✓Chapter 2

3000 Words
Chapter 2 Luna's POV Paano na kaya kapag tinutukan na siya ng baril, ganiyan pa rin kaya siya magsalita? "Yes, of course" biglang sagot niya.  Napanganga naman ako dahil bigla siyang sumagot. Mind reader ba siya? "Yes, I am," sagot ulit niya. Napatakip ako sa bibigq kasabay nito ang paglaki ng mga mata ko. Creepy Ali! "Tch! Monkey brain"  Totoo ngang may pagka-abnormal siya. 'Yon din ang sabi sa akin ng Mommy niya rati.  "Mom is going to meet us tomorrow. Try your best to behave," seryosong ani niya. Bago pa ako makasagot ay tumalikod na siya at umakyat patungo sa kuwarto niya sa itaas. "Wait, Ali!" pahabol na sigaw ko kaso hindi siya lumingon sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat. Bingi ba siya o sinasadya lang niya? "Puwede bang sa ibang araw na lang? Pakisabi kay Tita. May date kasi ako bukas, eh!" pahabol na sigaw ko sa kaniya.  Nasa stair pa lang naman kasi siya at hindi pa gaanong nakalalayo. Hindi naman talaga as in date ang pupuntahan ko bukas. Friendly date lang kasama si Mary. Lumingon siya sa akin. "I am your date tomorrow. Mom will going to understand," kalmado ngunit madiin na sabi niya bago siya tumalikod at nagtungo sa room niya. I was left hanging. Ano raw? Siya raw ang ka-date ko? Hanggang sa makarating ako rito sa kuwarto ko ay taglay ko pa rin ang huling sinabi ni Ali kanina. I woke up early to prepare food. It's five o'clock in the morning. I love eating but I don't gain fats even if I eat all the foods inside the fridge. I just don't know why. Ate taught me how to cook. I miss her so bad. I prepared special adobo, scrambled egg and bacon for our breakfast. Yes, our, me and Ali. We are living under one roof. He owns this house. It was his special gift from his parents when he turned eighteen. My twin sister who was one minute older than me died five years ago. My mom suffered from severe depression because of what happened to her. Until to the point that she was confined and had to undergo several therapies. Krisia died because of traumatic heart disease. I love her and I miss her so much. When we were in Korea we used to laugh, travel and eat a lot of sushi together. She's also my best friend. Her name is Krisia Claudette Yui Laurent. She was so pretty just like me, jolly, easy going lucky and a genius unlike me. I do excel but not as excellent as her. She's my twin sister anyway. I am always proud of her. We moved here to the Philippines to continue my studies and to help my mom recover from the dark past. I took my exam from one of the most prestigious high schools in the country and sad to say, I passed. I reviewed it well while I'm still in Korea just to make my Mom and Dad proud. I wanted to show them that even though Krisia left us early, I'm still here for them. For long years of staying here in the country, I was taught to speak Tagalog fluently. As I learned, I preferred to speak Tagalog more often rather than speaking Korean. I am now married to Yeovil Ali Voglianco. The hottest, cold, independent and superstar heartthrob on our campus. We are married for good and the whole world doesn't need to know. This will be revealed until we reach our legal ages. For now, we just need to keep it a secret. I am now seventeen years old and he's only eighteen. The truth is, I'm not his real fiancé back then, but Krisia is, my twin sister. Yes, they are not born yet in this world but they are fixed to love each other someday. Ali's Mom and my Mom are best friends, the same with his Dad and my Dad. There was a deal between our parents. The deal was a friendship deal to keep their closeness and friendship. And it was sealed through engaging their firstborn child if one is a boy and the other one is a girl. We are twins and Ate Krisia happened to come out first. Mom and Dad considered her as their firstborn child but my twin sister died. That is why I was used as her replacement to continue our traditional way when it comes to marriage. I don't have a choice but I am willing to do everything for the sake of my Mom and Dad as I said earlier. If this is the other way to make them happy then be it! Business purposes are also included. They want to ensure our future since our parents have been sharing the same company. They are partners from the start. We have been married for four years. I was thirteen years old back then and he was just fourteen. We just signed a marriage contract and then nothing special happened. Our marriage is legal because our parents paid a lot of money for it. I hate the idea but I don't intend to interfere with their business. For four years after the signing of the marriage contract, I stayed with my Mom and Dad because I'm still young. Four years are already consumed. We need to live together. I was seventeen years old when we met again. That was the time for us to live together since Ali reached his legal age and I am about to reach my legal age. I hate him and he hates me. MU po kami or PN, parehas ng nararamdaman or mutual understanding. Kaya hindi ako natatakot sa kaniya kasi wala naman akong nararamdaman sa kaniya.  "Yuck!" nasabi ko sa sarili. I hate that idea. Wala rin siyang nararamdaman sa akin. "All right! Rock and roll to the world," I murmured to myself. "What are you doing?"  Anak ng tipaklong! Nagulat ako kay Ali dahil bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Nakayuko kasi ako habang naglalagay ng mga plates sa table. Napaupo tuloy ako sa sahig. "What now?" untag niyang tanong sa akin. "Pinupulot ko lang 'tong puso ko! Ginulat mo kasi ako!" Nag-angat ako ng mukha para makita siya. Napalunok ako sabay tayo nang dahan-dahan. Napakurap ako sa pagkakatitig sa mukha niya. He looks so hot with his messy hair and his eyes na medyo inaantok pa. He is wearing a long white t-shirt paired with black short. Ang yummy niya! my mind shouted at me. What yummy? Stop it, brainy! "Oh, sige, naglalaba! Kita mong may hawak akong sandok at nakasuot ng apron, 'di ba?" medyo natataranta at natatawang sagot ko. "Tch!" Nakatingin lang siya sakin. Iyan na naman siya sa tch niya! Bakit hindi na lang naging Tch ang pangalan niya? "Because Yeovil Ali is better, monkey brain!" pa-cool niyang ani bago linagok 'yong tubig sa baso na hawak niya. Ano'ng klaseng utak ang mayroon siya? Mama, mind reader po ang naging asawa ko! Napasapo na lang ako sa noo ko. "Ibang klase," mahinang sambit ko. "Why not let Manang do the works?" ang tanong niya habang nakatingin pa rin sa 'kin. May mga kasama naman talaga kami sa bahay. Si Manang Linda na tagaluto at tagapamahala sa bahay. Kasama rin niya si Lily, ang nag-iisa niyang anak. Si Manong Cardo naman ang hardinero namin. Si Kuya Joseph naman ang driver namin pero hindi lagi rito sa bahay kasi umuuwi-uwi rin siya sa asawa at mga anak niya. Pumupunta lang siya rito nang maaga para ihatid kami ni Ali sa school at sinusundo naman kami tuwing hapon. "Kasi gusto ko! Bakit bawal ba? I miss cooking." Yumuko ako kaunti para ilagay ang mga kutsara sa mga plates. Naaalala ko kasi ang kapatid ko. Baka mapansin pa niyang malungkot ako kaya kailangan yumuko para itago ang mukha ko. "What now?" bigla ulit niyang tanong sa akin. "Ha? Ano ka ba? Ang easy kaya magluto! Lagi ko kayang ginagawa 'to noong nasa South Korea pa ako," nakangiting sabi ko. "Baka isipin mong nagfe-feeling wife ako sa 'yo, ah! Because I'm not!" natatawang kong wika. "You are my real wife anyway," seryosong sabi naman niya sa 'kin habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok na lang ako. Para akong pinagpapawisan ng malapot nito. Hindi ko alam kung ano'ng gusto niyang iparating. Kung nang-uuyam ba siya o ano? Bumilis bigla itong t***k ng puso ko. Parang kabayo na nakikipag-unahan sa karera. Ang tangang puso! Nag-a-assume agad! Tumigil ka nga! 'Wag pala baka mamatay ako. Ngayon ko lang kasi narinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. You're my real wife anyway... "All right!" wala sa sariling sambit ko para bale-walain ang nararamdaman ko. "Ay! Nako po, Ma'am! Good morning po, Ma'am at Sir! Ako na po riyan. Umupo na po kayo. Lily, ilabas mo 'yong mga baso riyan sa cabinet, 'yong kulay blue." Natigilan ako nang magsalita si Manang. Napatingin kaming sabay ni Ali sa gawi niya. Nag-nod lang si Ali sa kaniya. Ako naman ay ngumiti lang nang malapad. Umagang-umaga ay nagsusungit na naman siya! Akala mo naman kung sinong nireregla! Hindi naman siya babae. "Manang, tawagin n'yo na lang po ako sa pangalan ko. Luna na lang po,"  masayang suhestiyon ko sa kaniya. "Nako, Ma'am! Hindi po puwede 'yan baka may magalit," nahihiyang apela naman niya. "Sino? Si Ali?" kunot ang noo kong tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay dahil binanggit ko ang pangalan niya. "Mabait po siya hindi lang po halata! Mabait kapag tulog." Natawa ako nang malakas. Napayuko naman si Manang na parang natatawa na rin. "Sa totoo lang po, ayaw ko po kayong tawaging Manang kasi hindi ka po mukhang ate. Mukha ka pong Nanay kasi kayo ang nag-aalaga sa amin ni Ali. Huwag n'yo po akong ituring na amo. Isipin n'yo na lang po na anak n'yo ako... Pamilya tayo rito. Mula ngayon ay Nanay na po ang itatawag ko sa inyo sa ayaw man o sa gusto n'yo. Nanay Linda. Oh, 'di ba? Perfect!" Napangiti naman si Nanay Linda sa akin. "Kayo po ang bahala, Ma'am." "Luna na lang po, Nanay Linda. 'Wag n'yo na rin akong i-po. Mas matanda kaya kayo sa akin," naka-pout kong ani. "Ah, Luna. Anak, pasensiya na kayo. Hindi ko naman akalaing ganitong oras n'yo pala gustong kumain. Pasensi..." Pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin kasi feeling ko ay maiihi na si Nanay sa kaba. "Nanay, okay lang po. Kaya ko naman. Gusto ko rin talagang magluto paminsan-minsan kaya 'wag ka pong kabahan diyan. Relax lang. Inhale and exhale," natatawang sabi ko sa kaniya. "Kasi naman... Iyan naman talaga ang trabaho namin dito. Sorry po, Sir. Sorry, Luna," kinakabahan na paumanhin ni Nanay. Naaawa tuloy ako sa kaniya. "Just call me, Ali. Ali na lang po."  Natigilan ako sa tinuran niya. Napangiti tuloy ako sa kaniya nang malapad. Nag-iwas naman agad siya ng tingin sa akin. "What are you looking at? Don't look at me like that, Luna!" sita niya sa akin. Natawa ako nang mahina. "Wala." Nag-iwas din ako ng tingin sa kaniya. "Nanay, tama na 'yan. Kumain na lang tayo baka lumamig pa 'tong mga niluto ko. Nanay, pakitawag na lang si Lily pati si Manong." "Sige lang, mga anak. Mauna na kayo. Susunod na lang po kami pagkatapos n'yo po," nahihiyang sagot naman niya. "Ha? Hindi, Nanay. Ang gusto namin ay sumabay kayo sa 'min. 'Di ba, Ali? Sasabay sila sa atin, 'di ba?" Nakatingin ako sa kaniya habang ipinapakita ko 'tong malaking ngiti ko. "Just follow what she wants, Nanay," pormal niyang sabi. Umupo na rin siya at nag-umpisang kumain. "Nanay?" nagkatinginan kaming dalawa ni Nanay Linda. Tinawag niyang Nanay si Nanay Linda? Tama ba ang narinig ko? "Why? Are you just the one who has the right to call her Nanay?" nang-uuyam niyang tanong. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya sinapak sa tagiliran niya. "Walang problema. Bakit ba ang sungit mo? See? Mabait na rin siya kahit gising. Kainan na!" tuwang-tuwa kong anunsiyo. Habang kumakain ako ay napatitingin ako kay Ali. Simula noong lumipat ako rito sa bahay niya ay hindi talaga namin siya nakasasabay kumain kasi lagi siyang wala rito sa bahay. Kami na ang may kasamang artista sa loob ng bahay. Siguro ay nakaluwag-luwag na siya sa oras kaya madalas na siya rito sa bahay. Ang cool pala niyang kumain. Parang pati 'yong mga pagkain sa plato niya ay kaaway niya. Ganito talaga siguro siya. Ipinilig ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ko siya. "What?" Nagulat ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin para tingnan ako. Ang sama ng tingin niya. "Ha? Wala! Wala! Gusto mo pa?" natatawang tanong ko na lang sa kaniya para itago ang nararamdaman kong hiya. Awkward kasi ang dating. Sa loob-loob ko ay nahihiya na ako. Kung puwede lang na bumuka 'yong lupa ay magpapalamon na ako. Magvo-volunteer pa akong magpakain, eh! "Tch" mahinang sambit niya. Napangiti naman sina Manong. 'Yong tipong nanunukso. Tumigil nga kayo sa ngiting-aso na 'yan! "Kuya Ali, puwede po ba akong magpa-autograph sa 'yo?" nakangiting tanong ni Lily sa kaniya. "Sure," tipid naman niyang pagpayag. "Give it to me anytime you want," dagdag niya pang sabi rito. "Congratulations, Kuya. Sobrang inaabangan ko na ang bagong movie mo," tuwang-tuwang wika ni Lily. Napakamot na lang ako dahil sa mga pinag-uusapan nila. "Anong movie 'yon?" singit kong tanong. "Hija, ang asawa mo ay isang magaling na actor. Hindi pa tapos ang movie na 'yon. Sisimulan pa lang nila," paliwanag naman ni Manong. Iyon siguro 'yong gagawin nila dapat sa Dubai. "Ganoon po ba? Congrats, Ali!" nakangiting bati ko sa kaniya. Nag-nod lang siya sa akin. Wala talaga akong hilig sa mga movies. Mas mahilig ako sa mga dramas. Hindi kasi ako nabibitin. Wala pa akong napanonood na movie niya o 'di kaya ay TV shows na pinagbibidahan niya. Galing kasi ako sa South Korea kaya mga korean dramas ang nakahiligan ko. Ang alam ko lang ay isa siyang actor dito sa Pilipinas. Nakikita ko na rin siya sa mga magazines, TV at billboards sa South Korea. Sikat din kasi siya roon. Wala lang talaga akong interes sa kaniya dahil sa mga pinakita niya sa akin noong mga bata pa lang kami. Sino'ng mag-aakala na ang sobrang tahimik na katulad niya ay naging isang successful na actor? Magulo ang buhay sa Showbiz kung tutuusin. "Hijo, maaga ka yatang nagising, ah. Nakatutuwa naman. Siguro ay dahil mayroon na si Luna rito," biglang sabi ni Nanay habang nangingiting nakatingin sa amin. Namula ako sa sinabi niya. Ano bang joke 'yon? Ibig bang sabihin, laging late nagigising si Ali noong wala pa ako rito? "Nanay Linda..." biglang sabi ni Ali. He just look at us blankly. Halatang naiirita siya. Nakatutuwa 'yong itsura niya. Effortless! Medyo hindi siya mapakali sa sinabi ni Nanay. "I'll go first." Tumayo siya at umakyat patungo sa room niya. Ano 'yon? Matutulog siya ulit? "Hindi ka pa tapos kumain!" malakas kong sabi sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Sabagay, next month pa naka-schedule ang na cancelled na shoot nila sa Dubai. Paano ko nalaman? Nag-text sa akin ang Mommy niya kagabi bago ako matulog. Pupuntahan pala namin mamaya ang Mommy niya kasi Saturday naman, walang pasok. Sobrang close kami ni Tita Gretch. Ali doesn't have a sister. May kapatid siyang lalaki. Siya si Gino, mas bata sa kaniya ng eleven years kaya may little brother siya. Nakaiinggit siya! Hindi nagkaroon ng babaeng anak si Tita kaya sobrang sabik siya sa mga babaeng anak ng iba. Ako na 'yong naging anak-anakan na babae ni Tita Gretch kasi nasa South Korea pa lang kami ay malapit na siya sa amin ni Ate Krisia. Lagi niya kaming binibilhan ng kung anu-ano tapos inuuwi pa niya ako lagi sa kanila kaya medyo nakalalaro ko rin si Ali noon. Suplado talaga siya simula pagkabata. Kapag naglalaro kasi kami noon ay nagbabasa lang ng mga books ang ginagawa niya. Hindi nga niya ako kinakausap. Ako lang 'yong maingay lagi kaya lagi siyang naiinis. Ako ay madaldal, siya naman ay sobrang tahimik. Hindi ko na siya nakita sa loob ng limang taon dahil nag-aral na siya sa London. Si Ate lang kasi ang madalas isama sa mga business trips nina Mom and Dad noon kaya kapag nagkataong sa London ang punta nila ay sina Ate at Ali ang madalas nagkikita, nagkakasama at nagkakalaro. Kinakausap siya ni Ali nang matino samantalang ako ay hindi. Siguro dahil pareho sila ng mga hilig. Pareho kasi silang matalino kaya siguro kung buhay pa si Ate ay bagay na bagay sila. My sister likes him so much. Napatunayan ko iyon dahil sa mga kuwento niya sa akin kapag umuuwi siya sa South Korea. Sobrang masaya siya. Halos puro tungkol kay Ali lang ang mga baon niyang kuwento. I'm really happy for her back then. I prefer to see her smiling than seeing her in pain every time she is having a heart attack. When I got home here in the country, Tita Gretch was always in our house to see me. Nalungkot din talaga siya noong mamatay si Ate Krisia. I treat her as my second Mom and even if Ali is not in our way, I will still do. "Nagalit yata siya sa akin, hija..." nahihiyang ani Nanay. "Huwag n'yo po siyang alalahanin. Alam ko na ang ugali niya." Ngumiti ako sa kanila. "Kumain lang po kayo nang marami. Titingnan ko lang po siya." Umakyat ako patungo sa kuwarto niya para sundan at kumustahin. "Ali," malakas kong tawag sa kaniya.  Sinubukan kong buksan ang pinto niya pero naka-lock ito. End of Luna's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD