Chapter 6

2047 Words
Nang makapasok si Violet sa kanyang opisina ay mabilis siyang pinigilan ni Jack sa kanyang braso pero agad niyang iwinaksi ang kanyang kamay. Naiinis siyang humarap kay Jack na nakita niyang nagsisisi sa kanyang ginawa. Napatungo si Jack habang masamang nakatingin si Violet sa kanya. “Why did you do that?” tanong niya kay Jack. “Alam mo naman na sinabi ko sa iyong hindi ako handa na pumasok sa isang relasyon.” “Hindi handa? Kung gano’n ay sino’ng ang lalaking iyon? My love? Car? I’ll fetch you later? Gano’n ba ang hindi handang makipagrelasyon?” sumbat ni Jack sa kanya na kanyang ikinainis. “Wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo Jack dahil kung anuman ang relasyon ko kay Vaughn ay wala ka na roon.” Dumiretso siyang pumasok sa kanyang opisina at iniwan niya si Jack sa labas ng opisina at sinara ang pinto. Binagsak niya ang kanyang mga gamit sa kanyang upuan at agad siyang napatingin sa kanyang cellphone nang makita niyang tumatawag sa kanya si Vaughn. Dahil sa galit niya kay Jack ay pinatay niya ang tawag nito at mabilis na in-off niya ang kanyang cellphone. Pagkatapos ay sinubukan niyang iwasan si Jack sa trabaho hanggat maaari. Nang lumipas ang araw ay maraming tao at sonrang abala nila sa restaurant na hindi na niya namalayan na malapit na pa lang matapos ang kanyang shift. Habang naghahanda na siyang tapusin ang kanyang trabaho ay may kumatok sa kanyang opisina at ilinuwa nun si Laura. “Girl, may naghahanap sa iyo sa labas,” sabi ni Laura sa kanya. “Sino raw?” tanong niya. “Ayaw ipasabi e. Nandoon siya sa may VIP room at ikaw talaga ang rinequest niya.” Napakunot naman siya at agad siyang pumunta sa isa sa mga VIP rooms nila kung saan ay mga mayayaman lang talaga ang nakaka-afford nito. Kumatok na muna siya sa pinto at pagpasok niya ay agad na sumama ang timpla ng kanyang mukha nang makita niya ang pamilyar na mukha na kinaiinisan niya. “Good morning, laloves. Join me in my breakfast. Baka hindi ka pa kumakain,” yaya ni Vaughn sa kanya. “Mag-breakfast ka mag-isa mo. Kunin mo na rin iyong sasakyan mo dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo.” Tatalikod na sana siya upang lumabas ng silid nang napatigil siya bigla nang may humarang sa kanyang isang lalaki na kasing tangkad ng isang basketball player. Napaatras siya at agad niyang hinarap si Vaughn na nakangiti ng maluwang sa kanya. Tinapik nito ang upuan na nasabi tabi nito kaya naman napilitan siyang umupo sa tabi nito. Pagkatapos ay napahinga na lamang siya ng malalim at humalukipkip dahil naiinis pa rin siya sa ginawa ni Vaughn. “Eat. Mahirap ang nalilipasan ng gutom lalo na at panggabi ka,” sabi ni Vaughn sa kanya sabay tulak ng isang pinggan na may lamp chops. “Ano naman ang pakialam mo kung hindi ako kumain?” mataray niyang tanong. “Because I care about you. I think that’s enough reason for me to force you to eat.” Tinulak ni Violet pabalik ang pinggan at nakita niya ang pagtataka sa mukha ng binata. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo sa akin, Vaughn. Noong una ay pinilit mo akong sumakay sa kotse mo. Pagkatapos ay pinahiram mo sa akin ang sasakyan mo na para bang nagpapahiram ka ng laruan sa isang bata. At iyong kanina. Ngayon naman ito ang ginagawa mo. What do you want from me?” Natahimik saglit ang binata at sumeryoso ang tingin nito sa kanya. “Sinabi ko na kung ano ang gusto ko, Violet.” Napapikit siya ng mariin. “You can’t be serious.” “I am serious, Violet. Hindi ko paglalaanan ng oras ang lahat ng ito kung hindi ako seryoso. Sa tingin mo ba ay nagluluko lang ako?” Tumango siya. “Yes. You are the kind of person who likes to play with women’s hearts. Para sabihin ko sa iyo ay hindi ako ang babaeng iyon at hindi ako easy to get, okay? Hindi ako handang makipagrelasyon at hindi na siguro ako makikipagrelasyon pa ulit kaya huwag ka nang umasa sa akin, Vaughn. Kaya pwede ba itigil mo na ito at gusto ko nang umuwi.” Tumayo siya at linapitan ang lalaking nakabantay sa may pinto. “Is this because of the guy who left you at the altar?” tanong nito sa kanya na ikinatigil niya. “Like I said, why are still hanging with a guy like that? He’s not worth it of your love, Violet.” Hinarap niya ito. “At sino ang worth it para sa akin? Ikaw? Come on, Vaughn. Huwag nga nating lokohin ang mga sarili natin. You just met me for what? Three days? Isang buwan ka ngang nawala bago ka magpakita ulit sa akin ‘di ba? You can’t just fall in love with me that fast.” Hindi sumagot si Vaughn at agad lang niyang tinanguhan si Max na nagbabantay sa may pinto at agad naman itong tumango. Pagkatapos ay lumabas ito at narinig niya na may nag-click sa labas na agad na ikinaalarma ni Violet. Linapitan niya ang pinto at sinubukang pihitin ang busol ng pinto pero hindi na ito mabuksan. “Wha— Let me out, Vaughn. You can’t lock me in here,” utos niya sa binata. “Okay, but in one condition. Palalabasin kita pero pakinggan mo na muna ako.” Nakipagtitigan siya kay Vaughn at sinusukat niya kung totoo ba ang sinasabi nito sa kanya pero wala siyang makitang bahid na linuluko siya nito. Kaya naman napilitan siyang umupo sa tabi ni Vaughn pero sinigurado niyang may distansya sa pagitan nilang dalawa. Tinaasan niya ito ng kilay upang sabihin na magsimula na siyang magsalita at makikinig siya. “Okay. Look, hindi kita pinipilit na paniwalaan ako at mas lalong ayaw kitang pilitin sa isang bagay na ayaw mong gawin. Violet, I meant what I said a while ago, and I will never go back to my word. I really do like you. Ngayon kung sinasabi mo nga na hindi ka na talaga handang makipagrelasyon ay titigilan na kita pero bigyan mo ako ng isang buwan.” Napakunot ang noo ni Violet sa sinabi niya. “Isang buwan para saan?” tanong niya. “One month to make you fall in love with me.” Natahimik siya at bigla siyang natawa hanggang sa mapansin niya na hindi man lang ngumingiti o tumatawa si Vaughn kaya napatigil siya at bigla siyang napailing. “Why, me? Vaughn, nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? You are like a god who was sent from another planet. At sigurado akong aware ka na kahit sinong babae ay kaya mong paibigin. Kaya bakit mo pa ako pag-aaksayahan ng panahon?” Tumango-tango ito sa kanyang sinabi. “Maybe. Pero kung sakaling tama ka ay bakit hindi kita kayang paibigin? You are trying to push me away, Violet.” Napahilot sa kanyang noo si Violet dahil hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ng binata. “I. Like. You. One month, Violet. Just give me one month.” Nakita niya na mukha naman itong seryoso at mukhang hindi ito nagluluko o kung ano pa man. Napabuntong hininga siya at hindi niya alam kung dapat ba talaga niyang tanggapin ang alok ni Vaughn. Si Jack nga ay hindi niya pinagbigyan sa gusto nito, si Vaughn pa kaya? Pero napatingin siyang muli sa lalaki at naisip niya na hindi siya titigilan nito oras na hindi siya pumayag. Umayos siya ng upo at mabilis siyang humarap kay Vaughn na mukhang hinihintay ang kanyang sagot. “Payag ako pero may isang kondisyon din ako.” Tumango si Vaughn. “Oras na hindi mo magawa ang sinabi mo sa isang buwan ay titigilan mo na ako at hinding-hindi ka na magpapakita sa akin.” Napatango siya at kinagat niya ang kanyang ibabang labi bago siya muling nagsalita. “P-Pero oras na nagawa mo ang sinabi mo sa akin ay payag na akong maging nobya mo.” Lumaki ang mga mata nito at nakita niya ang gulat sa kanyang mukha. Tinitigan ni Vaughn ang kanyang mukha na parang bang inaaral kung nagsasabi siya ng totoo. Hindi niya makayanan ang matagal na pagtitig ni Vaughn dahil iba ang nararamdaman niya kaya naman umiwas siya. “Then, it’s a deal, Violet.” Lahad ni Vaughn ng kanyang kamay sa kanya at malugod niya itong tinanggap. Pagkatapos nilang mag-usap ay nakiusap na siya kay Vaughn na kung pwede ay buksan na niya ang pinto dahil gusto na talaga niyang umuwi. Pinayagan naman siya ng binata at hindi na siya pinilit nito na kumain pa. Mabilis siyang lumabas at agad niyang kinuha ang kanyang mga gamit sa kanyang opisina bago siya umalis. Saktong palabas na siya ay nakasalubong niya pa si Jack na napatigil din nang makita siya. Hindi niya na nagawang nginitian ito o pansinin katulad ng dati niyang ginagawa at lumabas na siya ng restaurant. Habang naghihintay siya ng taxi ay narinig niyang tinatawag siya ni Vaughn kaya naman napalingon siya rito. “I want you to have my car.” Napatingin siya kay Vaughn na binibigay sa kanya ang susi ng kanyang sasakyan. “What? Pero…” “Please accept it. Mas mapapanatag ang aking loob na ligtas kang makauwi.” Alanganin niyang tinanggap ang susi na binibigay sa kanya ni Vaughn. Pagkatapos ay hinatid pa siya nito sa mismong sasakyan at bago siya umalis ay kumaway ito sa kanya at minaneho na niya ang sasakyan ni Vaughn. Habang nasa daan ay hindi maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Vaughn sa kanya. Pinangako na kasi niya sa kanyang sarili na magbabagong buhay na siya at hindi na siya tatanggap ng kahit na ano’ng paramdam sa ibang lalaki. Pero naisip ni Violet na paano niya gagawin ang bagay na iyon kung ang isang katulad ni Vaughn ay hindi yata alam ang salitang hindi o hindi pwede. Na-i-stress na siya kaya naman nang tumigil ang kanyang sasakyan dahil red light ay ginulo niya ang sariling buhok. Hindi siya mapakali na umuwi ng kanyang bahay ngayon kaya naisipan niyang pumunta sa isang tao na pwede niyang sabihan ng kanyang problema. Iniba niya ang tahak ng kanyang sasakyan at mabilis siyang pumunta sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan. Nakatira ito sa isang private na subdivision dito sa New York at dahil kilala na siya ng guard ay agad siyang pinapasok. Agad niyang hinanap ang bahay nito at pinarada ang kanyang sasakyan sa mismong harapan ng kanilang malaking gate. Pagkababa niya ay mabilis niyang pinindot ang doorbell nito at agad na tinanong sa intercom kung sino siya at agad niyang sinabi ang kanyang pangalan. Narinig niyang nag-click ang gate at dahan-dahan itong nagbukas. Pagpasok niya ay kinailangan niya pang lakarin ang mahabang hardin nila. Nang malapit na siya sa bahay ng kanyang kaibigan ay agad na bumungad sa kanya ang maluwang na swimming pool nila kung saan ay nakita niyang lumalangoy ang kanyang kaibigan. Umupo siya sa isa sa mga upuan doon habang hinihintay niyang umahon ito. Agad naman siyang binigyan ng isang mango juice ng isa sa kanilang katulong bago umahon ang kanyang kaibigan. “Violet? What a surprise? Buti naman at naisipan mong bisitahin ako?” sabi nito habang pinupulot niya ang kanyang manipis na bathrobe. “Masama ba na bisitahin kita paminsan-minsan?” tanong ni Violet sa kaibigan. “Tss. Saka ka lang naman pumupunta sa akin kapag may kailangan ka o kaya kapag may problema ka,” pagtatampong sabi nito sa kanya at umupo ito sa katapat niyang upuan. “So? Ano ang totoong rason kung bakit ka pumunta rito?” “Dyanne, I need your help. There’s this guy…” Hindi pa lang niya natatapos ang kanyang sasabihin ay napasinghap si Dyanne at naging excited agad ang ekspresyon sa mukha nito. “Really? Is he handsome? Rich? Oh, wait. Is he an asshole like that Jake? If he is, then turn him down immediately.” Napahinga siya ng malalim at sinabi ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Vaughn sa lumipas na tatlong araw. “There. What do I do?” tanong niya kay Dyanne at ngiti lang ang sinagot nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD