Nang matapos mag-grocery si Violet ay nakaramdam siya ng gutom dahil hindi na siya nag-almusal nang matapos siya sa kanyang trabaho. Nang matapos siyang kumain ay pumunta na muna siya ng restroom bago siya umuwi at magpahinga. Pero paglabas niya ay gano’n na lang ang gulat niya nang makita niya sa restroom ng mga lalaki ang isang gwapong lalaki na parang galing sa isang Forbes magazine. Ang nakakaakit dito ay ang kanyang mga mata na kulay berde na kung titignan ay para itong nakasuot ng contact lens.
Hindi niya pinapansin na nagulat siya lalo na nang magtama ang kanilang tingin. Pinilit niyang pinakalma ang kanyang sarili lalo na at napapansin niya sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ang lalaki sa kanya. Gusto niyang mamula kaya naman bago pa mawala ang pagkukunwari niya ay mabilis siyang naglakad palabas upang kunin ang iniwan niyang grocery sa guard.
Nang makalabas siya ay tumayo siya sa gilid ng kalsada upang maghintay ng taxi pero nagulat na lang siya nang may tumigil na kotse sa kanyang harapan. Lumabas ang nasabing lalaki at halos mapalaki ang kanyang mga mata nang makita niya iyong lalaking nakita niya kanina sa loob ng restroom. Pinagmasdan niya kung paanong lumapit sa kanya ang lalaki sabay ginawaran ito ng ngiti.
“Hi. I’m not a stalker, and I’m not also a bad person, but is it okay if I help you with your groceries.” Napanganga na lang si Violet sa inakto ng estrangherong lalaki sa kanyang harapan.
Bumalik siya sa tamang huwisyo nang makarinig na lang sila ng pito ng guard dahil nakaharang sa daan ang kotse ng lalaki.
“Uhm…” Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya naman napilitan na lang siyang sumama sa nasabing lalaki.
Binuhat nito ang buhat niyang plastic bag at mabilis itong linagay sa trunk ng kanyang kotse. Pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto at saka siya sumakay dito bago rin ito sumakay papasok sa kanyang kotse. Minaneho na nito ang kanyang kotse at binagtas na nila ang kalsada paalis sa lugar na iyon.
Nang bumalik na siya sa kanyang katinuan ay doon lang niya napagtanto na isang pagkakamali ang kanyang ginawa. Hindi dapat siya nagpadala sa kagwapuhan ng lalaking kasama niya dahil talamak ngayon ang mga serial killer sa ibang bansa.
“So? Where do you live?” Napatulala siya sa lalaki at nakita nanaman niya ang gwapo nitong mukha.
“You kidnapped me!” Bigla niyang paratang sa lalaki kaya naman bigla na lang napa-preno ito at buti na lang ay nakasuot siya ng seatbelt kung hindi ay baka tumilapon na siya.
“Excuse me, what? I kidnapped you? Sa gwapo kong ito mangingidnap ako? Wow!” Mas nagulat siya nang marinig niya itong magsalita ng Tagalog.
“A-Alam mong magsalita ng Tagalog?” Minulagatan lang siya nito na para bang sinasabi na obvious ba? “Uhm, okay. I-Ibaba mo na lang ako at maghihintay na lang ako ng taxi sa tabi.”
“What? We are on a highway, miss. Kung ibababa kita rito e di nahuli pa ako ng police. Isa pa, ay pumayag kang sumakay sa kotse ko tapos paparatangan mo ako ng kidnapping?” Napakunot si Violet sa sinabi ng lalaki.
“Pumayag? Ako? FYI, hindi ako pumayag sa gusto mo dahil inipit mo ako kanina. Sinisita tayo ng guard at bigla mo na lang kinuha iyong grocery na hawak ko. Pinasakay mo ako sa kotse mo at hindi ko alam kung saan mo ako dadalhin! Kaya ibaba mo na ako o tatawag ako ng 911 at isusumbong kita for kidnapping.” Natawa na lang ang lalaki sa mga sinabi niya at napailing na lang siya nang ilabas niya ang kanyang cellphone at dinial nga niya ang 911.
Pero agad na nawala sa kamay niya ang kanyang cellphone at pilit niya itong inaabot mula sa lalaki hanggang sa ginawa ng lalaki ang hindi kapani-paniwalang bagay. Ang hinayupak na lalaki ay tinapon ba naman ang cellphone niya sa labas ng bintana sabay pinaandar na nito ang kanyang kotse. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa lalaki at pakiramdam niya ay para na siyang bulkan na sasabog.
“You! Sino’ng nagsabi sa iyo na itapon mo ang cellphone ko? Bwisit ka! Hindi mo ba alam na pinaghirapan kong bilhin ang cellphone na iyon tapos itatapon mo lang?” sigaw niya sa lalaki. “Ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Kidnapper!” sabi niya sabay pinagpapalo sa braso ang lalaki.
“Hey! Stop! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo.” Ilag ng lalaki sa bawat palo niya. “Titigil ka o gagahasain kita rito?” Agad naman siyang napatigil at nakaramdam ng takot sa sinabi ng lalaki at agad siyang napaupo na lang.
Hindi siya umimik at napatingin na lang sa labas ng bintana habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Iniisip ni Violet nang mga oras na iyon ay marahil katapusan na niya at hindi na niya muli pang makikita ang pamilya niya. Pakiramdam niya simula nang hindi siya siputin ni Jake sa kanilang kasal ay parang mas naging malas pa ang buhay niya.
Wala naman siyang balat sa pwet para habulin siya ng malas pero naisip niya na marahil ay talagang hindi lang siya swerte. Sa isipin na puro masasamang bagay ang nangyayari sa kanya at puro kamalasan din lang naman ang lahat sa buhay niya ay naisip niyang magpaubaya na lang sa lalaki. Hindi naman siya talo dahil gwapo naman ang kidnapper niya at mukhang mayaman pa at nagsasalita pa sa lenggwahe niya.
“May alam akong lugar na pwede nating gawin ang gusto mo at sigurado na hindi na makikita pa ang bangkay ko,” sabi niya bigla at agad na napatingin si Vaughn sa babae. “Ipangako mo lang na oras na hanapin ako ng pamilya ko ay sasabihin mo na wala kang kasalanan sa nangyari at ginusto ko ang lahat ng nangyari sa atin.”
Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ni Vaughn ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa tono ng babae na para bang naniwala nga ito sa kanyang sinabi. Napahinga na lang siya ng maluwag at agad na itinabi ang kotse sa isang convenient store at biglang nagtaka ang babae. Napatingin ito sa kanya at akmang magtatanong ito nang unahan niya na itong magsalita.
“Hindi ako mamamatay tao at mas lalong hindi ako kriminal. Kung gusto mong maghintay ng taxi rito ay bumaba ka na sa kotse ko pero kung naniniwala ka sa sinabi ko ay ihahatid kita sa inyo.” Medyo nag-alangan si Violet pero may nagsasabi sa kanya na paniwalaan niya ang lalaki at iyon nga ang kanyang ginawa.
Hindi malaman ni Violet kung bakit siya naniwala sa lalaki gayong hindi naman niya ito gaanong kakilala. Nakapagtataka rin na simula nang sabihin niya sa binata ang lugar kung saan niya huling makikita ang kanyang buhay ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kung kanina ay may ngiti ito sa kanyang mga labi pero ngayon ay seryoso ito at para itong naiinis.
Napaisip tuloy siya kung naiinis ba ang lalaki sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Nagtataka tuloy siya kung totoo nga bang hindi kriminal ang lalaki dahil halos palayasin na siya nito kanina sa kanyang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ay itinuro na nga niya ang daan papunta sa apartment na tinitirhan niya at nakapagtataka na sinunod nga ito ng lalaki.
Hindi niya alam kung nagpapanggap lang ba ang lalaki o talagang swerte lang siya at binigyan pa siya ng panginoon ng isa pang pagkakataon. Nang makarating sila sa nasabing parking lot ng kanyang apartment ay hindi siya makapaniwala na buhay pa siya kasama ang isang estranghero. Pareho silang tahimik at walang gustong magsalita kaya naman naisipan niyang siya na ang mauna.
“H-Hindi ka ba talaga kriminal o kidnapper?” Napailing ang lalaki at para itong naiinis na hindi siya naniwala sa sinabi niya kanina.
“Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo na ang tingin mo sa akin ay isang kriminal? Ano’ng gusto mong gawin ko? Ipakita ko pa sa iyo lahat ng credentials ko para lang maniwala ka?” Napasimangot naman siya at bigla na lang siyang napatungo.
Natameme naman siya at nang mapatingin siya sa lalaki ay bigla siyang nakaramdam ng konsensya rito. Kaya naman naisipan niya ang humingi ng tawad sa lalaki kahit na naiinis siya ng kunti rito dahil sa ginawa niyang pagpilit na sumakay sa kanyang kotse. Napatingin lang sa kanya ang lalaki at tipid siyang napangiti rito sabay inalis na niya ang kanyang seatbelt. Akmang lalabas na sana siya ng sasakyan nito nang bigla siya nitong pigilan.
“Why?” simula nito na kanyang ipinagtaka. “Hindi ako isang kriminal pero sabihin natin na may masama nga akong balak sa iyo, bakit ka pumayag?” tanong nito at bigla siyang napakibit balikat.
Napasandal ito sa kanyang upuan sabay pinag-iisipan kung sasabihin niya ba sa lalaki ang kanyang talambuhay. Napangiti na lang siya ng mapait sabay linabas sa kanyang blouse ang nakatagong kwintas na may nakasabit na singsing. Ang singsing na iyon ay ang engagement ring na binigay noon sa kanya ni Jake bago ang kasal.
“You see this ring? It’s my engagement ring.”
“You’re married?” tanong nito sa kanya at napailing si Violet.
“I was about to, but it didn’t happen. Nang araw ng kasal ko ay hindi ako sinipot ng mapapangasawa ko. Hindi ko alam kung ano ang totoong rason niya pero simula nang mangyari ang kahihiyang iyon ay pakiramdam ko ay palagi na lang akong malas. I ran away from the embarrassment and lived a new life here. It’s not the same.” Mataman na pinapakinggan siya ng lalaki sabay tinago niya ang kanyang kwintas.
“Iyon ba ang rason kung bakit ka pumayag dahil ang akala mo ay wala na rin namang saysay ang buhay mo?” Tumango siya. “I find it stupid.” Napakurap siya sa sinabi ng lalaki at nagtataka siyang napatingin dito.
“Stupid? Bakit mo naman nasabi iyon? Hindi mo nga alam kung ano ang pinagdaanan ko e.” Medyo tumaas na ang kanyang boses.
“Oo. Hindi ko nga alam kung ano ang pinagdaanan mo pero sa tingin mo ba ay ikaw lang ang may problema sa mundo?” Natameme siya bigla. “Marami sa atin ang problema nila ay wala silang makain o kung mabubuhay pa sila bukas pero ikaw ay sasayangin mo lang ang buhay mo ng dahil lang sa lalaki?
“Why? I find it odd. Love hurts but it’s not enough reason to kill ourselves because of it. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo at hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo pero ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa iyo ng Diyos para mabuhay. If you are living right now then there’s a reason why. All you have to do is to find out what that reason is,” mahabang paliwanag nito.
Sa unang pagkakataon ay para siyang sinampal sa katotohanan ng kanyang buhay makalipas ang isang taon. At ang nakatatawa ay tanging isang estranghero pa ang magpapaintindi nito sa kanya. Hindi niya alam na ilang salita lang galing sa boses ng lalaking ito ay matatauhan siya sa kanyang ginawa.
Sa hind malamang dahilan ay bigla na lang siyang naluha dahil sa tuwa. Hindi niya mapigilang tumulo ang luha niya at nakita niya na halos mataranta ang lalaki. Natawa na lang siya sa inakto nito at agad na pinahid nito ang kanyang mga luha.
“Thank you,” sabi niya sa lalaki at agad na napangiti ang lalaki sa kanya. “Hindi maganda ang unang pagkikita natin pero gusto kitang pasalamatan.”
“With a kiss?” Napailing na lang siya sa tanong nito sa kanya.
“No, but I’d rather tell you my name. I’m Violet. Violet Mostrales.” Lahad niya ng kamay sa lalaki. Nang banggitin nito ang apelyido niyang Mostrales ay agad na napataas ang kilay ni Vaughn. Naisip niya kung may koneksyon ba ang dalaga sa kaibigan sa Pilipinas na si Xander.
“Vaughn. Vaughn Brixton. Nice to meet the woman who told me that I was a criminal.” Nagtawanan na lang silang dalawa sa sinabi nito. Pagkatapos ng kanilang unang pagkikita ay inaya ni Violet si Vaughn sa kanyang apartment na tinanggap naman ng binata. Dahil sa bagong tao na nakilala ni Vaughn ay nakalimutan na niya ang kasamang kanina pa naghahanap sa kanya.
“Sire, it’s affirmative. Your son is missing again.” Napamura si Max ng tahimik habang hinahanap ang binata. “I really apologize for my mistake.”
“Don’t be, Max. Don’t worry. I’ll make sure that we are going to find him, and this time I will force him to do his duties whether he likes it or not.”
“Yes, sire.” Pagkababa ni Max ng telepono ay napailing na lang siya sa kamaliang ginawa niya. Nagalala siya at maraming masasamang bagay na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Sana lang ay ayos ito lalo na at malapit na ang itinakdang araw.