Chapter 10

2106 Words
Isang oras bago ang shift ni Violet ay nandoon na si Vaughn sa may garahe ng La Savor Restaurant at inaabangan ang pagdating ni Violet. Alam kasi nito na gamit ng dalaga ang kanyang sasakyan kaya madali lamang niya itong makikita kung sakali. Makalipas ang ilang minuto ay saktong padating na nga ang BMW na sasakyan niya kaya lumabas na rin siya sa kanyang sasakyan habang nakasunod pa rin sa kanya si Max. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya kay Violet at nang makita siya ng dalaga ay napansin niyang natigilan ito at agad na namula ang pisngi nito. Isang bagay na nagugustuhan niya kay Violet dahil alam naman niya sa kanyang sarili na head turner siya at kahit hindi sabihin ng dalaga ay nagwagwapuhan ito sa kanya. Kaya naman araw-araw ay sinisigurado niya na gwapo siya palagi upang siya ang unang makikita ng dalaga. Nang makalapit siya kay Violet ay nakita niya kung paano humigpit ang hawak niya sa kanyang nakasukbit na bag sa kanyang balikat. Nakita rin niya kung paano ito mapalunok nang malapit na malapit na siya sa dalaga. Gusto niya mang magyabang ay hindi niya gagawin iyon kay Violet dahil gusto niyang makuha ang tiwala nito. “Good evening, my love.” Napasimangot naman si Violet na kanyang ikinangiti. “Nandito ka nanaman. Wala ka bang gagawin na mas importante kaysa ang bantayan ako? Wala ka bang trabaho o mga negosyo na kailangang asikasuhin?” tanong ni Violet kay Vaughn. “None. Isa pa talagang inalis ko ang mga meetings ko sa loob ng isang buwan. Mas importante ka sa akin kaya ayos lang kung pabayaan ko ng kunti ang mga negosyo ko. It can live without me.” Umirap naman ang dalaga na bubulong-bulong kaya napailing na lang siya. “She’s difficult to tame, your highness,” bulong naman ni Max na kanyang ikinangisi. “I know. Don’t worry, I’ll get her to open up to me someday, and when that happens, I won’t let her go.” Tumango naman si Max at sumunod na sila sa papalayong likod ni Violet. Pagpasok nila ay natuwa sila nang makita nilang may nakalagay nang reserved sa dati nilang pwesto at nang tignan ni Vaughn ang isa sa mga empleyado ay nag-thumbs up ito sa kanya na kanyang ikinangiti. Mukhang hindi naman pala siya mahihirapan dahil maging ang mga katrabaho ni Violet ay boto sa kanya. Nagsimula ang trabaho ni Violet at napansin niya na mas marami ang tao ngayon kaysa noong isang araw. Halos wala na ring panahon na mapasulyap si Violet sa kanya dahil ang daming gustong kumausap sa dalaga. Habang nagmamasid siya sa paligid ay napasingkit ang kanyang tingin nang makita niya ang isang lalaki na abalang kumukuha ng video sa buong lugar. Pero nang tumuon ang camera nito kay Violet ay nakita niya ang pagkamangha nito na kanyang ikinainis. Agad siyang nakaramdam ng galit at unti-unting kumuyom ang kanyang mga kamao ng hindi niya namamalayan. Mas lalo lang siyang nainis nang makita niya kung paano videohan ng lalaki si Violet mula ulo hanggang paa na para bang sa isang porn video. Hindi siya nagdalawang isip at mabilis siyang tumayo upang lapitan ang lalaki at agad na inagaw ang kanyang video. Sa inis niya ay sinira nito ang kanyang camera at agad na napatayo ang lalaki at akmang susuntukin siya nang makailag siya. Nagpupuyos siya sa galit na wala siyang pakialam kung marami na ang nakatingin sa kanila. Mabilis namang lumapit ang ilang empleyado sa nasabing lalaki habang dumudugo ang labi nito na masamang nakatingin sa kanya. Nang makatayo ito ay mabilis siyang itinuro ng lalaki. “What the hell is your problem, dude?” galit na tanong ng lalaki sa kanya. “What is happening here?” Nawala ng kunti ang kanyang galit nang marinig niya ang boses ng dalaga. “Oh my, sir, are you okay?” tanong ni Violet sa lalaki at nang makita niya na hahawakan nito ang kanyang kamay ay mabilis niyang hinila palayo si Violet. “Don’t touch him, Violet,” mariin na utos niya sa dalaga. “Vaughn ano ba? Bitawan mo nga ako.” Pilit na pag-alis ni Violet sa kamay niyang nakahawak sa kanyang braso pero hinigpitan niya ang hawak niya rito. “That asshole suddenly grabbed my camera and broke it in two. I will call the police for physical injury and destruction of property,” paratang ng lalaki sa kanya na ikinaangat ng gilid ng kanyang labi. “Really? Fine. Call the police and I will show them what you were filming in this filthy camera of yours.” Nakita ni Vaughn kung paano namuti ang lalaki. Mukhang maraming sikreto ito na gusto niyang itago at hindi siya papayag na isa si Violet sa biktima niya. “What? Now, you can’t talk? Tell them what you were filming a while ago.” Napatingin ang mga tao sa kanya at hindi ito agad na makapagsalita. Napansin ni Vaughn ang kaba at takot sa mukha ng lalaki at bigla na lang niyang kinuha ang camera niya sa sahig na sinira niya kanina. Pero bago siya umalis ay binalaan niyang alisin nito ang huling vinideo niya kung hindi ay hindi lang iyon ang aabutin niya. Takot na takot namang tumango ang lalaki at nagmamadali itong umalis hanggang sa naiwan sila. Nakita niya naman na nakahawak pa rin siya sa braso ni Violet na nagsisimula nang mamula dahil sa higpit ng hawak niya. Agad siyang bumitaw at nakita niya ang takot sa mukha ng dalaga na kanyang ipinag-alala. Akmang hihingi siya ng tawad ay mabilis na hinawakan ni Violet ang kanyang kamay at hinila siya nito kung saan. Maya-maya ay nakarating na sila sa opisina ni Violet at agad na isinara nito ang pinto at mabilis itong humarap sa kanya. “What the hell is that, Vaughn, huh? Ano’ng kasalanan ang ginawa ng lalaking iyon sa iyo para suntukin mo siya?” inis na tanong ni Violet sa kanya pero hindi roon nakatuon ang atensyon niya. Namamaga na ang braso ni Violet at sinundan ng dalaga ang kanyang tingin at napangiwi siya nang hawakan niya ito. “Let me heal that, Violet. May first aid kit ba kayo rito?” tanong niya at agad na naghalungkat siya sa may banyo na hindi man lang hinihintay ang sagot ni Violet. Paglabas niya ay may dala na itong first aid kit at hinila niya si Violet upang umupo sa sofa ng opisina nito at agad na binalot ni Vaughn ang braso ni Violet ng gauze. Habang ginagamot niya si Violet ay nararamdaman niya ang panaka-naka nitong pagtigil tuwing hinahawakan nito ang braso niya. “Sorry for your sore arm. Tsk. I was trying to stop that asshole from filming you. He was filming you from up to bottom, and I immediately got angry. No one can see your body or no one can ever video you without my permission.” Agad naman na umangat ang kilay ni Violet sa kanyang sinabi. “Vaughn, normal na rito na nagv-video ang mga tao lalo na sa mga empleyado. Isa pa hindi naman siguro iyon ang intensyon ng lalaki kanina.” Napailing siya. “I know perverted assholes, Violet. I know that he was going to use you for his own pleasure. Hindi ako papayag na may ibang lalaking nagnanasa sa iyo dapat ako lang.” Natigilan si Violet at agad siyang namula. “V-Vaughn, ano ba naman iyang sinasabi mo?” Napangisi si Vaughn dahil mukhang hindi sanay itong makarinig ng mga malalaswang mga salita. “Bakit? May mali ba sa sinabi ko e iyon nga ang nararamdaman ko.” Nang matapos ni Vaughn balutin ng gauze ang braso niya ay linapit niya ang mukha niya kay Violet na halatang kinakabahan. “Y-You can’t kiss me without my permission.” Paalala nito sa kanya. “Alam ko. Once I made you fall in love with me, I will do all naughty things to you, Violet. Kaya habang hindi ka pa nahuhulog sa akin ay hindi ako papayag na babastusin ka ng kung sinu-sino.” Agad na tumapang ang itsura nito na kanyang ikinatawa ng mahina. “Bastos! Lumabas ka na nga at bumalik ka na sa pwesto mo.” Pagtataboy nito sa kanya na agad namang sinunod ng lalaki. Nang makalabas si Vaughn ay nakahinga ng maluwag si Violet at nang tumayo siya ay ramdam na ramdam niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Unang beses na maramdaman niya iyon na para bang isang leon ang gustong-gusto na siyang kainin pero hindi bilang pagkain. Nang damhin niya ang puso niya ay sobrang bilis nito. Nang maging ayos ang pakiramdam ni Violet ay lumabas siya ng kanyang opisina at nakita niyang abala nang nag-uusap ang dalawa. Nang mapansin ni Vaughn na mukhang nakatitig siya rito ay kinindatan siya nito at agad naman siyang umiwas. Nagtrabaho na lamang siya at umakyat siya sa third floor upang tignan ang mga customers. Pag-akyat niya ay naisipan niyang silipin si Vaughn sa balkonahe at kahit sa malayo ay pansin niya ang pagiging gwapo nito. Napasimangot na lamang siya dahil dapat walang ganyang taong sobrang gwapo. Habang nakatitig siya kay Vaughn ay gulat siyang napatingin sa kanyang tabi nang tumabi sa kanya si Laura. “Malayo ang tingin…” kanta nito na agad ikinakurap ni Violet. “Grabe ka naman makatitig kasi kay Sir Vaughn. Bakit ba kasi pinipigilan mo ang sarili mo na kausapin siya?” “Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?” Kunot noong napatingin sa kanya si Laura. “Violet, ang isang gwapong lalaking tulad niya ay dapat kinikilala mo mula loob hanggang labas. Aba at iilan na lang ang mga lalaki ngayon na talagang pagtiya-tiyagaan na manligaw noh. Karamihan ng mga lalaki ngayon ay inuuna na ang tawag ng laman kaysa ang tawag ng puso at isip noh. Ang swerte mo nga kasi hinihintay ka talaga niya hanggang sa matapos ang shift mo.” Napailing naman si Violet sa sinabi ni Laura. “Laura, ayoko lang kasing maulit iyong nakaraan ko. Nahirapan akong makapag-move on nang mga pagkakataon na iyon. Paano kung gano’n din si Vaughn at magsisi lang ako sa huli?” Napahinga ng malalim si Laura at hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat at hinarap siya nito. “Violet, sa mundo ng pag-ibig ay kailangan mo talagang sumugal. No pain, no gain ika nga nila ‘di ba? Wala ka naman sa fairytale na palaging may happy ending. Tignan mo nga iyong mga disney princesses e bago sila nagkaroon ng happily ever after ay marami na muna silang pinagdaanan ‘di ba? “Nagkataon lang talaga na hindi ka kasi prinsesa at hindi siya prinsipe pero iyong story niyong dalawa ay parang pang-fairytale. Kaya kung ako sa iyo ay subukan mong luwagan iyang turnilyo ng puso mo. Sige ka. May kasabihan tayo palaging nasa huli ang pagsisisi.” Matapos ng mahabang litanya ni Laura ay muling napatingin si Violet kay Vaughn. Habang nakatingin siya sa binata ay napansin niya na hinahanap siya ni Vaughn at pagkatapos ay biglang napaangat ang tingin ni Vaughn sa kanya at kumaway ito sa kanya. Kung kanina ay umiwas siya ng tingin ngayon ay hindi niya iyon ginawa. Bagkus ay matapang niyang sinalubong ang mga titig nito sa kanya. Nasa isip niya pa ang mga sinabi sa kanya ni Laura kaya naman napahinga siya ng malalim at naisipan niyang bumaba mula sa third floor. Halos takbuhin niya pababa ang hagdan at nang makarating siya sa pinaka-unang baitang ay mabilis siyang dumiretso kay Vaughn na halatang nagulat din sa kanyang ginawa. Pagkatapos ay dire-diretso siyang lumapit sa table nila Vaughn na mukhang nakatitig lang sa kanya ng mataman. “Hello, my love. May kailangan ka yata sa akin?” tanong ni Vaughn at agad niyang hinawakan ang kamay ni Vaughn at hinila niya ito patayo at kinaladkad ito papunta sa kanyang opisina. Nang dumako ang mga mata niya kay Laura ay nakita niyang pumapalakpak ito at tumatalon na parang bata. Nang makarating sila sa kanyang opisina ay agad niyang linock ang pinto ng kanyang opisina na hindi naman niya ginagawa. Pagharap niya kay Vaughn ay kapansin-pansin ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kanya. Humalukipkip si Violet at mataman niyang tinitigan si Vaughn sa kanyang mga mata. “Okay? What seems to be the problem?” tanong ni Vaughn sa kanya. “May ginawa ba akong mali? Am I in trouble?” Napalunok na lamang si Violet at mabilis siyang lumapit kay Vaughn at ang sunod niyang ginawa ay hindi niya akalain na gagawin niya sa tanang buhay niya. She kissed Vaughn on the lips habang nakatingkayad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD