Chapter 4
Luna's POV
Tumingin lang siya sa Mommy niya saka siya yumuko para kumain ulit. "Aba!" inis kong bulong ulit sa sarili ko.
Tinutulungan ko na nga siya sa kalokohan na ito tapos siya pa ang mang-iiwan sa ere.
Si Manong talaga ang naghahatid at sundo sa akin. Kahit kailan ay hindi siya nag-effort para sa akin. Hindi rin siya makulit. Madalas siyang nasa sulok at hindi umiimik at ako ang nagluluto hindi siya!
Nagliwanag ulit ang mukha ni Tita na parang christmas light na nag-light up bigla. "I'm so proud of you, son. I mean it when the two of you got married. You don't do such things but now? Look? You're being a different person now. He can cook now? Is it edible, Luna?" natatawang tanong ni Tita sa akin.
Napangisi naman ako sa tanong niya. Paano ko nga ba masasabing edible 'yon kung hindi naman talaga siya nagluluto?
"Mom, stop!" naiiritang saway ni Ali sa Mommy niya.
Nakatutuwa talaga ang itsura niya ngayon. Snob na nga, masungit pa!
"I'm just concern to her. Lagi namang sunog ang luto mo noon o 'di kaya ay hindi gaanong luto, maalat at matabang ganoon," pang-aasar ng Mommy niya.
Ako yata ang anak ni Tita. Mahilig kasi kaming mang-asar.
"Mom, stop telling filthy stories to my wife," inis na sabi ni Ali sa kaniya. "Will you?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Napahawak ako agad sa tapat ng puso ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba. Tinawag talaga niya akong wife...
"Ikaw naman, hindi na mabiro, although totoo naman talaga. 'Wag ka nang mahiya sa asawa mo dahil malalaman at malalaman din niya. Remember? Both of you will live forever and ever together."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita habang si Ali naman ay nakayuko lang. Abala na naman siya sa pagkain niya.
Para sa akin noon ay may forever talaga pero hindi ko 'yon nakikita kay Ali. Simula noong naikasal ako sa kaniya, hindi na ako naniniwala sa forever. Hindi naman sa bitter ako. Mas naniniwala na kasi ako sa lifetime ngayon. Sa estado namin ni Ali, kahit yata lifetime ay wala rin kami. Hindi naman kasi namin mahal ang isa't isa. Mananatili lang kaming magkasama pero hindi kami kailanman magmamahalan.
Sa papel lang kami kasal pero sa mga nararamdaman namin, hindi. Kahit kailan hindi.
After ng lunch, nagpaalam din kami agad kay Tita dahil may taping si Ali sa Batangas. Hinatid lang niya ako sa bahay tapos umalis din siya agad.
Tinawagan ko agad si Mary. "Hello, Mary. Nakita ko si Ali kanina. Papunta na siguro siya sa taping niya," kunwari kong balita sa kaniya.
"Talaga? Nakita mo siya? Saan, best?" Masayang-masaya siya kahit iyon pa lang ang sinabi ko.
Kasama ko pa siyang kumain ng lunch. Iyon ang gusto kong sanang sabihin sa kaniya para tumigil na siya sa kabubuntot niya sa lalaking iyon.
"Traffic kasi kanina sa Ayala. Nakita ko siya roon. Medyo malayo siya sa amin pero alam kong siya 'yon," pagsisinungaling ko.
"Ayaw ko na siyang puntahan, best," malungkot niyang ani.
Natigilan naman ako. Himala kasi ang nangyayari sa best friend ko ngayon. "Bakit naman? 'Wag mo nga akong pinapatawa riyan."
"Nabanggit kasi ni Kuya na magkakaroon daw sila ng kissing scene ni Kylie mamaya kaya nag-back out na ang sikmura ko. Ayaw ko namang makitang may kahalikang iba ang taong mahal ko. Baka mapatay ko pa si Kylie roon."
Natahimik naman ako sa paliwanag niya. Isang kilalang direktor kasi ang kapatid ni Mary.
"Ano ngayon kung maghahalikan sila mamaya?" inis kong bulong sa sarili ko.
Parang nainis ako bigla. Ang bata-bata pa nila may kissing scene na sila agad. Hindi ba puwedeng beso-beso lang muna? Hindi marunong ang director nila kung ganoon. Dapat matanggal na 'yon sa trabaho.
"Best, may sinasabi ka ba?" natauhan naman ako nang magsalita si Mary.
Naglakad ako patungo sa sofa namin dito sa sala. "Wala, best. 'Wag ka na lang manood ng mga panood nila ni Kylie para hindi mo makita ang kissing scenes nila." Binuksan ko ang TV sakto naman na mga pagmumukha nina Kylie at Ali ang bumungad sa akin. Narinig kong biglang bumukas ang pinto. "Nanay, isara mo rin ang pinto agad, ha? Para hindi pumasok ang mga lamok," bilin ko sa kaniya habang nakatutok pa rin ako sa TV.
"Oo na, best. Hindi talaga ako manonood. Ikaw, nanonood ka ba ng mga panood nila?" tanong niya.
Natawa naman ako nang malakas. "Mga panood ni Ali? Hindi, best! Ni isa wala pa akong napanonood. Bakit ko naman sana panonoorin? Huh! Magsasayang lang ako ng oras!" sinabi ko ang lahat ng mga iyon habang nakatitig ako sa pagmumukha ni Ali sa TV.
Pati pala sa TV ang guwapo-guwapo niya.
"Hindi ka nanonood ng mga panood ko sa lagay na 'yan."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa remote control na hawak ko nang magsalita si Ali. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Ano ang ginagawa niya rito? Akala ko ay umalis na siya. Nakalimutan ba niya ang kaluluwa niya kaya siya bumalik? Kung minamalas nga naman!
Huminga ako nang malalim saka ako tumingin sa kaniya. "Nagkataon lang na kayo ang laman ng panood nang buksan ko ang TV," pagdadahilan ko. Totoo naman kasi ang sinasabi ko.
"I saw what I saw. You looked on the TV with a playful smile on your lips," nang-uuyam niyang ani. "You don't have to deny. Just enjoy watching," seryoso pa niyang dadag.
Lumapit siya sa akin saka niya hinila ang coat niya na nakapatong sa sofang inuupuan ko. Dahil pala sa papansing coat na 'yan kaya siya bumalik.
"Hindi naman talaga ako nanonood ng mga panood mo! Ngayon lang!" malakas kong sabi sa pasinghal na tono.
Ngumisi naman siya sa akin. "Eh di, nanonood ka pa rin," presko niyang wika. "Masyado kang defensive. Tingnan mo nga 'yang ilong mo."
Napahawak naman agad ako sa ilong ko. "Bakit itong ilong ko?" natataranta kong tanong.
"Namumula," malamig niyang sagot saka siya naglakad palabas ng bahay.
Ano'ng sabi niya? Mabilis akong tumayo dala-dala ang throw pillow. Nang makalabas ako ng bahay ay agad ko itong ibinato sa likod niya. Napalingon naman siya sa akin. Nanggagalaiti na ako sa inis tapos nagawa pa niyang ngumisi. Talagang iniinis niya ako!
"Normal lang sa ilong ang mamula lalo na kapag sinisipon!" bulyaw ko sa kaniya. Umaasa akong hindi ako magmumukhang defensive sa pagbulyaw ko sa kaniya.
"Wala ka naman kasing sipon," nang-uuyam niyang balik.
Paano niya nalaman?
"Kapag daw ang coco brain namula ang ilong, it means she's lying," pa-cool niyang trivia.
Tumawa siya nang mahina saka siya mabilis na pumasok sa sasakyan niya. Tumakbo ako para habulin siya pero nag-init ang ulo ko nang paandarin na niya ang sasakyan niya. Nalanghap ko tuloy ang usok na galing sa tambutso ng sasakyan niya. Talo na naman ako. Nakababanas siya!
Kinabukasan...
Pagkatapos ng first period namin ay nagtungo agad ako sa school cafeteria. Gumagawa ako ng homework ko ngayon. Alam ko namang hindi na homework ang tawag dito kasi rito sa school ko na ginagawa. Kasi naman! Tinamad ako kagabi kaya natulog na lang ako. Bakit ba? Inantok nga ako bigla. Sumakit pa itong ulo ko. Ang hirap kayang tumunganga sa mga questionnaires na walang sagot. 'Di ko talaga alam sagutin.
Kung anu-ano na lang ang mga pinag-aaralan ng mga tao, hindi rin naman tinatanong ang mga ito kapag may trabaho na. Ayaw ko rin namang magpatulong kay Ali baka mapanis lang ang laway ko sa taong iyon!
"Best! Nandito ka lang pala! Kanina pa ako pasikot-sikot dito sa campus! Kanina pa kaya kita hinahanap! Ikaw talaga! Hindi ka man lang nagsabi! Nagtatampo na ako sa 'yo," nakasimangot na bungad ni Mary.
'Ayan na naman siya. Kapag nagsama kasi kami ay wala na kaming tigil sa kaingayan namin kaya sinadya ko talagang 'wag munang magpakita sa kaniya kasi siguradong hindi ko matatapos ang homework ko. Kahit monkey brain ako kagaya ng sabi ni Ali, concern pa rin naman ako sa mga grades ko. 'Yon ang daan sa magandang future ko.
Si Mary ang best friend ko. Siya kasi ang kauna-unahang nakilala ko rito sa school. Medyo malapit din ang bahay nila sa bahay namin nila Mommy. Alam niya na galing ako sa South Korea kaya alam din niyang ang mga kaibigan ko ay naroon lahat. Parehas kami ng mga hilig ni Mary, mula sa paboritong pagkain, sa mga isinusuot at marami pang iba kaya magkasundong-magkasundo kami.
"Sorry talaga, Mary. May tinatapos kasi ako. Dapat kong matapos ito agad kasi ipa-pass na natin ito mamayang third period natin," sagot ko na lang sa kaniya. Ipinagpatuloy ko ang pagsagot.
"Kaya nga kita hinahanap kasi ako rin, eh... Hindi ko rin ginawa. Basta ang natatandaan ko lang ay sinumpong ako ng katamaran kagabi. Mabuti na lang pumunta ako rito kasi alam ko naman na malapit ka lang sa pagkain at tama nga ako, nasa school canteen ka nga!" tuwang-tuwa niyang bulalas.
Kita n'yo na. Mag-best friends nga talaga kami. Pareho na nga lang kaming walang natapos na homework, parehas pa kaming mukhang pagkain.
"Ang dami mo pang sinasabi. Umupo ka na nga lang dito sa tabi ko." Umusog ako nang kaunti para may uupuan siya.
Umupo naman siya agad saka niya ipinatong ang mga notebooks niya sa table. Abala ako sa pagsasagot nang bigla akong nabagot. Hindi kasi maingay si Mary ngayon. Lumingon ako sa kaniya. Napakunot ng noo ako nang makita ko siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti. Ano'ng nangyari sa kaniya?
"Best! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo. Sagutan mo na nga lang 'yang assignments natin. Hindi ka ba kinakabahan kay Ma'am Lucy?"
"Best, naiisip ko kasi si Yeovil Ali," lutang niyang sagot sa akin.
Napapikit naman ako nang mariin. 'Yong tipong ang ganda ng araw ko tapos bigla niyang binanggit ang pangalan ng lalaking iyon. Sana umulan ng mga bakal na bareta nang mataan naman siya at matauhan. Nababaliw na kasi siya.
Humalukipkip ako saka ako tumingin sa kaniya nang seryoso. "Siya na naman? Akala ko ba ay hindi ka manonood ng mga panood niya? Nanood ka na naman?"
"Oo, best. Hindi ko kasi mapigilan ang mga kamay kong abutin 'yong remote control namin sa bahay. Alam mo namang doon ko lang siya maaaring mahalikan," kinikilig niyang amin.
"Ew! Wala bang ground 'yong TV screen ninyo?" maang kong tanong.
Natawa naman siya nang malakas. "Mayroon kaya, best. Ang lakas kaya! Pinagtitiisan ko lang."
Napasapo na lang ako sa noo ko. "Pumapayag kang makuryente para lang mahalikan ang lalaking 'yon sa TV screen ninyo?" Hindi talaga ako makapaniwala.
"Oo," nakangiting sagot naman niya.
"Alam mo bang nakababaog 'yon?"
Natigilan naman siya. "Talaga, best? Totoo ba 'yan?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.
"Oo. Nabasa ko sa isang libro," seryosong sagot ko.
Natawa naman ulit siya saka niya ako sinapak sa balikat ko. "Nagbabasa ka? Kailan pa? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ng librong iyon?"
Minsan hindi ko alam kung best friend ko ba talaga siya o hindi. Masyado kasi niya akong minamalait minsan.
"Oo naman! Hindi naman ako kasing bobo ni Juan Tamad! Sobrang dali kayang intindihin ang nilalaman ng librong 'yon." Inirapan ko siya.
"Ganoon ba? Lalagyan ko na lang ng scotch tape 'yong TV screen namin para safe," aniya.
"Scotch tape?" Nagdikit ang mga kilay ko.
"Plastic is one of the examples of insulator. Dumugo ang ilong mo, 'no? Hindi mo alam 'yon!" pagmamayabang niya.
"Alam ko kaya 'yan!" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka ko siya inirapan.
"Huwag ka nga!" natatawang tukso niya sa akin.
"'Wag kang feeling matalino riyan, Mary. Alam ko namang magka-level lang tayo."
Natawa naman siya nang malakas sa sinabi ko. Aminado siya kapag ganoon.
"O, M, G! Talaga, nandito siya! My crush! Oh, my God!"
Natigilan kami ni Mary nang biglang napatili 'yong babae sa kabilang table.
"Grabe naman ang babaeng 'yan kung makatili," inis kong sambit. "Sapakin kita riyan, eh!" nanggagalaiti kong dagdag. "Kita niyang busy kami rito, eh!"
"Ang guwapo niya talaga!"
"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na akin siya! Doon ka kay Jake!"
"Alam mo namang siya talaga ang trip ko! Gusto ko rin si Kevs pero mas yummy talaga siya! Pagbigyan mo na kasi ako!"
"Aw... Sila ulit!"
Ang palitan ng mga salita sa kabilang table. Nakaiinis talaga sila! Nagsama-sama pa sila sa iisang table. Nagsanib puwersa tuloy ang mga bunganga nila. 'Yong mga ibang girls dito sa canteen ay nagtitilian na rin. Ano ba ang mga problema nila? Nakaiirita na. Para silang mga kiti-kiti na ipinaglihi sa p*kpok na lamok.
Nagpatuloy lang ako sa pagsagot ng homework. Wala akong pakialam sa paligid. Nagulat ako kasi tinutulak-tulak ako ni Mary sa likod.
"Ano ba, Mary, pati ba naman ikaw?" Medyo humarap ako sa kaniya.
Alam na nga niya na nagra-rush kami ng assignments dito tapos kung anu-ano pa ang inuuna niya. Nakatingin lang siya sa pinto papasok ng cafeteria na para bang na-hipnotized siya na ewan. Gusto kong alamin kung sino kaya napatingin na rin ako roon. Humigpit ang hawak ko sa pen nang mapagtanto ko kung sino siya
Si Ali...
"Eh, ano ngayon kung siya? Big deal! Big deal?" inis kong ani.
Napakagat-labi ako nang makita ko si Mary na nakanganga habang nakatingin kay Ali. Ang sarap lang niyang kuryentehin nang matauhan na siya. Sige pa rin sila sa pagtili. 'Yong iba ay nakahandusay na yata sa floor.
"Grabe lang," naiiling kong sambit.
Hindi ko sila masisisi kung magkaganiyan sila. Guwapo rin talaga si Ali. Sikat at artista pa. Kung ibang babae lang ako ay baka nalaglag na rin ang panty ko habang nakatingin sa kaniya. Wala lang pambili ng garter ganoon? Pati panty kawawa! Maaaring naglalaway na rin ako ngayon. 'Yong tipong kinagat ako ng ulol na aso kaya nakapitan ako ng rabist tapos ang epekto nito ay paglalaway nang bonggang-bongga!
Ang kaso hindi ang katulad ni Ali ang tipo ko. Mas gusto ko 'yong mga cute, caring, sweet, gentleman at 'yong nagsasalita. 'Yong marunong mag-voice out ng nararamdaman. Hindi 'yong katulad niya na parang puppet. Magsasalita lang kapag may pinindot ka sa kaniya. Wala sa kaniya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki. Pero pagkakataon nga naman, naging asawa ko pa siya. Sa bilyong-bilyong tao sa mundo, bakit siya pa?
Huminga ako nang malalim saka ako pasimpleng tumingin sa kaniya. Napalunok ako nang mapatingin din siya sakin. Tinignan ko lang siya na parang wala lang saka rin ako nag-iwas ng tingin agad. Pake ko sa kaniya.
"Tusukin ko 'yang mga mata mo, eh!"
Lagi na lang ganito ang nangyayari kapag dumadating sila. Kasama niya ang mga kaibigan niyang sina Marco, Kevs, Drake, Jigs, Seth, at Jake. Nagsama-sama ang mga may guwapong lahi. Kaya pala ganito na lang magulantang ang buong canteen, nandito pala sila. Sila kasi ang mga faces of the Parkistane Jag International School. Ipinagmamalaki sila ng buong school dahil malalaki ang mga naiambag nila sa school na ito. Mayayaman silang lahat at matatalino pa.
Sila rin ang mga pambato ng school sa mga ball games. Back to back to back champion ang school namin at nakilala sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa. Graduating na sila next year kaya siguradong gra-graduate silang hindi pa natatalo. Nakaiinis lang dahil tinalo rin nila ang dating school ko sa Korea.
Si Ali talaga ang pinakakilala rito. Matalino talaga siya. Hindi ko pa nakalalahati ang utak niya. Napagsasabay pa niya ang pag-aaral at career niya kahit lagi siyang wala sa bahay dahil sa mga tapings nila. Naglalaban sila ni Drake sa pagiging valedictorian. Si Ali 'yong tipong kahit walang review, nakako-cope up pa rin sa mga lessons. Siya na! Basta ako, I hate him!
"Napakaguwapo talaga ni Ali baby! Best! Matagal ko na siyang pinapantasya! Mga kailan niya kaya ako mapapansin?" si Mary.
"Sa 'yo na nga siya! Ipinapamigay ko na siya sa 'yo!" nasabi ko.
"Naks naman, best! Kailan pa siya naging sa 'yo?" natatawang tanong niya. "Kunwari ka pa riyan! May pagnanasa ka rin naman sa kaniya, eh!" tukso niya sa akin.
Kung puwede ko lang sanang ipamigay sa kaniya si Ali, matagal ko na sanang ginawa. Kung alam mo lang, Mary, asawa ko na 'yang pinapantasya mo! Ang sarap lang ipalamon sa kaniya 'yong marriage certificate namin sa Munisipyo.
Kahit best friend ko si Mary ay hindi niya maaaring malaman lahat ng tungkol sa amin ni Ali. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. Nagkataon lang na sobrang sensitibo ng bagay na iyon. Malalaman din naman niya hindi lang ngayon. Sa tamang panahon.
"Can you please stop looking at him, Mary? Baka mamaya makahalata pa 'yan at sabihin pa niya na patay na patay tayo sa kaniya'' naiiritang turan ko.
"Okay lang, best, totoo naman, eh," hirit niya habang kumikinang ang mga matang nakatingin kay Ali.
"Bahala ka nga! Basta ako tatapusin ko na ito. Hindi kita pakokopyahan o tutulungan. Bahala kang maiwan dito! Sige, ipagpatuloy mo lang 'yan! Matutulungan ka ba ng Ali na 'yan kapag na-zero ka mamaya? Asa ka naman diyan," buwisit kong sabi bago ipinagpatuloy ang pagsagot.
"Ikaw naman, best! Grabe ka naman! Kasi naman si Ali, nakalalaglag panty. Ito na, sasagot na rin ako. Pero pa-copy ng number one or hanggang number ten na pala."
"Nakalalaglag panty ka riyan! Mura lang ang garter diyan sa labas. Bumili ka nga roon."
Natawa siya nang malakas. "Ikaw talaga, best! Hindi ka na nasanay sa akin!" Nainis ako nang lumingon na naman siya kina Ali. Makulit talaga!
End of Luna's POV