Chapter 9

1918 Words
Napatayo na lamang siya at bumalik siya sa kanyang pwesto. Nakita niya na ring naghanda nang umalis sila Vaughn at bago sila lumabas ay kumindat ito sa kanya na ikinahiya niya dahil pakiramdam niya ay para siyang bumabalik sa pagiging teenager. Nang mawala ang lalaki sa kanyang paningin ay nakahinga siya ng maluwag dahil pakiramdam niya ay naco-conscious siya sa kanyang bawat galaw kapag umaaligid sa kanya ang binata. Nang matapos ang kanyang shift ay nakaramdam siya agad ng pagod at hinilot niya ang kanyang batok sabay umupo na muna sa kanyang swivel chair. Habang nakapikit ang kanyang mga mata ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at pagtingin niya ay biglang nakaramdam siya ng lungkot. Tumatawag nanaman sa kanya ang kanyang ama pero palagi niyang iniiwasan na kausapin ang kanyang ama. Simula kasi noong kasal ay wala siyang mukhang maiharap sa kanyang pamilya dahil isang malaking kahihiyan ang nangyari sa pamilya niya. Lalo na sa ama niya na nag-imbita pa noon ng mga mabibigat na kaibigan para lang makita siyang maikasal. Pero lahat ng kahihiyan na iyon ay walang may ibang kasalanan kung hindi siya. Marami na noon ang nagsasabi sa kanya na hindi si Jake ang lalaki na karapat-dapat sa kanya pero dahil sobra siyang napamahal sa lalaki ay hindi niya ito pinansin. Saka na lang niya napagtanto ang kanyang pagkakamali nang hindi na siya sinipot ni Jake sa kanilang kasal. Nang matapos ang kanilang kasal ay wala man lang tawag o text sa kanya si Jake upang magpaliwanag o humingi ng tawad. Pinabayaan siya nito na para bang nag-iwan siya ng isang aso sa lansangan. Gano’n ang naramdaman niya kaya naman gano’n na lang ang galit niya kay Jake. Ipinangako niya na hanggat hindi siya nakakaipon ng pambayad niya sa kanyang ama ay hindi niya ito kakausapin. Pero paano niya gagawin iyon gayong mismong ama na niya ang tumatawag sa kanya. Napatitig siyang muli sa kanyang cellphone at ibinalik na lang niya ito sa loob ng kanyang bag. Isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat at nagpaalam sa kanila Laura na uuwi na siya. Paglabas niya ay napangiti siya nang makita niya ang bigay na sasakyan ni Vaughn dahil mukhang sa kanya na ang sasakyan. Ayaw naman niyang maging filingera pero tuwing naaalala niya ang binata ay hindi niya maiwasang hindi matawa sa pag-uugali nito. Pagdating niya sa kanyang apartment ay mabilis niyang ipinarada ang kanyang sasakyan nang mapansin niya ang isang sasakyan na pamilyar sa kanya. Paglabas niya ng sasakyan ay saktong nakita niya na nakatayo sa gilid lang ng gusali ang kanyang kapatid na si Xander. Abala ito sa kanyang cellphone pero nang makita siya nito ay mabilis itong kumaway at lumapit sa kanya. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ng sasakyan ay agad siyang yinakap ng kanyang kapatid na si Xander. Na-miss niya ang nakababata niyang kapatid at kahit matipuno at malaki na ito ay para sa kanya baby brother niya pa rin ito. Nang maghiwalay sila ay hindi makapaniwala si Violet na nasa harapan niya si Xander kaya naman naluha na lamang siya. “H-How did you find me here?” tanong ni Violet sa kapatid. “Well, I have a lot of ways to find you, sis. Anyway, how have you been?” tanong nito sa kanya nang mapansin ni Violet na dumako ang mga mata ni Xander sa kanyang sasakyan. “Wow, I didn’t know you can already drive a car, and it’s the latest model of BMW.” Mangha nitong sabi at agad na napatingin si Xander sa kanya ng may pagtataka. Bigla naman siyang kinabahan dahil alam niya na si Xander ay iyong klase rin ng lalaki na magaling tumingin ng modelo ng kotse. At unang tingin ay kahit sino talaga ay hindi pagkakamalan na babae ang may-ari nito. Inikot ni Xander ang kabuuan ng kotse habang napapasulyap siya kay Violet na halatang kinakabahan. “Phew. Bumili ka ng ganitong sasakyan pero noong nag-aalok ako sa iyo ng pera ay ayaw mong tanggapin. Pero nakakabilib na may ganitong-ganito rin na sasakyan ang isa sa mga kaibigan ko at halos parehong-pareho pa ng kulay.” Lumaki ang mga mata ni Violet. ‘Oh no. Please don’t tell me that my brother and Vaughn know each other?’ sabi ni Violet sa kanyang sarili. “Ha? M-Marami namang klase ng ganyang sasakyan ngayon e. Baka nagkataon lang na magkapareha kami ng sasakyan ng kaibigan mo.” Tumango-tango naman si Xander habang pinagmamasdan pa rin ang sasakyan. “True. At saka imposible iyon dahil ang taong iyon mahilig maglagay ng initials niya sa kanyang sasakyan.” Lumaki ang mga mata ni Violet at naisip niya na hindi naman siguro iyong initials na nakita niya noon sa mismong side mirror ng sasakyan ang tinutukoy ng kanyang kapatid. “A-Ano’ng klaseng initials?” tanong niya. “Hmm? Oh, mahaba kasi ang pangalan ng taong iyon, Ate. Kaya para malaman namin na sasakyan niya iyon ay naglalagay siya ng VANS sa side mirror ng kanyang kotse.” Napasinghap si Violet at akmang lalapitan na sana niya ang sasakyan ni Vaughn ay huli na ang lahat. “Ito oh. Ganitong…ganito…” sabi ni Xander habang sinusuri nito ang nakasulat sa side mirror ng kotse. Napahilot na lang siya sa kanyang sintido dahil unti-unting umangat ang mukha ni Xander at napatingin ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito at sigurado si Violet nang mga oras na iyon na alam na niyang kay Vaughn ang sasakyan na iyon. Umiwas siya ng tingin sa kanyang kapatid at agad na napatayo si Xander ng diretso. “Why do you have Vaughn’s car, Ate?” tanong nito at huminga na siya ng malalim sabay napatango. Wala naman nang rason para itago niya pa dahil huling-huli na siya. “Did the two of you meet here?” Hindi sumagot si Violet at nanatili lang siyang nakatungo sa tanong ng kanyang kapatid. Hindi niya kasi alam ang kanyang sasabihin kay Xander. Mas lalong hindi niya alam ipaliwanag kung bakit binigay ni Vaughn sa kanya ang kotse nito. “Ate sagutin mo ako? Why do you have Vaughn’s car?” tanong nito muli sa kanya. “Wait, are you two together?” “What? No. Teka nga baka naman magkaibang Vaughn ang kilala natin at hindi iisang Vaughn lang, Xander,” sagot ni Violet. Umiling naman ang kanyang kapatid. “Nope. I am very sure this is his car. Vaughn Brixton’s car. Lahat ng mga kaibigan namin ay alam na alam ang kotse ng gagong iyon dahil siya lang ang mahilig maglagay ng initials niya sa kanyang mga property.” Natameme na lang si Violet dahil siya nga ang tinutukoy ni Xander. Naisip tuloy ni Violet na pahamak ang initials na iyon ni Vaughn na linalagay niya sa kanyang kotse kaya naman nahuli na siya. Kung sakali sigurong wala iyon ay baka hindi nalaman ni Xander na magkakilala kami. Hays. Humanda sa akin bukas ang lalaking iyon. “Then why do you have his car? Ate, sagutin mo na lang ang tanong ko dahil matalik kong kaibigan si Vaughn. Pero kung sakali mang liniligawan ka ng gagong iyon ay binabalaan na kitang huwag mo siyang sasagutin.” Agad siyang napatingin kay Xander na may pagtataka. “Ano’ng ibig mong sabihin?” pagtatakang tanong niya. “Because that guy is a notorious playboy, and he’s just going to play with you, Ate. Kagagaling mo lang sa sakit na idinulot sa iyo ng isa pang gagong si Jake na iyon sa iyo. Paano kayo nagkakilala ni Vaughn? Why do you have his car?” Tinaasan siya ng kilay ni Xander at kinakabahan siyang sabihin na nanliligaw nga ito sa kanya. Kita niya ang galit sa mukha ng kanyang kapatid at alam niyang seryoso ito. Unang tingin pa lang naman niya kay Vaughn noon ay alam na niyang babaero ito pero masyadong mapilit ito kaya wala siyang nagawa at pumayag siya sa deal nito. Pero ang makita ang galit na mukha ng kanyang kapatid ay hindi lang ito basta nagbibigay ng babala sa kanya kung hindi ay sinasabi nito na layuan na niya si Vaughn agad. “Ate, hindi rin naman ako tanga para makinig sa magiging palusot mo kung sakali dahil may asawa at pamilya na ako. I can give all of my money to my wife without a problem because I love her, but Vaughn is different, Ate. He’s going to make you believe him that he’s serious with you and all. He’s willing to give his properties to you in a snap of his fingers without a problem. Damn, he can give you a whole island if he likes, but believe me when I say you can’t trust anything that will come out of his mouth.” Gusto niyang ipagtanggol si Vaughn kay Xander pero paano niya gagawin iyon gayong hindi nga niya masyadong kilala ang binata. “Paano mo naman nasabi na magiging gano’n din siya sa akin, Xander? Isa pa, kaya ko namang protektahan ang sarili ko sa mga tulad niya. You don’t need to worry about me.” Maglalakad na sana siya papasok ng gusali nang habulin siya ni Xander. “Ibalik mo ang sasakyan na iyan bukas na bukas din, Ate. Ibahin mo ang taong iyon dahil magaling magpaniwala iyon ng natitipuhan niya. Hindi naman ako nag-aalala sa iyo dahil alam kong malaki ka na at kaya mo naman na ang sarili mo. Pero si Vaughn ang inaalala ko dahil kahit kaibigan ko siya ay hinding-hindi ko siya sasantuhin kung sakaling saktan ka niya. He’s a player, Ate, and maybe this might be a challenge to him that’s why he’s following you around,” paliwanag ni Xander habang paakyat sila sa kanyang unit. Nang makarating sila ay yinaya ni Violet si Xander si loob pero sinabi nito na hindi na raw ito magtatagal at lilipad daw siya papuntang France mamaya. Napatango naman si Violet at hindi na niya pinilit pa ito. “Mabuti na lamang at binisita kita dahil nag-aalala na sila mama at papa sa iyo. Kung hindi pa ako pumunta rito ay hindi ko pa malalaman na pinaglalaruan ka ni Vaughn.” Napahinga ng malalim si Xander. “Anyway, I need to go. I can see that you’re fine, but listen to my warning, Ate. Vaughn is not a normal guy.” “Okay. Salamat sa paalala at saka sa pagbisita, Xander. Say hi to your wife and kids for me.” Tumango naman si Xander at humalik ito sa kanyang pisngi bago ito umalis at nawala sa kanyang paningin. Nang maisara niya ang pinto ng kanyang unit ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nangyayari. Hindi rin niya bukod akalain na kilala pala ng kanyang kapatid si Vaughn. Pero ngayon na mas nakikilala niya si Vaughn ay nag-aalala siya sa pagpayag niya sa deal nila. s**t. Tinatanong na tuloy ni Violet sa kanyang sarili, ‘Paano nga kung mahulog ang loob ko sa kanya at maging totoo ang sinabi ni Xander? Paano kung masaktan nanaman ako sa ikalawang pagkakataon? Hays. Ito ang rason kung bakit ayaw ko na sanang tumanggap pa ng manliligaw dahil puro lang sakit sa ulo ang dala nila.’ Wala rin naman siyang mapapala sa katatanong niya sa kanyang sarili kaya naman isinawalang bahala na lamang niya ito at nag-ayos na lang siya ng kanyang sarili. Pagkatapos niyang maligo ay mabilis siyang nagpalit ng kanyang damit bago siya pumasok sa kanyang kwarto upang matulog. Bago niya ipikit ang kanyang mga mata ay isang tanong lang ang nasa isip niya. Sino ba si Vaughn Brixton?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD