Chapter 4

1947 Words
Nang araw na iyon ay doon na pinatulog ni Violet ang binata at kahit hindi man niya ito lubusang kilala ay naging maganda ang kanilang pag-uusap. Marami siyang nalaman tungkol dito at isa na roon na galing ito sa Europa. Hindi man nito sinabi sa kanya kung saan ay alam niya na may lahing banyaga ang lalaki dahil na rin sa mga mata nito.   Pinatulog nito ang lalaki sa sofa na agad naman nitong tinanggap dahil iisa lang ang kwarto niya sa kanyang apartment. Habang naghahanda na siyang matulog ay hihiga na sana siya nang maisipan niyang silipin kung kumusta na ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya na halos nangangatog ito sa lamig kahit na makapal ang kumot na gamit nito. May heater naman sa loob ng bahay pero nasa loob lamang ito ng kanyang kwarto.   Napatingin naman siya sa kanyang kama at nakita niyang malaki naman ang kanyang kama. Pero pinag-iisipan niya kung patutulugin niya ba ito rito o hindi lalo na at hindi pa sila gano’n magkakilala. Dapat nga ay hindi niya pinatulog ang lalaki sa kanyang apartment pero bilang pasasalamat na rin sa kanyang ginawa ay siya na ang nag-alok dito.   Isasara na sana niya ang kanyang pinto nang makonsensya siya kaya naman lumabas siya ng kanyang kwarto. Doon niya naramdaman ang lamig kaya naisip niya na kawawa naman ang binata sa salas. Mabilis niyang ginising ito na agad namang nagmulat ng kanyang mga mata.   “Uhm, g-gusto mo bang matulog sa kwarto ko? May heater doon at kung ayos lang sa iyo ay tabi na lang tayo dahil maluwang naman iyong kama ko.” Napangiti si Vaughn sa kanya.   “Are you sure about that? Paano kung may gawin ako sa iyo?” tanong nito na ikinasimangot niya.   “Kanina mo pa sinasabi iyan pero hindi mo naman ginagawa. Kung totoo nga iyan ay kanina pa sana ako wala rito.” Natahimik naman ang binata at agad na siyang tumayo upang sumunod kay Violet.   Pagpasok ni Vaughn sa kanyang kwarto ay napailing siya ng tahimik sa kanyang sarili dahil alam niya na kanina pa siya nagnanasa sa babae. At oras na tumabi siya kay Violet at maamoy ang halimuyak nito ay baka maulol lang siya. Napatingin siya sa paligid ng kwarto at nakita niya ang isang sofa bed na may kaliitan pero sakto lang sa kanya. Agad niya itong linapitan at sinabing doon na lamang siya matulog.   “Sigurado ka ba?” tanong nito na kanyang ikinatango.   “Violet, hindi ko alam kung bakit ang laki ng tiwala mo sa akin pero lalaki pa rin ako at babae ka. Maganda ka, gwapo ko at malakas ang appeal nating dalawa. Kahit hindi ako kriminal ay baka makagawa ako ng krimen ng wala sa oras. Kaya pumayag ka na bago pa magbago ang isip ko.” Nakita niyang napalunok ito at tumango ito na kanyang ipinagpasalamat.   Nang maka-pwesto na si Vaughn ay hindi mapigilang mapakagat sa labi ni Violet. Paano ba naman kasi ay halos mamula siya nang marinig niya mula sa bibig ng lalaki na maganda raw ito sa paningin niya at pareho pa raw silang may s*x appeal. Pinatay ni Violet ang ilaw at sinabi ang good night kay Vaughn na sinagot din naman nito.   Nang humiga na siya ay hindi niya masupil ang kanyang ngiti dahil sa kalokohan ng binata. Pero agad din itong napawi nang mapagtanto ni Violet na ang lalaki ay kasapi sa grupo ni Jack na isang babaero. Alam niya na marami nang napaiyak na mga babae ang lalaki dahil gwapo ito.   Sigurado rin siya na marami na ring naikama ang lalaki dahil ayon na rin naman sa sinabi nito na lalaki siya at babae siya kaya hindi mapipigilan na may mangyari sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na ang mga katulad ni Vaughn ay hindi dapat pinagkakatiwalaan pagdating sa salitang pagmamahal. Kaya naman habang maaga pa lang ay sinasabi na ni Violet sa kanyang sarili na hindi dapat siya pumatol kay Vaughn o kaya naman ay mahulog ang loob niya rito. Pagkatapos niyang magmuni-muni ay ipinikit na ni Violet ang kanyang mga mata at mabilis na nakatulog.   Kinabukasan ay maagang nagising si Vaughn at nakaramdam siya ng kakaibang pangangawit sa kanyang likod at balakang. Doon niya lang naalala na natulog pala siya sa sofa bed ng dalaga na saktong-sakto sa kanya kaya halos iisang posisyon lang ang pagtulog niya. Isa pa ay masyadong maliit sa kanya ang sofa bed kaya ang paa niya ay halos lumampas na rito.   Tumayo siya at agad niyang ininat ang kanyang katawan nang mapatingin siya sa dalaga na mahimbing na natutulog. Linapitan niya ito at tumabi ito sa gilid ng kama ng babae sabay pinagmasdan niya ang mukha ng babae. Sa dami ng babae na dumaan sa buhay niya ay ito lang ang bukod tanging umagaw sa kanyang atensyon.   Ni hindi nga niya nasubukan na sumunod sa isang babae dahil kadalasan ay siya ang hinahabol ng mga ito. Hindi niya rin nasubukan na mamilit ng babae na sumakay sa kotse niya dahil babae rin mismo ang namimilit sa kanya. At ngayon ay nakitulog pa talaga siya sa apartment ng babae na walang nangyari sa kanila na hindi niya rin ginagawa.   Sa pinaka-unang beses na nakilala niya ang babae ay ang dami niya agad ginawa na taliwas sa mga ginagawa niya noon. Pero habang nakamasid siya sa magandang mukha ng babae ay nawala ang kanyang ngiti nang maalala nito ang sinabi nito sa kanya. Sa ganda ng babae ay hindi niya akalain na magagawa ng lalaking iyon ang iwan ito sa altar.   Hinaplos niya ang pisngi ng babae at gumalaw ito para itago ang kanyang mukha sa unan na kanyang ikinangiti. Saktong-sakto rin ang pangalan nito sa amoy ng pabango nito na amoy lilac dahil kasing bango niya ito. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang papel at sinulat niya roon ang kanyang numero sabay iniwan ito sa study table niya.   Hindi na niya ginising ito dahil ayaw niyang sirain ang magandang tulog nito. Lumabas na siya ng apartment ng babae nang paglabas niya sa mismong gusali ay gano’n na lang ang gulat niya nang makita niya mula sa ere ang isang helicopter. Napailing na lang siya dahil naalala nga niya pala na iniwan niya si Max at marahil ay nag-alala ito sa kanya.   Mabuti na lang at maaga pa kaya wala pang masyadong nakaririnig ng helicopter at nang mapatingin siya sa nakaparada niyang sasakyan ay doon niya nakita ang nakatayong si Max. Suot na nito ang kanyang uniporme bilang kanyang butler at nang makita siya nito ay agad itong yumuko at linagay ang kanang kamay nito sa kanyang dibdib.   “Good morning, your highness. We’ve been searching high and low for you just to find out that you are here.” Huminga siya ng malalim sabay sinukbit ang kanyang jacket at linagpasan si Max.   “Max? Tell my father he doesn’t need to worry about me anymore.” Tumango naman si Max at agad na sumunod sa kanya.   Pagkatapos ay sumakay na silang dalawa sa nakaparadang helicopter sa di kalayuan kung saan ay walang katao-tao. Pagkatapos ay lumipad na ito paalis sa apartment ni Violet habang nakamasid siya rito. Napangiti siya nang maalala niya ang magandang mukha nito at sinabi niya sa sarili na babalikan niya ito.   Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na rin sila sa wakas sa bansa ng Italya. Pagdating nila sa airport ay nakita na niya ang naghihintay sa kanila na limousine na may royalty flag. Gusto niyang matawa dahil bakit kailangan pa talagang ipangalandakan sa buong siyudad na isa siya sa royalty.   “Good to have you back your highness,” sabi ng driver pero hindi niya ito pinansin.   Sumakay na siya sa limousine at agad na itong umandar papunta sa palasyo ng kanilang pamilya. Oras na makarating siya sa kanilang bahay ay sigurado siyang babatuhin siya ng kanyang ina ng maraming tanong at maraming sermon. Sa pamilya kasi nila ay siya na yata ang pinaka pasaway sa kanilang lahat.   Wala siyang pakialam sa mga panuntunan ng pagiging royalty at mas lalong hindi niya ginagawa ang kanyang mga responsibilidad bilang anak ng Hari at Reyna. Simula nang mamulat na siya ay palaging sinasabi sa kanya na siya ang susunod sa trono ng kanyang ama. Tinanggihan niya ito dahil siya naman ang ikalawa sa mga anak pero ang kanyang kuya ay simula’t sapol ay ayaw maging parte ng pamilya nila.   Masyado raw kasi itong magulo at ayaw niyang mamuhay sa buhay na puno ng kapahamakan. Kaya naman sinuway ng kanyang kuya ang kanilang mga magulang at kinasal ito na walang pahintulot mula sa kanila. Ang labas tuloy ay disqualified siya bilang success to the throne na mas lalo niyang ikinainis.   Pagdating nila sa kanilang palasyo ay wala pa lang sila sa mismong gate ay para na siyang nasasakal. Tuwing umuuwi siya sa palasyon na ito ay para siyang walang kalayaan at lahat ng bawat hakbang niya ay nababantayan. Nang tumigil ang sasakyan ay napipilitan siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa kanilang palasyo.   Pagpasok pa lang niya ay tama ang hinala niya na nandoon na ang kanyang mga magulang at hinihintay siya. Lumapit siya sa mga ito at agad na humalik siya sa pisngi ng kanyang ina habang humalik naman siya sa kamay ng kanyang ama.   “I’m here,” tinatamad niyang sabi.   “Anak, mabuti naman at naging maganda ang byahe mo. Hays. Hindi ko lang maintindihan kung bakit palagi mo na lamang kaming tinatakbuhan ng tatay mo.” Napairap siya sa hangin.   “Hindi niyo pa ba alam kung ano’ng dahilan?” inis niyang sagot.   “Vaughn! Hindi ka namin pinalaki para sumagot ng pabalang. Iyan ba ang nakuha at natutunan mo sa pananatili mo sa Pilipinas kasama ang mga walang modo mong kaibigan?” Sumama ang tingin niya sa kanyang ama at agad naman na sinita ng kanyang ina ang ama nito.   “Tss. Walang modo? Mas mabuti nang walang modo kaysa naman sa may pinag-aralan nga pero hindi naman marunong rumespeto sa mas mababa sa kanya. I would rather leave with those ungrateful bastards than live in a sick palace like this.” Agad siyang nakaramdam ng sampal mula sa kanyang ama at naramdaman niya pa ang pagtama ng matigas na bagay sa kanyang pisngi.   Napangisi na lamang siya sabay pinahid ang dugo na galing sa kanyang mga labi sabay masamang napatingin sa kanyang ama.   “Kung alam ko lang na lalaki kang walang respeto ay matagal na sana kitang tinakwil. Parehas na parehas kayong dalawa ng kuya mo. Naging maganda ang buhay niyo pero sinasayang niyo lang sa mga walang kwentang bagay. Bakit ba ako nagkaroon ng mga anak na tulad niyo?” Turo sa kanya ng kanyang ama at halos kuyom ang kanyang kamao na pinipigilan ang sarili na huwag patulan ang kanyang ama. Ama niya pa rin ito at kahit papaano ay may respeto pa rin naman siya rito.   Upang wala na siyang masabi pang iba ay nag-walk out na lang siya at narinig niyang tinawag siya ng kanyang ina. Hindi niya ito liningon at mabilis siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagmukmok doon. Hindi niya mapigilang isipin na marahil kaya nagkaroon ng pasaway na mga anak ang kanyang ama dahil masama rin naman ang budhi nito.   Alam naman niya na ang dahilan kung bakit nito pinakasalan ang kanilang ina ay dahil palubog na noon ang kanilang pamilya. Simula nang mawala na ang royalty sa Italy ay kinailangan nilang mamuhay ng normal at hindi iyon matanggap ng kanyang ama. Kaya naman pinili niyang pakasalan ang isang prinsesa na mula pa sa Spain para lang muling umangat. Ngayon ay ipipilit niya ito sa kanila para lang sa pangalan niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD