“V-Vaughn…wha— This is the surprise you were talking about? P-Pero this is too much,” sabi ni Violet habang nakatingin sa grandeng surpresa raw nito sa kanya.
“You don’t like it?” Agad na bumakat ng kaba sa mukha ni Vaughn na kanyang ikinailing.
“Hindi naman sa gano’n pero hindi ba sobra-sobra na yata ito para sa isang surpresa lang?” Agad na hinawakan ni Vaughn ang kanyang kamay at iginiya siya nito papasok.
“I want the best for you, my love.”
Paano ba naman kasi paglabas ni Violet sa sasakyan ay agad na niyang napansin ang red carpet na daraanan nila papasok sa nasabing café resto. Akala niya ay talagang bongga lang ang disenyo ng buong lugar pero nang makapasok na sila ay gano’n na lamang ang gulat niya nang makita niya ang isang bahay. Hindi lang ito bahay dahil isa itong bahay na gawa sa marmol at salamin.
May swimming pool ito at sa pinaka-gitna ng lugar ay may maluwang na hardin kung saan ay nakalagay doon ang maraming kandila at talulot ng mga bulaklak. May waiter na nakatayo sa di kalayuan at may nagp-play naman ng violin malapit sa may swimming pool. Ang mga pagkain at mga gamit sa mismong mesa ay halatang mamahalin dahil puro gold ito at hindi niya alam kung totoo ba ang mga iyon.
Hindi lang iyon dahil ang buong lugar ay napalamutian ng kulay pula at puti at sa kahit na sinong pupunta rito ay hihindi aakalain na isa itong café lamang. Agad naman siyang pinaupo ni Vaughn sa harapan ng mesa at siya naman ang umupo sa tapat nito.
“Pasensya ka na kung namadali ang date natin kaya ito lang ang nakaya ko.” Maang naman na napatingin si Violet sa kanya.
“Are you kidding? Vaughn kahit naman sa carinderia mo lang ako dalhin o kaya sa fast-food restaurant ay ayos lang sa akin. Hindi naman ako mapili pagdating sa lugar. Ang importante ay iyong thought na ilinagay mo roon.” Nagtataka namang napatingin si Vaughn sa kanya.
“Really? I have a question, though. What is a carinderia?” Hindi makapaniwalang napatingin si Violet kay Vaughn.
Tinitigan niya ang binata upang tignan kung nagluluko lamang ito pero nang mapansin niya na wala talaga itong ideya ay doon na siya nagulat.
“What? H-Hindi ka pa nakakain sa carinderia?” tanong niya na ikinailing ni Vaughn.
“Nope. I don’t know that there is such a place that exist. Is that some kind of a name or a junk food?” Doon na napahagalpak sa tawa si Violet dahil sa tanong ni Vaughn.
“Vaughn, carinderia is neither from the two. Ang carinderia ay isang lugar na pwedeng kumain ang lahat ng tao at sobrang mura pa ng pagkain. Ang kaso nga lang ay walang carinderia rito sa New York.” Napakurap-kurap naman si Vaughn sa kanya.
“Nasubukan mo nang kumain sa carinderia?” Tumango si Violet.
“Oo. Doon nga kami tumatambay noon ni Jake—” Natigil bigla sa pagsasalita si Violet nang mabanggit niya ang pangalan ng kanyang ex. Bigla ring sumeryoso si Vaughn at halos malunok niya ang sarili niyang laway. “I mean, uhm, oo na-try ko na.”
Maya-maya ay dumating na ang kanilang pagkain at nagsimula silang kumain ng tahimik. Halos hindi malunok ni Violet ang kanyang pagkain kahit gaano man ito kasarap sa kanyang panlasa. Hindi niya magawang sikmurahin ang kanyang kinakain lalo na at alam niyang nabanggit niya sa kanilang date ang hinayupak niyang ex.
Pagtingin niya kay Vaughn ay nakatuon lang ito sa kanyang kinakain at hindi man lang siya nito tapunan ng tingin. Nakaramdam na siya agad ng inis sa kanyang sarili at napapikit na lang siya ng mariin.
“Uhm, Vaughn? Galit ka ba?” Agad na napaangat ang kanyang tingin kay Violet.
“No, I’m not. Bakit mo naman natanong iyan?” Ibinaba ni Violet ang hawak niyang tinidor at diretsong napatingin kay Vaughn.
Nanahimik na lamang si Violet at hindi na niya sinagot ang tanong ni Vaughn. Maya-maya ay si Vaughn na rin ang nagbaba ng kanyang tinidor at napatingin siya ng diretso kay Violet.
“I’m not angry, but I am frustrated. Hindi ko na mababago pa ang nakaraan mo pati na rin ang mga taong dumaan sa buhay mo. Kung pwede ko nga lang gawin iyon ay hihilingin ko na sana ay hindi mo nakilala ang taong wawasak sa puso mo. But that is not my concern right now because I am willing to totally erase that guy from your system, Violet. I really like you, and no matter what other people say about me behind my backs, I’ll prove them wrong. Gano’n ako ka-seryoso sa iyo, Violet,” mahabang sabi ni Vaughn bago siya bumalik sa kanyang pagkain.
Nakaramdam ng kakaibang sikdo sa kanyang puso si Violet dahil sa mga sinabi ni Vaughn sa kanya. Kung hindi lang sana siya iyong klase ng tao na may pinagdaanang heart break ay gusto na niyang paniwalaan si Vaughn. Pero may mga alinlangan pa rin siya kaya naman hanggat maaari ay ayaw niyang madaliin ang lahat sa kanila ni Vaughn.
Ayon nga sa kasabihan na, ‘kung may tiyaga ay may nilaga.’ Sana lang talaga ay maging ma-tiyaga pa si Vaughn sa panliligaw sa kanya dahil hindi man aminin ni Violet sa kanyang sarili ay may puwang na si Vaughn sa kanyang puso at katauhan.
Nang matapos silang kumain ng kanilang breakfast ay nag-usap sila ng kung anu-ano lang hanggang sa lumapit si Max sa kanila at may binulong ito kay Vaughn. Ngayon na tinitignan niya ang dalawa ay ngayon lang niya naalala ang tungkol kay Max. Maiintindihan niya pa sana kung kapatid niya ito pero napansin niya bakit palaging nakabuntot si Max kay Vaughn?
Nang umalis si Max ay parang walang nangyari at tinuloy lang ni Vaughn ang pakikipag-usap sa kanya. Pero masyado siyang kinakain ng pagiging curious niya kaya naman hindi na niya mapigilan ang sariling magtanong sa binata.
“Uhm, pwede ba kitang tanungin?” Tumango naman si Vaughn sabay simsim niya sa kanyang wine. “Kaano-ano mo si Max? Lately kasi napapansin ko na palagi mo siyang kasama.”
Napatitig si Vaughn sa kanya at saglit itong natahimik sabay napapatingin ito sa kanyang paligid na para bang gumagawa ito ng kwento sa kanyang utak. Napalunok siya dahil biglang gumana ang utak niya na marahil ay may secret relationship ang dalawa. Pero malakas ang pakiramdam ni Violet na may iba pang dahilan kaya palaging kasama ni Max si Vaughn.
“Why, does he bother you?” Umiling naman si Violet.
“Hindi naman. Nagtataka lang kasi ako kung bakit palagi kayong magkasama.” Napahinga ng malalim si Vaughn bago siya nagsalita.
“Let’s just say that he needs to be by my side always. Kahit ayokong palagi siyang nakabuntot sa akin ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon.” Nagtaka lalo si Violet sa sinabi ni Vaughn.
Bigla tuloy bumuo ng maraming katanungan ang kanyang utak at gusto niyang malaman bigla kung ano ang katauhan ng lalaki.
“Anyway, enough about Max and me, my love. Ang tungkol sa iyo ang gusto kong malaman. Gusto kitang makilala pa ng mabuti. Maliban sa katotohanan na kapatid mo si Xander ay may iba ka pa bang kapatid na hindi ko kilala?” tanong ni Vaughn kay Violet na halatang ibinabaling nito sa iba ang kanilang usapan.
“Hmm? Well, wala naman na akong ibang kapatid maliban kay Xander. My parents are in the Philippines, and uhm, let’s just say that I am trying all my best to avoid them,” sagot ni Violet sa kanyang tanong.
“Why?” tanong pabalik ni Vaughn na agad naman niyang sinagot. “I see. Kung gano’n ay alam ba nila na nandito ka sa New York?”
“Yup. They know, but I didn’t tell them the exact address. Buti na lamang at tinulungan ako ng kaibigan ko na nandito na rin sa New York at nagkataon din na sa kanya ang restaurant na pinagtratrabauhan ko.” Agad na umangat ang kilay ni Vaughn sa kanyang sinabi.
“I see. I am actually affiliated with the parents of the owner of La Savor Restaurant.” Maang na napatingin si Violet kay Vaughn.
“What? Kilala mo sina Mr. and Mrs. Zamora?” Tumango si Vaughn at gulat talaga siya nang malaman niya na kilala niya ang mga magulang ni Dyanne.
Ang pamilya Zamora kasi ay ang isa sa pinaka-mayaman na pamilya na nagpatayo ng kanilang restaurant. Sikat ang mag-asawa dahil na rin sa mga ipinundar nilang mga kainan sa iba’t ibang panig ng bansa. Minsan na ring nakilala ni Violet ang mga magulang ng kaibigan niya pero sobrang hirap din nilang hagilapin at kausapin dahil sa pagiging busy nila.
According to Dyanne, halos magpa-appointment sa kanila ay mahirap nang gawin kaya naman paunahan ang mga clients nila makausap lang ang mag-asawa. Kaya naman nang malaman ni Violet na kilala ni Vaughn ang mga magulang ng kaibigan ay mas lalo nanamang nadagdagan ang mga tanong sa utak niya. Hindi niya kasi bukod akalain na gano’n kataas ang estado nito sa buhay para maging malapit siya sa mga Zamora.
Nang matapos silang kumain ay panahon na para umuwi siya dahil kailangan niya pang magpahinga para sa shift niya mamaya. Habang palabas sila ng café ay muli nanamang hinawakan ni Vaughn ang kanyang mga kamay na ginawa rin nito kanina nang pumasok sila sa café. Gusto niyang sitahin ang binata na mukhang nakalimutan na yata nito ang kanilang usapan pero ayaw niya namang sirain ang mood. Bago sila sumakay sa sasakyan ay napatitig sa kanya si Vaughn at napangiti ito sa kanya na kanyang ipinagtaka.
“Why are you looking at me like that?” tanong niya rito.
“I just can’t believe that you are here. Noong unang beses kitang makita sa kainan na iyon ay iyon na yata ang pinaka-tamang naging desisyon na ginawa ko. Nagpapasalamat ako na nakita kita dahil kung hindi ay baka ibang lalaki pa ang nakakita sa iyo. I don’t believe in such destiny, my love, but when I met you, I believe in meant to be’s.” Napakamot na lamang si Vaughn sa kanyang batok na kanya namang ikinatawa.
“What?” tanong ni Violet sa kanya.
“s**t. Sorry, corny ba ng sinabi ko? Nakokornihan ka ba sa mga pinagsasabi ko?” Natawa na lamang siya sa sinasabi ng binata. “I am not the sweet kind of person, Violet. Pero pakiramdam ko tuwing nandito ka sa tabi ko ay lumalabas ang pagiging corny ko. I can’t help it.” Nakaramdam ng pamumula si Violet kaya naman agad niyang iniwas ang kanyang tingin kay Vaughn.
Yinaya niya na lang na ihatid na siya ni Vaughn dahil pakiramdam niya ay para na siyang bulkan na sasabog sa sobrang init. Sa pagkakataong ito ay si Max ang nag-drive ng sasakyan habang silang dalawa naman ni Vaughn ang nanatili sa likuran. Sa kabuuan ng buong byahe ay pareho silang naging tahimik at wala ni isa man lang ang nagsalita sa kanila.
Hanggang sa makarating na sila sa kanyang apartment ay wala pa ring nagsalita sa pagitan nilang dalawa. Nang maiparada ni Max ang sasakyan ay lumabas agad si Max at naiwan silang dalawa ni Vaughn. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi pa lumalabas ng sasakyan si Violet at nanatili siya sa loob kasama si Vaughn.
Narinig na lang niyang napahinga ng malalim si Vaughn kaya napatingin siya sa binata pero agad niya itong pinagsisihan dahil nakatitig din pala sa kanya ang binata. Nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi magawang maibawi ni Violet ang kanyang tingin.
“Violet, may gusto akong ibigay sa iyo at gusto kong itago mo ito sa lahat ng oras. Kahit na ano’ng mangyari ay huwag na huwag mo itong ilalayo sa iyo.” May linabas na kung ano si Vaughn mula sa kanyang bulsa at agad na linagay niya ito sa palad ni Violet.
Nang makita ito ni Violet ay isa itong kwintas na kulay gray at kahit hindi siya magaling tumingin ng mamahalin sa hindi ay alam niya na ang hawak niya ay isang mamahaling bagay. Nagtataka siyang napatingin kay Vaughn.
“W-Why are you giving me this, Vaughn?” tanong niya. “Mukha itong mamahalin ah? I-I can’t accept this.”
“It’s okay. You will need it more than I do when the time comes. This will be your key to everything, my love. And I want you to have it,” sabi nito sa kanya.
Hindi maintindihan ni Violet kung bakit binigay ni Vaughn sa kanya ang kwintas niya gayong mukha itong gawa sa dyamante. Hanggang sa umalis sila ay nanatili pa rin siyang nakatitig sa hawak niyang kwintas. Why would Vaughn give her a very expensive necklace?