Nang maghiwalay ang mga labi nina Violet at Vaughn ay mabilis na lumayo si Violet habang namumulang nakatingin kay Vaughn. Umiwas siya ng tingin dito nang makita niya si Vaughn na tulalang-tulala na nakatingin sa kanya. Hindi ito nagsasalita at nanatili itong nakatulala sa kanya at lumipas na ang isang minuto ay hindi man lang ito kumurap.
“Vaughn, maeestatwa ka na lang ba riyan o magsasalita o magre-react ka man lang ba?” tanong bigla ni Violet sa kanya.
Huminga ng malalim si Vaughn at bigla na lamang siyang napaupo sa sofa habang nakalapat ang kanyang palad sa kanyang dibdib. Habol nito ang hininga na para bang tumakbo ito ng sobrang layo. Napahilamos si Vaughn sa kanyang mukha at napasimangot na lamang si Violet sa ikinikilos ng lalaki.
“f**k!” biglang mura ni Vaughn nang mukhang makabawi siya.
“Vaughn, I don’t tolerate cussing. Wala tayo sa school alam ko pero ayaw ko na nagmumura ang isang tao.” Napatitig sa kanya si Vaughn at lumambot ang ekspresyon nito na nakatingin sa kanya.
“Are you planning to kill me? Geez.” Tumayo ito at hindi ito mapakali na ewan. “You should have told me you are planning to do that. Pakiramdam ko ay saglit akong iniwan ng aking kaluluwa. Violet, nananaginip ba ako? Is that even true? Please tell me you just kissed me a while ago.”
“Sorry. I just wanted to know something.” Napatango naman si Vaughn sa kanya.
“And?” simula ni Vaughn na nakatayo na sa kanyang harapan. “Did you get the answer to your question?”
“I-I don’t know. Maybe?” sagot ni Violet.
“I-I see.” Pagkatapos ay hinaplos ni Vaughn ang kanyang pisngi. “You are so unfair, my love. I should be the one getting you psyche like this, but it looks like I was wrong. Hindi kita mabasa Violet at sa bawat galaw mo ay binabaliw mo ako. I’m falling deeper, my love. God, I don’t know what to do anymore.”
Agad na namula si Violet at ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagkatitigan lang silang dalawa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata pero walang mga salita o boses na maririnig sa pagitan nila. Habang nakatingin si Violet sa mga mata ni Vaughn ay parang magnet na unti-unting lumalapit ang kanilang mga mukha sa isa’t isa.
Nang hahalikan na sana siya ni Vaughn ay natigil sila nang may marinig silang kumatok sa kanyang pinto. Agad na humiwalay si Violet at mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan niya ito kung saan ay nakita niya si Jack. Agad naman na napatingin si Jack sa kanilang dalawa at may pagtatanong sa mga mata nito.
“Uhm, Jack? M-May kailangan ka ba?” tanong na lang niya kay Jack at agad naman na dumako ang mga mata ni Jack sa kanya.
“Uhm, yes. May customer na gusto kang kausapin. Gusto niya yatang magbigay ng compliment tungkol daw sa service natin dito.” Tumango naman si Violet.
“Okay. Sige susunod na ako, Jack. Lalabas na ako pagkatapos ng isang minuto.” Tumango naman si Jack at iniwan silang dalawa.
Nang wala na si Jack ay napatingin muli si Violet kay Vaughn at parehas silang napangiti sa isa’t isa. Bago lumabas si Violet ay pinahabol na tanong si Vaughn sa kanya.
“Does this mean that I have a big chance to you? You just kissed me, my love,” sabi nito habang nakatalikod siya. Napangiti si Violet at napalingon siya saglit kay Vaughn pagkatapos ay ngiti lang ang isinagot niya kay Vaughn bago siya lumabas ng kanyang opisina.
Nang matapos ang kanyang shift ay sobrang gaan ng pakiramdam ni Violet na para bang nasa alapaap siya. Hindi niya alam pero parang lahat ng problema na dinadala niya ng isang taon ay biglang nawala ng isang iglap. Nang halikan niya si Vaughn ay nakaramdam siya ng kakaibang kiliti at pakiramdam na hindi niya naramdaman noon kay Jake.
Alam niya sa sarili niya na minahal niya si Jake pero hindi tulad ng naramdaman niya noong hinalikan niya si Vaughn. Hindi niya alam kung anong santo ang sumanib sa kanya para gawin niya ang bagay na iyon pero hindi siya nagsisi. Habang hinahanda na niya ang kanyang mga gamit ay may kumatok sa kanyang pinto. At dahil nakabukas naman ito ay agad niyang nakita si Vaughn na nakatayo sa pintuan habang nakahalukipkip siya.
“Ready to go home?” Tumango siya at binuhat naman ni Vaughn ang kanyang mga gamit.
“Ako na. Hindi naman kita alila para dalhin mo ang mga gamit ko. Isa pa hindi naman ako nagpapabuhat sa iyo ng isang sako ng bigas noh.” Natawa ito ng mahina.
“It’s okay. Alam ko na napagod ka kaya ako na ang magdadala ng mga gamit mo. Pero gusto sana kitang yayain ng date.” Napatigil sa paglalakad si Violet. “Don’t worry. Hahayaan naman kitang magpahinga at magpalit saglit. Isa pa it’s just a simple lunch date.”
“Uhm, okay? Ano’ng meron at ngayon ka lang yata nag-aya ng date? Sa ilang araw na pananatili mo rito ay ngayon mo lang talaga ako inaya ng date?” Napakamot naman sa kanyang batok si Vaughn.
“Sorry. To be honest, I am not good with these kinds of things. It’s my first time. Kaya hindi ko alam kung paano ako magpapa-impress sa iyo.” Agad naman na natahimik si Violet dahil may mga pagkakataon na hindi yata napapansin ni Vaughn na nagiging prangka ito masyado. Naglakad na sila palabas hanggang sa hinatid siya ni Vaughn sa kanyang sasakyan.
“Kung gano’n ay totoo nga ang sinabi ni Xander sa akin?” tanong nito na agad nagpakunot kay Vaughn.
“Wait, what? So, kapatid mo nga talaga si Xander? Xander Mostrales? The owner of Athan Corporation?” Tumango siya at nakita niyang halos mamuti sa kaba ang binata na kanyang ikinatawa. “W-What did he tell you? May sinabi ba siya tungkol sa akin?”
“Kinda,” sabi niya habang linalagay niya sa kanyang sasakyan ang kanyang mga gamit at umikot siya sa driver’s seat.
“What did he tell you?” tanong nito na nakasunod lang sa kanya. “Violet, may sinabi ba siya na makakasira sa akin? Kung anuman iyon ay sana hindi ka naniwala sa kanya? Uhm, maybe it’s a bit true, but I swear I am not that person.”
“Kung gano’n ay totoo nga na babaero ka at mahilig kang mamigay ng mga yaman mo para lang mapasagot mo ang babae?” Natigilan si Vaughn at kinakabahan itong nakatingin sa kanya pero kalaunan ay napangiti rin siya. “Geez, relax. Oo, sinabihan niya ako na layuan kita dahil nga baka saktan mo lang ako pero sa tingin ko naman ay kaya ko na ang sarili ko. Sinabi ko naman na oras na ginawa mo iyon sa akin ay hindi na ako magpapakita sa iyo.”
“s**t,” mahinang sambit nito na nagpangiti kay Violet. Pansin sa binata ang pagiging kabado nito at para itong natatakot na ewan. “Violet, please don’t leave me. I swear I am not that person anymore. Okay, maybe I was, but the moment I saw you, something has changed in me. Hays. Damn it.”
“You are crazy,” natatawa niyang sabi kay Vaughn. “Mauna na ako at talagang inaantok na ako. Kita na lang tayo mamaya o kaya naman ay tawagan mo ako dahil baka hindi ako magising.” Akmang sasakay na siya ay naramdaman niya ang pagpigil ni Vaughn sa pinto ng kanyang kotse.
“I will prove to you that I am serious with you, Violet. Kahit kapatid mo ang isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan ay hahamakin ko siya hanggang sa makuha kita, Violet. I can change if that means I can have the woman I like.” Napatitig lang si Violet sa pagiging seryoso ni Vaughn.
Hindi niya alam kung maniniwala siya kay Vaughn pero tango na lang ang naisagot niya hanggang sa bitawan nito ang hawak sa pinto ng sasakyan. Sumakay na siya sa loob at agad na minaneho ito paalis.
Nang makaalis na ang pinahiram ni Vaughn na sasakyan kay Violet ay nag-aalala si Vaughn nang sinabi ni Xander sa kanyang Ate ang kanyang nakaraan. Yes, he’s a playboy, and he admits that. Sa sobrang dami ng pera at mga lupain nila ay halos ipamigay niya na lang ito noon sa mga babae na sa tingin niya ay challenging sa kanya.
Tuwing napapasagot na niya ang isang babae ay doon na siya nagsasawa at iniiwan na lang niya sa ere ang babae. Marami nang mga babae ang nanumpa sa kanya dahil sa kanyang ginagawa at marami sa kanyang mga kaibigan ay hindi alam ang side niya na iyon. All they know is that he is the guy who can they can count on.
Pero sa hindi malamang dahilan noon ay nasabi niya ang kanyang hobby sa isa sa kanyang kaibigan na walang iba kung hindi si Xander. Hindi naman niya akalain na may kapatid itong babae at nagkataon pa na kay Violet siya nahulog. It’s really a small world after all.
Kung meron man sa kanyang mga kaibigan ang nakaaalam ng totoo niyang pagkatao ay iyon ay walang iba kung hindi si Xander. Maliban na lamang sa kaibigan niyang babae na si Abby na simula bata ay parang magkarugtong na ang kanilang mga bituka ay wala nang nakaaalam na iba. Nang mawala na si Violet sa kanyang paningin ay inis siyang napatingin kay Max at dumiretso na lamang ito sa kanyang sasakyan.
Sa utak niya ay pinapatay na niya si Xander pero hindi rin naman niya masisi ang lalaki dahil isa nga naman siyang asshole noon. Nang makarating siya sa kanyang tinitirahang condo ay gano’n na lamang ang gulat niya nang makita niya ang kanyang ama. Kasama rin nito ang kanyang ina na nag-aalalang napatingin sa kanya.
Base sa ekspresyon ng mukha ng kanyang ina ay mukhang masamang hangin ang dala ng kanyang ama. Close naman sila ng kanyang ama dahil na nga rin sa magkaibigan ang mga tatay nila ni Abby. Pero kung minsan ay may topak din itong ama niya dahil kung anu-ano na lang ang pinagagawa nito sa kanya.
“Dad, what are you doing here, and how did you find me?” tanong ni Vaughn sa kanyang ama pero nang mapagtanto niya na si Max ang dahilan ay hindi niya na lang ito inulit.
Tumayo ang kanyang ama na nakaupo sa sofa at napatingin sa kanya ng diretso. Pagkatapos ay huminga ito ng malalim bago ito nagsalita.
“Vaughn, I need to tell you something.” Nagtinginan silang dalawa ng kanyang ina na kanyang ipinagtaka. “It’s about your brother.”
“Ano’ng nangyari kay kuya?” Hindi pa man nila sinasabi sa kanya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.
“He’s back at the palace, but he’s in comatose right now.” Maang siyang napatingin sa kanyang ama at nakita niyang naluha ang kanyang ina.
“What? What do you mean he’s comatose?” tanong ni Vaughn.
“Someone found out about his identity where he was living, and these people tried to get money from him. Alam mo naman ang dahilan kung bakit umalis ang kuya mo sa palasyo at nagawa niyang itago ang kanyang identidad ng ilang taon. Pero mukhang may nakakilala sa kanya at agad siyang pinuntirya. Mabuti na lamang at nakatakas ang asawa at anak niya kaya nakahingi sila ng tulong. Pero nang makita na nila siya ay nag-aagaw buhay na ito dahil nanlaban siya.” Agad na kumuyom ang kanyang kamao.
Hindi man sila palaging nag-uusap ng kanyang nakatatandang kapatid ay hindi ibig sabihin nun na hindi na sila malapit sa isa’t isa. Hindi siya mapakali at nagpupuyos ang kanyang dibdib sa kanyang nalaman at gusto niyang parusahan ang gumawa nun sa kanyang kuya.
“Vaughn, we need your help. We need to find the people who did this to your brother,” sabi ng kanyang ina. “Nag-aalala kami na baka balikan nila ang kuya mo o baka balikan nila tayo.” Napatango na lamang siya at mabilis siyang sumama sa kanyang mga magulang.
“Max, maiwan ka na muna rito.” Utos niya kay Max.
“What? But, your highness…”
“That is an order, Max. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tagabantay. You stay here, so that I will have ears and eyes on what’s happening with Violet. Protect her no matter what. Looks like our enemies from the grave found their way up again,” sabi ni Vaughn bago siya sumunod sa kanyang mga magulang.