Chapter 6
Luna's POV
Napailing at saka siya napahawak sa ulo niya. Siguro ipinagdadamot niya kaya ayaw niyang sabihin? Ngayon pa, alam ko na!
"Ikaw naman! Hindi mo naman sinabi agad! Nakakain pala 'yon. Hmmm... Ano nga kaya 'yon?" Napaiisip ako nang malalim. "Pasas siguro 'yon?"
"Pasas?" Nagdikit ang mga kilay niya.
"Oo, Ali!" Nag-nod ako nang sunud-sunod sa kaniya. "Iyong tae raw ng kambing 'yon!" Sumunod kong nakita ang pagngiwi niya. Tama siguro ako, ayaw lang niyang aminin. "Taong bundok ka rin pala kasi hindi mo alam 'yon. Marami kayang ganoon sa Hacienda ninyo sa Ilocos. Gusto mo kumuha tayo pagkapumunta tayo roon?"
"Are you really studying?" asar niyang tanong.
Natawa naman ako nang malakas. "Ikaw talaga ang hindi nag-aaral nang mabuti sa atin. Kita mo na nga lang na kagagaling natin sa school tapos tatanungin mo ako? Mag-isip ka naman paminsan-minsan, Ali. Kita mong naka-uniform ako. Ano ang akala mo sa akin? Naka-unifom para mag-addict sa kalsada?" Minsan din ay bulag siya.
"My God, monkey brain! Tch! Tch!" Magaling din siyang magbintang kung minsan.
"Basta galing sa unggoy ang mga tao! 'Yon na iyon," deklara ko sabay ngisi sa kaniya.
"If that is really true, why do monkeys nowadays stay as what they are instead of becoming like us?" Sa klase ng tingin ay parang hinahamon niya ako.
Napahawak na lang ako sa ilong ko. Pakiramdam ko dudugo 'tong ilong ko anytime. Mali talagang kalabanin ang matalino. Matalino rin naman ako pero ako lang ang nakaaalam. Kamot ng ulo. kailan kaya mare-realize ng iba na matalino rin ako? Baka next year.
"Ang dali kaya ng tanong mo! Asawahin mo 'yong unggoy para malaman mo." Ang galing ko talaga! Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?
"I already did."
Natawa naman ako nang palihim sa sagot niya. Minsan talaga ay uto-uto rin siya. Hindi talaga lahat ng matalino alam na ang lahat. Engot lang ang mag-aasawa ng unggoy
"Ang tanga mo naman, Ali!" Humagalapak ako sa aliw at tuwa. "Sa guwapo mong 'yan sa unggoy lang ang bagsak mo? Minsan talaga hindi ka nag-iisip." Tawa pa rin ako nang tawa. "Ano'ng klaseng unggoy 'yan? Baka naman gorilla pa 'yan?"
"To whom am I married? Monkey brain. To you, right?"
Natigilan ako sa katatawa. So, ako 'yong unggoy na tinutukoy niya?
"Mukha ba akong unggoy sa lagay na ito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong humarap sa kaniya. Wala naman kasi akong balahibo katulad ng mga unggoy sa Manila Zoo.
"It came out to your mouth that human is from a monkey. I guess you have a point because you are exactly a monkey. Especially the way your brain is made up," nakangising wika niya.
"Ano'ng sabi mo?" Inis na inis na ako. Tama ba'ng ipamukha niya 'yon sa akin nang paulit-ulit. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
"You're a monkey," balik naman niya agad.
Mas lalo tuloy akong nainis. "Inulit mo pa talaga!" Natauhan ako bigla kasi inutusan ko lang naman siya. Masunurin din pala siya.
"You asked for it," pa-cool naman niyang ani.
"Seniorito at seniorita narito na po tayo." Sabay kaming napatingin kay Manong. "Pagbubuksan na kita, seniorita."
"Huwag na po, Manong," pigil ko sa kaniya. "Ako na lang po."
Bababa ako rito sa pinakamalapit na kanto malapit sa village. Lalakarin ko na naman ang daan pauwi ng bahay niya. Ganito naman lagi ang buhay ko. Nakahihiya naman kasi kay Ali na artista. Nakaiinis siya talaga! Dapat siya ang nasa sitwasyon ko kasi siya ang lalaki. Wait, siguro may pusong babae siya? Umiling ako. 'Wag naman sana.
Tumingin ako sa kaniya nang masama. "Wala ka rin talagang awa!" Sumulyap lang siya sa akin tapos nag-iwas din agad. "Magdadalawang buwan na akong naglalakad pauwi ng bahay at papuntang school!"
Tumitig siya sa akin. "OA," mahinang ani niya.
"Ano'ng OA roon?" naka-pout kong tanong. Padabog kong hinablot ang bag ko sa tabi niya.
"It takes three minutes for you to walk. 'Wag kang OA," madiin niyang sabi.
Hindi ko lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa pagbaba ng sasakyan. "Bakla ka siguro kaya ayaw mong maglakad? Ayaw mong umitim, 'no? Sus! Beki!" pang-aasar ko sa kaniya.
"What?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya nasindak ako.
Agad kong isinarado ang pinto ng sasakyan. Pabalibag pa para maramdaman niya.
"Ba-bye, Ali!" nakangising paalam ko.
Hindi ko na siya nakikita pero alam kong nakikita niya ako mula sa tinted glass ng sasakyan.
End of Luna's POV
Mary's POV
Kalalabas ko lang ng 7/11 store nang matigilan ako. Nakita ko si Luna na bumaba mula sa pamilyar na sasakyan. Kumakain ako ng ice cream. Nagtataka ako kung bakit siya narito. Hindi naman kasi rito ang daan papunta ng bahay nila. Magkapitbahay lang naman kami. Ewan ko lang kung tagadito ang tita niya na sinabi niya noong isang araw.
"Pst! Best!" tawag ko sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Best!" Hindi pa rin siya tumingin.
Nagpasya akong sundan na lang siya habang kinakain ko itong ice cream ko. Ano kaya ang ginagawa niya rito sa Village nila Ali? Alam kong tagadito siya, crush ko nga siya, 'di ba? Syempre aalamin ko lahat ng mga may kinalaman sa kaniya. Inaabangan ko nga siya kanina sa store pero hindi ko siya nakita.
Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Kiro. Sumisipol pa siya kaya mapapansin mo talaga.
"Oh! Pangit, ikaw pala?" nakatawang puna ko sa kaniya.
Napakamot naman siya. "Pangit talaga? Final na 'yan?"
"Nagreklamo ka pa! Pangit ka naman talaga!" duro ko sa kaniya.
"Bulag ka lang kasi!" pagpupumilit naman niya.
"Tumabi ka nga riyan. May sinusundan ako!" Napatingin ako kay best. Nainis ako nang hindi ko na siya makita. "Nasaan na ba 'yon?" Inis kong sambit.
Napatitig ulit ako kay Kiro. Lagi na lang akong minamalas kapag mayroon siya. Ano ba'ng klaseng powers ang dala niya lagi? Nakalulugi kasi.
"Sino ba ang sinusundan mo?" Napatingin siya sa daan.
"Pakialam mo ba?" Inirapan ko siya saka padabog na naglakad. Hahanapin ko pa si best. Nainis ako lalo nang sumunod siya sa akin. Humarap ako sa kaniya. "Problema mo, ha?"
"Sino ba kasi ang hinahanap mo? Tutulungan na kita," alok niya habang nakamasid siya sa isang babae rito.
Ang ugali niyang 'yan ang dahilan kaya wala akong tiwala sa kaniya. Babaero kasi pagkatapos ay ang lakas pang makalapit kay best.
"Si Luna nga!"
Nanlalaki naman ang mga mata niya. "Si my loves?" Inirapan ko lang siya ulit. "Nasaan na siya? Saan mo huling nakita?"
"Hindi ko nga alam, 'di ba? Kaya ko nga hinahanap!" Hindi nakaiintindi ang pangit na ito.
"Hayon siya!" Nakaturo na siya ngayon kay Luna. Napangiti naman ako. May silbi rin pala siya! "My lo-" Bago pa bumaho ang mundo ay tinakpan ko na ang bunganga niya. "Hshshjsmsnsnsn." Sinapak ko siya sa likod niya. "Hshvsnsjsia." Sinapak ko ulit siya sa ulo.
"Huwag kang maingay! Hindi ka niya maririnig! Mas bingi pa si best sa bingi, okay?"
Nag-nod muna siya bago ko binitiwan ang bibig niya. Kadiri, may dumikit pa yatang laway sa kamay. "Yuck," bulong ko sa sarili.
Hinihingal siyang napayuko. "Grabe! May balak ka bang balian ako sa buto? Nakaiilang sapak ka na, ah!"
"Babalian talaga kita kapag hindi ka pa tumahimik diyan!" banta ko sa kaniya.
"Sus! Ligawan kita riyan, eh!"
Namula naman ako sa sinabi niya. Nakakikilabot kasi ang idea na 'yon. Nilagpasan ko na lang siya. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay baka maibalibag ko pa siya rito mismo sa daan.
"Ano? Ligawan kita?" natatawang asar niya sa akin.
"Utang na loob, Kiro, baka mapatay na kita kapag hindi mo ako tinigilan!" sigaw ko sa kaniya.
Napanganga naman siya sabay lunok. "Si Luna naroon na siya," natatarantang aniya habang nakaturo siya sa malayo. Natauhan tuloy ako. "Tara na!"
Mas nauna na siyang naglakad. Tahimik na siya ngayon. Mabuti naman!
Natigilan ako nang makita ko si best na nakatayo sa harapan ng gate nila Ali. Ano ang ginagawa niya roon? Nag-doorbell na rin siya dahilan para mas lalo akong mawindang. Fan din ba siya ni Ali? Kailan pa?
"Oh, no," mahinang anas ko.
"Hindi ba bahay iyan ni Yeovil Ali?" maang naman na tanong ni pangit sa akin. "A-Ano a-ang ginagawa ni my loves diyan?" nauutal niyang tanong.
Pati si pangit ay fan din pala ni Ali! Alam din niya.
Nagkatinginan kami. "Luna! My loves!" sabay naming tawag sa kaniya.
Gulat naman siyang lumingon sa amin. Sakto namang may matandang lalaking lumabas at nasa likuran niya si Ali. Naglalakad sila papunta sa gate. Ibig sabihin magpapa-autograph si best? Akala ko ba hindi niya trip ang kamandag ni baby Ali?
Napasimangot ako. May kaagaw na ako sa puso ng mahal ko at best friend ko pa talaga! Why Luna? Napatitig ako sa kaniya. Siya ay may hawak na ngayong paso. Mukha na siyang natatae na naiihi ngayon. May balak ba siyang gawing arenola 'yong paso?
'Wag naman sana. Nakahihiya kasi kay Ali!
End of Mary's POV
Luna's POV
Napatitig ako sa bahay ni Ali. Sa totoo lang, ang simple ng bahay niya. Hindi ito kalakihan at sapat lang sa aming dalawa. Sana akin na lang iyang bahay niya. Magara ito at modern simple home.
Nag-doorbell na ako. Sakto naman na lumabas si Manong at nagtaka ako dahil nakasunod sa kaniya si Ali. May lakad na naman siguro siya.
"Luna! My loves!"
Akala ko nananaginip lang ako sa narinig pero mukhang hindi. Bigla akong pinagpawisan nang malapot. Buhay na buhay pa si Mary at Kiro noong huli ko silang makasama. Imposibleng multo na sila ngayon!
Nag-sign of the cross ako. "Huwag naman po sana." Dahan-dahan akong lumingon at muntik na talagang lumuwa ang mga eyeballs ko sa nakita. "Best," gulat kong ani. "Kiro! Patay na kayo? Kailan pa? Bakit ang bilis?"
Humakbang sila palapit kaya nadampot ko 'tong paso sa gilid. Nanginginig na ako sa takot at lungkot. Palapit nang palapit na sila kaya hindi ako makapag-isip nang maayos.
"Ma'am, saglit lang po," ang narinig kong sabi ni Manong. Lagot! Lalabas sila!
Humigpit ang pagkakahawak ko sa paso. Katapusan ko na ba? Ngayon pa ba ako mabibisto? Ngayon na kaluluwa na sila? Paano ko sasabihin kina best ang sekreto ko?
"Best!" si Mary habang nakatitig siya sa mga mata ko.
"My loves," anas naman ni Kiro.
"May sasabihin ako?" Nanginginig pa rin ako. Multo na kasi ang mga kaharap ko.
"Ano 'yon, my loves? Na-realized mo na bang mahal mo ako?" si Kiro.
Inirapan naman siya ni Mary. "Ano ba? Nanlalandi ka na naman!" sita niya rito.
May gusto kaya si Mary kay Kiro? Bakit siya nagagalit? Siguro nagseselos siya! Wala namang problema kasi magkasama na sila sa kabilang-buhay.
"Tch! Malay mo naman napansin na rin niya ako," ani naman ni Kiro sa kaniya.
"Asa ka naman!" Nag-aaway na naman sila. "Ano ba kasi 'yon?" Tumingin siya sa akin nang matiim. "Ano ang ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ni Mary.
"A-no..." Nauutal talaga ako.
Naririnig ko na ang mga yapak ni Manong. Pagbubuksan niya ako ng gate pagkatapos doon na magkakaalaman. Siguro naman kapag kaluluwa na hindi na rin makapagkakalat ng chismis. Tama 'yon!
"Best... Bakit ka narito kina Ali? Saka ano pala 'yong sasabihin mo?" si Mary.
"My loves, bakit hindi mo sinabi sa aking stalker ka na ni Yeovil Ali ngayon? Alam mo bang nasasaktan ako ngayon?" Napahawak siya sa tapat ng puso niya habang umaarteng nasasaktan.
Si Kiro, OA pa rin kahit kaluluwa na siya. Mami-miss ko rin talaga siya. Si Mary naman ay si Ali pa rin ang nais niya hanggang sa kabilang-buhay. Aalagaan ko na lang si Ali alang-alang sa kaniya.
"May... M-May third eye ako at nakikita ko kayo!" naiiyak kong bulalas. Kumunot naman ang mga noo nila.
"Huh?" si Mary.
"Eh?" si Kiro.
"Patay na kayo at nakikita ko ang mga spirits ninyo! Bakit? Bakit ninyo ako iniwan?" Nagkatinginan sila at mas lalong lumalim ang mga gatla sa noo. "Hindi rin ba kayo updated na wala na kayo? Biglaan ba ang pagkamatay ninyo? Kawawa naman kayo, mga best!"
"Pft! Pft!" Natigilan ako kasi bigla silang tumawa nang napakalakas.
"Bakit tumatawa pa kayo?" Pinahid ko ang mga luha ko. Tawa pa rin sila nang tawa. "Masaya ba sa langit?" seryosong tanong ko.
Mas lalo silang nangiyak sa katatawa. Lumapit sa akin si Mary at saka niya ako sinapak sa noo. "Gusto mo ikaw na lang ang mauna sa heaven? Imagine pa more, best!"
Napahaplos ako sa noo ko. Posible kayang maramdaman mo pa rin ang spirit? 'Di ba dapat hindi? "Wah! Mary, 'wag mo akong tatakutin, please lang! Oh! Mamuhay na lang kayo nang tahimik kasi ipagpe-pray ko naman kayo! Promise 'yan!"
"Juice colored!" si Kiro na nangingilid na ang mga luha sa katatawa.
"Gaga! Buhay kami! Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Lumapit siya sa akin saka niya ako sinapak nang malakas sa braso.
"Buhay kayo? O, M, G!" Lumapit ako kay Kiro at sinundot-sundot siya sa tagiliran niya. Ganoon din ang ginawa ko kay Mary.
"My loves, nakikiliti ako!" mangiyak-ngiyak sa kilig at tawang usal ni Kiro.
"Buhay nga kayo! Buhay kayo!" Yumakap ako kay Mary nang mahigpit. Iyong masasakal na siya sa higpit. Isinunod ko si Kiro. "Akala ko ay patay na kayo!"
"Stop flirting in front of my house."
Napanganga ako at dahan-dahang kumalas kay Kiro. Nakita ko si Ali na seryosong nakamasid sa amin.
"Ali," pabebeng turan ni Mary.
Hindi puwedeng malaman nila. "A-Ali..." Sumulyap ako sa pasong hawak ko. "Type ko itong pasong ito! Saan mo binili? Puwede bang akin na lang?" Kinakabahan ako nang sobra.
"Nagpunta ka rito para lang diyan, best?" maang na tanong ni Mary.
Alanganin akong napangiti. "Oo, best." Tumango ako nang paulit-ulit.
"Akala ko pa naman magpapa-autograph ka kay Ali." Ngumiti siya kay Ali na para bang wala ng bukas.
"Nako! Itong paso lang talaga," pasisinungaling ko.
"Hay... Akala ko stalker ka na ni Ali. Mabuti naman dahil hindi. Hindi kasi kayo bagay. Mas bagay tayo," singit ni Kiro.
Lumipad ang tingin ko kay Ali na seryoso lang ang mukha.
"Hindi, ah!"
Tumalim ang tingin ni Ali sa akin. Siguradong lagot na naman ako sa kaniya mamaya.
"Hi, Ali!" Kumikinang na naman iyong mga mata ni best. "Aanhin mo 'yang paso, best?"
Hindi siya pinansin ni Ali. Napasimangot ako dahil binigyan niya ako ng humanda-ka-sa-akin-mamaya look.
"Ah, ito ba? Gagawin kong... Ah... Birthday cap! Tama, ganoon nga. Parang ganito." Kinuha ko ang maliit na paso saka ko ipinatong sa tuktok ng ulo ko. "'Di ba, bagay? Ang ganda?"
Napangiwi silang dalawa sa akin.
"Oo nga, my loves. Sobrang ganda tapos maganda ka pa. Ang kaso... Mabigat 'yan sa ulo." Ngumiti ako kay Kiro. Kakampi ko talaga siya!
"Mag-paper cap ka na lang, best. Kapag nabasag 'yan, wala na. Sino namang tanga ang magsusuot ng ganiyan? Matagal pa ang birthday mo kaya 'wag kang excited." si Mary. Halata namang kay Ali lang siya nakatingin.
"Pag-iisipan ko. Mukhang ayaw namang sabihin ni Ali kung saan niya binili kaya 'wag na lang. Tara na!" Hinawakan ko si Mary sa kamay at hinatak. "Sige, Ali. Pasensiya na sa abala. 'Di ko alam na bahay mo pala 'yan," ngiting-aso kong sabi. "Nice house..."
"Oo, ang ganda ng bahay niya. Dream kong manirahan diyan someday," kinikilig na pahayag ni Mary sabay pa-cute kay Ali.
"Talaga, best? Gusto mo palit tayo ng sitwasyon? Diyan ka na tumira-" Natigilan ako nang mapagtanto ko ang mga pinagsasabi ko. Napatingin ako kay Ali na malamig nang nakatitig sa akin. Muntik na! "Best!" Siniko-siko ko siya. "Umuwi na tayo!"
"Saglit lang, best! Sinusulit ko pa. Please lang, dito muna tayo," bulong ni Mary sa akin pero tinitigan ko siya nang masama.
"Mabuti pa nga umuwi na tayo, my loves. Akin na 'yang pack bag mo. Ako na ang magbubuhat." Wala na akong nagawa nang tinanggal na niya ito sa mga balikat ko. "Tara na! Ikaw, Mary, kung gusto mo'ng magpaiwan, sige lang. Basta mauuna na kami." Hinawakan ako ni Kiro sa kamay at hinatak paalis kaya sabay na kaming naglalakad ngayon.
Napasulyap ako ay Ali na abalang nakatingin sa magkahawak-kamay naming mga kamay ni Kiro. Nagseselos ba siya? Gusto rin ba niyang ka-holding hands si Kiro? Ang sama kasi ng tingin niya sa akin. Na-realized niya sigurong type niya si Kiro! Ang hirap naman ng sitwasyon!
"Hintayin n'yo ako!" Tumakbo si Mary sa amin. "Panira ka talaga ng moment, Kiro! Sana hindi na lang kita isinama! Buwisit! Medyo malas ka!" pagmamaktol ni Mary. "Bye, Ali!" pahabol niya. Kumaway-kaway pa siya. Napapikit na lang ako nang mariin.
"Thank you na rin kasi nakita kita. Nakita ko tuloy si my loves. Puwede ka naman kasing maiwan muna, Mary. Sige na. Ako na ang maghahatid kay my loves." Sabay kindat sa akin.
Kung alam mo lang, Kiro!
Napaismid na lang ako. Nakauwi naman na kasi ako kaya hindi na dapat niya ako ihatid. Wala akong magawa kundi ang manahimik na lang. Ihahatid niya ako sa bahay namin pero wala namang tao roon. Ayaw ko rin namang sabihin ang totoo sa kanila. Kawawa naman ako. Doble-dobleng pagod na naman ang matatamo ko.
End of Luna's POV