Chapter 5
Luna's POV
Ang sarap din talagang sakalin sa mga eyeballs itong babaeng 'to.
"Best, ang guwapo niya talaga!" kinikilig niyang bulalas. Ang lakas pa ng pagkakasabi niya. Tumingin tuloy halos lahat ng mga estudyante rito.
"May pagnanasa rin pala sa baby Ali natin itong tomboy na Mary na ito," nakangising sabi ng babaeng nasa kabilang table.
"Kaya nga!" sang-ayon naman ng drakulang katabi niya. "Pasimple pa ang mga 'yan. Pati 'yong katabi niya transferee lang. Pasimpleng admirer din ni Ali!"
Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. Hindi ako palaaway pero mukhang masasabon ko sa mukha ang drakulang 'yan. Naka-speakers yata ang mga bunganga nila. Halatang nilakasan pa nila para marinig ng lahat. Pati ang grupo ni Ali ay napatingin sa amin.
"Best, hayaan mo na lang," bulong sa akin ni Mary.
Ngumiti ako nang matamis. "Oo naman, best. Hahayaan ko sila dahil masyado silang assuming. Akala siguro nila lahat ng babae rito sa school ay nagkakagusto sa lalaking kinababaliwan nila. Hindi lang nila alam na hindi lahat ay kasing babaw nila. Kung sino ka mang babae ka na malakas ang loob na magbintang, bahala ka sa buhay mo o ninyo. Lalaki lang 'yan, maliit na bagay. Kung gusto mo, sa 'yo na lang. Lamunin mo!" dire-diretso kong wika sa nang-uuyam na tinig.
Linakasan ko rin ang pagkakasabi ko para siguradong maisasampal ko 'yon sa mga eardrums nila.
"Best, tama na 'yan. Ang galing mo!" tuwang-tuwang bulong sa akin ni Mary.
"Kami ba ang pinaparinggan mo?!"
Hindi na ako nagtatakang nasa harapan ko na sila ngayon.
"Hindi para sa 'yo 'yon pero mukhang natamaan ka," nang-uuyam ko namang sagot.
Tumayo ako para ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot. Ngayon ko lang ginawa ito. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin.
"Ang yabang mong transferee ka!" singhal niya sa akin.
"Transferee lang ako pero nagbabayad ako ng tuition. Hindi rin sa 'yo ang institusyong ito para sabihan mo ako ng mga ganiyan," matapang kong sabi. "Hindi naman kita inaano kaya 'wag kang papansin."
Akmang susugudin niya ako nang biglang may lumitaw na lalaki. Pumagitna siya sa amin kaya hindi sila nakalapit.
"Stop it, Lala!" madiin niyang pigil.
"Pero, Drake!" apela naman nito.
"I said stop it," malamig ngunit nakababahalang ulit nito.
Inirapan ako ni Lala at naglakad paalis ng cafeteria. Sumunod naman agad ang mga kampon niya. Humarap sa akin si Drake. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi lang niya ako pinansin. Nilagpasan niya ako kaya wala na akong nagawa. Gusto ko mang magpasalamat, mas pinili kong manahimik na lang. Nakita kong nagtungo siya sa table nila Ali. Tahimik lang silang nakatingin sa akin.
Nakaiirita talaga ang Ali na 'yan. Hindi man lang niya ako tinulungan mula sa mga sira-ulo niyang mga fans. Dapat wala talagang makaaalam na asawa ko siya sa papel dahil mas grabe na naman ang mangyayari. Isa siyang pasakit sa buhay ko.
"Umupo ka na, best! Tapos na ang war." Wala sa sariling napaupo ako. "Tutulungan sana kita pero dumating naman si Papa Drake," ngiting-asong patuloy niya Mary.
"Kurutin kita riyan, eh! Iba pa rin kapag ikaw mismo na best friend ko ang nagtanggol sa akin!"
Ngayon ko lang naalala na tumunganga lang siya habang inaaway ako ng mga drakulang 'yon.
"Don't worry, best! Next time I'll punch them for you." Kinuha niya ang mga notes ko. "Sumagot na lang tayo ulit." Nagsusulat ako nang biglang lumapit sa akin si Mary. "Pero bagay kayo ni Drake, best!"
Tinitigan ko lang siya nang masama kaya tumahimik din siya agad. "Tumigil ka nga riyan, Mary. Bunganga mo, ah!" sita ko sa kaniya. Ngumiti siya sa sakin sabay kindat.
Mga ten minutes din kaming nakayuko habang sumasagot ni Mary. Tumayo ako para bumili ng drinks namin kaya ilinibot ko na rin ang paningin ko sa paligid. Nagsisisi ako kung bakit ko pa naisipang tumayo. Nakita ko tuloy si Ali habang may kasama siyang babae sa table nila.
Hindi ko alam kung bakit ako nainis bigla kahit hindi naman dapat. Pinagtitinginan na rin sila ng mga ibang students dito. Marami na ring nagbubulung-bulungan sa paligid.
"Bagay na bagay talaga sila, 'no? Sila na kaya?"
"Mahal ko si Ali pero talagang match din sila ni Kylie kaya hindi ako maiinis kung sila man, kasi lagi naman silang magkasama. Pareho silang matalino, magka-age pa, guwapo at maganda pa. Kapag nagka-anak sila, siguradong maganda ang lahi!"
Ang usapan ng dalawang babae mula likuran namin.
"Tch! Anak, agad? Wake up, bitches!" bulong ko sa hangin.
Kasama ni Ali si Kylie Florentez, ang babaeng ka-love team niya lagi sa mga movies at teleserye. Laging patok ang mga nagagawa nilang mga projects dahil iba ang chemistry nila sa mga mata ng madla. Lagi rin silang magkasama. Bukod sa trending teen loveteam sila, mag-classmate rin. Mas ahead sila ng isang taon sa amin. Sila ang mga seniors kami naman ang mga juniors.
Tuloy-tuloy ako sa counter para mag-order. Ayaw kong tumingin sa kanila baka isipin pa niya affected ako! Pero bakit naiinis ako? Kung makaasta kasi ang Ali na 'yan, akala niya wala siyang asawa! Asawa pa rin niya ako kahit walang halong pagmamahal. Kahit iyon lang sana ang isipin niya!
"Ate, dalawang pineapple juice po at isang shawarma. Ito po ang bayad. Salamat." Tahimik akong nakatayo habang naghihintay.
"Wah!"
"Ay, anak ng chanak!" tili ko sa sobrang gulat.
Anak ng! sino ba 'tong sira-ulo na 'to?
Mabilis akong lumingon sa likuran ko upang alamin kung sino ito. Si Kiro lang pala, guy friend ko. Parang kapatid ko na rin siya. Tuwing vacation nila rito sa Pinas, lagi siyang umuuwi sa Korea kaya lagi kaming magkasama noon doon. Dito siya nag-aaral at nandito rin ang business nila kaya wala siyang magagawa kahit ayaw pa niyang mag-stay rito. Tuwang-tuwa siya nang ibalita kong maninirahan na kami rito.
"Rain, my loves! Kumusta? Sorry! Nagulat ba kita?'' natatawang si kiro.
"Sobra ka, ah! Halos mapintig ang mga tainga ko sa lakas ng bunganga mo!'' Pinukpok ko ang ulo niya sa sobrang pagkabigla ko.
"Aray ko naman, Rain! Hindi ka pa rin nagbabago, mapanakit ka pa rin. Pero 'yan talaga ang na-miss ko sa 'yo."
"Miss, ito na po 'yong order n'yo at sukli," si ateng tindera. Aabutin ko na sana pero inunahan ako ni Kiro.
"Ako na. Saan ang table mo?" tanong niya.
"Hay, nako! Bahala ka! Doon po, Manong," turo ko sa kinauupuan ni Mary.
"Ano'ng Manong ka riyan? Diver mo ba ako?"
"Hindi. Hardinero lang. Ang daming arte!"
Napakamot naman siya. "Tara na nga, my loves!"
My loves talaga ang tawag niya sa akin kahit noon pa. Gusto kasi niyang maging espesyal kami sa isa't isa. Kapatid naman ang turing ko sa kaniya kaya ayos lang. Ang totoo ay si Ate ang type niya noon pero ayaw sa kaniya nito. Mag-classmate rin sila ni Ali kaya may utak din.
Sabay na kaming naglalakad pabalik. Nang mapatingin ako sa kinaroroonan nila Ali ay sumalubong ang tila nagmamatyag niyang awra.
Problema niya?
Ipinagwalang-bahala ko na lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
End of Luna's POV
Kiro's POV
Nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng glue sana pero hindi na natuloy kasi nakita ko si Rain. Napangiti tuloy ako nang malapad. Sobrang sakit ng sinapak niya. Parang bakal talaga ang kamay ng babaeng ito pero syempre love ko pa rin siya. Isa siya sa mga crushes ko lang naman.
Ako si Kiro ang lalaking babaero pero handang magbago para kay Rain, my loves. Mga kailan kaya niya ako magagawang pansinin? Umpisa pa lang kasi, kapatid na ang turing niya sa akin salungat naman sa pagtingin ko sa kaniya. Ayos lang din naman sa akin. Ang mahalaga ay nakakasama ko siya.
May girlfriends ako pero hindi ako updated na mga Gf ko sila. Ganoon ako kaguwapo. Napatitig ako kay Rain habang nakayuko siya. Abala kasi sila ni Mary sa assignment nila.
"Ah... My loves, uminom ka muna baka nauuhaw ka na." Inilapit ko sa kaniya ang juice niya. Nag-angat naman siya ng tingin saka niya inabot.
"Salamat, Kiro. Dapat pumunta ka na sa klase mo kasi hindi ka namin maaasikaso ni Mary. Busy kasi kami." Natawa na lang ako nang mahina.
"Okay lang 'yon, my loves, wala pa naman si Ma'am. Mamaya pa 'yon darating."
Natigilan ako kasi sa ibang direksiyon nakatuon ang mga mata niya. Sinundan ko na lang kung saan siya nakatingin. Napakunot ng noo ako dahil sa gawi nila Ali pala siya nakatingin.
"Ganoon ba, Manong? Ikaw ang bahala," wala sa sariling sabi niya pero nakatingin pa rin siya roon.
"Hays! Ang hirap naman nito! Grabe, ayaw ko na mag-aral! Sasabog ang utak ko nito, eh!" reklamo ni Mary. Ngumiti lang ako sa kaniya pero inirapan lang niya ako. "Ano ang nginingiti-ngiti mo riyan?" sita niya sa akin.
"Wala. Ang cute mo kasi," nakangiting sagot ko. Namula naman siya.
"Ilang babae na ang pinagsabihan mo ng ganiyan?"
Cute naman talaga siya pero laging bad trip. Mahalaga rin siya sa akin kasi love siya ni my loves.
"Marami-rami na rin," nakangisi kong sagot.
Nagulat ako dahil bigla niyang ibinato ang notebook niya sa akin. Mabuti na lang nakailag ako. Ganoon ako kaagap. Sanay na rin ako sa pag-uugali ni Mary.
"Sira-ulo ka talaga!" Inis na inis na siya ngayon.
Sabay kaming napatingin kay Rain na nakatingin sa malayo.
"Best, ano ba ang mayroon kina baby Ali?" tanong ni Mary sa kaniya.
"Huh?" maang niyang sambit. Natauhan tuloy siya.
"Kanina ka pa kasi nakatingin sa kanila. 'Wag mong sabihing may type ka sa kanila?"
Natawa ako nang malakas.
"Ako, may type ako sa kanila. Iyon siya. Si Kylie," nakangiting ani ko. Nagulat ako nang batukan ako ni Mary.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" singhal niya sa akin.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ang sakit. Mag-best friend nga talaga sila ni Rain. Parehas silang mapanakit. Ligawan ko kaya ang isang ito?
End of Kiro's POV
Drake's POV
Napatitingin ako sa kinauupuan ni transferee girl paminsan-minsan. Nakikita ko na siya rito sa campus pero kanina ko lang siya natitigan sa malapitan. Cute rin pala siya.
Hindi ko naman siya type kasi may girlfriend na ako. Siya si Aika, pinsan ni Lala. 'Yong umaway kay transferee girl kanina. Ano nga kaya ang pangalan niya?
Drake Servante Tan is my name. Isa ako sa mga best buddies ni Yeovi Ali pero mahigpit na magkatunggali pagdating sa academics. My goal this year is to beat him, ang grumaduate bilang valedictorian sa batch namin. No hard feelings at all but he's always on the top since then. Gusto ko lang bigyan ng challenge ang last year ko sa High School. Lagi na lang kasi akong pangalawa sa kaniya.
"Why do you keep looking at her?" Nagising ako nang magsalita si Kylie. Napatingin din sa akin si Ali. Sinundan niya kung saan ako nakatingin. "Is she your type?" tukso pa niya.
I look at her intently then I focus to my phone after. "Cheating is not my thing," I answered blankly.
She just laughed awkwardly. She's Aika's best friend. "I thougth it will be the first time." I just sighed. She's annoying. Hindi ko lang siya pinansin. "By the way, her name is Luna Rain. She's from Korea." Paano naman kaya niya nalaman? I wanna know but not from her. "Your girlfriend know that."
"I'm not asking you so stop will you?" Napatitig ulit ako sa cell phone ko. Hinihintay ko kasi ang text ni Aika.
"How did you know?" Ali asked with a cold tone. How come that he is also interested?
Maang naman na napatingin sa kaniya si Kylie. "Basta bobo kilala ko," nang-uuyam niyang sagot. "She belong from the last section. Yeah, a junior."
Napatingin ulit ako kay Luna Rain. Her name alone is pretty.
"Why, bro? Do you like her or something?" seryosong tanong sa akin ni Ali.
Napatitig naman sa akin si Kylie. Naghihintay ng isasagot ko. Lumapit ako kay Ali para hindi marinig ni Kylie ang sasabihin ko.
"She's cute," bulong ko sa kaniya. Napansin kong nag-iba ang aura niya kaya ngumiti na lang ako at idinagdag, "But I have a girlfriend. It's nothing," bulong ko ulit sa kaniya.
Napasulyap uli siya kay Luna. Hindi ko alam kung bakit parang may something sa tingin niya rito.
End of Drake's POV
Luna's POV
Napatingin ako kina Ali kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakaramdam ako ng inis nang makitang pinupunasan ni Kylie ang mga labi ni Ali. Nalagyan kasi ito ng ketchup. Ang nakaiinis lang, kaya naman ni Ali 'yon. Para tuloy siyang bata. Kung Ibalik ko kaya siya sa sinapupunan ni Tita?
Dapat hindi ako nagkakaganito pero ewan ko ba? Wala sa loob kong inayos ang mga gamit ko. "Tara na, Mary. Gusto n'yo ba'ng maiwan muna?"
Nagulat naman silang dalawa ni Kiro. Abala kasi sila sa pagtatalo. "Hindi ko pa tapos, best."
"My loves, aalis ka na? Ihahatid na kita sa room n'yo," presenta niya at mabilis na tumayo. Inagaw rin niya ang mga dala-dala ko dahilan para hindi na ako makaangal. "Tara," aya niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at sumunod. "Tara lets!"
"Hoy! Hintayin ninyo ako!" inis na pahabol naman ni Mary.
Hindi na ako nag-abalang tapunan ng tingin sina Ali. Ayaw kong makita ang pagmumukha nilang dalawa ni Kylie. Bakit kasi hindi na lang sila ang ikinasal? Parang sila ang mag-asawa, eh!
Katatapos ng klase ko. Naglakad ako mula school hanggang kanto. Bakit? Dito ako susunduin ni Manong Driver. Alam n'yo naman ang sitwasyon namin. Kailangang magtago nang todo! Umaga at hapon ay rito ang destinasyon ko. Ako ang bumababa pagkatapos maglalakad hanggang sa school o kaya hanggang bahay. Hindi kasi dapat malaman at makita ng ibang magkasama kami kasi nga baka magkaroon ng taning ang buhay ko.
Napaitlag ako nang may bumusina sa hindi ko alam na parte ng kalye. Nandiyan na si Manong. Dahan-dahan akong lumabas mula sa tinataguan kong puno ng mangga at tumakbo nang mabilis patungo sa sasakyan. Hinihingal akong napaupo saka ko isinandal ang likod ko sa backrest.
Napatingin ako kay Ali na tahimik lang na nakatingin sa harapan. Nakasalpak ang earphones niya sa mga tainga. Niyakap ko na lang ang bag ko. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan.
"Kumusta po ang klase ninyo, seniorita at seniorito," masiglang tanong ni Manong.
Ngumiti naman ako sa kaniya sa rear mirror. "Okay na okay, Manong. Nakakuha ako nang mataas na score kanina sa assignment ko!" proud kong balita. Sinulit ko na dahil hindi naririnig ni Ali.
"Talaga? Magandang balita iyan. Ipagpatuloy mo lang, hija."
Kinindatan ko siya bilang tugon. Sa totoo lang ay 3 out of 10 ang nakuha ko pero sabi ni Mary ay mataas na raw 'yon. Naniwala naman ako kaya napanatag ako.
"Really?"
Nanlalaki ang mga matang napasulyap ako kay Ali. Akala ko ba nakikinig siya ng music?
"Hindi naman nag-aral ang ginawa mo. Nakipag-date ka lang sa School's Cafeteria," malamig niyang dagdag.
Natawa ako nang pagak at alanganing napatingin kay Manong. Tanga talaga si Ali, sagad. Kapag date, dapat may flowers at bonggang table arrangement. Minsan nga ay may pa-sweet music pa. Wala naman kasing ganoong eksena sa cafeteria kanina.
Hindi ako nakipag-date. Ikaw nga itong nakipag-date, eh. Doon pa sa ka-love team mo. Syempre friendly date 'yon at naiintindihan ko naman. Manong, friendly date lang po 'yon."
"It was a date. Literally," pagdidiinan niya. "She dated someone, Manong."
Napakagat ng labi na lang ako. Siya nga 'tong nakikipag-date kanina. Ako pa talaga ang babaliktarin niya. Ang sarap lang i-blender 'tong taong-yelo na 'to!
"Kaibigan ko si Kiro. Bestfriend ko rin si Mary. Babae 'yon kaya hindi kami talo. Ikaw kaya itong type ni..." Natigilan ako. Hindi ko pala dapat sabihin 'yon. "Wait, are you a jealous husband?" nang-uuyam kong tanong.
Natulala naman siya sa mukha ko pero syempre walang halong emosyon. "Me? in your dreams," walang kuwentang sagot niya
"Puwede ba'ng magselos sa panaginip?" maang kong tanong. "Huh!"
"Monkey brain."
"Huh?" Inirapan niya ako. "Galing tayo sa unggoy, Ali, kaya unggoy ka rin. Halla! Hindi mo alam 'yon? Basic information kaya 'yon!"
"That was only a theory." Napintig ang mga tainga ko sa sinabi niya.
"Sorry?" Tama kaya ang narinig ko? Sorry ba 'yon? Ang pagkakarinig ko kasi ay 'surry'. Nakatutuwa naman. "Ali, bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan sa akin. Nakalimutan mo ba kaya ka humihingi ng paumanhin? Okay lang 'yon," tumatawa kong patuloy. "Nandito naman ako para ipaintindi sa 'yo ang katangahan mo. Sabi sa 'yo, eh, hindi lahat alam mo kasi-"
"I said, theory," putol niya sa sinasabi ko.
Napakamot ulit ako. Nag-sorry na naman kasi siya. Sinabi ko na nga lang na okay lang 'yon.
Tinitigan niya ako nang masama. Nagso-sorry siya pero bakit ganiyan siya makatingin? Dapat paawa effect ganoon pero siya pa ang may ganang magalit sa kahinaan ng utak niya. Minsan talaga slow siya!
"Okay nga lang 'yon. 'Wag ka na kasing magso-sorry. Alam ko namang may pagkatanga ka kung minsan, Ali."
Mas lalo pa niyang sinamaan ang tingin sa akin. Kita n'yo na? baliw rin siya.
"Theory. T, H, E, O, R, Y."
Wrong spelling pa siya. Dapat ay S, O, R, R, Y 'yon. Kailan pa naging six letters ang salitang 'sorry'? Baka last month lang.
"An idea that is suggested or presented as possibly true but that is not known or proven to be true," patuloy niya sa matiim na tingin.
Napanganga na lang ako. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.
"Ali, ano iyon? Nakakain ba 'yon?"
End of Luna's POV