “Anong ginagawa mo dito?” hindi niya mapigilang tanong.   “Dinadalaw ka.” Sagot nitong parang maamong tupa.   “Wala akong sakit kaya makakaalis ka na!” pauyam niyang sagot.   “Kailangan ba magkasakit ka para dalawin kita? Akala ko ba tayo na?” tanong pa nito kaya napakunot noo siya. Ang lakas naman yata ng apog nito para sabihin yun pagkatapos nitong yakapin ang x nito sa harapan niya.   “Akala ko rin pero nagbago na ang isip ko. Nang makauwi ako naisip ko na hindi pala kita mahal.” Sagot niya sa matapang na boses. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa para lang mahalin nito.   “Ganun lang kadaling mawala ang pagmamahal na naramdaman mo sa akin?” hindi makapaniwalang tanong nito.   “Pagmamahal nga ba ang nararamdaman sa loob ng tatlong araw na kasama kita? Sa pagkakaala ko kasi walang isang linggo tayong magkakilala.” Sagot niya pa. Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Ginagap nito ang kamay niya pero binawi niya.   “Kung nasaktan kita dahil sa pagdating ni Steph sa cottage, I’m sorry. Hindi ko intensiyong saktan ka. Hindi ko yun ginusto. Sa maniwala ka at hindi hinanap kita ng gabing iyon.” Turan pa nito sa nagsusumamong tinig.   “Sa una lang ang sakit Roger. Tulad ng sinabi ko araw lang tayong nagkasama. Madaling kalimutan yun at lalong wala yun sa sakit na nararamdaman ko nang iwan ako ni Joe.”  Matatag niyang sagot.   “Alam kong araw lang yun pero yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, ang makasama ka kahit saglit lang.” sagot nito kaya hindi niya na napigilan pa ang damdamin. Nag-unahan na nag pagtulo ng mga luha niya.   “Kung masasaktan lang din naman ako ayoko na nang magmahal. Kalimutan mo na ako Roger. Pagkatapos akong iwan ni Joe at saktan mo, nagiging manhid na ang puso ko. Ayoko ng magtiwala pang muli.” Umiiyak niyang turan dito. Akmang aakbayan siya nito pero umiwas siya. “Umalis ka na Roger, sa ginagawa mo sinasaktan mo lang ako.” Taboy niya dito. Malungkot itong tumayo dahil dahil sa ginawa niya.   “Kung nasasaktan ka sa paglapit ko sayo, ako rin ay masasaktan kung lalayo ako sayo. Ayokong kamuhian ko ang sarili ko pagdating ng araw Karen. Tama ka maikling panahon palang na nakasama kita at nangangako ako, hindi araw o linggo matatapos ang lahat ng ito dahil kahit ayaw mo, madadagdagan ang mga araw na makakasama mo ako hanggang sa muli kang magtiwalang at magmahal muli. Hindi ako mawawala sa buhay mo, Karen..” Turan pa nito sa kanya. Tatalikod na sana ito upang umalis pero  muli siya nitong hinarap. “Mahal kita, Karen at hindi akong mapapagod na sabihin yun sayo.” Turan pa nito bago tuluyang umalis. Gusto niya     itong habulin at pigilan sa pag-alis nito. Pakiramdam niya kasi iyon na ang huli nilang pagkikita pero pinigilan niya ang sarili. Napahagulhol nalang siya ng iyak nang makaalis ito.Kapag pinigilan niya ito para na rin sinabi niya sa sarili na masasaktan lang siya. Nagulat pa siya nang may umakbay sa kanya habang umiiyak siya. Hindi niya alam na kanina pa pala nakamasid ang mama niya sa kanya. Nakapahagulhol siyang yumakap dito.   “Bakit hindi mo subukan na mahalin siya?” tanong nito sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at pinunasan ang luha.   “I did, ma minahal ko siya. Hindi ko inaasahan na mamahalin ko siya sa sandaling magkasama kami pero sinaktan niya ako, ma. Tulad lang siya ni Joe.” Sagot niya sa ina.   “Kapag nagmahal ka dapat kasama ang tiwala. Sinabi sa akin lahat ni Roger. Ang lahat ng plano niyo  at kung bakit kayo pumunta ng Palawan. Dahil sa pagmamahal mo kay Joe naging desperado ka na bumalik pa rin siya pero bakit kay Roger hindi mo magawa?”   “Kilala ko si Joe ma, higit ko siyang kilala kay Roger. Ang tanging alam ko lang sa buhay ni Roger ay mahal niya si Steph, hindi lang basta mahal kundi mahal na mahal.” Katwiran niya.   “Kilala mo nga si Joe pero kung sino pa ang higit mong kilala ay siya pa ang may kakayahan na saktan ka. Ngayon ko lang nakilala si Roger at masasabi kong may isa siyang salita. Wag mong pigilan ang sarili mong magmahal at lalong wag mong pipigilan na mahalin ka ng isang tao lalo pa kung iyon lang ang tanging paraan para maging masaya siya.” Turan pa sa kanya ng ina kaya hindi na siya kumibo pa.   Hanggat nasa buhay nito sa Steph alam niyang kahit ano ang gawin niya ay hindi siya magiging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD