CHAPTER NINE

1649 Words
                                                   After one month   MABILIS na lumipas ang mga araw, mga araw na lalong nakikilala niya si Roger. Walang araw na hindi ito nagpapadala ng bulaklak sa kanya sa clinic niya at maging sa bahay nila pero ang higit niyang inaabangan sa mga bulaklak na pinapadala nito at ang sulat na kalakip non. Hindi pa ito nagpapakita sa kanya o kusang nagbibigay ng mga bulaklak ay nararamdaman niya naman ang presensiya nito. Sa pamamagitan non ay lalo niya itong nakilala at tama ang mama niya may isang salita si Roger. Tinupad nito ang sinabi nito na hindi matatapos sa araw o linggo ang lahat sa kanila. Pinakita nito sa kanya na hindi ito nawala sa buhay niya.   “Bakit ba ayaw mo pang kausapin si Dr. Martin? Sabihin mo na tigilan niya nang magpadala ng bulaklak at hindi na mukhang clinic ang lugar natin. Kung hindi tayo altar iisipin ko na flower shop na tayo.” Pilosopong turan sa kanya ni Cathy habang hawak na naman ang bulaklak na bagong dating. Napangiti siya sa sinabi nito. Limang flower vase na yata ang binili niya dahil sa bulaklak na palaging pinapadala ni Roger sa kanya. Ayaw niya kasing ipatapon hanggang hindi talaga lanta ang mga bulaklak. Kung pwede lang talaga na lagyan ng pormalain ang mga bulaklak gagawin niya para lang hindi malanta. Wala siyang pakialam kung magmukha nang flower shop ang clinic niya, basta galing kay Roger. Inabot sa kanya ni Cathy ang bulaklak. Agad na hinanap ng mga mata niya ang sulat na kalakip pero maliit lang na card ang nakalagay. Binasa niya iyon. Feeling sick. Sana nandito ka. Nag-alala siya sa nabasa. “Bakit?” untag sa kanya ni Cathy.   “Please call her secretary, tanungin mo kung nasaan si Roger.” Utos niya kay Cathy.   “Bakit?” usisa pa nito.   “Basta, tawagan mo nalang pero wag kang magpakilala.” Sagot niya pa. Hindi niya mapigilang mag-alala dito. Agad na sumunod naman sa kanya si Cathy. Nakaabang siya habang hininhintay ang sagot nito.   “Dalawang araw nang hindi pumapasok si Dr. Martin.” Sagot sa kanya ni Cathy.   “Bakit daw?”   “Aba malay ko, hindi mo naman kasi sinabi na tanungin ko.” Sagot nito kaya napailing siya. “Bakit ba kasi?” hindi nito mapigilang tanong. Hindi siya mapakali sa nalaman.   “May sakit siya.” Malungkot niyang sagot.   “At bakit ka affected? Akala ko ba ayaw mo na sa kanya?” tanong pa nito. Nakwento niya dito ang nangyari sa pagitan nila ni Roger dahil hindi naman ito tumitigil sa pag-uusisa sa kanya.   “Masamang mag-alala ako sa kanya?” tanong niya.   “Isa lang ang ibig sabihin niyan, mahal mo pa rin si Dr. Martin.” Sagot pa nito kaya natigilan siya. Lumipas man ang araw at linggo o buwan ay hindi naman talaga nawala sa puso niya si Roger. Sa katunayan nga ay lalo niya pa itong minahal.   “Natatakot ako Cathy.” Pag-amin niya dito. “Natatakot ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot akong masaktan na naman kapag makita ko na kasama niya si Steph, baka hindi ko na makaya kapag nangyari yun.” Umiiyak na niyang turan. Lumapit sa kanya si Cathy at hinimas ang kanyang likod.   “Sa ginagawa mo bang pagtitiis kay Dr. Martin hindi ka nahihirapan? Ito nalang ang isipin mo ha, sa tingin mo ba magpapadala ng bulaklak sayo si Roger kung mahal niya pa si Steph? Diba kapag mahal mo ang isang tao hindi ka gagawa ng isang bagay na ikakasakit ng loob niya? Kaya kung ako ang tatanungin mo, hindi niya na mahal si Steph.”  Turan nito sa kanya kaya nabuhayan siya ng loob.   “At paano kung ginagawa niya lang ang magpadala ng bulaklak para mapatawad ko siya?” tanong niya pa.   “Kung ganun para saan ang I love you sa mga sulat niya?” tanong nito. “Alangan naman sinusulat niya lang iyon at walang kahulugan.” Dagdag pa nito. “Ang dami mo kasing kinatatakutan, bakit noon kay Joe handa kang makipagpatayan pero ngayon kay Roger takot ka?” tanong pa nito.   “Takot akong masaktan.” Paglilinaw niya.   “Masasaktan ka talaga kung uupo ka lang diyan sa isang tabi at maghihintay ng mga bulaklak niya. Kung ako sayo pupuntahan ko na si Dr. Martin.” Turan pa nito.   “Paano ko gagawin yun hindi ko naman alam ang address ng bahay niya? Nang dinala niya ako doon ay hindi ko naman natanong ang address ng bahay niya.”   “At ano ang ginagawa ko? Sige na umalis ka na at itatawag mo nalang sayo ang address ng mylabs mo!” taboy pa nito sa kanya kaya agad niya siyang tumayo at yumakap dito.   “Salamat Best.” Nakangiti niyang wika.   “Sige na, at wag kang magbabalak na magback-out ha? Kakalbuhin kita kapag ginawa mo yun.” Banta pa nito sa kanya kaya natatawa siya habang lumalabas sa clinic niya.   Nagmamadali siyang lumabas ng ospital nang makasalubong niya si Steph. Napatigil ang paghakbang niya. Nakita naman siya nito kaya tumigil ito at ngumiti sa kanya. Bumangon ang galit sa puso niya. Ito lang naman ang babaing sumira ng gabi niya kasama si Roger.   “Kung si Roger ang hinahanap mo, wala siya sa clinic niya.” Mataray niyang turan dito pero nakangiti pa rin ito na tila ba nang-aasar.   “Can we talk?” tanong nito sa halip na sagutin siya.   “May lakad ako.” Paiwas niyang sagot bago ito tinalikuran.   “Ikaw talaga ang sinadya ko. Kahit sandali lang sana.” Pakiusap pa nito. Nakaramdam siya ng kaba sa pakiusap nito. Kung sasabihin nito na layuan niya si Roger makakakita talaga ito ng maraming stars. Kung kailan pa na balak niya nang sabihin kay Roger na mahal niya pa rin ito saka naman niya ito makakausap. Panira talaga ang babaing ito. Kaysarap nitong sagasaan. Pagkatapos nitong kunin si Joe sa kanya ay si Roger naman ngayon. Subukan lang nito, ngayon pa na handa na siyang ipaglaban ng patayan si Roger maging kanya lamang ito. Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito. Sa starbucks sila tumuloy upang mag-usap.   “Anong pag-uusapan natin?” tanong niyang hindi pa yata nakalapat ang pang-upo niya sa upuan. Masaya nitong inangat ang kanang kamay at pinakita sa kanya ang mamahaling singsing. Napaangat ang kilay niya. Wedding ring iyon at kung kanino ito kinasal iyon ang hindi niya alam. “Anong pakialam ko sa singsing na yan?” mataray niyang tanong kahit pa malakas ang kaba na nadarama niya. Sana lang hindi si Roger ang asawa nito baka ngayon tuluyan na siyang makapatay dahil sa selos. Ang huli kasi na balita niya dito ay hindi ito sumipot sa engagement party nito kay Joe.   Ngumiti ito sa tanong niya. “Finally kinasal na ako kay Joe.” Pagbabalita nito. Pakiramdam niya nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Gusto niyang magsisigaw sa tuwa dahil sa wakas napatunayan niyang siya nalang talaga ang nasa puso ni Roger. “Hindi ko sinadyang mag-away kayo ni Roger dahil sa akin. Hindi natuloy ang engagement namin ni Joe ng gabing iyon sa resort dahil nagselos ako sayo. Nahuli ko kasi kayong magkayakap ni Joe so I thought mahal ka pa rin niya but I was wrong. Inamin sa akin ni Roger ang lahat, ang naging plano niyo at hindi ko kayo masisisi dahil talagang nasaktan namin kayo. Inamin din sa akin ni Roger na mahal na mahal ka niya kaya kahit pa nagsimula ang pagkikilala niyo sa isang proposal.” Pahayag nito sa kanya kaya natigilan siya. “Alam mo bang hinalughog namin ang buong resort para lang makita ka nang gabing iyon? Hindi mo lang alam kung gaano nag-alala sayo si Roger. Kung pwede lang na languyin niya ang buong dagat makita ka lang ginawa niya na.” dagdag pa nito. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng mga luha niya dahil sa sinabi nito. Nabigyan ng linaw ang mga katanungan niya.   “Hindi ko alam.” Umiiyak niyang sagot.   “Mahal ka ni Roger, Karen. Both of you deserve a happy ending.” Turan pa nito kaya napangiti siya.   “Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Mahigit isang buwan ko siyang tiniis at wala akong mukha na maihaharap sa kanya.” Turan niya pa.   “Alam ko na kapag nakita ka niya ay makakabawi ka na.” nakangiti nitong sagot.   “Sana nga.” Sagot niyang nakangiti na.   “Gusto mo ihatid na kita sa bahay niya?” alok nito sa kanya kaya nagliwanag ang mukha niya.   Agad siyang tumango sa sinabi nito. “Kung okay lang, hindi ko kasi natandaan ang address ng bahay nila.” Nakangiti niyang sagot.   Agad din silang umalis sa starbucks pagkatapos nilang maubos ang inorder na kape. Gamit ang kotse nito nang lisanin nila ang lugar. This time magaan na ang loob ng dito at mukhang magiging magkaibigan pa sila nito.   Malakas ang pintig ng kanyang puso nang makababa siya sa sasakyan ni Steph. Mukha yata siyang dinaga bigla. Gusto niyang muling bumalik sa kotse nito at bumalik nalang sa ospital.   “Kaya mo yan.” Natatawang sabi sa kanya ni Steph.   “Kinakabahan ako.” Sagot niyang huminga pa ng malalim.   “Nalagpasan ko na yan. Look at me now? I’m so happy with the man I loved.” Turan pa nito. Lalo siyang kinabahan ng pinasibad na nito ang sasakyan palabas.   “Kaya mo yan!” pagpapalakas loob niya sa sarili. Pipindutin niya na sana ang doorbell nang may humintong sasakyan sa likod niya.   “Here’s the key.” Sigaw ni Steph sa kanya. Hinagis nito sa kanya ang susi. “You deserved that spare key. Yan ang susi sa puso ni Roger.” Turan pa nito. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito hanaggang sa makaalis ito. Napatitig nalang siya sa susi na nasa kamay niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD