Chapter 15

2091 Words
Pagkatapos bigyan ni Violet si Vaughn ng halik sa kanyang pisngi ay nanatiling nakatayo sa kanyang kinatatayuan si Vaughn at nakatulala ito sa hangin na para bang naging estatwa siya. Agad naman na natawa si Violet at nang mapatingin siya kay Max ay nakita niyang ngumingiti ito. Pagtingin niya kay Vaughn ay napakurap-kurap ito at mukhang bumalik na siya sa kanyang pagkakaestatwa. Napatingin si Violet sa kanyang orasan at halos mapalaki ang kanyang mga mata nang makita niyang malapit nang magsimula ang kanyang s**t. “Hala! Mamaya na tayo mag-usap. I need to go to work. Mala-late na ako.” Mabilis siyang pumunta sa kanyang sasakyan at doon lang natauhan si Vaughn. “W-What just happened?” tanong ni Vaughn kay Max at nagkibit balikat lang ito. “What the— Violet! What’s your answer? Is that a yes or a no?” tanong ni Vaughn kay Violet habang nakasunod ito sa kanya. “What do you think?” sigaw pabalik ni Violet na tumatawa. Naisipan ni Max na siya na ang magd-drive dahil mukhang nagdidiskusyon pa ang dalawa na kanya namang ikinailing. Nang makarating sila sa La Savor ay mabilis na lumabas si Violet at patakbo itong pumasok sa resto. Mabilis naman na sumunod si Vaughn habang tinatanong pa rin siya kung ano ang kanyang sagot pero dahil ayaw niyang ma-late ay hindi pinansin ni Violet ang kanyang tanong. Mabilis na pinasok ni Violet ang kanyang mga gamit sa kanyang opisina nang hindi niya namalayan na mabilis pa lang nakasunod sa kanya si Vaughn. Napalingon na lamang siya nang makarinig siya bigla ng click at pagtingin niya ay linock ni Vaughn ang pinto. Agad niyang pinanlakihan ng mga mata ang binata pero hindi ito nagpatinag. “Vaughn, bakit mo linock iyong pinto? I need to work,” sita niya sa binata pero parang wala itong naririnig. “Hindi mo ba alam na muntik mo na akong binigyan ng sakit sa puso tapos bibitinin mo pa ako?” Nakita niya na medyo naiinis ito pero mas nangingibabaw ang pagiging dismayado nito na kanyang ikinatuwa. “Ano ba sa tingin mo?” tanong niya habang pigil ang kanyang ngiti na nakatingin kay Vaughn. “Geez. Don’t make me a crazy person, Violet. Hindi ko alam kung ano ang iispin ko sa ginawa mong paghalik sa akin sa pisngi. Violet, will you please give me your answer? Hindi ko na alam kung ano’ng iisipin ko. Do we have the deal or not?” Napahagikgik siya sabay tumango. “Yes, we have a deal,” sagot niya sabay kagat sa kanyang ibabang labi. “So? Pwede na ba akong lumabas ng opisina ko?” “R-Really? Does this mean that…? Are you my…? Is this true?” Napairap na si Violet habang nakangiti. “Oo na nga, Vaughn. You made me fall in love with you in a month. At katulad ng sinabi ko sa iyo noon ay magiging girlfriend mo ako agad oras na nagawa mo iyon. Nasabi ko na ng maliwanag kaya pwede bang mamaya na natin ito pag-usapan? Please? We have a lot of customers right now, and the others might need me outside.” Pakiusap niya sa binata na nakaharang sa mismong pintuan. “YES!” sigaw nito sabay napasuntok pa sa hangin. “Thank you, my love. Thank you, thank you, thank you. Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo. Holy cow! YES! Thank you, Lord!” Natawa na lang si Violet habang nagsisisigaw ito kaya naman lumabas na siya at iniwan niya ang lalaki na abalang nagsasaya ng mag-isa. Nang paglabas niya ay napatigil na lang siya nang nakatayo ang ilang mga empleyado niya at mukhang nakikinig pala ang mga ito. Nang makita siya ng mga ito ay nagkunwari silang may ginagawa at nakikipag-usap sa iba. Napailing na lang siya at napangiti na lang siya nang biglang sumipot si Laura sa kanyang tabi sabay siniko siya. “Narinig namin iyong kanina.” Napairap naman si Violet sa hangin habang nakangiti siya kay Laura. “Ikaw talaga sasagutin mo rin naman pala si labidabs mo nagpakipot ka pa talaga ng isang buwan.” “Laura…” “Oo na. I’m aware of your previous relationship, but I’m so happy for you. Hindi bale oras na linuko ka ng taong iyan ay ako ang unang kakampi mo.” Napangiti naman si Violet sabay napangiti nang magpaalam na ito sa kanya. Habang abalang nagtratrabaho si Violet ay palagi siyang napapatingin kay Vaughn at nahuhuli niya itong palaging nakatitig sa kanya. Naco-conscious tuloy siya sa mga galaw niya dahil pakiramdam niya ay nakasunod lang ang mga mata nito sa kanya. Napapailing na lamang si Violet sa kanyang loob-loob dahil parang mga mata ng hawk ang mga mata nitong nakasunod sa kanya. Nang lumipas ang ilang oras ay naging abala sila dahil biglang dumami ang mga tao sa restaurant noong oras na iyon. Sa sobrang abala nila ay naging mabilis ang oras hanggang sa malapit nang matapos ang kanyang trabaho. Nang mapatingin si Violet sa kanyang orasan ay isang oras pa bago matapos ang kanyang shift. Kaya naman naisipan niyang tapusin ang kanyang trabaho na nakatayo malapit sa pinto upang batiin ang iba pang mga pumapasok. Muli siyang napatingin kay Vaughn at napangiti na lang siya nang makita niyang titig din ito sa kanya. Kumindat pa ito sa kanya na kanya na lang ikinailing dahil para itong teenager na lalaki na nagpapa-cute sa kasintahan. Pero agad na napawi ang kanyang mga ngiti nang makita niya kung sino ang bumungad sa kanya sa pinto. Halos manlamig ang kanyang katawan nang makita niya ang pamilyar na bulto na nakatayo sa mismong pintuan habang may kasama ito. Maang siyang napatingin dito na para bang nakatingin siya sa isang multo na matagal na niyang linimot ng isang taon. At nang magtama ang kanilang mga mata ay mas lalong sumakit ang kanyang ulo at agad siyang nakaramdam ng kakaibang galit sa nasabing lalaki. Ang walang hiyang lalaki na nakatayo ngayon sa kanyang harapan ay walang iba kung hindi ang dati niyang kasintahan na si Jake. Mukhang nagulat din itong nakatitig sa kanya at hindi alam kung magsasalita ito o hindi. “V-Violet…” mahinang sambit nito na agad na nagpabalik sa kanya sa katotohanan. “Jake…” “Wow. What a coincidence? W-What are you doing here?” tanong ng lalaki sa kanya. Imbes na makasagot siya ay agad siyang napatingin sa babaeng katabi nito na pansin na medyo maumbok na ang tyan. Maganda ito at nang mapatingin ang babaeng kasama ni Jake sa kanya ay inosente itong ngumiti sa kanya. “Uhm, w-welcome in L-La Savor ma’am and sir. For how many people?” lakas loob niyang tanong sa kanila. “Four.” Agad siyang tumango at nagpatulong na lamang siya sa waiter na nandoon. Naunang umalis ang kasama nitong babae kasama ang dalawang matanda na hinala niya ay marahil mga magulang ng babae. Napatungo na lamang si Violet nang mapansin niyang nakatayo pa rin si Jake sa kanyang harapan. “W-What else do you need, sir?” tanong niya kay Jake. “Violet, can we talk?” Napailing siya at gusto na niyang lamunin siya ng lupa ng mga oras na iyon. “No,” mariin niyang sabi. “Now, would you please move because you are already in the way of the other customers.” “Please? I just need to talk with you. I need to explain myself for leaving you at the altar like that.” Napapikit si Violet nang maalala niyang muli iyong sinaryo kung saan ay halos isumpa niya ang lalaki. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Jake. Malinaw naman na sa akin ang ginawa mo kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag sa akin. Kaya pwede ba puntahan mo na lang iyong kasama mo at baka hinahanap ka na nila.” Akmang maglalakad na siya paalis nang bigla siyang pinigilan ni Jake. At dahil sobra siyang nanghihina dahil sa kanyang nakita ay mabilis siyang nahila ni Jake palabas ng restaurant papunta sa may parking lot. Nang makalabas sila roon ay pakiramdam ni Violet para siyang mahihimatay habang kasama niya ang lalaki. “Jake, bitawan mo nga ako! Ano ba?!” Pagpupumiglas ni Violet pero hindi nakinig si Jake. “I just want to talk to you. Please, makinig ka naman sa akin. Can you please listen to what I have to say before you close your ears to me? Please, Violet.” Pagmamakaawa nito sa kanya. “I have my reasons on why I needed to leave you at the altar that day.” “Pwes kung anuman iyang rason mo ay wala na akong pakialam dahil iniwan mo pa rin ako noong araw na iyon. Alam mo ba kung ano’ng kahihiyan ang kailangan kong harapin? Alam mo ba kung ano’ng hirap ang dinanas ko at ng pamilya ko dahil sa ginawa mo? Ha? Alam mo ba?” sigaw niya sabay tinulak palayo si Jake. “Violet—” Hindi natuloy ni Jake ang kanyang sasabihin dahil agad na may humarang na isang bulto sa pagitan nilang dalawa ni Violet. Doon lang napatingin si Violet at nakita niya si Vaughn na galit na galit habang nakatingin kay Jake. “I think even a wise person like you knows the meaning of no. Before I break your face, leave now or I will send you to the hospital as soon as possible. God forbids I’m trying to control myself,” madiin na sabi ni Vaughn sa bawat salita. Napalunok si Violet nang marinig niya kung paano niya takutin si Jake at kahit ang dating kasintahan ay hindi agad nakaimik. Dumako na lamang ang mga mata ni Jake kay Violet at agad naman siyang napaiwas ng tingin habang yakap ang sarili. “I will find you, Violet. I will make you listen to me. I still love you, and I am willing to do anything for you to come back to me.” Pagkasabi ito ni Jake ay napapikit na lamang siya at hindi niya pinansin ang lalaki kahit nang umalis ito. Nang maiwan silang dalawa ni Vaughn ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata lalo na at kasasagot niya pa lang dito. Ngayon na nakita niya si Jake ay gumulo muli ang kanyang buhay at ang inaakala niyang sakit na kanyang pilit na ibinaon ay muling bumalik na parang kailan lang. Nanatili siyang nakatayo dahil maski ang binata ay nanatiling tahimik at kahit nakatalikod ito sa kanya ay ramdam niya ang galit na nagmumula rito. “V-Vaughn?” Gusto niyang abutin ang binata pero may pumipigil sa kanya. Maya-maya ay napalingon sa kanya si Vaughn at agad siyang yinakap na kanya namang ikinagulat. Ang buong akala kasi niya ay galit ito sa kanya pero sobrang higpit ng yakap nito sa kanya na para bang mawawala siya. Nang maghiwalay sila ay nakita niya ang kakaibang takot sa mga mata nito. “Please don’t leave me, my love. He’s your ex, right? Now that you’ve seen him, what are you feeling? Do you still have feelings for him? Mahal mo pa rin ba siya? Are you going to give him a chance?” Natameme siya sa kakaibang takot na nakikita niya dahil ngayon lang niya nakitang gano’n si Vaughn. “Vaughn…” Hinaplos ni Violet ang kanyang pisngi at nakita niyang medyo lumambot ang ekspresyon nito. “Wala kang dapat ipag-alala dahil wala akong balak na balikan na si Jake. Aaminin ko na nagulat ako dahil nakita ko siyang muli pero hindi ibig sabihin nun na bumalik ang pagmamahal ko sa kanya. Kung may bumalik man ay ang nararamdaman kong galit at poot sa kanya at wala nang iba.” “s**t. I was so nervous when I saw your reaction a while ago. Nang makita kong hinila ka niya palabas ay agad akong sumunod at doon ko narinig na siya pala si Jake. I was so angry at him that I almost hit him. Mabuti na lamang at napigilan ako ni Max kung hindi ay baka talagang dumiretso na siya ng morgue sa hospital.” Napailing si Violet. “You’re just saying that because you’re angry.” Si Vaughn naman ang napailing. “It’s true, my love. Kaya kung pumatay ng tao lalo na kung ikaw ang kukunin nila mula sa akin. I can make my hands dirty if it means that it was you, they are after.” Imbes na matakot si Violet sa pinagsasabi ng binata ay may kung ano’ng kilig siyang naramdaman. Habang nakatitig siya sa mukha ng lalaki ay mas lalo lang siyang nahuhulog dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD