Matapos ng nangyaring pagkikita nina Violet at Jake ay hindi na muna siya bumalik sa loob at nanatili silang dalawa ni Vaughn sa sasakyan. Tahimik silang dalawa habang nakatingin lang sila sa kawalan. Napahinga ng malalim si Violet nang mapatingin siya kay Vaughn nang magsimula itong magsalita.
“Jake wanted you back, my love. Pagbibigyan mo ba siya sa kanyang hiling na kausapin ka para magpaliwanag?” Napaisip bigla si Violet sa tanong ng lalaki.
“Hindi ko pa alam pero iniisip ko rin na pakinggan ang side niya. I was controlled by my anger a while ago that I was not thinking rationally. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang iwan ako sa altar ng mag-isa. Papayagan mo ba akong kausapin siya kung sakali?” Nagbuga ng hangin si Vaughn at agad na napansin ni Violet na ayaw na nitong makausap pa ang lalaki.
“I’m scared, my love. Paano kung sa pakikipag-usap mo sa kanya ay ma-realize mo na mahal mo pa siya at nagsisisi ka na ako ang naging nobyo mo? Paano kung sa pag-uusap niya ay ma-realize mo na siya pa rin ang gusto mong pakasalan? Paano kung sa pakikipag-usap mo ay—”
“Then I will not talk to him,” sagot niya sa iba pang sasabihin ng binata. Agad naman na napatingin si Vaughn kay Violet.
“What? R-Really? You are not going to talk to him?” Tumango si Violet.
“Oo. Kung iyon ang makakapagpanatag ng loob mo ay iyon ang gagawin ko.” Halos lumaki ang mga mata ni Vaughn.
“Gagawin mo iyon para lang sa akin?” Muling tumango si Violet pero nakita niya rin ang lungkot sa mukha ng binata. “Hays. No. Don’t do it for my sake, my love. Kung anuman ang magiging desisyon mo oras na kinausap mo siya ay tatanggapin ko ng buo sa aking loob. I can’t be selfish. Ikaw ang nasaktan at sigurado ako na kahit papaano ay gusto mo rin ng closure.”
“S-Sigurado ka ba?” Tumango si Vaughn sabay hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ito na kanyang ikinakilig.
“Just promise one thing, my love. Kung ma-realize mo man na siya pa rin ang mahal mo ay pwede bang huwag mo nang sabihin sa akin?” pakiusap nito na kanyang ipinagtaka. “I don’t want to hear it from your voice that you still love him. It would shatter me to the core. Hindi ko kakayanin na malaman na mahal mo pa rin siya. So, promise me, okay?”
“Hindi siguro mangyayari iyon, Vaughn,” sabi niya sa binata.
“What if? Ayokong umasa muna sa ngayon na ako na ang laman ng puso mo.” Napasimangot naman si Violet pero nalungkot din siyang malaman na ayaw siyang pagkatiwalaan nito.
Naiintindihan din naman niya si Vaughn dahil kung sakaling siya rin ang nasa lugar ni Vaughn at malaman niyang may ibang pakakasalan sana at may ibang minahal na una ang binata ay hindi rin siya maniniwala agad. Kaya naman para matahimik na ang loob ni Vaughn ay tango na lang ang isinagot niya kahit nakikita niya na nasasaktan ang binata. Sabay silang napatingin sa may bintana nang makita niya na kumakatok doon si Max.
Kaya ibinaba ni Vaughn ang bintana at sinabing malapit na raw matapos na kumain sila Jake. Agad namang nagtinginan sila Vaughn sa isa’t isa at tumango si Violet sabay tipid na napangiti naman si Vaughn. Paglabas nilang dalawa ay agad na ikinawit ni Violet ang kanyang kamay sa braso ni Vaughn na ikinagulat ng binata.
Pero napalitan ito ng ngiti at sabay na silang bumalik papasok sa resto. Pero hindi pa lang sila nakakatapak sa mismong pintuan ay nakita na nilang palabas si Jake kasama ang babae at mga magulang nito. Nang magtama ang mga mata nina Jake at Violet ay napansin ni Violet na agad na dumako ang tingin ni Jake sa nakakawit na kamay niya sa braso ni Vaughn.
Si Violet naman ay napatingin sa babae na napangiti sa kanya na kanyang ikinagulat. Naisip niya bigla, ‘Bakit siya nginingitian nito gayong alam naman nito na mukhang may nakaraan silang dalawa ni Jake?’ May binulong ang babae kay Jake at napatango naman si Jake at nakita niyang umalis ang babae at mga magulang nito.
Naiwan si Jake na nakatayo sa may pintuan at lumabas na ito upang hindi siya nakaharang sa daanan ng mga tao. Napatingin naman si Vaughn kay Jake at mahigpit na nakahawak ang kanyang mga kamay kay Violet na agad na napansin ng dalaga. Marahang pinisil ni Violet ang kamay ni Vaughn at agad itong napatingin sa kanya. Nginitian niya si Vaughn na sinasabing ayos lang ang lahat sabay napatingin siya kay Jake.
“So? H-He’s your new boyfriend?” tanong ni Jake sa kanya na kanyang ikinatango. “I see. Hi, I’m Jake. You are?” pakilala ni Jake sa sarili kay Vaughn at linahad nito ang kanyang kamay pero napatingin lang si Vaughn dito.
At dahil hindi tinanggap ni Vaughn ang pakikipagkamay sa kanya ay binawi na lamang ito ni Jake sabay napangiti at napatingin siya kay Violet.
“Uhm, Jake please meet Vaughn,” pakilala na lamang ni Violet sa kanilang dalawa dahil halos patayin na ni Vaughn sa tingin ang dati niyang nobyo.
“Violet, pwede ba kitang makausap? Iyon ay kung ayos lang ba sa iyo o sa nobyo mo?” tanong nito sa kanya.
Napatango naman si Violet. “Payag na akong makipag-usap sa iyo pero huwag ngayon dahil may trabaho ako. Bukas na lamang siguro ng umaga pagkatapos ng aking shift total ay magt-take rin siguro ako ng one week vacation.”
Agad na napatingin sa kanya si Vaughn na para bang sinasabi nito sa kanya na bakit hindi niya sinabi na magl-leave siya sa trabaho? Matagal naman nang binabalak ni Violet na mag-leave dahil gusto niyang magpahinga. Pinayagan naman siya ni Dyanne kaya habang wala siya ay si Dyanne na muna siguro ang papalit sa kanya hanggang sa bumalik siya.
“Sure, pupuntahan na lamang kita bukas dito.” Napatango naman si Violet. “Paano ba iyan? Mauna na ako at magkita na lamang tayo bukas ng umaga.”
Pagkatapos nitong sinabi sa kanya ay sumunod ang kanyang tingin sa papalayong likuran ng binata. Pero agad siyang napatingin kay Vaughn dahil pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. Saktong paglingon nga niya ay nakatingin nga sa kanya ang binata at doon lang niya naalala na hindi niya pa pala nasasabi ang tungkol sa vacation leave niya.
“We’re you planning to leave because you are going to talk with that jerk?” Napansin niya ang galit sa mukha nito pero napailing siya.
“Ano? Hindi ah! Matagal nang naka-plano iyong bakasyon ko. Nagkataon lang na nakita kong muli si Jake at naisakto sa aking leave. Sorry, nakalimutan kong sabihin sa iyo sa sobrang dami na rin ng aking ginagawa. Nagtatampo ka ba?” Agad na lumambot ang ekspresyon nito sa mukha na kanyang ikinangiti.
“H-Hindi.” Tinaasan naman ni Violet ng kilay si Vaughn dahil halata namang nagsisinungaling ito. “A little. I thought you took a vacation just for that asshole.”
“Vaughn, that asshole has a name.” Napakunot naman si Vaughn ng kanyang noo.
“I don’t care if he has a name. Para sa akin ay siya iyong tarantadong nang-iwan sa iyo pagkatapos ay babalikan ka ulit niya? Kung hindi ko lang iniisip na nasa pampubliko tayong lugar ay matagal ko na talaga siyang pinadala sa hospital.” Agad naman na napangiti si Violet at tumingkayad siya upang bigyan ng halik si Vaughn sa kanyang pisngi.
“Thanks.” Nakita niyang natigilan si Vaughn sabay gulat na napatingin sa kanya. “Balik na ako sa loob dahil ilang oras din akong umalis. I need to go back. Baka hinahanap na ako nila Laura.”
Hindi na lang niya pinansin ang gulat na tingin sa kanya ni Vaughn at mabilis na iniwan silang dalawa ni Max sa labas ng La Savor. Nang nasa loob na siya ay napalingon siya kay Vaughn na halos maupo na sa sahig dahil sa ginawa niyang paghalik. Natutuwa talaga siya sa reaksyon ng binata tuwing hahalikan niya ito dahil palagi na lamang itong nanghihina o nagugulat.
Mabilis na natapos ang kanyang trabaho at katulad ng dati ay hinintay pa rin siya ni Vaughn. Sa pagkakataong ito ay sasakyan na ni Vaughn ang ginamit nila at napansin niya na wala si Max na kasama nila sa sasakyan.
“Nasaan si Max?” tanong niya kay Vaughn na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
“He’s going to drive your car to your apartment. Simula ngayon ay ako na ang maghahatid at magsusundo sa iyo. Saka mo na lamang gamitin iyong sasakyan kapag emergency pero dahil nobyo mo na ako ngayon ay ihahatid na kita palagi at susunduin araw-araw,” sabi nito sa kanya sabay taas baba ng kanyang kilay na kanyang ikinatawa.
Pero habang lulan sila ng sasakyan ay napansin bigla ni Violet na ang dinaanan nila ay hindi pauwi sa kanyang apartment. Agad siyang nagtaka kaya naman tinanong niya si Vaughn kung saan sila pupunta.
“It’s a surprise, my love. Malayo-layo pa ang byahe natin kaya kung ako sa iyo ay matulog ka na muna. Gigisingin na lamang kita kapag nandoon na tayo.” Nagtataka man ay sinunod na lamang niya ang sinabi ni Vaughn at natulog nga siya sa loob ng sasakyan.
Makalipas ang isang oras mahigit ay muling nagising si Violet upang makita na nasa daan pa rin silang dalawa ni Vaughn. Nang pagmulat niya ay agad na dumako ang kanyang mga mata sa labas ng binata at tinignan kung nasaan na sila. Pero gano’n na lamang ang gulat niya nang malapit na pala silang pumunta ng Philadelphia.
“Philadelphia? Vaughn, dalawang oras ang layo nito sa New York ah. Ano’ng gagawin natin dito?” tanong niya sa kasintahan.
“I told you it’s a surprise, my love. Hindi bale at malapit na rin tayong makarating.” Napatingin na lamang muli sa bintana si Violet at hinintay na lang niya kung saan ba siya balak dalhin ni Vaughn.
Ilang minuto pa ay nagparada na si Vaughn at yinaya na siyang bumaba ng binata. Hindi niya alam kung nasaan sila dahil nakita niya na lang sa malayo ang isang hardin kung saan ay maraming naglalakad dito at nakaupo. Agad na hinawakan ni Vaughn ang kanyang kamay at napangiti ito sa kanya.
“Let’s go? I’ll show you something.” Nagpahila na lamang siya kay Vaughn.
Habang pumapasok sila sa isang hardin na hindi niya alam kung saang lugar ba ito ay unti-unting pumapasok sila sa isang napaka-gandang hardin. Sobrang luwang nito na may mga fountains pa at may mga kumukuha ng kanilang mga picture. Maya-maya ay napatigil si Vaughn at humarap ito sa kanya. May linabas itong bandana na itim at agad siyang nagtaka kung bakit may gano’n siya.
“Do you trust me?” tanong nito sa kanya.
“Y-Yes? Teka, para saan iyang hawak mong bandana?”
“I need to blindfold you, my love. Hindi na siya magiging surprise oras na hindi kita piniringan.” Napasimangot si Violet.
“Kung binabalak mo akong kidnapin ay maraming tao ang makakakita sa iyo.” Agad na natawa si Vaughn pero mas lalo lang niya itong ikinasimangot.
“Hanggang ngayon pa rin ba ay kriminal pa rin ang tingin mo sa akin? Kung gusto kitang kidnapin ay hindi ko hahayaan na makalayo ka pa dahil ikukulong lang kita sa kwarto ko. Hindi kita palalabasin para lang hindi mo makausap si Jake. Pero dahil mabait ako ay hindi ko gagawin iyon sa iyo. Mas pipiliin ko pang kainin ang aking pride kaysa naman ang saktan ka. You are too important to me, my love.” Halos kumabog ang kanyang puso sa mga ka-sweetan ni Vaughn.
“Mabait ka pa ba sa lagay na iyan?” Napailing na lamang si Vaughn at agad na siya nitong piniringan. Sana naman ay hindi niya malaman sa huling pagkakataon na kidnapper o kriminal si Vaughn. Masyado itong gwapo para maging kriminal siya.