Chapter 8

2171 Words
Inayos ni Violet ang mga bulaklak na bigay sa kanya ni Vaughn at tuwing naaalala niya ang itsura ng lalaki kanina ay napapangiti siya. Kinuha niya ang bulaklak dahil gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito. Pero base sa mga galaw nito ay pansin ang gulat sa kanyang mukha. Pero ang mas kinagulat niya ay nang malaman niya na may naghahanap daw sa kanya na lalaki kaninang mga tanghali. Sinabi ni Laura sa kanya na nakita niyang dumiretso ang lalaki sa parking lot at marami ang nagsasabi na kanina pa ang sasakyan na iyon doon. Marami ang nag-alala dahil ang akala raw nila ay may patay nang tao sa loob kaya kinailangan niyang tignan ito. Pero agad niyang nakita si Vaughn sa loob na mahimbing na natutulog kaya naman agad na niya itong nagising. Ayaw niyang mag-assume pero base sa kanyang nakita kanina ay mukhang hinintay nga siya ng binata kanina pa. Kung sakali ngang gano’n ay bilib na siya sa tibay nito ng loob. Ayaw niyang tumanggap ng bagong relasyon dahil ayaw na niyang mangyari iyong sa kanila ni Jake. Pero sa nakita niya kanina sa ginawa ni Vaughn ay naisip niyang bigyan ng pagkakataon ang lalaki. Habang inaayos niya ang mga bulaklak ay may kumatok sa kanyang pinto at hindi na siya lumingon pa kung sino ito. “Pinapasok na ako ng empleyado mo.” Napalingon siya at nakita niya si Vaughn na nakatayo sa pintuan at pinapasok niya ito. Pinaupo niya ito at tinapos niya lang ang pag-aayos ng mga bulaklak sa kanyang flower vase. Ang chocolate naman na bigay ni Vaughn ay linagay na niya sa mini ref ng kanyang opisina para kahit papaano ay tumigas ito. Nang matapos siya ay hinarap niya si Vaughn na mukhang kanina pa nakatingin sa kanya. Linapitan niya ito at umupo siya sa tabi ni Vaughn na tahimik pa ring nakatitig sa kanya. Gustong-gusto niya talaga ang kulay ng mga mata ni Vaughn dahil pakiramdam niya ay ramdam niya ang kapayapaan mula rito. Nagsimula siyang magsalita upang mawala ang pagiging awkward nila sa isa’t isa. “Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin na paibigin mo ako ng isang buwan,” simula niya. “Talaga?” “Pero may kondisyon ako,” tuloy niya. “Hindi pa rin ako payag na makipagrelasyon sa iyo, Vaughn. Sabihin mo na ako na iyong babaeng hindi makapag-move on pero gusto ko rin sanang intindihin mo na hindi biro ang naging relasyon namin ni Jake. Limang taon ko siyang naging nobyo at kahit nagawan niya ako ng masama ay hindi biro ang pinagsamahan namin. Minahal ko rin naman siya at hindi gano’n kadaling mabura ang mga alaala at kahihiyan na natanggap ko sa isang taon lang.” Nakita niya kung paano gumuhit ang saglit na sakit sa mukha ng binata pero hindi niya ito pinansin dahil ayaw niyang kaawan niya ang lalaki. Gusto niyang maging patas siya kay Vaughn dahil ayaw niyang paasahin ang lalaki oras na matapos ang isang buwan. Maya-maya ay tumango ito at napalitan ng ngiti ang kanyang mga labi. “I understand. What’s your condition?” tanong nito na kanyang ikinatango. “I want to take things very slow between us, Vaughn. No touching hands unless I’m the one who is going to initiate it. No kissing unless I want to. No hugging unless I say so. Kung kaya mo akong paibigin na hindi ginagawa ang mga bagay na iyon ay hindi ako magrereklamo at magiging nobya mo ako pagkatapos ng isang buwan. Pero kailangan mo ring ipangako sa akin na oras na wala akong maramdaman pagkatapos ng isang buwan—” “Ay hindi na kita muling guguluhin pa, I got it.” Tuloy nito sa iba niyang sasabihin. “Like I said, I don’t get back on my word, Violet. Kung iyan ang gusto mo ay iyon ang gagawin ko. Pero kung may isang bagay ka mang dapat na malaman sa akin ay hindi ako iyong taong hindi basta sumusuko. Tulad nga ng sabi ni BDO, I find ways.” Natawa siya ng mahina sa sinabi ni Vaughn. “Really?” “Yes. Gagawa ako ng paraan para lang mapaibig ka sa loob ng isang buwan at pinapangako ko na pagkatapos ng isang buwan ay ikaw mismo ang maghahabol sa akin.” Napairap siya sa binata sa pagiging mahangin nito. “Let’s see about that.” Nagtanguan silang dalawa at sabay silang nag-shake hands na para bang isang business proposal ang kanilang pinag-uusapan. Pagkatapos niyang makausap si Vaughn ay sakto namang may kumatok ulit sa kanyang pinto at ilinuwa nito si Jack. Agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at nang mapatingin siya kay Vaughn ay para itong leon na mangangain ng tao. Pinalabas ko na muna si Vaughn na sinunod naman niya at bago siya tuluyang lumabas ay napatigil siya sa tapat mismo ni Jack bago ito umalis. Pagpasok ni Jack ay dumiretso siyang umupo sa kanyang swivel chair at pinaupo niya si Jack sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. “Nakaistorbo ba ako sa moment ninyong dalawa?” tanong ni Jack na ikinailing naman niya. “Look, I just want to say sorry again for what I did yesterday. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon sa iyo. Hindi lang siguro matanggap ng ego at pride ko na kaya mong umibig sa iba at hindi sa akin. “Pero na-realize ko kagabi na kung mahal mo ang isang tao ay kailangan maging masaya ka rin sa kasihayan ng mahal mo. Tanggap ko nang talo ako, Violet pero ayokong mawala ang pagkakaibigan na nabuo natin. Ayokong nang dahil lang sa pagkakamaling ginawa ko ay mawala ang pinagsamahan natin. You are still my friend, and I hope you would still feel the same about me,” mahabang paliwanag ni Jack. Napatitig siya kay Jack at dahan-dahan siyang tumango na ikinangiti ni Jack. Gumaan ang loob niya na kahit papaano ay tuluyan na ngang naintindihan ni Jack ang kanyang paliwanag sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na sa trabaho si Jack at sumunod naman siya makalipas ang ilang minuto. Pero paglabas niya ay inakala niyang hindi na niya makikita pa ang binata. Pero sa hindi malamang dahilan ay nakita niyang naghihintay ito sa isang gilid habang tahimik na kumakain ng hapunan kasama ang lalaking kasama niya noon. Nang tumuon ang tingin ni Vaughn sa kanya ay kumaway ito kaya kumaway na rin siya pabalik. “Ehem!” Napatingin na lang siya sa kanyang tabi nang marinig niya si Laura. “Mukhang may magkaka-love life na. Ayiee!” Natatawa siyang napailing sa pang-aasar ni Laura. “Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa trabaho at baka may mga nagrereklamong mga customer,” utos niya kay Laura. “No. Hayaan mo sila. Itong love life mo ang gusto kong abangan. Ang gwapo naman niya girl. Sana all mahaba ang hair. Ikaw na ang nakabingwit ng Briton.” Nagtatakang napatingin si Violet kay Laura. “Briton?” tanong niya. “Paano mo naman nalamang Briton si Vaughn?” “Ano ka ba? Hindi mo ba alam na kadalasan ang mga mata ng mga Briton ay may pagka-green. Isa pa ay mahilig silang magsawsaw ng biscuit sa kanilang kape at makakapal ang mga buhok nila. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko nang Briton siya.” Napasimangot naman siya sa sinabi ni Laura dahil hindi naman halatang Briton si Vaughn. “Eh kung Briton siya bakit wala siyang British accent?” tanong niya kay Laura. “Malay mo naman may ibang lahi siya kaya hindi halata sa pananalita niya. Pero maniwala ka sa akin oras na sinabi kong may lahing Briton iyang labidabs mo. At saka sabi nila malalaki raw ang mga Briton.” Inosente siyang napatingin kay Laura dahil hindi niya alam ang ibig sabihin nito. Nang mapansin ni Laura na hindi alam ni Violet ang tinutukoy niya ay napahagalpak na lang siya ng tawa. Sa sobrang lakas ng tawa nito ay halos magtinginan ang mga customer sa kanila kaya pati sila Vaughn ay nakuha ang atensyon nila. Mabilis namang hinila ni Violet si Laura palayo sa mataong lugar ng restaurant at sinisita ito na manahimik na. “Ang ingay mo ha?” sita ni Violet sa kanya. “You are so innocent. Ang ibig kong sabihin sa malaki ay malaki ang kanilang karga at kayang-kaya ka nilang mabuntis sa isang siping lang.” Nang mapagtanto ni Violet ang ibig sabihin ni Laura ay gano’n na lamang ang pamumulang naramdaman niya. “Ewan ko sa iyo. Bahala ka nga sa buhay mo.” Iniwan niya si Laura na patuloy pa ring natatawa sa kanya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtratrabaho habang nakatayo siya sa mismong pinto upang batiin ang mga bagong dating na customer. Paglipas ng ilang oras ay nakaramdam na siya ng gutom at pagtingin niya sa kanyang relo ay nakita niyang alas-dose na ng gabi. Kumalam ang kanyang sikmura kaya naman naisipan niyang mag-break na. Pupunta na sana siya sa kanilang pantry nang lapitan siya mismo ni Vaughn at doon lang niya naalala na nandito pa pala ang lalaki. “Nandito ka pa?” takang tanong niya kay Vaughn. “I was waiting for you to have your break time.” Natahimik siya at pinagmasdan niya ang berde nitong mga mata at naalala niya ang sinabi ni Laura kanina. Bigla na lang siyang pinamulaan ng pisngi kaya umiwas siya ng tingin dito. “Hindi mo na dapat ako hinintay. Wala ka bang importanteng gagawin?” Umiling ito. “This is important.” Napahinga siya ng malalim. “Remember, I only have one month to make you fall in love with me. Dito lang ako hanggang sa matapos ang shift mo at makikita mo rin ako araw-araw dito.” “Okay. Bahala ka. Pero huwag mo akong sisisihin kapag inaantok ka na.” Tumango naman ito. Tumanggi siya noong ayain siya ni Vaughn na kumain pero mapilit ang lalaki at hindi talaga siya tinantanan hangga’t hindi siya pumapayag. Kaya naman wala na siyang nagawa nang hinila siya nito sa pwesto nila ng kasama niyang lalaki at umorder siya ng pagkain para sa kanilang tatlo. “Uorder ka ulit e di ba kumain ka na?” tanong ni Violet. “Alangan namang ikaw lang ang kumain e yinaya nga kita ‘di ba? Kahit busog ako at kung sakaling gutom ka pa ay pipilitin kong kumain para may makasama ka,” sabi niya sabay kindat sa kanya na kanyang ikinamula. “Bahala ka. Ikaw rin baka tumaba ka ng dahil sa akin.” Napangisi naman si Vaughn. “I don’t think so. I still have my abs so I’m safe.” Inirapan lang niya ang lalaki sa pagiging mahangin nito. Nang matapos silang kumain ay bumalik na si Violet sa kanyang trabaho at iniwan niyang muli ang dalawa sa dati nilang pwesto. Habang nagtratrabaho siya ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Vaughn na talagang naghihintay sa kanya ng ilang oras hanggang sa matapos ang kanyang trabaho. At sa pagtitig niya kay Vaughn ay nahuli siya ng binata na nakatingin sa kanya kaya naman agad siyang umiwas at binati ulit ang mga bagong dating na customer. Maya-maya ay siniko siya ni Laura at agad na inginuso si Vaughn na abalang nakikipag-usap sa kanyang kasama. “Hoy, kanina pa naghihintay iyan ah. Wala ka bang balak na pauwiin iyan? Aba’t halos kaninang umaga pa iyan nandito ah. Hindi kaya siya ma-anemic sa ginagawa niya?” tanong ni Laura at agad siyang nakaradamdam ng konsensiya sa kalagayan ng binata. “Hindi ko kasalanan kung gusto niyang manatili rito dahil kanina ko pa naman siya pinapauwi eh.” Napasimangot naman si Laura at agad na bumalik ito sa kanyang pwesto. Nang muli siyang mapatingin kay Vaughn ay nakita niyang halos antukin na ito sa kanyang upuan habang nakahalukipkip. Ang kasama naman nito ay parang hindi apektado sa puyat dahil gising na gising ang diwa nito. Kaya naman agad niyang linapitan si Vaughn at ginising ito. “Vaughn, umuwi ka na kaya muna? You look tired.” Umiling lang ang binata at hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. “I can’t. I need to—” “Yes. You want me to fall in love with you in a month. I know, but not like this. Oo na at nakikita ko ang effort mo pero hindi ibig sabihin na sisirain mo ang health mo para lang sa akin. Mas gugustuhin ko pang ma-in love sa isang lalaki na pinapahalagahan din ang kanyang sarili kaya umuwi ka na at bumawi ka na lang sa akin sa susunod. Sa tingin ko naman ay na-prove mo na ang sarili mo sa akin, Vaughn. Now, please go home. Don’t make me repeat myself or I’ll ban you from coming in this restaurant.” Napatitig sa kanya ang binata na para bang gulat ito sa kanyang sinabi. “Okay. Your wish is my command, my love.” Namula si Violet nang marinig niya ang endearment sa kanya ni Vaughn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD