"Help! Help! Is anybody there?" Tarantang sigaw ko habang inaalalayan si Eliezer na makatayo. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko kung mawawala siya. Marami na rin na dugo ang nawawala sa kanya. Pansin ko na rin ang pamumutla ng kanyang labi. "Eliezer,.. please hold on!" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ko iyon. Ayokong umiyak, pero hindi ko maiwasan na mangilid ang luha sa mata ko. Naglalakad kami palabas ng bahay na iyon nang bigla kaming may marinig na mga yapag paparating sa direksyon namin. "Halughugin ang lugar, baka makita natin ang mga hostage." Utos ng isang leader. Nagsitakbuhan naman ang mga tauhan nito para hanapin kami. Tumigil kami sandali at nagtago ss likod ng pader. Kinabahan ako lalo, dahil paano kami lalaban gayung wala kaming armas, at si Eliez