✓Chapter 3

3000 Words
Chapter 3 Luna's POV "Alam kong naririnig mo ako. May dala akong dessert para sa 'yo. Tikman mo ito kasi the best ang lasa. Hindi ka magsisisi. Ginawa ko ito kahapon. Hindi pa kita napasasalamatan sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo. Sorry kung napilitan kang patuluyin ako rito." Umupo ako sa sahig saka ko ibinaba ang tray na dala ko sa tabi ko. Napatitig ako sa kisame sa itaas. "Ang ganda ng bahay mo. Sana maging magkasundo tayo para sa mga magulang natin. Ayaw man natin ang isa't isa pero puwede naman tayong maging magkasundo sa ilang mga bagay. Iiwan ko itong pagkain dito. Kunin mo na lang kapag nakita mo." Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto niya. Napatayo tuloy ako agad. "I'm full. Take those trash with you," malamig niyang utos sabay turo sa tray sa sahig. Basura ang turing niya sa pagkain na pinaghirapan ko? Ako na nga 'yong nagmamalasakit sa kaniya tapos siya pa ang may ganang magalit. "Basura?" hindi makapaniwala na tanong ko. Hinila niya ako papasok sa kuwarto niya saka niya pabalibag na isinara ang pinto. "Yes, trash. Basura sa tagalog. Magtatagalog ako para maintindihan mo nang mabuti ang bawat sasabihin ko. Ayaw akong mapalapit sa 'yo. Hindi rin ako masayang nandito ka sa pamamahay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako ipinakasal sa 'yo? Mas lalong hindi ko na naman alam kung bakit kailangan nating magsama sa iisang bahay. It's sucking me!" malamig ngunit matalim niyang sabi. Naiiyak na ako pero pilit kong pinapatatag ang kalooban ko. "Ano pa?" nakangising tanong ko. "Nakalimutan mo na ba lahat ng mga kondisyon ko sa 'yo noon? Sige, ipapaalala ko." Tinitigan niya ako nang seryoso sa mga mata. "Walang dapat makaalam na kasal tayong dalawa. 'Wag na 'wag mo ring ipagsasabi sa iba na nagsasama tayo sa iisang bahay. Bahala ako sa buhay ko. Bahala ka rin sa buhay mo. May career akong inaalagaan kaya 'wag kang panira. Ayaw na ayaw ko 'yong mga taong feeling close sa akin." Maayos naman siyang kausap kanina. Bakit bigla na lang siyang nagkaganito? "Magtrabaho ka rin sa bahay ko dahil nakikinabang ka rin naman. Mag-ayos ka na. Aalis na tayo mamaya." Inirapan niya ako saka siya naglakad palabas ng kuwarto niya. Napatingin ako sa malaking picture nila ni Ate rito sa kuwarto niya. Nakasabit ito sa itaas ng headboard ng kama niya. Parang gusto na tuloy umuwi sa South Korea. Ayaw ko talagang manatili rito sa Pilipinas. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong tumulo mula sa mata ko. Umiiyak na pala ako. Ang sakit ng mga ipinamukha niya sa akin kanina. Parang ako pa ang sinisisi niya sa lahat. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan," mahinang sambit ko. Pinunasan ko ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago ako naglakad palabas ng kuwarto niya. Pagkarating ko sa kuwarto ko ay humiga ako agad sa kama ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak nang umiyak. Nag-text na lang ako kay Mary na hindi kami matutuloy sa date namin dahil may lakad ako. Nagpupumilit siyang sumama pero hindi ako pumayag. Kasama ko kasi si Ali. Napaismid ako nang makita kong tumatawag siya. Ang kulit talaga ng lahi niya! "Hello, best!" ani ko. "Best, nandito ako sa labas ng bahay n'yo ngayon kaya lumabas ka na riyan," maowtoridad niyang utos. Napatakip ako sa bibig ko sa sinabi niya. Agad akong tumakbo papunta sa bintana. Tumanaw ako sa ibaba pero wala namang tao roon. Ngayon ko lang naalala na ibang bahay pala ang tinutukoy niya. Ang alam kasi niya ay roon pa rin ako nakatira. "Best, nakaalis na ako ng bahay kaya wala kang makikitang maganda riyan kahit pumasok ka pa," palusot kong wika. "Ano?" agad naman niyang tanong. "Akala ko pa naman ay hindi ka pa nakaaalis, best. Nasaan ka ba talaga? Bakit parang walang katao-tao rito sa bahay n'yo?" "Nandito ako sa bahay ng Tita ko. Wala kasi sila Mommy kaya rito muna ako titira." Napayuko ako. Best friend ko siya pero nagawa kong magsinungaling sa kaniya. "Ganoon ba? Bakit diyan pa? Puwede ka naman doon sa bahay namin. Doon ka na lang para may kasama akong magre-review." Napakamot na lang ako. "Hindi puwede, best. Umuwi ka na sa inyo. Sa susunod na lang tayo lalabas. Promise ko 'yan sa 'yo." Sana makumbinsi ko siya. Kapag nangangako kasi ako sa kaniya ay madalas na hindi ito natutupad. Lagi ko siyang binibigo. Ang hirap na kasi ng sitwasyon ko ngayon. Hindi na ako malaya. May asawa na ako sa papel na dapat kong pakisamahan. "Huwag kang mag-promise sa susunod para hindi ako umasa." Napasimangot naman ako. "Sasama ka ba sa akin mamayang alas-singko?" Napangiti ako kasi parang masasamahan ko siya. Uuwi rin naman kami agad pagkatapos naming mag-lunch kila Tita. "Saan naman?" "Sa taping ni Ali!" kinikilig naman niyang sagot. Parang natangay naman ng ipo-ipo ang ngiti sa mga labi ko. "Tch! Siya na naman?" Sobrang idol niya talaga ang taong-yelong 'yon. Lagi ko kayang nakikita ang taong 'yon dito sa bahay. "Ayaw ko. Ikaw na lang," naiinis kong sabi. "Best! Sige na kasi!" pagpupumilit niyang sabi. "Oo na! Titingnan ko, okay?" Ano ba ang mapapala niya kay Ali? Masasaktan lang siya. Ang pangit kasi ng ugali niya. Hindi kasi nakikita ni Mary 'yon. "Yes! Thank you, best! You're the best!" tuwang-tuwa niyang bulalas. Pinaikot- ikot ko na lang ang mga mata ko. "Ano, hindi ka pa ba tapos?" Lumingon ako agad kay Ali. Halata ang pagkairita sa mukha niya. Kanina pa siguro siya naghihintay sa baba. "Best, nandiyan ka pa ba? Sino 'yong nagsalita?" sunud-sunod niyang tanong. "Mamaya na lang ulit, best." Pinatay ko na agad ang tawag. Inirapan ko si Ali saka ako naglakad palabas ng kuwarto ko. "Papunta na!" inis kong sabi. "Nanay Linda, aalis na po kami. Kayo na po ang bahala rito," paalam ko sa kaniya. "Mag-iingat kayo, mga anak!" Ngumiti lang ako sa kaniya saka ako lumabas ng bahay. Nakasunod lang sa akin si Ali. Tumingin ako sa kaniya nang masama saka ako pumasok sa kotse niya. Pabalibag kong isinara ang pinto ng kotse niya. Wala akong pakialam kahit masira pa. Lahat na lang ay perfect sa kaniya. Pati kotse niya ang guwapo! Iba na talaga kapag sikat. Pati mga luho niya ay sikat din. Koenigsegg Trevita lang naman ang model nito. Ang mahal. "Ang lakas ng loob mong ibalibag ang pinto ng kotse ko. Kapag nasira 'yan, may ipambabayad ka ba?" nang-uuyam niyang tanong. "Mayroon!" matapang ko namang sagot. "Kapag naka-graduate na ako! Hintayin mo ang araw na 'yon." Napangisi naman siya sa akin. "Kailan ka pa gra-graduate?" nang-aasar niyang tanong. "Sabihin mo 'yan kapag medyo nag-improve na ang performance mo sa school." Naikuyom ko naman ang mga kamay ko. Ang yabang niya! Alam kong matalino siya pero hindi ko alam na hambog pala ang isang ito. "Nilalait mo ba ang section namin?" hamon kong tanong sa kaniya. "Oo," malamig naman niyang sagot. Ngumisi ako sa kaniya, 'yong tipong gusto ko na siyang ihagis sa ikapitong bundok. "Dahil ba last section 'yon?" Humarap ako sa kaniya saka ako nakipagsukatan ng tingin sa malalamig niyang mga mata. "Dahil lahat ng mga panlalait ay tama lang sa inyo. Plus, you're one of them, Coco Brain Master!" nang-uuyam niyang bulong sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang sama talaga ng ugali niya. Ilalayo ko na talaga si Mary sa kaniya. Kambal kasi ang mga utak namin. Kung Coco ako, mas Coco brain na naman 'yon. "Sumosobra ka na! Hindi naman nagasgas 'yang kotse mo, ah! Ang arte mo. Akala mo naman kung sino kang guwapo! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ka guwapo!" Hiningal ako sa haba ng sinabi ko. "Ako, hindi guwapo?" maang niyang tanong. "Sobrang guwapo!" Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Napangisi naman siya. "I know," buong kumpiyansang saad niya. Natawa siya nang mahina habang umiiling siya. Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Napayuko na lang ako. Guwapo naman talaga siya. Hindi ko naman itatanggi 'yon pero secret ko lang dapat 'yon. Mas lumaki tuloy ang ulo niya. "Ang yabang," naibulong ko na lang sa sarili ko. "I heard you." Tinakpan ko agad ang bibig ko. "Bata pa lang ako, nagtatrabaho na ako." Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. "Ang mga ipon ko ang ginamit kong pambili ng kotseng ito," pagpapatuloy niyang sabi. Natahimik naman ako. Kaya pala ganoon na lang siya magalit kanina. "Eh di, wow. Sorry." paumanhin ko sa kaniya. Mas pinili ko na lang na tumingin sa labas. Nanatili kaming walang imik hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin. Nasa harapan na kami ng bahay nila Tita Gretch. Ang laki ng bahay nila, parang bahay lang namin sa South Korea. Ganito rin kasi kalaki. May malaking pool sa side. Ang bahay nila may tatlong palapag. Gold and silver ang theme nitong bahay. Parang bahay lang na ini-export mula sa Greece. Sobrang ganda! May nag-open ng malaking gate nila. Ipinasok na ni Ali 'tong sasakyan niya sa loob. Pagka-park niya rito sa garahe ay bumaba na siya agad. Hindi rin siya gentleman. Hindi man lang niya ako pinagbuksan. Ako na lang ang nagbukas para sa sarili ko. Ano pa nga ba'ng aasahan ko kay Ali? Wala lang naman. Nang nakababa na ako ay lumapit ako sa kaniya. Nakapamulsa siya habang nakatalikod tapos bigla siyang humarap sakin. Bigla niyang ibinaba ang mukha niya sa tapat ng mukha ko. Sobrang lapit tuloy niya sa akin kaya medyo napapikit ako nang to the highest level! "Act as a nice wife in front of my Mom, understand?" mahinang bulong niya, sapat lang para marinig ko. Napabukas ako ng mga mata ko. Ang bango ng hininga niya. Humahalimuyak sa bango. Bulaklak lang? "Siguro perfume ang ginagawa mong toothpaste," wala sa sariling sambit ko. Ipinilig ko ang ulo ko. "What? Are you fantasizing my breath?" nang-uuyam niya tanong. Mabilis naman akong umiling nang matauhan ako. Nakahihiya talaga! "Hindi, ah! Nako, hindi!" mariin kong tanggi. "Hindi raw?" Nag-smirked lang siya sa akin bago niya inalis ang guwapong pagmumukha niya sa harapan ko. Ano ba ang ginagawa mo sa puso ko? "If you can only see your face. You're blushing, just so you know," malamig niyang saad. Napatakip naman ako sa mga pisngi ko. "Tigilan mo nga ako!" inis kong sita sa kaniya. Natawa naman siya. 'Yong tipong nang-iinis. "Do what I said," madiin niyang sabi. Binale-wala lang niya ang inis ko sa kaniya. "Ano? Paano naman ako magpapanggap na mabuting asawa sa 'yo?" natataranta kong tanong sa kaniya nang makabawi ako sa inis. Kasi naman na-distract ako sa ginawa niya. "What else husband and wife do?" medyo malamig at iritableng tanong niya. "Ah... Alam ko na ang ibig mong sabihin. You want us to pretend as a sweet and deeply in love couple in front of your Mom. Right or left?" Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Nahiya pa siya. Hindi pa lang niya ako diretsohin. "Ayaw mo'ng sumagot? Eh di, bahala ka sa buhay mo. Magpanggap ka mag-isa mo. Total magaling ka naman." Napilitan naman siyang tumingin sa akin. "Yes, that's exactly what I mean," napipilitan niyang sabi. "Iyon lang pala, eh! 'Wag kang mag-alala, magaling naman ako pagdating diyan. Ang magpanggap na masaya kahit hindi naman." Bigla naman siyang natahimik. "Tara?" Gusto kong bumawi sa pagbalibag ko sa pinto ng kotse niya kanina kaya lumapit ako sa kaniya saka ako ngumiti nang pagkatamis-tamis. Hinawakan ko ang isang kamay niya pagkatapos ay pinagsilop ko ang aming mga kamay. "Tara na, hubby ko," nakangiting sabi ko sa kaniya. Sige magsungit ka pa, aasarin lang kita lalo! "Where?" malamig niyang tanong. Sumulyap siya sa magkahawak na mga kamay namin. Ang lambot ng kamay niya. Ito ang ikalawang beses na nahawakan ko ang kamay niya. Ang una ay noong kasal namin. "Ako sa loob. Ikaw sa labas. Bumalik ka roon. Saan pa kaya tayo pupunta?" Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero wala na siyang nagawa kaya nagpatangay na lang siya sa agos. Kailangan kasi dapat matuwa si Tita Gretch sa amin. Kailangan maramdaman niya na magkasundong-magkasundo na kami ng anak niya kasi iyon naman talaga ang gusto nila simula pa lang nang isinakal este ikinasal kami ni Ali. Para naman kapag nagkuwento siya kay Mom at Dad, at least matutuwa rin sila sa akin kahit papaano. Malalaman nilang sumusunod ako sa mga gusto nila. "Luna and Ali! Hello, love birds! How are you?" Biglang sumulpot si Tita Gretch. Lumapit siya agad sa amin. Ang lapad ng ngiti niya habang kini-kiss sa pisngi at hug kami isa-isa ni Ali. Tuwang-tuwa siya habang nakatingin sa amin. Magkahawak-kamay pa rin kami ni Ali hanggang ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. "Maayos naman po, Tita? Kayo po, kumusta?" nakangiting tanong ko kay Tita. "Luna, I don't like you to call me Tita. I'll get mad at you, sige ka... Call me Mommy. You are my son's wife now. Don't you dare to forget that and just get used to it, okay? Okay, smile!" nakangiting sabi ni Tita. Nagtampo tuloy siya. Nasanay na kasi ako sa pagtawag sa kaniya ng Tita. "You heard what my Mom said?'' Kalmadong sabat naman ni Ali. Natigilan ako nang may maramdan ako sa may balikat ko. Inakbayan niya ako. "Oh, my God! Inakbayan ako ni Ali!" hindi makapaniwala na bulalas ko. Ang lakas ng pagkakasabi ko kaya napanganga sa amin si Tita Gretch. "It's normal, Luna," nakangiting ani naman ni Tita. Natauhan naman ako agad. "Opo, normal talaga." Napayakap na lang ako sa baywang ni Ali. "Ang bango-bango kasi ng kilikili niya ngayon. Dati po kasi ay hindi kaya hindi ako nagpapaakbay sa kaniya noon," palusot ko habang tumatawa ako. "Hmmm! Ang bango-bango ng asawa ko!" masayang ani ko habang sinisinghot-singhot ko 'yong tapat ng kilikili niya. "Nice show," mahinang bulong naman sa akin ni Ali. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Kinurot ko na lang siya sa tagiliran niya para tumigil siya. Tumingin naman siya sa akin nang masama. Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. "I'm so happy to both of you. How sweet!" wika ni Tita habang nagniningning ang mga mata niyang nakatingin sa amin. Kung alam lang talaga ni Tita ang totoo. Hinding-hindi niya 'yan sasabihin. "Let's go inside?" yaya niya sa amin. Nakaupo na kami habang kumakain. Ang daming pagkain. Magkatabi kami ni Ali habang si Tita Gretch naman ay nasa harapan namin. "Ang sarap naman ng mga ito, Tita. Sino po ang nagluto?" "Ako, hija... Mabuti naman nagustuhan mo," nakangiting saad niya. "Sana turuan din n'yo po akong lutuin ang mga ito." Naalala ko na naman si Ate. Wala na ang taong laging nagtuturo sa akin na magluto ng mga masasarap na putahe. "Oo nga pala. Magaling ka ring magluto kagaya ng Ate Krisia mo. Tuturuan kita kapag dumalaw ako sa bahay n'yo," sabi niya. "Salamat, Tita. Hmm... Masarap din ito." Kumuha ako nang marami para matikman din ni Ali. "Bawal kay Ali ang chocolate, Luna," pagbibigay alam ni Tita. Nakapuwesto na kasi malapit sa plate ni Ali ang chocolate dessert na hawak ko pero hindi ko pa naman inilalagay lahat. "Hindi naman po para sa kaniya, Tita. Para po sa akin lahat ito," natatawang palusot ko. Isinegwey ko ang chocolate dessert sa plato ko. Kaya pala tinawag niyang basura ang mga chocolate muffins na binigay ko sa kaniya kanina kasi bawal pala sa kaniya. "Akala ko kasi ibibigay mo sa kaniya. Alam mo rin bang bawal 'yan sa kaniya?" Napatingin naman ako kay Ali na tahimik lang na nakikinig sa amin. Ngumiti ako nang alanganin. "Opo, Tita. Alam ko po. Mag-asawa nga po kami, 'di ba? Nagsasabihan na rin kami ng mga bawal at hindi bawal sa isa't isa," pagsisinungaling ko. Napakasinungaling ko talaga. Kung ako lang siguro si Pinokyo, baka kanina pa umabot sa garden sa labas itong ilong ko. "I'm glad to know that." Napatingin naman siya kay Ali. "Hijo, how's the house we gave to you? You like it?" nakangiting tanong niya rito. "It's fine, Mom," tipid lang na sagot niya. Grabe talaga siya makitungo sa iba. Pati sa Mommy niya ay ganito siya. "Kumusta ang two months na pagsasama n'yo? Ali, inaalagaan mo ba nang mabuti si Luna?" magiliw na tanong ni Tita sa kaniya. Napamulat naman ako nang todo sa tanong niya. Muntik na akong mabilaukan. Ano raw? "Hey, here" Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig nang makita niyang para akong nasusuka. "Drink this. Ano ba kasi ang ginagawa mo?" 'Yang anak n'yo po ay napakasungit. Noong isang gabi, pinagalitan niya ako nang bonggang-bongga. Hindi rin niya ako madalas kausapin at lagi siya sa loob ng kuwarto niya kapag walang pasok o taping. Ang mga iyan dapat ang gusto kong isumbong kay Tita kaso syempre, nice wife ako ngayon. "Maayos naman po, Tita. Si Ali ang naghahatid at sundo po sa akin sa school kapag wala si Manong. Medyo ma-effort din po siyang kasama at ang kulit-kulit niya po. Noong isang araw lang po ay ipinagluto niya ako ng special adobo, 'di ba, hubby?" nakangiti pero may halong pang-uuyam sa tono kong tanong. "Sumagot ka nang maayos kung ayaw mong batukan kita riyan," mahinang bulong ko sa sarili ko. End of Luna's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD