Chapter 12

2045 Words
Masayang dumating si Violet sa La Savor at pagpasok niya sa restaurant ay agad na tumuon ang kanyang mga mata sa dating pwesto ni Vaughn. Pero agad siyang nadismaya nang makita niya na wala si Vaughn at tanging ang kasa-kasama lang nitong lalaki ang meron. Naisip niya na marahil ay may kinuha lang ito sa labas kaya hindi niya na muna ito pinansin. Pero makalipas ang ilang oras ay napansin ni Violet na wala nga roon ang binata. Noong unang araw na wala ito ay hindi niya pinansin ito pero nitong nakalipas na isang linggo ay doon na siya kinakain ng pag-aalala niya. ‘Saan naman pupunta ito at hindi man lang siya nagpapakita sa akin ng ilang araw na?’ nasabi ni Violet sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa pwesto dati ni Vaughn. Habang nakatayo siya malapit sa pinto ay tumabi sa kanya si Laura at pinuna nito ang pag-aalala niya. “Hoy. Kanina ka pa nakatitig doon sa dating pwesto ng manliligaw mo. Nag-aalala ka ba na baka nagsawa na siyang hintayin ka?” tanong ni Laura sa kanya at agad naman siyang napatingin kay Laura. “H-Hindi naman siguro siya magsasawa noh.” Tinaasan naman siya ni Laura ng kanyang kilay. “Baka may importante lang siyang pinuntahan kaya wala siya ngayon dito.” “Hays. Bakit hindi mo na lang tanungin iyong kaibigan niya nang malaman mo kung nasaan si labidabs mo?” Napatingin si Violet sa lalaking palaging kasama ni Vaughn. “H-Hindi ba ako magmumukhang naghahabol oras na ginawa ko iyon?” Inirapan naman ni Laura si Violet sa tanong niya. “Magtatanong ka lang naman. Hindi naman porke nagtanong ka na ay ibig sabihin nun naghahabol ka na. Alamin mo lang kung nasaan si Vaughn nang hindi ka nag-aalala riyan at nag-iisip ng kung anu-ano.” Pagkatapos ay iniwan na siya ni Laura at huminga siya ng malalim bago niya naisipang lapitan ang nasabing lalaki. Nang makalapit siya sa lalaki ay napaangat ang tingin nito sa kanya at agad siyang tumayo sabay yumuko na para bang napaka-importante niyang tao. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang dahil sa ginawa ng lalaki. “Uhm, i-ikaw iyong kasa-kasama ni Vaughn ‘di ba?” Tumango ito. “A-Alam mo ba kung nasaan siya? Napansin ko kasi na isang linggo na siyang hindi nagpapakita pero palagi ka namang nandito kaya naisip ko na baka may nangyari sa kanya.” Nanahimik ito saglit habang nakatitig lang sa kanya. Makalipas ang ilang segundo siguro ay ngumiti ito sa kanya. “You don’t need to worry about him, my lady. He’s perfectly fine and safe. He’s family needs him, so he needed to go back to his country. But once everything is okay, he’ll come back here.” Medyo nagulat pa si Violet nang marinig niya mula sa lalaki ang mga salitang, ‘my lady’. Hindi naman siya gano’n kagalang-galang para sabihan siya ng lalaki ng gano’ng entitlement. Napatango na lamang si Violet at akmang aalis na siya nang matigil siya sa kanyang kinatatayuan. Naalala nga pala niya na hindi pa pala niya natatanong kung ano ang pangalan ng binata. Kaya naman muli siyang bumalik at tinanong nito ang kanyang pangalan. “My name is Max, my lady.” Napangiwi na lang siya ulit nang marinig nanaman niya ang my lady na iyon mula sa lalaki. “Uhm, why do you call me like that?” tanong niya. “Like what, my lady?” “That. Why do you need to call me, my lady? Hindi naman ako royalty o isang noble para sabihan mo ako ng my lady.” Napatingin muli sa kanya si Max. “I think it only fits for a lady like you. We don’t know. You might marry a royalty someday, my lady.” Napahagikgik na lamang siya dahil napaka-imposible namang mangyari nun. Siguro kung sakali man na may ikakasal sa isang royalty ay hindi siya iyon. Hindi siya katulad ni Princess Diana o ni Duchess Meghan na sobrang sinuwerte dahil nakapag-asawa ng prinsipe at duke. Napailing na lamang si Violet at nagpasalamat na lamang siya sa pagsagot sa kanyang mga tanong. Muling lumipas ang isang linggo ay hindi ulit muling nagpakita si Vaughn sa La Savor. Hindi alam ni Violet kung ayos lang ba ang kalagayan ng binata pero iyong katotohanan na nandito si Max ay siyang nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaan si Vaughn na paibigin siya at sinabi niya na pahihirapan niya ito. Pero paano niya gagawin iyon gayong hinahanap-hanap niya ang lalaki? Nagiging praning na rin yata siya dahil tuwing magbubukas ang pinto ng La Savor ay palagi siyang napapatingin dito. At tuwing makikita niya na iba ang taong papasok dito ay sobra siyang nalulungkot. Naisip niya rin na marahil kaya gano’n siya ay nasanay lang siya na palaging nandyan ang binata na nagbabantay sa kanya. Kung minsan ay pumapasok sa kanyang utak ang paalala sa kanya ng kanyang kapatid pero tuwing nakikita niya si Max ay pilit niyang iwinawaksi ito. Hanggang sa nagsawa na siyang isipin kung ano ang maaaring ginagawa ng binata at pinilit niyang hindi mapatingin sa pinto. Katulad ngayon ay malapit nang matapos ang kanyang shift at tumutulong na siya sa pagligpit ng mga ilang mga gamit. Habang nagtutupi siya ng ibang table napkin ay napansin niya na wala sa dati niyang pwesto si Max na kanyang ikinakaba. Sa inis niya sa sobrang kaiisip ay halos idabog na niyang ayusin ang mga table napkin. Nang matapos niya itong inayos ay dumiretso na siya sa kanyang opisina upang ayusin ang kanyang gamit. Sobra na siyang na-i-stress na anumang oras ay iiyak na siya hanggang sa may kumatok sa kanyang pinto. “Not now!” sigaw niya habang inaayos niya ang kanyang bag. Halos isiksik na niya ang mga gamit niya sa loob ng kanyang bag nang muling kumatok ang nasabing tao sa kanyang pinto. “Ano ba? Sinabi ko nang—” Pero gano’n na lamang ang kanyang pagkatigil nang makita niya ang bulto ng taong nakatayo sa kanyang pintuan. Nandoon ang mga berdeng mga mata na halos dalawang linggo niyang hindi nakita. Iyong gwapong mukha na nagpabighani sa kanya nang una niya itong makita at ang ngiti nito na parang sa kanya lang nito pinapakita. “V-Vaughn…” mahinang sambit niya sa pangalan ng binata. “Hi, my love. Did you miss me?” Huminga ng malalim si Violet at ang luha na matagal niyang pinipigilan ay unti-unting lumabas sa kanyang mga mata. Naramdaman niya ang mainit na pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi hanggang sa hindi niya namamalayan na nasa harapan na niya ang binata. Naramdaman niya ang pagpahid ni Vaughn sa kanyang mga luha pati na rin ang nag-aalalang ekspresyon nito. “Hey, why are you crying? Gano’n mo na ba ako na-miss na naiiyak ka na?” pang-aasar nito na kanyang ikinatawa ng mahina kahit naluluha siya. “Hindi. Asa ka namang na-miss kita,” sabi niya at nakita niyang napangiti sa kanya si Vaughn. “Oo nga naman. Paano mo nga naman ako mami-miss e hindi pa nga kita napapaibig? Hindi bale darating ang panahon na aawayin mo ako dahil sa sobrang pagkasabik mo sa akin.” Napailing na lamang si Violet dahil nandito nga si Vaughn sa harapan niya. “Hindi ko malaman kung humble ka ba o humble na hambog ka.” Ngumuso siya at napailing lang si Vaughn sa kanya. Agad namang pinahid ni Violet ang kanyang luha at masayang hinarap ang lalaki. Marami siyang tanong sa lalaki pero hindi niya na uusisain ito hanggat hindi ito ang nagsasabi sa kanya. “Pasensya ka na kung hindi natuloy iyong date natin pero siguro naman ay pwede pa naman akong bumawi ‘di ba?” tanong ni Vaughn sa kanya na kanyang ikinatango. Hindi na siya nagpakipot pa at mabilis siyang sumama kay Vaughn at ginamit nila ang BMW na pinahiram ni Vaughn sa kanya. Kasama nila si Max sa likuran ng kotse at agad siyang nagtaka kung magiging third wheel ito sa date nila. Mukhang napansin naman ni Vaughn na nakatingin si Violet kay Max kaya ito na mismo ang sumagot sa tanong niya. “Don’t worry, my love. Maiiwan si Max sa loob ng kotse para bantayan ito.” Napatango naman si Violet at itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa labas ng binata. Habang binabagtas nila ang mahabang daan ng New York ay napansin ni Violet na medyo lumayo sila ng kunti sa mismong siyudad. Nakaramdam siya ng antok dahil katatapos lang kasi ng shift niya kaya habang nagmamaneho si Vaughn ay itinulog niya muna ito hanggang sa unti-unti na siyang hinihila ng antok. Nang mapatingin si Vaughn kay Violet ay napangiti siya nang makita niyang mahimbing na itong natutulog. Mukhang napagod ang dalaga sa kanyang trabaho dahil malalim na ang tulog nito. Naisipan niyang dumaan muna sa isang gasolinahan upang magpa-karga ng gasolina dahil malapit nang ma-empty ito. Nang matapos ay itinuloy ni Vaughn ang magmaneho sa lugar kung saan ay talagang pinaghandaan niya ang date nila ni Violet. Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na sila sa wakas sa isang lugar na mukhang bahay pero isa itong restaurant. Bago siya bumaba ay napatingin siya kay Max. “How was the problem with your brother, your highness?” tanong ni Max sa kanya. “Hays. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanap ang nanakit kay kuya pero may hinala sila Papa na sila rin lang iyong may pakana noong muntik din itong ipa-kidnap. Hindi pa sana ako babalik pero noong sinabi mo sa akin na hindi na maganda ang lagay ni Violet ay agad akong lumipad pabalik.” Napatango naman si Max. “I’m sorry, your highness. I was just worried with your lady’s welfare. When you were gone for two weeks, she’s always looking out in thin air. There are times that she was not eating her lunch and dinner already.” Napatango naman si Vaughn at muling napatingin kay Violet. “Kindly get out of the car, Max? Please tell the crew that we’re here and tell them to get ready as well,” utos niya kay Max. “Yes, your higness.” Nang makalabas na si Max ay dahan-dahang ilinapat ni Vaughn ang kanyang kamay sa pisngi ng dalaga at hinaplos niya ito. Sa muling pagkakataon ay gumawa nanaman ng isang bagay si Vaughn na taliwas sa kanyang ginagawa. Hindi pa niya nasubukan na magmadaling umuwi para lang sa babae noon dahil lang sa nalaman niya na hindi na ito kumakain at natutulala. Nang malaman niya ito ay sobra-sobrang saya ang naramdaman niya hindi dahil sa masama na ang pakiramdam nito pero naisip niya na marahil ay nagkakaroon na siya ng puwang sa puso ng dalaga. Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman siguro masama ang umasa lalo na at hindi na niya mapigilan pa ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Gusto niya mang madaliin ang lahat ay hindi pwede dahil alam niya kung ano’ng klaseng sakit ang naramdaman noon ng dalaga. At hindi siya makapapayag na mawala lahat ng kanyang mga pinaghihirapan ng dahil lang sa pagmamdali niya. Makahihintay siya para sa dalaga na hindi niya aasahang magagawa niya ulit. Maya-maya ay unti-unting nagmulat ng kanyang mga mata si Violet at nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Vaughn ay gano’n na lamang ang bilis ng t***k ng puso ni Vaughn. “Where are we? Oh my, kanina pa ba ako natutulog?” tarantang sabi ni Violet na agad ikinailing ni Vaughn. “It’s okay. Kung gusto mong magpahinga ay pwede naman nating ituloy ang date natin sa susunod na araw. Ayaw kong mapagod ka ng dahil sa akin.” Napasimangot naman si Violet. “Hindi pwede. Ang layo kaya ng linakbay natin tapos ipapakansela ko lang? Okay naman na ako dahil naitulog ko ng kunti kahit papaano. Teka, nasaan na si Max?” tanong niya kay Vaughn. “He’s inside talking to the people about my little surprise for you.” “S-Surprise?” Ngiti lang ang isinagot ni Vaughn at sabay na silang lumabas ng sasakyan. Nang makapasok na sila sa loob ng café ay halos mapasinghap si Violet sa kanyang nakita. What the hell? This is not a little surprise, it’s a grand surprise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD