Chapter 17

2142 Words
Nang wala na siyang makita ay agad niyang naramdaman ang pagtayo ni Vaughn sa kanyang likuran at agad na ipinulupot ni Vaughn ang mga braso niya upang gabayan siyang maglakad. Agad niyang naramdaman ang matipunong dibdib ng binata at halos mapalunok siya sa sobrang tigas nito. Pagkatapos ay naramdaman niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang leeg na naging dahilan upang magsitayuan ang kanyang mga balahibo. Pero hindi niya na lamang ito pinapansin dahil mamaya ay asarin nanaman siya ni Vaughn. Ang hangin pa man din ni Vaughn oras na pinaramdam ni Violet sa kanya kung gaano ito ka-gwapo. Nagsimula na silang maglakad kung saan ay nanatiling nakatayo sa kanyang likuran si Vaughn. “Slowly, my love. We’re almost there,” bulong nito sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto na silang naglalakad pero naramdaman na lang niya ang pagtigil nila at agad siyang nadismaya nang mawala ang matipunong dibdib ni Vaughn sa kanyang likuran. Naramdaman niyang inaalis nito ang kanyang piring kaya naman napahinga siya ng malalim upang ihanda ang kanyang sarili sa kanyang makikita. Nang maalis ni Vaughn ang kanyang piring ay napakurap-kurap na muna siya habang nag-a-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag. “We’re here. Surprise,” pagkasabi iyon sa kanya ni Vaughn ay halos mapatakip siya sa kanyang bibig. Maang siyang napatingin sa kanyang nakikita at halos maluha na lang siya sa sobrang saya. “I hope you’ve liked it.” “Yes! Oh my, Vaughn! H-How?” tanong niya. “Well, like I said, it’s a surprise.” Paanong hindi siya magugulat at maiiyak sa tuwa kung ang nasa harapan niya ay isang hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Sa mismong kinatatayuan nila ay isang pavillion na parang nakikita niya lang sa mga movies. Mula sa malayo ay makikita niya ang nakatagong mga salita na nakaukit sa mga bulaklak. Written on the center of the bed of roses are, ‘I LOVE YOU.’ Habang binabasa niya ito ay naninikip ang dibdib niya hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa sobrang saya. There are no words to describe how beautiful the place is. Napatingin si Violet kay Vaughn na may namumuong luha sa kanyang mga mata at nang makita ito ni Vaughn ay agad niyang pinahid ang mga mata ng dalaga. “Why are you crying, my love? Dinala kita rito para maging masaya ka pero nandito ka sa harapan ko at umiiyak.” Natawa na lang ng mahina si Violet sabay pinahid na rin niya ang kanyang mga luha. “No, no. I’m so happy, Vaughn. Hindi mo alam kung gaano ako kagalak na makasama ka habang binabasa ko ang mga salitang iyon. H-Hindi ko na alam kung ano’ng mararamdaman ko, Vaughn.” Hinaplos ni Vaughn ang kanyang mukha at pinakatitigan siya nito sa kanyang mga mata. “Then give me your love, Violet. Iyon lang ang kailangan mong iparamdam sa akin dahil ikaw lang ay sapat na. Like I said before, I want your heart.” Napatango naman si Violet. “I’m giving it to you already Vaughn. Walang dahilan para pigilan ko pa ang nararamdaman ko para sa iyo dahil aminin ko man o hindi ay matagal na akong nahulog sa iyo. I was just afraid. Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa pero nandito ka at binaliktad mo ang aking pananaw. Thank you.” Agad na yinakap ni Vaughn si Violet ng mahigpit. “You are making my heart beat so fast, my love. Pakiramdam ko ay baka ma-high blood ako ng wala sa oras dahil sa bilis ng pag-pump ng aking puso ng dugo.” Natawa na lang silang dalawa sa joke ni Vaughn. Nang maghiwalay sila ay agad na nagkatitigan sila sa mga mata ng bawat isa at agad na dumukwang si Vaughn upang halikan si Violet. Sa pagkakataong ito ay iyon na ang pinaka-unang halik ni Vaughn sa kanya at hindi na siya pumapalag o kung ano pa man. Hinalikan niya rin ng buong puso ang binata habang ramdam na ramdam nila sa bawat isa ang pagmamahal nila. Nang maghiwalay sila ay tahimik silang pareho na nakatingin lang sa mga rosas at walang salita ang lumabas sa kanilang bibig noong mga oras na iyon. Hindi man magsalita si Violet ay alam naman niya kung ano ang tumatakbo sa utak ni Vaughn na para bang nababasa niya ito. Makalipas ang ilang minuto na pagtayo nila sa mismong pavilion ay naisipan nilang kumain sa isang malapit na resto. Masaya silang nag-usap at nagsubuan pa sila ng kanilang pagkain. Matapos nilang kumain ay naisipan nilang maglakad-lakad sa kabuuan ng hardin kung saan ay magkahawak kamay sila. Sobrang saya ni Violet nang mga araw na iyon na pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang kasiyahan na kanyang nararamdaman. Nang lumipas ang ilang oras ay nakaramdam na ng pagod si Violet kaya naman inaya na niya si Vaughn na umuwi. Pumayag naman si Vaughn at hinatid niya si Violet pabalik sa New York kung saan ay abot langit din ang kanyang kasiyahan. Pagdating nila sa New York makalipas ang dalawang oras ay ginising ni Vaughn si Violet dahil mahimbing na itong natutulog. “My love, wake up. We’re here.” Umungol si Violet na ikinangiti niya sabay muli itong gumising. Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Violet at nakita niya ang gwapong mukha nito. Napangiti siya at agad siyang umayos ng upo sabay napatingin sa labas ng bintana. “Sorry, nakatulog na pala ako.” “It’s okay. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na total ay day off mo naman ngayon. Susunduin na lamang kita bukas ng gabi ulit.” Napatango naman si Violet sabay nauna nang lumabas si Vaughn at agad na pinagbuksan siya nito ng pinto. Paglabas ni Violet ay nagkatitigan silang dalawa ulit at naghalikan silang dalawa sa tabi ng kotse ni Vaughn. Pero agad na naghiwalay ang kanilang mga labi nang marinig nilang may tumikhim. Agad na napatingin si Violet at gano’n na lamang ang gulat niya nang makita niya ang nakababata niyang kapatid na si Xander na masamang nakatingin sa kanila. Napalunok siya at agad siyang napatingin kay Vaughn na wala man lang reaksyon at matapang niyang sinasalubong ang mga masasamang tingin ng kanyang kapatid. Dahan-dahan siyang lumapit kay Xander pero nakita niya kung paano kumuyom ang mga kamao nito. Mabilis siyang lumapit kay Xander at agad na hinawakan niya ang kamay ng kanyang kapatid. “X-Xander, let me explain,” pakiusap ni Violet sa kanya at agad namang napatingin sa kanya si Xander. “Ate, hindi ka ba nag-iisip? Sinabi ko na sa iyo na mag-iingat ka sa kanya dahil baka linuluko ka lang niya. Hindi mo ba naisip na baka may kailangan lang siya sa iyo at agad ka naman niyang nakuha ng gano’n gano’n na lang?” galit na sabi si kanya ni Xander. “Xander, bro, I courted your sister in the right way. Kung dapat ka man magalit ay sa akin at huwag sa kanya dahil ako ang pumilit sa kanya,” sabi ni Vaughn at agad namang napatingin sa kanya si Xander. “Huwag kang makialam dito dahil hindi ikaw ang kinakausap ko! Gago ka! Sa lahat pa talaga ng pagtritripan mo ay ate ko pa.” Galit na turo sa kanya ni Xander. “X-Xander, please. Totoo ang sinasabi ni Vaughn at saka isa pa ay desisyon ko naman na sagutin at magpaligaw sa kanya.” Pigil ni Xander sa kanya dahil akmang susugurin na niya si Vaughn. “Talagang ipagtatanggol mo ang gagong iyan, Ate?” Napatingin muli si Xander kay Vaughn nang mapalingon silang lahat nang may marinig silang boses. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya sa asawa nitong si Krysta nang makita niya ito na seryoso at masamang nakatingin sa kanyang asawa. Nang dumako ang kanyang mga mata sa akin ay agad siyang napangiti kaya nakaramdam siya agad ng ginhawa. “Hello, Ate.” Kaway ni Krysta sa kanya. “Krysta…” mahinang sambit niya sa pangalan ng asawa ng kapatid niya. “Darling,” simula ni Xander. “Can we talk?” agad na sabi ni Krysta sa kanyang asawa at bago sila lumayo ay napatingin saglit si Xander sa amin bago siya sumunod sa kanyang asawa. Agad namang lumapit si Violet kay Vaughn at tipid itong napangiti sa kanya. Pilit mang ngumiti at maging masaya ni Vaughn ay alam ni Violet na halos pareho lang sila ng iniisip ng mga oras na iyon. Hindi nila alam kung paano mapapapayag ang kanyang kapatid sa kanilang relasyon. Hindi maintindihan ni Violet kung bakit gano’n na lamang ang galit nito kay Vaughn gayong napatunayan naman ng lalaki na seryoso ito sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na magkahawak kamay sina Xander at Krysta at medyo lumambot ang ekspresyon ng kanyang kapatid. Pero alam ni Violet na may ginawa o sinabi si Krysta sa kanya dahilan upang hindi na ito magalit. Ang kaso ay ramdam pa rin ni Violet ang galit na nanggagaling sa kanyang kapatid lalo na kay Vaughn. “We need to talk,” umpisa ni Xander at nakatingin siya kay Vaughn. Agad naman silang nagtinginan ni Violet sabay tumango si Vaughn sa kanya na parang sinasabi na magiging maayos lang ang lahat. Pagkatapos ay sumakay silang dalawa sa sasakyan ni Vaughn at nagmaneho sila paalis kung saan. Naiwan naman silang dalawa ni Krysta na napapailing na lamang. Habang lulan ng sasakyan sina Vaughn at Xander ay naisipan ni Vaughn na umuwi na muna sila sa kanyang tinitirhang condo upang doon sila makapag-usap ni Xander. Nang makarating sila ay agad na bumaba si Xander at dahil sinasara niya ang pinto ng kanyang sasakyan ay hindi niya napansin ang pagsugod sa kanya ni Xander. Naramdaman niya ang pagdapo ng kamao nito sa kanyang mukha at agad naman siyang napaupo habang sapo ang kanyang pisngi. “Your highness!” rinig niyang sigaw ni Max na mukhang nakita pala ang ginawang pagsuntok ni Xander. Akmang susugurin niya si Xander ay pinigilan niya si Max na inis na napasunod sa kanyang utos. Tumayo si Vaughn at sinabi niyang ayos lang siya at wala siyang dapat ipag-alala dahil matalik na kaibigan niya si Xander at may hindi lang sila pagkakaintindihan. Napatitig naman si Max sa kanya at ipinagpasalamat niya na kahit papaano ay naniwala ito sa kanya. “Siguro naman ay bawing-bawi na ako dahil nasuntok mo na ako?” tanong ni Vaughn habang napapangiwi sa sakit ng kanyang mga labi. “Tss…gago! Magpasalamat ka at kinausap ako ng aking asawa dahil kung hindi ay pinadala na kita sa hospital.” Napangisi naman si Vaughn dahil simula nang makilala niya si Krysta ay mukhang magaling na rin ito sa self-defense. At masasabi niya na nasaktan nga siya sa ginawa ni Xander. “So? Papasok ba tayo o hindi?” tawag nito sa kanya na kanyang ikinangiti. “Asshole…” bulong niya habang nauna na siyang maglakad. Nang makapasok sila sa kanyang apartment ay agad silang pinagsilbihan ni Max at binigyan ni Max si Xander ng inumin. Habang siya naman ay pinakuha niya si Max ng ice pack saka idinampi nito sa kanyang mukha. “I think I deserve this,” tukoy niya sa kanyang labi. “Ano’ng gusto mong pag-usapan?” “Isang sagot, isang tanong. Are you serious with my sister?” Akmang sasagot siya ay pinigilan siya ni Xander. “Bago ka sumagot ay ayokong marinig iyong sagot mo na para bang nangungumbinsi ka dahil kilala na kita at alam ko kung nagkukunwari ka. Kaya gandahan mo ang sagot mo dahil nakasalalay doon kung papayagan kitang makita pa ang aking kapatid. At wala akong pakialam kung ano’ng titulo mo dahil para sa kapakanan ni Ate ay gagawin ko ang lahat mailayo lang siya sa iyo.” Agad namang napahinga ng malalim si Vaughn at bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaibang kaba at takot. Ito ang mahirap dahil kilalang-kilala na siya ni Xander kaya wala man lang siyang pwedeng maitago sa kanya. Matapang niyang sinalubong ang mga tingin ni Xander saka siya sumagot. “I am serious with her, Xander. And I am willing to do anything for her just to be with me. When I say anything, I am willing to kill who will come in my way. Even you, asshole.” Matagal silang nagtitigan at nagsukatan ng tingin. Walang balak na magpatalo si Vaughn dahil wala na siyang ibang paraan para mapaniwala niya si Xander. Maya-maya ay bigla na lamang napangisi si Xander sabay napailing at uminom ito sa hawak niyang beer. “I believe you, dude. I have the same eyes every time I see my wife talking to other guys. s**t. This is bullshit. Hays. Bwisit ka. Kung nagkataon ay magiging brother-in-law pa kita. Tsk!” Napangisi na lang si Vaughn. “Sorry about that. You need to learn to live with it then, dumbass.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD