C-1: Being breadwinner

1389 Words
Napakunot- noo si Diamante habang naglalakad pauwi nang matanawan niya ang mga nagkukumpulang tao sa kalsada. Medyo napatigil din ito sa kanyang paglalakad dahil napagtanto niyang malapit iyon sa kanilang bahay eskinita lang ang pagitan. Tila may sinabi ang kanyang instinct at mabilis itong naglakad papalapit sa mga nag-kukumpulang kapitbahay at tiyak niyang tsismosa ang karamihang naroon. "Tabi, padaan!" wika ng dalaga sabay hawi sa mga tao. "Kung hindi ka pa makapagbayad hihilahin ko lahat ng mga appliances niyo para mai- awas sa utang mo!" Gigil na sigaw ng isang matabang Ale sa kausap nitong Ginang kasunod ang pagduro nito. "Ano hong nangyayari dito?" agad na tanong ni Diamante sa dalawang Ginang na alam mong nagkasagutan at malamang nagkasakitan na dahil sa mga hitsura ng mga ito. Humarap ang matabang babae kay Diamante. "Mabuti naman at dumating ka na, itong Nanay mong utangera hindi makapagbayad sa utang niya. Kaya may karapatan akong hilahin ano mang bagay na mai- awas sa utang niya!" Nakapameywang na sagot ng matabang babae. "Teka ho, akin po lahat ng appliances dito sa bahay. Mga second hand lahat iyan, wala pong binili si Nanay diyan. Kaya wala ho kayong karapatang kunin mga pagmamay- ari ko." Giit ng dalaga. "Wala akong pakialam! Nakatira ko dito hindi ba? At saka, Nanay mo ang sinisingil ko kaya may karapatan akong kulimbatin ano mang kagamitan na maii- awas sa utang niya!" Mataray na sabi ng babae. "Magkano ho ba ang utang ng Nanay ko?" magkasalubong na ang mga kilay ni Diamante nauubos na kasi ang kanyang pasensiya. "Limang libo! Noong nakaraang buwan pa iyon, ngayon may reklamo ka ba sa ginagawa ko?" singhal ng babae. "May kasunduan ho ba kayo na kapag hindi siya nakapagbayad ay hihilahin mo ano mang makita mo dito sa bahay namin?" wala ng po at ho na wika ni Diamante. Saglit na natigilan ang matandang babae subalit muli itong nagdada. "Wala akong paki! Uutang - utang siya tapos hindi naman pala makapagbayad!" Galit nitong turan. "Wala naman pala eh! Wala po kayong kasunduan, at mas lalong wala siyang pinirmahan! Kaya wala kayong karapatang kunin ang mga gamit dito sa aming bahay. At mas lalong wala kayong karapatang pahiyain ang nakautang sa inyo, mag- iskandalo at manggulo! Oo, nakautang ang Nanay ko sa'yo pero hindi naman tamang aapihin na ninyo siya ng ganito," gigil na si Diamante. "Anak" saway ng kanyang Nanay. "Hindi 'Nay! Hindi naman porke't mangungutang tayo ay ganito na ang trato nila sa atin. Pare- parehas lang tayong kumakain ng kanin kaya huwag niyo namang hayaang apihin kayo ng ganito. Hindi siya Diyos para katakutan isa lamang siyang tao kagaya natin," giit bg dalaga. "Aba! At matapang ang anak mo Esme! Baka magsisi siya kapag nireklamo ko kayong mag- ina sa barangay!" Pagmamayabang ng Ale sabay luwa ang mata kay Diamante. "Oh 'di magreklamo po kayo sa barangay! Saan ho ba kayo nakatapak ngayon ha?" matapang na sagot ng dalaga. Hindi nakaimik ang matabang Ale na tila natauhan sa sinabi ni Diamante. "Trespassing po kayo Aling Binay, nasa teritoryo ka po namin. Kung tutuusin po kayo ang dapat na ireklamo ko bukod sa trespassing, nanggugulo kayo dito. Magkano ba utang ng Nanay ko sa inyo?!" Patuloy na sabi ni Diamante. Kumibot- kibot ang labi ni Aling Binay, patunay na natamaan sa mga sinabi ni Diamante dito. "Hindi lang po ako nakapagtapoa ng pag- aaral Aling Binay pero may utak po ako. Hindi ako basta- basta nasisindak sa inyo alam ko po ang batas, kung paano iikot at kung paano ipatupad. Alam ko po ang kalakaran hindi po ako tanga!" Patuloy pa ding sabi ni Diamante. "Magkano po ulit ang utang niyo 'Nay?" baling na tanong dalaga sa kanyang Ina. "Ha?! Eh...limang libo anak," nautal pang sagot ni Aling Esme dahil sa kabiglaan. Mabilis na dumukot si Diamante sa kanyang bag bg limang libo at iniaabot kay Aling Binay. "Heto po ang bayad ni Nanay, makakaalis na kayo!" wika nito. Pahablot namang kinuha iyon ng Ginang kasunod ng pagngisi nito. "Eh..ang tubo?" tanong pa ni Aling Binay. Napataas ang isang kilay ni Diamante. "Pagkatapos niyo kaming guluhin at pahiyain ang Nanay ko sa tingin niyo magbibigay ako ng tubo?" sarkistong tanong niya. "Aba, walang nagpapautang ng walang tubo Diamante!" giit ni Aling Binay. "Ah... gusto niyo pala ng tubo sandali lang po!" tumatangong sabi ng dalaga sabay tungo sa kinaroroonan ng mga lumang tubo na ginamit sa kanilang poso. Tila nabahala naman si Aling Binay nang makitang hawak- hawak ni Diamante ang tubo pabalik sa kanyang kinaroroonan. "A- Anong gagawin mo diyan ha? A- Anong binabalak mo?" utal- utal na tanong ng Ginang. "Matitikman niyo po ang tubong hawak ko kapag hindi pa po kayo umalis. Kaya habang kalma pa po ako, puwede bang umalis na kayo?" nakangising sagot ng dalaga sabay tingin sa dalawang lalaking kasama ni Aling Binay. Siya namang pagdating dalawang kapatid ni Diamante na lalaki. "Ate, anong nangyayari dito?" magkasabay na tanong ng dalawa. "Kumuha kayo ng tubo at may tutubuhin tayo tutal hinihingi nila!" walang gatol na sagot ni Diamante. Naguguluhan man ang dalawa, sinunod naman nila ang kanilang Ate. Kumuha ng tig- isa nilang tubo saka tumabi kay Diamante. "Ano ho, handa na kayong tanggapin ang aming mga tubo?" tanong naman ni Diamante kina Aling Binay. Biglang atras naman ang dalawang kasama ni Aling Binay pati ang Ginang ay napaatras. "Hmmmp! Tayo na nga, kung makapagbanta wagas! Tandaan niyo ito, hinding- hindi na makakautang ang inyong Nanay sa akin, never!" tungayaw ni Aling Binay. "Talagang hindi na, dahil bukod sa ang sama ng ugali niyo katulad ng inyong pagmumukha eh wala ng lalapit sa inyo!" Sigaw ni Diamante. "Aba, aba! Kung makapagsalita ka akala mo kay ganda mo!" naniningkit ang mga mata ng Ginang dahil sa panlalait ng dalaga dito. "Aba ay totoong maganda ako! Gusto niyo po magtabi tayo? Bakit hindi natin tanungin ang mga fans nating nakapaligid?" Hamon naman ng dalaga. "Huwag na! Ikaw Esme, may araw ka din!" pairap na turan ni Aling Binay sabay busangot ng mukha at umalis na ito nang nagbabanta ang tingin. Saka lamang nakaramdam nang panghihina si Diamante nang wala na sa kanilang paningin si Aling Binay at mga asungot nito. Walanv imik na pumasok nang bahay si Diamante kasunod ang dalawa nitong kapatid. "Ano pang pinapanood niyo?! Wala ng eksena kaya magsilayas na kayo!" sigaw naman ni Aling Esme sa mga usyosero at usyoserang nagkukumpulan. Pagkasabi no'n ay pumasok na din ito sa loob ng kanilang bahay. Naratnan niyang tahimik na nakaupo ang tatlo niyang anak sa maliit nilang sala. Tahimik ding napaupo si Aling Esme sa tabi ng dalawa niyang binata saka ito tumikhim. "Pasensiya ka na anak, hindi ikaw dapat ang nagbayad." Hinging paumanhin ni Aling Esme. Ang totoo ay sobrang hiyang- hiya na ito sa kanyang panganay. Palagi na lang ito ang nagtataguyod sa kanilang pamilya. Pati pag- aaral nito ay isinantabi na ng kanyang anak para makatulong sa kanilang pamilya. Bumuntonghininga naman si Diamante, biglang lumambot ang mukha nito. Biggest weakness niya talaga ang kanyang Nanay lalo na kapag nakikita niyang nahihirapan ito. " 'Nay, uli- uli sabihin niyo naman sa akin na may utang kayo sa ibang tao. Huwag niyong hintayin na pahiyain pa kayo para lang magbayad." Maalumanay na ang tono ng boses ni Diamante. "Eh... nahihiya na kasi ako sa'yo anak! Palagi na lang ikaw ang gumagawa sa reaponsibilidad na dapat ay kami ng iyong Tatay." Nahihiyang turan ni Aling Esme napatungo pa nga ito. "Parang hindi na kayo nasanay 'Nay! Saka, saan ho ba ninyo ginamit ang limang libo?" Curious na sagot ng dalaga. "Eh...si Pearl kasi anak mag- JS prom sila pati na si Silver. Iyong iba pinambayadko sa school nitong dalawa mong kapatid. Saka, binilhan ko si Velvet ng bago niyang gamit sa school." Paliwanag ng Ina nito. Muling napabuntonghininga si Diamond. Siya ang panganay, anim silang magkakapatid, pangalawa si Pearl, pangatlo naman si Silver, pagkatapos sina Sean, Jared at Velvet. Nakakatawa nga mga pangalan nila akala mo anak mayaman. Pero ang laging sinasabi ng kanilang Nanay, kahit man lang doon ay feeling mayaman ito dahil sa kanilang mga pangalan. Matatalino silang magkakapatid, iyon nga lang at kailangan niyang tumigil sa pag- aaral para makatulong sa kanilang mga magulang. At hindi naman siya nagsisisi, kaligayahan niyang matulungan ang kanyang mga magulang para makapag- aral ang kanyang mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD