Pagkadating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumuloy kaagad ako sa loob ng banyo. Tiningnan ko mula sa salamin ang sarili kong repleksyon.. Ang magulo kong buhok, ang nangingitim kong mga mata dahil sa kakaiyak at ang ilan sa mga galos na natamo ko mula sa nangyari. Napayuko ako at biglang tumulo na lang ang mga luha sa mata ko. Akala ko ay katapusan na namin iyon. Nakaligtas nga kami ngunit nagsakripisyo naman si Eliezer para mailigtas kaming lahat. At katulad ng natamo niya ay nasa recovery room pa rin siya nagpapahinga. Sana ay tuluyan na siyang lumakas at bumalik sa dati. Tumitig akong muli sa salamin at pinunasan ko ang luha doon saka ako mapait na ngumiti. Dapat ay thankful pa rin ako dahil nakaligtas kaming lahat. Dumiretso ako sa shower
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books