Napatayo sa kanyang upuan si Dyanne at tumabi siya kay Violet nang matapos nitong sabihin sa kanya ang kanyang problema.
“As far as I can see it, this Vaughn guy sounds like he’s okay.” Napailing si Violet habang nakatingin siya sa kawalan. “What? Ayaw mo iyong advice ko? Pupunta-punta ka rito tapos hindi mo rin naman ako papakinggan.” Natawa na lang siya ng mahina si Violet sa reaksyon ng kaibigan.
“Hindi ko kasi alam kung handa na ba akong pumasok ulit sa isang relasyon. What if he’s like Jake? Naalala mo na gano’n na gano’n din si Jake noong makilala ko siya?” tanong niya kay Dyanne at napaisip naman ito.
“Hmm. Nope. As far as I can see it, this Vaughn guy is not like Jake. Isipin mo ha? Ang tagal ka kayang linigawan noon ni Jake. Second, wala naman sa tagal o bilis ng relasyon iyan eh. Iyong iba nga six months pa lang na magkakilala pero nagpapakasal na. Are they happy? Yes. Is their relationship long lasting? Yes. Eh kayo ni Jake? Ang tagal ng relasyon niyo pero sa huli ay maghihiwalay din kayo,” mahabang paliwanag ni Dyanne.
“But—”
“Shh.” Pagpapatahimik sa kanya ni Dyanne. “Friend, alam ko isang taon pa lang ang nakalilipas simula nang nangyari sa iyo sa Pilipinas. Hindi ko naman sinasabi na huwag ka nang mag-move on o kalimutan mo na iyong nangyari. Ang sa akin lang ay bigyan mo ulit ang sarili mo ng isa pang pagkakataon. Not all guys are the same. All of them may be an asshole, but relationship wise, not all men are like Jake. Malay mo kung iba naman ang ugali nitong si Vaughn? At kung gusto mong makasigurado ay bakit hindi mo ibahin ang approach mo sa kanya?” Nagtataka siyang napatingin sa kaibigan.
“Ibang approach? Tulad naman ng ano?”
“Okay. Jake wanted a fast approach with you before when you were in a relationship with him, right? Buti na nga lang at hindi mo pa naibigay ang sarili mo sa kanya kung hindi kukurutin kita sa singit. Now, why not slow things down with Vaughn and see if he can catch up? Kung dati ay nakikipag-holding hands ka na kay Jake, ngayon ay huwag mong gawin kay Vaughn. Kiss him only if you think he deserves it and not because you want it.” Pinaningkitan niya si Dyanne.
“You mean like being hard to get?” Tinaasan naman siya ni Dyanne ng kilay dahil pinahaba lang nito ang gustong sabihin na kanyang ikinatawa.
“Oo na. Maging hard to get ka sa kanya pero maging needy ka rin. Push and pull effect kumbaga. Kung kaya niyang sabayan ka at hindi siya magsasawa sa iyo, makakapasa siya sa test. Easy. You can do that. Hindi lang naman lalaki ang kayang maglaro sa apoy ‘di ba?” Napatango-tango siya at bigla siyang nakaisip ng ideya sa sinabi ni Dyanne.
Biglang lumiwanag ang kanyang isip at hindi siya nagsisi na pumunta siya kay Dyanne. Nang matapos silang mag-usap ay nagpaalam na siya rito nang may mapansin siya bigla na isang pares ng sapatos sa mismong damuhan at mga damit. Napatingin siya kay Dyanne na abala nang nags-sun bathing kaya napailing na lang siya.
Habang palabas na siya ng bahay ni Dyanne ay akmang bubuksan na sana niya ang gate ng kanilang bahay nang bigla na lang siya mapatigil. Napalingon siya sa lalaking abalang pinagmamasdan ang mga bulaklak ni Dyanne. Gwapo naman ito at halatang may lahi rin itong kano dahil sa kulay ng kanyang mga mata.
May tattoo ito sa kanyang leeg na mukhang hanggang sa likod ay sinakop ito ng buong tattoo. Mukhang napansin ng binata na nakatitig siya rito kaya naman agad siyang napaiwas ng tingin.
“You must be Violet,” sabi nito sa mababang boses na para bang yelo sa lamig.
“You know me?” tanong niya sa lalaki.
“Kinda. I’ve seen your name in the file.” Napakunot ang noo ni Violet sa ibig sabihin nito.
“File? What file?” tanong nito sa kanya pero ngiti lang ang sinagot ng lalaki.
“Anyway, nice meeting one of the friends of Dyanne.” Tumango naman siya at nagpaalam na lang siya sa lalaki.
Habang papunta siya sa kanyang kotse ay naisip niya na marahil ay sa lalaki ang mga sapatos at damit na kanyang nakita kanina. Hindi niya alam kung ano ang relasyon nila sa isa’t isa pero sa tindig ng lalaki ay parang may masamang hangin na dala ito. Sana lang ay maging ayos si Dyanne kasama ang lalaking iyon. Umuwi na siya sa kanyang apartment at naisipan na niyang magpahinga para sa pagpasok niya sa kanyang trabaho mamaya.
Habang namimili si Vaughn ng bago niyang kotse ay napatingin siya sa kanyang cellphone nang nakita niya ang isang pamilyar na pangalan. Agad niya itong sinagot habang pinaubaya niya kay Max ang pagbayad sa bago niyang kotse.
“Hello, baby boo,” bungad niya sa kausap.
“Hoy! May utang ka sa akin. Ang sabi mo ipakikilala mo sa akin iyong bago mong liniligawan.” Natawa si Vaughn nang marinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Abby.
Simula bata sila ay naging matalik na silang magkaibigan at halos gusto ng kanyang ama ang maikasal siya kay Abby. Pero para kasi sa kanya ay hanggang kapatid lang talaga ang tingin ni Vaughn sa kanya lalo na at may natitipuhan na rin naman siyang iba. Mabait naman ang kanyang ama minsan at marahil ay talagang na-trigger lang ito sa pagiging matigas ng kanyang ulo.
“Sorry, baby boo. Hanggat hindi ko siya napapasagot ay hindi ko siya ipakikilala sa iyo. Ayaw kong matakot siya sa pagiging amazona mo.” Natawa na lang si Vaughn nang marinig niyang minura siya sa telepono ng kanyang kaibigan.
“Ang yabang mo naman. Hmp! Sana lang hindi ka niya sagutin lalo na kapag nalaman niyang babaero ka. Teka, nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa pagkatao mo?” Natahimik siya bigla at narinig na lang niyang napahinga ng malalim si Abby. “Hindi pwedeng itago mo habang buhay sa kanya ang katauhan mo, Vaughn.”
“I know. It’s complicated. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya kapag sinagot na niya ako para wala na siyang takas sa akin. Hindi bale bibisita naman ako riyan kapag may oras ako baby boo kaya wala ka dapat ipag-alala.” Narinig naman niyang umuo si Abby.
Nag-usap pa sila tungkol sa kani-kanilang mga problema hanggang sa naisipan na nilang magpaalam sa isa’t isa. Pagbalik niya kay Max ay nabili na nito ang tipo niyang sasakyan kaya naman sumakay na sila sa loob. Minaneho niya ang kanyang sasakyan at pumunta sila sa lugar kung saan nagtratrabaho si Violet.
Nang maiparada ni Vaughn ang bagong bili niyang sasakyan ay inutusan niya si Max na bumili ng isang bouquet ng bulaklak at saka tsokolate. Nang makaalis si Max ay lumabas siya ng kanyang kotse at pumasok siya sa nasabing restaurant kung saan ay agad na bumungad sa kanya ang isang babae na walang kolorete sa kanyang mukha. Nang makita siya nito ay agad itong tumigil at nakita niya ang gulat sa mukha nito.
“H-Hello, sir,” bati nito sa kanya.
“Where’s Violet?” tanong niya.
“Uhm, her shift will start this seven in the evening, sir.” Nanlumo naman siya dahil napaaga yata ang dating niya.
Alam kasi niya na panggabi ang trabaho nito pero hindi niya akalain na alas-siete pa pala ng gabi magsisimula ang trabaho nito. Nagpasalamat siya sa babaeng nagngangalang Laura saka siya lumabas muli ng restaurant. Saktong paglabas niya ay nakita niya si Max na patawid ng kalsada na may hawak nang mga bulaklak at tsokolate.
“This is your order, your highness.” Bigay sa kanya ni Max.
Nang tanggapin niya ito ay sabay silang bumalik sa kanyang bagong bili na sasakyan at hinintay na lang na dumating si Violet. Habang naghihintay sila sa loob ng sasakyan ay napansin niya na kanina pa may gustong sabihin si Max. Kaya naman napahinga siya ng malalim sabay napaharap sa kanya.
“You want to ask something?” tanong niya kay Max.
“Well, I am not in the position to ask you something, your highness.” Napatango siya.
“Yes, but I am giving you the privilege to ask me. Now, tell me what’s bothering you?” Pamimilit niya kay Max.
“I’m just happy that you are making an effort to a woman, your highness. I’ve never seen you this worked up before because women were the ones running after you.” Napangisi naman siya sa sinabi ni Max.
“You’re damn right, I am. I don’t even know why I’m doing this, but I just found myself enthralled with her beauty. Do you think it’s a bad thing?” Napangiti naman si Max sa kanyang sinabi.
“I don’t think so, your highness. It’s your decision who is the woman you’re going to choose.” Pareho na silang natahimik at nanatiling naghintay sa loob ng sasakyan hanggang sa sumapit ang alas-siete.
Sa tagal nilang naghihintay ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa loob ng kanyang sasakyan. Nagising na lamang siya nang makarinig siya nang may kumakatok sa kanyang bintana at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay mukha ng isang babae ang kanyang nakita. Hindi pa niya masyadong makilala dahil na rin sa nag-a-adjust pa lang ang kanyang mga mata sa ilaw.
Nang kinurap niya ang kanyang mga mata ay napaayos siya bigla ng upo nang mapansin niya na ang babaeng kumakatok sa kanyang bintana ay walang iba kung hindi si Violet. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili at lumabas siya ng sasakyan at nakita niya ang nag-aalalang mukha ng babae.
“Ano’ng ginagawa mo sa parking lot at natutulog ka sa loob ng kotse mo? At saka ano’ng oras ka pa nandito?” tanong ni Violet sa kanya.
“Uhm, saglit lang. Medyo kulang lang ako sa tulog kaya rito na ako sa loob ng sasakyan nagpahinga habang hinihintay kita,” sagot niya.
“Hinihintay mo ako?” Tumango ito at agad napansin ni Vaughn ang awa nito para sa kanya.
Hindi alam ni Vaughn kung maayos ba ang ayos niya o baka magulo ang buhok niya. Pagktapos ay saka niya lamang naalala ang bulaklak na pinabili niya kay Max kanina pero nang kukunin niya na sana ito ay napansin niya na nasa sahig na ito. Mukhang sa himbing ng tulog niya ay hindi niya namalayan na nahulog ang mga bulaklak at ngayon ay para na itong scrambled egg dahil sa gulo.
Pati na rin ang chocolate na pinabili niya ay natunaw na at kasabay nito ang bulaklak na nahulog sa sahig. Napanigwi na lang siya at napapikit siya ng mariin sabay muling hinarap si Violet na nagtataka kung ano ang tinitignan niya.
“May problema ba?” tanong ni Violet.
“Ah, eh,” simula niya habang kumakamot siya sa kanyang ulo. “I was about to give you some flowers and chocolates, but I guess I might have destroyed it by accident.”
“Really? Nasaan? Akin na.” Napamulagat siya sa sinabi ng babae at tinitimbang nito kung tama ba ang narinig niya. “Akin na.” Pamimilit ni Violet kaya kinuha niya mula sa loob ng kanyang sasakyan ang mga bulaklak at chocolate.
Nang maibigay niya ito kay Violet ay nakita niya na napangiti ang dalaga at inamoy pa nito ang mga bulaklak.
“Salamat. Sayang naman ito kung itatapon mo lang. Hindi naman siya masyadong nasira kaya ayos lang sa akin.” Naglakad ito paalis at naiwan siyang nakatulala sa kawalan hanggang sa mapansin niyang wala na sa kanyang paningin ang dalaga.
Mabilis niya itong sinundan na agad naman niyang naabutan habang inaamoy nito ang mga sirang bulaklak.
“Wait. Why? Bakit mo tinanggap iyang mga bulaklak e sira na? I can just buy you something new.” Umiling si Violet at nagpatuloy lang ito sa pagpasok sa loob. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito tatanggapin ni Violet gayong sira naman na ito.
Sinundan niya ng tingin ang dalaga na masayang nakipag-usap sa kanyang mga empleyado habang nakita niyang dinala nito ang mga hawak niya sa loob ng kanyang opisina. Biglang tumibok ng malakas ang puso niya dahil pinahanga siya ng dalaga sa ginawa nito. Ngayon ay mas lalo lang niyang napatunayan na mas lalo lang siyang napapamahal dito.