C-2: The Suitor

1405 Words
Sa kabila ng mga nangyari ay maaga pa ring gumising si Diamante. Parang nasanay na din siya sa paulit- ulit na tagpo at mga pangyayari sa kanilang pamilya. Ito nga humubog sa kanya at nagpatibay sa bawat hamon ng buhay. Siguro sa iba, sumuko na sila sarili na lang ang inisip unlike sa kanya. Mas inuuna niya ang kapakanan ng kanyang pamilya bago ang kanyang sarili. "Anong ulam 'Te?" pupungas- pungas na tanong ni Sean kay Diamante na abala sa kusina. "Ano pa nga ba? Magtiyaga kayo sa itlog at sinangag, 'yong allowance natin naibayad ko kahapon kay Aling Binay." Sagot ng dalaga. Napakamot naman sa sariling batok si Sean at naupo pagkatapos maghilamos. "Masarap nga ang palaging itlog Ate eh! Feeling ko, nadagdagan ang it-" naputol ang sasabihin pa sana ng binatilyo dahil sa talim ng irap ni Diamante dito. "Bakit 'Te?! Wala naman akong ibang big sabihin sa itlog ah!" depensa nito agad. "Tumigil - tigil ka Sean, ikaw lumalantod ka na rin ha?" babala nk Diamante sabay kutos sa ulo ng kapatid. Natawa naman si Sean. "Anong lumalantod? Ano ako, girlalu?" ani nito. Inilapag naman ni Diamante ang hawak nitong sinangag at pritong hotdog na may kasamang saba o saging. "Wow! Mga paborito kooo!" Bigla namang tili ni Velvet habang nakatayo sa bungad ng pinto. Hindi naman napigilan ni Diamante ang kanyang ngiti. "Maghilamos ka na at kumain, huwag ka ng mag- artista diyan kilala kita." Sabi niya. Humagikhik naman si Velvet saka binati ang kapatid. Lumabas na din ang iba pa niyang mga kapatid. "Ikaw, Sean huwag maagang humarot ah, lahat kayo!" pangaral bigla ni Diamante sa mga kapatid nito. "Hala siya, hindi maka- move on sa itlog!' pilyong sagot ni Sean. "Tumigil ka at makinig! Mahiya naman kayo sa akin ha? Sa tanda kong ito wala pa akong nobyo tandaan niyo 'yan." Wika ni Diamante saka inisa- isang tiningnan ang mga kapatid. "Ako, magtatapos na Ate kaya sureball ka na sa akin." Masayang sagot ni Pearl. Nginitian ito ni Diamante. "Hindi pa sure, Perlas! Malay ko pagka- graduate mo mag-asawa ka na agad." Aniya. "Ate naman!" himutok ni Pearl. "Nagsasabi lang ako ng totoo, sa isang araw nga maraming ng maaaring mangyari ano pa kaya 'yong anim na buwan pa!" giit ng dalaga. "Basta, magtatapos ako pagkatapos magtrabaho. Mag- iipon ako para makalayas na tayo dito!" seryosong sabi ni Pearl. "Oh, narinig niyo si Pearl? Hari nawa at gayahin niyo din siya, para lahat ng gusto niyo mabibili niyo na. Bilisan niyo na ang kumilos at baka ma- late na tayong lahat." Saad naman ni Diamante. Nagkatawanan silang magkakapatid at binilisan na nga nila ang kanilang mga kilos. Maagang umalis ang kanilang Nanay at Tatay, patungo sa palengke. Tindera kasi ng isda ang kanilang Nanay habang kargador naman ang kanilang Tatay. Doon na din kumakain ang kanilang mga magulang sa baon nila. Kailangang maaga ang mga ito para makarami sila ng matinda, lalo na kapag palengke day. Ilang saglit pa at kanya- kanya na sila ng ginawa bago sila umalis ng bahay. Masaya naman at lahat sila ay napalaking maayos ng kanilang mga magulang. Walang pasaway, walang tamad at mas lalong walang suwail sa kanila. Siguro, si Diamante pa lamang ang may matigas na ulo at malakas na determinasyon sa buhay ang medyo kakaiba sa magkakapatid. "Ang aga mo ngayon ah!" masayang wika ni Aira, best friend ni Diamante. Parehas na silang huminto ng pag-aaral, dati saleslady lang sila sa malaking grocery na iyon. Dahil matagal na sila ay parehas na silang kahera, maganda na din ang kanilang sahod kahit papaano. Mabait kasi ang may- ari na isang bilyonaryo ang balita, galing din daw kasi ito sa mahirap kaya ganoon. Kung minalas si Diamante sa pag-ibig at pag-aaral, sinuwerte naman ito sa trabaho at sa kanyang amo. "Maaga akong ginising ni Nanay, bumabawi na naman at may kasalanan sa akin." Diretsang sagot ni Diamante sabay tungo sa puwesto nito. "Hulaan ko? Tungkol na naman sa kanyang utang?" Tanong ni Aira. Napabuntonghininga si Diamante habang inaayos ang kanyang puwesto. "May bago pa ba?" kibit- balikat nitong sabi. "Tapos ikaw na naman ang nagbayad?" patuloy ni Aira. "Eh.. sino pa nga ba?" Saglit na natahimik ang dalawa. Dama kasi ni Aira ang pinagdaraanan ng kanyang kaibigan. Alam na nito ang whole story ni Diamante hanggang sa kaliit- liitang impormasyon. "Mag-ipon ka, magtira ka sa sarili mo hindi habang buhay ay malakas ka." Kapagkuwan ay wika ni Aira. Napangiti naman si Diamante. "Thank you beshy, kahit papaano eh nariyan ka parati. Iwan man ako ng lahat alam kong mananatili ka sa aking tabi." Aniya. "Asus at nag- drama ka pa riyan! Kulang pa nga 'yan sa pagpasok mo sa akin dito. Kung hindi mo ako ipinasok forever na siguro akong taga- tinda ng barbecue sa amin." Turan naman ni Aira sabay ngiti sa una nilang costumer. "Naku, para 'yon lang? Saka, bakit hahayaan mo bang hanggang doon lang ang ganap sa buhay mo? Aba! Ako ay hindi hangga't may araw, susuyurin ko ang buong mundo para mahanap ang suwerte ko!" matapang na sabi ni Diamante. Napangiti naman si Aira. "Matapang ka eh! Sana maging kagaya kita, malakaa ang fighting spirit." Wika nito. "Oh, 'di gayahin mo ako! Ano pa nga ba na magkaibigan tayo?" giit naman ni Diamante. "Oo na, ikaw na! Kaya nga idol kita eh, kasi hindi kita nakitaan ng kahinaan lalo na sa iyong kalooban. Sigurado ako malayo ang mararating mo, susuwertihin ka din Diamond!" Masayang sagot ni Aira. Naghagikhikan silang dalawa sabay apir, nagkindatan at kapagkuwan ay kapwa na tumahimik. Marami na ang mga bumibili, tiyak maghapon na namang pagod ang mga kamay at paa ng magkaibigan. Pero, masaya naman silang dalawa dahil mahirap ngang maghanap ng magandang trabaho sa panahong iyon lalo na kung hindi ka nakatapos ng iyong pag-aaral. Sabagay, minsan wala din naman sa pinag-aralan ang pag-asenso sa buhay kung hindi nasa diskarte ng isang tao lalo na kung may kaakibat na determinasyon sa bawat ginagawa. Kinahapunan. "Beshy, ang suitor mo pasilip- silip na naman! Panigurado, pabalik- balik na naman 'yan dito at kung ano- ano ang bibilhin para lang mapansin mo!" nakangising anas ni Aira kay Diamante na nagpupunas ng pawis nito. "Manigas siya," walang gatol na sagot ni Diamante. Impit namang napahagikhik si Aira. "Bakit ba ayaw mo sa kanya? Since nag- aaral tayo nililigawan ka niyan, for sure loyal siya!" Tudyo naman nito. "Aira, ayoko sa mga pulis at mas ayoko sa mga mayayaman alam mo iyon!" giit ni Diamante. Nalungkot naman si Aira para kay Ace, manliligaw ni Diamante. May hindi magandang karanasan kasi si Diamante tungkol sa mga mayayaman. Iyon ang kauna- unahan nitong pag-ibig na pilit nitong ipinaglaban subalit nauwi din sa hinawalayan. "Malay mo iba siya sa lahat ang tiyaga niya eh!" dagdag pa ni Aira. "Tumigil ka na, Aira natutulili ang aking mga tainga sa mga pinagsasabi mo!" Pandidilat naman ni Diamante sa kaibigan nito. Natatawa na lamang si Aira subalit muli itong nakadama nang awa pagka-sulyap nito sa kinaroroonan ni Ace. Hanggang sa tuluyan nang natapos ang shift ng dalawa at lumabas na sa grocery store. "Hi, Diamond! Flowers for you," masayang bati ni Ace sa dalaga nang makitang lumabas na ang mga ito. Tinanggap naman ni Diamante ang bulaklak na bigay ni Ace sa kanya. Hindi dahil may pagtingin ito sa binata, ayaw lang nitong mapahiya sa harapan ni Aira. Baka si Diamante pa ang sisisihin ng iba kapag napahiya si Ace sa gabing iyon. "Thanks!" maikling sagot ni Diamante. "Puwede ba kitang ma-imbitahang kumain ng dinner? Kahit kasama pa natin si Aira para hindi ka mag- isip ng kakaiba." Muling sabi ni Ace. Napaisip naman saglit si Diamante at sinulyapan nito ang nakangiting si Aira. "Sige na, minsan lang naman magyaya 'yong tao eh!" sulsol naman ni Aira. Inirapan ni Diamante ang kaibigan nito ngunit pumayag din kinalaunan. "Sandali lang tayo sa bahay at baka wala pa silang ulam. Ayokong gabihin, magugutom ang mga alaga ko." Ang kondisyones ni Diamante kay Ace sa pagpayag nitong magdi- dinner silang tatlo. "Oo, naiintindihan ko!" sabi ni Ace na biglang lumiwanag ang mukha nito. Humagikhik naman si Aira na parang ito ang makaka- dinner date ni Ace sa gabing iyon. May napapansin si Diamante subalit nag-kibit balikat na lamang ang dalaga. Makikisakay na muna ito sa trip ni Ace at pagkukunwari ni Aira. Wika nga ng kasabihan para sa kaibigan nitong si Aira, actions speak louder than voice.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD