Mabilis lamang na lumipas ang isang buwan at hindi man lang ito namamalayan ni Vaughn. Habang nakahiga siya sa kanyang kwarto at nakatingin siya sa kisame ay nakikita niya ang magandang mukha ni Violet. Napangiti na lamang siya lalo na tuwing naalala niya ang bawat sandali na nakakasama niya ang dalaga.
Pero agad na bumangon siya sa kanyang pagkakahiga nang kumatok sa kanyang pinto si Max at tinatawag na siyang kumain. Agad siyang tumayo na hindi man lang naglalagay ng kanyang damit at nang binuksan niya ang pinto ay may naka-handa nang trolly tray sa kanyang harapan habang nakatayo naman si Max doon.
“Your highness, your breakfast is ready. Do you want me to prepare you some tea?” Umiling na lamang si Vaughn.
“I will not eat here, Max. I’d better eat it at the kitchen.” Tumango naman si Max at agad na ibinaba niya ang hawak nitong tray.
Bumalik siya sa kanyang kama at agad siyang nagsuot ng damit bago siya bumaba sa kusina. Nakahanda na lahat ng kaniyang gagamitin at kakain na lamang ang kanyang gagawin. Habang kumakain ay nanatili namang nakatayo si Max sa kanyang gilid na naghihintay ng kanyang utos. Maya-maya ay napatingin si Vaughn kay Max bago siya nagsalita.
“I gave Violet the necklace,” sabi nito kay Max.
Nakita ni Vaughn ang saglit na pagkagulat sa mukha ni Max pero kalaunan ay nawala rin lang ito bago ito tumikhim para magsalita.
“I don’t have any doubts that you are going to give it to her, your highness. But why give it to her so early? Do you think that they would soon know about her?” Tumango si Vaughn bago siya sumimsim ng kanyang kape.
“Yes. Oras na mangyari iyon ay kahit papaano ay hindi siya mapapahamak sa gusto ng aking pamilya. Ayoko siyang idawit sa problema namin kaya naman binigay ko ito sa kanya. Mabuti nang ibigay ko ito sa kanya kaysa naman wala ako sa tabi niya at wala sa kanya ang kwintas.” Hinarap ni Vaughn si Max at tinuloy nito ang magsalita. “Oras na mangyari iyon ay gusto kong nasa tabi ka lang niya Max.”
Pansin ni Vaughn na gustong umangal nito pero hindi na lang niya ito ginawa at tumango ito na ikinasaya ni Vaughn. Pagkatapos ay itinuloy na lamang niya ang kanyang pagkain ng kanyang agahan. Nang matapos siyang kumain ay sabay silang napatingin ni Max nang may kumatok sa kanilang pinto. Maliban sa kanyang mga magulang ay wala nang nakaaalam kung saan siya naglalagi.
Nagtinginan silang dalawa ni Max at agad namang napatango si Vaughn sa kasama sabay kinuha ni Vaughn ang nakatago niyang baril sa kanyang cabinet. Si Max naman ay kinuha rin ang kanyang baril na nasa kanyang likuran at dahan-dahan na lumapit sa pinto. Bago buksan ni Max ang pinto ay nagtinginan silang dalawa saka mabilis na binuksan ni Max ang pinto at tinutukan ng baril ang taong nasa labas ng pinto.
“Whoah! Holy s**t! I surrender!” Nakahinga ng maluwag sila Vaughn nang makita nila kung sino ang nakatayo sa harapan ng kanilang pinto.
“s**t! f**k you, moron!” mura ni Vaughn sa lalaking nakatayo ngayon sa kanilang harapan.
“Seriously? Is this how you treat your visitor, couz?” tanong ng isang lalaki na nagngangalang Thunder.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na pumunta ka rito na hindi man lang tumatawag? Malamang ang iisipin namin ni Max ay isa ka sa kanila. Tsk! Idiot!” inis na sabi niya sa kanyang pinsan na si Thunder.
Thunder is his cousin from his mother’s side. At katulad niya ay may titulo itong hinahawakan dahil ang mga magulang nito ay galing sa royal family. Napailing na lang siya nang makita niyang pumasok ang kanyang pinsan kasama ang butler nito at dalawang guard. Pero agad din siyang nakaramdam ng kaba dahil kung nandito ang kanyang pinsan ay may masamang balita itong dala.
“I want to surprise you! Pinuntahan kasi kita sa Milan pero ayon sa mga magulang mo ay matagal ka na raw na hindi umuuwi sa kanila kaya tinanong ko kung saan ka naglalagi. At dahil pinayagan naman ako ni mama na gamitin ang eroplano namin ay agad akong lumipad dito. Ayos ba?” Ngiting aso nito sabay inirapan siya ni Vaughn.
“Asshole,” mahinang sambit ni Vaughn. “Anyway, what the hell are you doing here? You are not the kind of person who will visit me unannounced. So? Tell me the reason why you are here.”
Huminga ng malalim si Thunder bago siya may linabas na isang royal envelope at binigay niya ito kay Vaughn. Nang matanggap niya ito ay agad na napakunot ang kanyang noo at bigla siyang kinabahan. Napatingin siya sa pinsan niyang si Thunder na nagkibit balikat lamang.
“Someone gave me that letter the other day on our mailbox. Hindi ko alam kung bakit binigay ito sa akin pero nang makita ko iyong seal na ginamit ay kinailangan kitang hanapin agad,” sabi ni Thunder habang binubuksan ni Vaughn ang liham. “You know whose seal that is, right?”
“s**t,” mahinang mura ni Vaughn nang mabasa niya ang linalaman ng liham. “f**k!”
“Well, what does it say?” tanong ng kanyang pinsan sa kanya.
“It’s them. Those fuckers! They like the same old s**t!” Agad na ibinato ni Vaughn ang hawak niyang liham. Napahinga ng malalim si Thunder at pinulot niya ang liham na binato ng kanyang pinsan saka binasa ito.
“You’re right. You are in big trouble couz. Alam mo ang gusto nilang mangyari lalo na ngayon na hindi na nila mapapakinabangan ang kuya mo dahil may pamilya na ito. At dahil hindi nila nagawa ang unang plano ay ikaw ang gusto nilang isunod.” Napahilot sa kanyang sintido si Vaughn.
“Well, I won’t give it to them. Hindi ako papayag sa gusto nila para lang magkaroon sila ng posisyon sa royal family. Matagal na silang bumagsak at ngayon ay gagawin nila ang lahat para lang umakyat sila? Pagkatapos ng ginawa nila sa kuya ko ay sa tingin nila papayag pa ako?” Huminga siya ng malalim sabay ginulo ang kanyang buhok.
“Well, there is always a way for you to say no to them, and you know what to do.” Nagtitigan silang dalawa at alam nila na iisa lang ang nasa isip nila noong panahong iyon.
Napatingin bigla si Vaughn kay Max at napansin ni Thunder ang tinginan nilang dalawa. Nang mapagtanto ng kanyang pinsan ang kanyang ibig sabihin ay doon siya napasigaw at napamura ng wala sa oras.
“Holy s**t! Is that true? Did you find someone?” Napangiti na lang si Vaughn sa kanyang pinsan at agad namang napasuntok sa hangin si Thunder. “I can’t wait to tell the media about it,” excited na sabi ni Thunder.
“No!” Mabilis na pigil sa kanya ni Vaughn. “She’s still a working progress, and I just can’t put the bomb to her. Oras na ginawa mo iyon ay mawawala ang tsansa ko para mailigtas ang pangalan ng aking pamilya. I can’t risk it.”
“Hays. Tsk!” sabi nito habang napapakamot siya sa kanyang noo. “Well, you better move fast because they will not wait that long, and you know that. Isa pa oras na malaman nila kung nasaan ka at makita nila na may pinagkakaabalahan kang iba ay alam mo ang pwede nilang gawin sa kanya.”
“Don’t worry. Na-plano ko na ang bagay na iyan kaya kahit wala ako sa kanyang tabi ay alam kong magiging ligtas siya.” Nagtatakang napatingin sa kanya ang kanyang pinsan at agad na tinuro nito ang kanyang leeg.
“Whoah! Ikaw na talaga ang advance magplano. Tell me that you are still my idiot cousin that I knew?” Masama namang napatingin si Vaughn sa kanya at napasimangot lang si Thunder.
“Lumayas ka na nga kung ayaw mong ipakaladkad kita kay Max.” Taboy nito sa kanya.
“FYI, I have two guards, and you only have one.” Napangisi naman si Vaughn sa sinabi ng kanyang pinsan.
“Well, why do you think he’s my butler and bodyguard at the same time?” Agad na inirapan ni Thunder si Vaughn na agad namang ikinatawa niya.
Nang matapos silang mag-usap ay nagpaalam na sa wakas ang kanyang pinsan pati na rin ang mga kasama nitong butler at bodyguard. Nang mawala sila ay agad na napatingin si Max kay Vaughn na abalang binabasa muli ang liham na para sa kanya.
“What are you planning to do now, your highness? You are still far from asking Ms. Violet’s hand.” Napatango naman si Vaughn.
“Don’t worry. I can make her answer me by tomorrow evening. Just watch.” Pagkatapos ay pinunit nito ang liham saka tinapon niya ito sa basurahan.
Kinabukasan habang naghahanda si Violet sa pagpasok niya sa kanyang trabaho ay napatingin siya sa kanyang pinto nang may mag-doorbell dito. Habang inaayos niya ang butones ng kanyang damit ay mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan niya ito. Pero pagbukas niya ay walang tao kaya tumingin siya sa kanyang kanan at kaliwa.
Pero nang akmang isasara na sana niya ang pinto ay doon niya napansin na may papel na nakalagay sa sahig at nakapaloob ito sa isang envelope. Pinulot niya ito at agad niyang binasa ang linalaman nito. Pero agad siyang napangiti nang makilala niya kung sino ang may sulat nito.
‘I’m waiting at the parking lot. Can’t wait to see you, my love. Please don’t forget your necklace. I want you to wear it.”
Agad siyang nakaramdam ng kakaibang kilig at mabilis pa sa alas-kwatro siyang bumalik sa loob ng kanyang apartment. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at saka nagmamadaling bumaba patungo sa parking lot. Lakad-takbo ang ginawa niya at agad niyang hinanap si Vaughn sa may parking lot pero napawi ang kanyang ngiti nang wala siyang makitang Vaughn doon.
“Nasaan ang taong iyon?” tanong niya sa hangin pero bigla siyang nakarinig ng strum ng gitara kaya agad siyang napalingon sa tunog.
Napasinghap siya nang makita niya si Vaughn na nags-strum ng gitara habang nasa tabi naman niya si Max na nakahawak ng balloon, bulaklak at tsokolate. Halatang pinaghandaan niya ito dahil nakasuot pa ito ng amerikana at sobrang gwapo nito sa paningin niya. Habang naglalakad at kumakanta ito palapit sa kanya ay hindi niya mapigilang hindi maluha.
Nang matapos kumanta si Vaughn ay kinuha ni Vaughn kay Max ang hawak nitong bulaklak at binigay niya rito ang gitarang hawak niya. Inabot ni Vaughn sa kanya ang bulaklak at tsokolate na tinanggap niya. Pinahid niya ang kanyang luha at masayang napatingin kay Vaughn.
Habang nakatingin siya sa gwapong mukha ng binata ay naalala niya iyong mga panahon na palagi lang itong nakatambay sa kanyang trabaho habang hinihintay siya. Napangiti rin siya noong panahon na inaya siya nito sa unang date nila na sobrang bongga akala mo ay magpro-propose ito. At iyong unang pagkikita nila na halos awayin niya ito dahil akala niya ay kidnapper ito.
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas pero hindi niya akalain na magagawa ng binata ang pinangako nito sa kanya na paiibigin siya nito. Hindi namamalayan ni Violet noong mga panahong iyon ay unti-unti na siyang nahuhulog sa binata at ngayon na nandito na siya sa kanyang harapan ay mas lalo lang itong tumindi. Kaya naman wala na siyang paki kung ano ang sasabihin sa kanya ng kanyang kapatid dahil napaibig siya ng isang Vaughn Brixton.
“Don’t cry, my love. Baka sabihin pa nila ay inaaway kita.” Napahagikgik siya sabay pinalo sa braso ang binata.
“Ano ako bata?” Sumimangot siya sa lalaki at ngumiti lang ito sa kanya.
“The necklace looks good on you.” Napahawak si Violet sa kwintas sabay napatango. “So? One month, huh? H-How did I do it? Did I pass the test?”
Napaangat ang tingin ni Violet kay Vaughn na halatang kinakabahan at gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Napangiti si Violet at linapitan niya si Vaughn sabay sinenyasan niya itong lumapit ng kunti dahil may ibubulong siya. Imbes na ibulong niya ang kanyang sasabihin ay mabilis niyang binigyan ng halik sa kanyang pisngi si Vaughn na ikinagulat ng binata.