Chapter 7
Luna's POV
Ang sakit na kaya ng mga paa ko! Dapat natutulog na ako ngayon. Ang layo pa naman ng bahay namin.
Isa ko pang problema si Ali. Tiyak kong galit na galit na 'yon sa akin. 'Wag naman sana niyang isiping isinadya ko ang pangyayari kanina. Paano ba kasi nila ako nasundan dito? Sobrang baho ko na siguro kaya nila ako nasundan.
"Best, okay ka lang?" Wala sa sariling napatingin ako sa kanila. "Oh? Bakit ka umiiyak?" gulat niyang tanong. "Hoy! Best!"
"Naririnig kita, best. Makasigaw ka naman diyan." Pinahid ko ang mga luha ko.
"My loves? What happened?" Ipinaharap ako ni Kiro sa kaniya.
Naiyak na pala ako. "Ang sakit na kasi ng mga paa ko. Bago kasi itong mga shoes ko kaya medyo masikip. Nagasgas na yata sa bandang likod. Kalyo na naman ito. Ang hapdi kasi," humahagulgol kong paliwanag.
"Ha!" Ang OA talaga ni Kiro. "Halika, bubuhatin na kita."
"Bakit kasi kayo naririto?" naluluha kong sumbat sa kanila. "Nahihirapan tuloy ako. Ano ba kasi ang ginagawa ninyo rito?"
Na-realized ko kung gaano kahirap ang sitwasyon ko. Maliban sa mga paa ko, pati 'yon dumagdag kaya naiyak na ako. Wala man lang akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang totoo.
Lumapit sa akin si Kiro at walang imik na pinahid ang mga luha ko. "Tama na..." Lumuhod siya saka niya tinanggal ang mga sapatos ko. "Sumakay ka na sa likod ko," utos niya.
Sumunod naman ako nang walang pasubali. Naubos na ang lakas ko ngayong araw. Bitbit niya ang mga sapatos ko habang karga niya ako sa likod.
"Wala kaming planong pahirapan ka, best. Ayaw mo 'yon? May kasama kang uuwi sa inyo. Ang arte mo, ha! Ayaw mo ba kaming kasama?" inis na tanong ni Mary. Siya na ngayon ang may dala ng bag ko.
Muling namuo ang mga luha sa sulok ng mga mata ko. Umiyak lang ako nang umiyak sa likod ni Kiro.
"Hindi ninyo kasi naiintindihan," emosyonal kong hinaing. "Ang hirap kaya ng sitwasyon ko. Hindi n'yo talaga maiintindihan."
"Ang alin?" sabay naman nilang tanong.
Si Mary ay nakapamaywang habang ang ulo ni Kiro ay nakalingon sa mukha ko. Napalunok ako sa pagkakatitig sa mga mukha nila. Talagang tumigil pa sila sa paglalakad.
"Wala. Drama ko lang ito. 'Wag n'yo akong intindihin," ngiting-asong sambit ko.
End of Luna's POV
Lily's POV
Napaupo ako nang maayos nang pumasok si Kuya Ali. Ibinaba ko ang cell phone ko saka umupo sa sulok. Gumagawa kasi ako ng assignments. Ginagamit ko ang cell phone ko pang-solve. Nakita kong umupo siya sa sofa. Nakita kong parang bad trip siya. Padabog kasi siyang umupo.
"She really have a piggy back ride with that guy?" inis niyang sabi. Napakunot ng noo ako. Nagsasalita kasi siyang mag-isa. "Plus holding hands," dagdag pa niya kaya napangiti na lang ako rito. Siguro nag-me-memorize siya ng mga scripts niya. "Why do I care? I don't care. Do whatever she wants. It's her life anyway!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya. "But damn... I'm still her husband." Napabuntong-hininga siya nang malalim.
Husband? May eksena ba sila ni Kylie na mag-asawa sila? Wala kasi akong matandaan. Napansin kong wala pa si Ate Luna. Dapat nandito na 'yon ngayon. Hapon na rin kasi at saka magdidilim na sa labas.
Napangiti ako nang malapad. Posible kaya? Kinikilig tuloy ako! Mas grabe pa sa kilig na nararamdaman ko kapag kaeksena ni Kuya Ali si Kylie. Mas bagay pa rin sila ni Ate Luna kasi mag-asawa pa sila sa totoong buhay. Nakalulungkot lang kasi secret lang 'yon. Sana nag-artista rin si Ate...
"Lily!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mama. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Nakaupo ka na naman diyan!" sita niya sa akin. Napatingin naman si Kuya sa amin. Si Mama talaga!
Tumakbo ako palapit kay Kuya. "Kuya!" Napatitig naman siya sa akin sa bigla kong paglitaw sa harapan niya. "Ang galing-galing mo! Tamang-tama lang 'yong acting mo kanina. Whoa!" Pinalakpakan ko siya nang sobrang lakas.
"Lily, did you heard everything?" walang emosyong tanong niya.
"Oo, Kuya! Sobrang galing mo kahit walang director!" masayang puri ko sa kaniya. Nagpalit-pilit naman ng tingin si Mama sa amin. "Mama, 'wag ka nang magalit sa akin. Nag-re-review ako tapos biglang nag-practice ng mga linya si Kuya kaya nanahimik lang ako riyan sa gilid."
"Huwag mong inaabala ang Kuya mo, Lily. Halika na sa kusina. Magluluto pa tayo. Pasensiya ka na, Ali, sa batang iyan. Sobrang idol ka lang talaga niya." Napasimangot ako kay Mama. Hindi naman kasi mukhang galit si Kuya.
"It's fine, Nanay." Ngumiti siya nang bahagya at nagbaba ng tingin sa relo niya.
"Kuya, bakit wala pa si Ate Luna? Gabi na kasi."
"Oo nga pala, hijo. Bakit wala pa siya? 'Di ba nagsasabay naman kayong umuuwi tuwing hapon? Hindi ba kayo nagsabay ngayon?" tanong ni Mama sa kaniya.
Nanatili lang siyang walang imik nang ilang sandali. "I don't know. She's old. She can take care of herself."
Napasimangot ako sa naging tugon niya.
Alam ko naman ang set-up nila. Ipinaliwanag sa akin ni Mama lahat. Mag-asawa sila kahit mga bata pa sila. Hindi naman kami nababahala ni Mama sa kanila dahil hindi naman daw nila mahal ang isa't isa. Ang kaso, gusto ko silang magkatuluyan. Mabait kasi si Ate Luna sa amin ni Mama. Sila ang bagay ni Kuya Ali. Para ko na rin silang kapatid na dalawa. Sana dumating ang panahong matutunan nilang mahalin ang isa't isa.
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang may marinig akong umandar na sasakyan.
"Ingat ka, anak. Iuwi mo agad si Luna kapag nakita mo siya!" Ang narinig kong bilin ni Mama.
Aalis si Kuya? Napangiti ako nang makahulugan. Hahanapin niya si Ate Luna. Hayon naman pala! Concern din naman pala sa asawa!
End of Lily's POV
Luna's POV
Napangiti ako nang makarating na ako sa tapat ng bahay ni Ali. Padabog ako umupo sa semento rito sa gilid ng kalsada. Napagod ako sa paglalakad. Pagkahatid kasi nila sa akin, tumambay pa ako sa bahay ng 30 minutes. Pinakain ko pa kasi si Mary at Kiro bago sila umuwi. Wala naman akong choice kung hindi ang hintayin sila.
Naiiyak na naman ako dahil sa pagod. Yumuko ako at ipinatong ang ulo sa mga tuhod ko. Gusto kong munang magpahinga. Iniangat ko ang ulo ko nang may marinig akong ugong ng sasakyan. Nakasimangot akong tumayo. Binubusinahan kasi niya ako.
"Sige po, dumaan na po kayo," mahinang sabi ko.
Natigilan ako nang itinigil niya ang makina. Nagulat pa ako nang bumaba si Ali mula sa loob ng sasakyan. Ang lamig lang ng titig niya sa akin.
"Where have you been?" madiin niyang tanong.
Alanganin akong natawa at napakamot sa ulo. "Ikaw pala, Ali... Hindi ko nakilala 'yang sasakyan mo. Sorry." Pagod na kasi ang katawan at utak ko para mag-isip. May dalawa nga pala siyang sasakyan.
"I asked, where have you been?" ulit niya.
Bakit parang galit siya? Dati naman wala siyang pakialam kahit saang lupalop pa ako magpunta.
"Sa bahay lang," nakangiting sagot ko.
"With him?" Galit na talaga siya.
Nagagalit ba siya kasi hindi siya nakasama? Dapat sila ni Kiro ang magkasama kanina at hindi kami.
"Oo." Totoo naman kasi na kasama ko si Kiro kanina. "Kasama ko-"
"Stop," putol niya sa sinasabi ko. "Why don't you ask him to marry you." Natigilan ako sa sinabi niya. Handa siyang ipaubaya si Kiro sa akin? Ganoon niya kagustong pagtakpan ang feelings niya sa kaibigan ko? "Just to lessen my burdens." Parang nanikip bigla 'tong dibdib ko sa sumunod niyang sinabi.
Ngumiti lang ako nang pilit sa kaniya. "Ali... Bukas mo na lang ako pagalitan." Nangangatog na 'tong ang mga tuhod ko. Sumasakit din itong mga gasgas ko sa mga paa. Pakiramdam ko rin ang lagkit-lagkit ko na. Naka-uniform pa pala ako.
"You're too young to flirt." Mas natameme na naman ako ngayon.
Huminga ako nang malalim. Pagod ako tapos iyon pa ang maririnig ko mula sa kaniya. Naiiyak ako na ewan. Masakit masabihan ng malandi kasi hindi naman ako ganoong babae.
"Ano ba ang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawang masama, ah." Shunga talaga siya. Hindi naman ako nagtutungo sa mga bars. Hindi rin ako p*kpok o kiti-kiti.
"Gusto mo talaga akong ipahamak?" galit niyang bulyaw sa akin. Kapag nag-tagalog si Ali, ibig sabihin galit na siya, most of the time.
"Ali, 'wag kang sumigaw riyan. Nakahihiya sa mga kapitbahay." Lumapit ako sa kaniya at hinila siya sa gilid. Nasa gitna kasi kami ng daanan dito sa gilid ng kalsada. Mahirap na, baka mabundol pa kami ng mga palaka.
Ipiniksi niya ang mga kamay ko. Wow! Drama lang ang peg! Hindi lang pala siya taong-yelo, taong-apoy rin pala. Natutuwa ako kahit papaano kasi imagine, marunong din pala siyang magalit nang todo.
"Malinis ang kamay ko. Nandidiri ka naman masyado."
"Pinapunta mo ang mga kaibigan mo rito kanina. Tama ba? Ang lakas naman ng loob. Hindi pa ba malinaw ang mga kasunduan natin noon?" Napangiti ako nang matamlay. Inaasahan ko na ito. "Ang simple, 'di ba? Ganiyan ba talaga kahina iyang utak mo para makalimutan mo? Walang puwedeng makaalam na naninirahan tayo sa iisang bahay!"
"Isinigaw mo pa?" agap ko naman. "Nalaman na ng mga kapitbahay natin. Bunganga mo, Ali!" sita ko sa kaniya. Sa totoo lang ay naiiyak na ako pinipigilan ko lang.
"Kindly think first before doing any moves. Muntik na kanina. Kung gusto mong magdala ng mga kaibigan mo, lumayas ka sa bahay ko." Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Makipag-date ka sa ibang lugar. Not in front of my house!" mahina ngunit naniningkit ang mga at madiing sermon sa akin.
Napasinghot ako. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Hindi ko alam na nasundan nila ako kanina... Nagulat na lang ako noong nariyan na pala sila. Ginawan ko naman ng paraan, 'di ba?" Yumuko ako.
"I should be the one who is crying not you," malamig niyang saad.
Napilitan akong tumigil sa pag-iyak. "Oh, umiyak ka na. Tumigil na ako." Hinihintay ko siyang umiyak pero hindi naman niya ginawa. "Ako na ulit. Ang tagal mo kasi." Umiyak ulit ako nang wagas.
"Stop crying will you?" inis niyang utos.
"Pasensiya na. Hindi ko mapigilan, eh. Sorry talaga..." Yumuko akong muli para itago ang haggard kong mukha. Ang linis kasing tao ni Ali. Lagi siyang fresh kahit katatapos pa niyang mag-jogging. Nakahihiya tuloy sa kaniya. "Umuwi ako ng bahay kanina. Hindi ako nakipag-date kay Kiro. Kasama namin si Mary. Umuwi ako roon kaysa naman magtuloy-tuloy ako rito sa bahay mo. Ayaw ko namang magalit ka sakin. Alam ko naman ang usapan natin, eh... Hindi ko 'yon kinakalimutan."
"Stop explaining. I'm not asking you." masungit niyang pigil kaya sumunod na lang ako.
Biglang may lumitaw na panyo sa ibaba. Nakayuko pa rin kasi ako. Kulay-pink pa ito kaya imposible namang kay Ali ito. Minumulto na naman yata ako? Multong na kikay. Nakakikilabot. Baklang multo rin siguro ito? 'Wag naman sana!
"Take this then wipe your tears."
Nag-angat ako ng mukha. Nakita kong bumalik na naman sa dating blangko ang mukha niya. Ibig sabihin ay medyo nasa normal level na siya.
"Why are you smiling?" seryosong tanong niya.
"Akala ko kasi multo 'yong nag-abot ng panyo. Ikaw pala. Salamat." Inabot ko ito at ipinampunas sa ilong ko.
"Did you walk from your house to here?"
Umupo na ko rito sa carpet grasses. Nangangalay na kasi talaga ako. "Oo. Ayaw ko ang mag-taxi. Natatakot kasi ako. Ang bilin kasi ni Mama, huwag akong sasakay kapag mag-isa ko lang." Napangiti ako nang umupo siya sa tabi ko. "Tara na sa loob, Ali. Sorry, kauupo mo pa lang pero okay lang naman kung dito ka muna. Mayroon ka namang bantay." Tumayo na ako.
"Huh? Bantay?"
Ngumisi ako sa kaniya at sinabing, "Oo, Ali. Ayon oh!" Inginuso ko 'yong palaka sa malayo. Natuwa ako kasi ang taba-taba niyang frog. Umiling siya at muli akong tiningnan. Hindi niya type si Mr. Frog. "Good night, Ali."
Naglakad ako papasok ng gate habang inaakay ko ang mga paa ko. Mas lalo pang sumakit ang mga ito. Naiiyak na naman tuloy ako.
Nagulat ako dahil biglang may kumarga sa akin. Pinangko ako ni Ali sa hindi ko alam na dahilan. Nakatitig lang ako sa mukha niyang seryoso habang nakatingin sa harapan namin. Nagising ako nang dahan-dahan niya akong ibaba sa sofa. Yumuko siya saka niya hinawakan ang isa kong paa. Sinuri niya ito nang maigi pati ang isa ko pang paa. Nagasgas kasi ang bandang likod ng mga ito.
"What happened?" malamig niyang tanong
"Kasalanan ng mga bago kong shoes. Ang layo kasi ng nilakad ko kaya nasugat," paliwanag ko.
Tumayo siya at naglakad papasok sa kuwarto namin dito sa ibaba. Iyon ang kuwarto namin sana bilang mag-asawa pero naging bodega dahil hiwalay ang mga kuwarto namin na nasa second floor.
Pagbalik niya ay yumuko ulit siya saka niya ginamot isa- isa ang mga ito. Nanonood lang ako sa ginagawa siya. Mabait din pala siya...
Nag-iwas ako ng tingin nang mag-angat siya ng mukha. "Okay na..." Tumayo na siya at naglakad paalis.
"Ali," tawag ko sa kaniya at nang lumingon siya ay sinabing, "Thank you. Thank you nang marami." Napangiti ako sa band-aid na may drawing pang penguin. Ang cute naman ng inilagay niya.
"Next time, wear boots. Kawawa ang mga sapatos sa iyo." Baliktad naman siya. Ako kaya ang biktima.
"Bawal gawing sapatos si Boots kasi magagalit si Dora," inosenteng ani ko. Napailing lang siya. "Ali, may..." Nahihiya naman akong itanong 'yon sa kaniya.
"What?" untag niya sa akin.
"Ano k-kase m-may... 'Wag na pala." Binabawi ko na ang lahat. Maling itanong ko iyon.
"I said, what is it?" Napaitlag ako kasi ang seryoso ng pagkakatanong niya.
"Ano... May band-aid ka bang rat ang drawing... 'Yong daga na black? Gusto ko kasi 'yon. Pahingi... Ipantatapal ko lang dito sa mga sugat ko bukas sana..."
Nakita kong ngumiti siya saka mahinang tumawa. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at tumawa nang totoo. Kakaiba ang hatid nito sa akin.
"Alam mo, Ali, ang guwapo mo 'pag nakangiti," wala sa sariling sinabi ko. Napatitig naman siya sa akin bigla.
Itong puso ko, nililindol...
Ngisi lang ang isinukli niya Nagtuloy-tuloy na siya sa pag-akyat sa hagdanan.
Kinaumagahan ay halos magkasunod kaming nagising ni Ali. Pagkatapos naming gumayak ay magkasunod din kaming kaming naupo rito sa may sofa sa sala.
"Wala pa siya, hija?" tanong sa akin ni Nanay Linda makalipas ang mahabang sandali.
"Wala pa po, Nanay. Mukhang hindi na siya darating baka ma-late na kami ni Ali," nakasimangot kong sagot.
Ang tagal na kasi naming nakatambay ni Ali rito sa sala. Hinihintay namin si Manong driver. Hindi ko alam kung nasaan na si Manong ngayon. Ngayon lang nangyari ang ganitong pangyayari. Mabuti pa si Lily nakapasok na sa school nila. Malapit lang kasi sa village ang school nila.
"Nako naman si Joseph! Hindi pa ba nag-re-reply, mga anak?" nag-aalalang tanong ulit niya sa amin.
Umiling ako sabay tingin kay Ali na abala lang sa ipad niya. Nag-aalala ako kasi may quiz kami mamaya. Hindi pa ako naka-review kaya sobrang nababahala ako. Alam kong hindi pa rin ako makakukuha nang mataas kahit mag-review pa ako pero kahit na! Importanteng may maikarga ako sa utak ko kahit kaunti lang. Sayang din ang one point kapag pinakawalan ko pa 'yon.
"Ali, paano na ang kinabukasan natin?" naiiyak kong tanong sa kaniya. "Wala pa si Manong! Paano na ang buhay natin nito." Napaismid ako nang titigan niya ako nang walang halong emosyon. "Wala ka bang masasabi riyan? Okay ka ba riyan?" Ginaya ko ang boses ng endorser ng yakult. Isinukbil niya ang pack bag niya sa mga balikat niya at tumayo nang walang sabi-sabi. Dahil gaya-gaya ako, tumayo na rin ako. "Ano ang susunod mong gagawin, Ali? Gagayahin ko lang naman..."
"Aalis na ako, Nanay," paalam niya. Napasimangot ako kasi hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
"Nanay, aalis na rin po ako. Maglalakad na lang kami ni Ali total medyo maaga pa naman," ngiting-asong ani ko.
"Ha? Sigurado ba kayo, mga anak? Baka kung mapaano pa kayo sa daan..." Hinarang niya kami pero nakalusot si Ali kaya naiwan ako rito sa loob ng bahay. "Luna, 'wag ka na lang pumasok ngayong umaga. Ako ang bahalang magpapa-excuse sa iyo sa mga teachers mo o 'di kaya sa principal n'yo pa."
Napakamot na lang ako habang nakatanaw pa rin kay Ali na ngayon ay nasa labas na ng gate. "Nanay, mas mahal mo na ba ngayon si Ali? Bakit siya pinayagan mo?" pagmamaktol ko.
"Mahal ko kayong pareho. Si Ali ay lalaki kaya walang mangyayaring masama sa kaniya at saka kabisado niya ang mga daan dahil matagal na siya rito. Ikaw babae ka at dalawang buwan ka pa lang dito. Mahirap na, baka mawala ka pa. Maraming nagkalat na mga addicts diyan," mahabang katwiran naman niya.
"Nanay... Addict din naman ako." Kinindatan ko siya. "Addict sa pagkain," biro ko sa kaniya. Hindi man lang siya natawa sa joke ko. "Nanay, sige na po kasi. Ayaw ko po'ng mag-absent ngayon. Pagagalitan ako ni Mama," makaawa ko. "Ang sabi niya noon dapat complete attendance ako sa klase. Kahit iyon na lang daw ang magawa ko."
End of Luna's POV